Art In His Breath (Japan Seri...

Autorstwa whiskelle

41.1K 2.2K 2.1K

Second Installment - Kyoto Ang panalangin ko ay... sana'y mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal mo sa sining. M... Więcej

Art In His Breath
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue 1
Epilogue 2

Chapter 12

597 54 25
Autorstwa whiskelle

Chapter 12

Nang imulat ang mga mata ay ipinagpatuloy ko ang pangungumbinsi kay Yuki.

"Yuki, hindi totoo 'yon! Nagsisinungaling lang si Geraldine! Bigla na lang silang narito-"

"Stop it. Let's go."

Hinigit ng lalaki sa gilid ko ang aking braso. Marahas kong binawi ang kamay ko.

"Kinakausap ko pa si Yuki!"

"Kakausapin mo gayong sasaktan ka?! Umalis na tayo at sasaktan ka lang niyang tukmol na 'yan!"

Nilingon kong muli ang kaibigan. Wala akong makita sa kaniya kundi galit. Nakakalungkot lang na agad siyang napaniwala ng kasinungalingan, na hindi niya ako pinagkakatiwalaan.

Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Miro. Nakatulala lamang ako at hindi na pinagtuonan pa ng pansin ang daan na tinutungo namin.

Kung galit si Yuki sa akin, paniguradong hindi na ako noon pagtatrabahuhin sa Yasaka. At kung pipilitin ko siya... Aba't hindi ko magagawa iyon! May kakahiyan naman ako, ano! Kahit pa ba alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan, e, kung iyon naman ang pinapaniwalaan niya?

I sighed.

Sayang at patapos na ang klase. Imbes na na-maintain ko ang relasyon namin ni Yuki, nawala pa.

"Congratulations in advance nga pala, Riem. Malapit na tayong gumraduate sa Senior Highschool."

Nawala ako sa mga iniisip nang madinig ang boses ng lalaki sa tabi ko. Kunot-noo ko itong sinulyapan at inalisan ng tingin. Nakapagtataka na iyon ang una niyang mga kataga. Akala ko ay magtatanong pa ito tungkol sa naabutang eksena kanina.

"Salamat. Ikaw din," walang-buhay kong sabi.

Bigla tuloy akong napaisip. Kung narito si Diamond ay panigurado, mabobored lang siya. Hindi na niya ako masasamahan sa pagbebenta dahil wala na akong trabaho. Mabuti rin pala na nasa Pilipinas siya ngayon.

"Saan ka magcocollege?" tanong na pumasok sa tenga ko ngunit agaran ding lumabas sa kabila.

Naalala ko ang cellphone na ibinigay sa akin. Kung buksan ko na kaya iyon mamaya pagkauwi? I will rant to Diamond.

Ngunit ang sabi ni Finn sa akin ay pagkatapos pa ng apat na buwan marapat buksan! Sa susunod pa na buwan iyon! Baka masira kung hindi ko siya susundin!

Saglit akong napatigil sa paglalakad habang inaalala iyong pinakabisado na salita sa akin ni Finn. Iyong username daw sa Instagram!

I hissed. What is it again? I forgot!

Username... username... username...

Ano nga pala iyon!

"Riem, naririnig mo ba 'ko? Saan ka magcocollege?"

"Drvidales!" I yelled.

Namamangha akong tumingin kay Miro na nagulat sa pagsigaw ko.

"Drvidales!"

"Huh? May school ba na ganiyan?"

"Huh?"

His brows met.

"Tinatanong kita kung saan ka magcocollege. You answered 'drvidales'. Ngayon napapaisip ako, parang wala namang school na kapangalan niyan."

I chortled.

"Hindi!" Nangingiti kong sabi. "Hindi ako magcocollege!"

"Huh?! Hindi ka magcocollege?!"

I bobbed my head repeatedly, smiling.

"Bakit mukha ka pang masaya?" lito nitong tanong. He squinted his eyes at me as if he is looking at a crazy woman.

Gumitaw ang mas malawak na ngiti sa aking labi. Iginala ko ang tingin sa paligid at saktong ang nilalakad namin ay daan pauwi sa aking bahay!

"Miro, salamat nga pala sa pagpigil mo kay Yuki na sapakin ako kanina. Huwag kang mag-alala, sasamahan kita mananghalian makaisang beses sa susunod na linggo! Mauna na ako at kailangan ko ng umuwi sa bahay!" I said unconsciously, joy gradually swallowing me.

Hindi ko na hinintay pa ang tugon niya. Tinalikuran ko ang lalaking pulang-pula ang mga pisngi at tinakbo ang distansya patungo sa pasukan sa Bamboo Grove.

Habang tumatakbo pauwi ay panay ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko na alam kung dahil ba sa pagtakbo iyon o kaba. Ang username din ni Diamond sa instagram ay walang patid na namumutawi sa aking bibig. Baka mamaya kasi ay makalimutan ko!

And the fact that a friend of mine is mad at me entirely vanished.

I closed my eyes as I placed the touchscreen phone above my chest. My heart was beating so fast! Pakiramdam ko ay sasakabilang lugar ito!

Bumuga ako sa hangin. Siguro naman ay kahit na hindi ko na sundin ang sinabi sa akin ni Finn na apat na buwan?

Dali-dali ngunit maingat kong inilapag sa sahig ang cellphone. I stared at it. I then almost hit my head when I realized that I don't know how to open it!

Ang cellphone na mayroon kami sa bahay ay iyong napulot ni Papa. Maliban sa hindi ko pa nahahawakan iyon, de-pindot lang 'yun! Ibang-iba rito sa nasa harapan ko. In addition, my classmates never let me touch their smartphones. That's why I'm totally clueless with this.

Sinubukan kong buksan iyon sa kahit na anong paraan. Pinindot ko ang mga button sa gilid ngunit walang nangyari. Pinindot-pindot ko ang screen ngunit walang pagbabago. Maging sa pag-alog ko noon ay nanatiling nakasara ang telepono.

Naisip ko na magpatulong sa mga kapatid ngunit baka akalain nilang binili ko iyon. Kagagalitan ako ni Mama panigurado! At isa pa, kilala ko ang mga kapatid ko, kapag nakita nila ito, kukuhanin na nila sa akin. Hindi ako nagdadamot. Ayaw ko lang na mawala sa akin ito dahil kay Diamond ito galing!

Itinabi ko na lang ang cellphone at aalamin muna kung paano iyon paganahin.

Lumabas na ako ng aking kuwarto at dumiretso sa kusina. Noon lamang bumalik ang gutom sa akin. Nakalimutan ko na hindi pa nga pala ako nanananghalian!

Lumabas ako ng bahay, bitbit ang mga sangkap para sa tteokbokki. Nang mailabas na ang lahat, nagsimula na akong magluto.

Binalingan ko ang bahay at nakitang walang nakakakita sa akin. Mabilis akong tumusok ng rice cake sa stick na hawak ko at kinain iyon. Gutom na gutom na talaga ako!

I was about to get some more when I heard the creak of our wooden door. Iniluwa noon si Juanie na nakatitig sa hawak na cellphone. Hindi ako tinatapunan ng tingin, umupo siya sa malayong gilid ko.

Naalis ang tingin ko sa kapatid nang may bumili. Tinitigan ko ito habang naglalagay ng tteokbokki sa cup. She is pretty. Idagdag pa ang maputi nitong balat. May katangkaran ito at sa tingin ko ay naglalaro sa trenta ang edad.

Bumaba ang tingin ko sa mga patong-patong na envelope na karga niya.

"Konbanwa! (Good evening!)" the lady greeted.

I smiled at her and bowed my head a little. I mimicked her greeting.

"Anata wa totemo kireidesu (You are very pretty)," aniya pagkaabot ko noong cup sa kaniya.

My smile became wider. "S-Salamat po..."

Nanlaki ang mga ng babae sa harapan.

Oh, maybe she didn't get it.

"T-Tsumari, arigato (I-I mean, thank you)..."

"'Ne! Pilipino ka?!"

Ako naman ang nagulat ngayon.

"Pilipino ho kayo?!"

"Abe, oo naman! Tignan mo 'ko! Tignan mo 'ko! Ang ganda ko, 'no?!"

Marahan akong natawa. Sunod-sunod ang pagtango kong ginawa.

"Oh, maganda ka rin! Gan'yan talaga 'pag mga Pilipina! Nuknukan ng ganda!"

Nangiti na lang ako. Hindi naman ako madalas makakita ng mga Pilipino. Hindi ko siya masang-ayunan.

"Oo nga pala! Dito ka nakatira?" She glanced at my back.

"O-Opo..."

"Oh... I see... And this is your job? Selling rice and fish cakes?"

"Oho."

Sumubo ito ng rice cake at napalawit ng dila sa init.

"Tapos ka na mag-aral, 'ne?"

"Gagraduate na po ako ng highschool sa katapusan ng b'wang 'to."

"Oh..." She nodded her head slowly. "Sa'n ka sa kolehiyo?"

Bahagya akong nakaramdam ng tuwa. Kung mag-usap kami ay parang matagal na matagal na kaming magkakilala!

"Hindi na ho ako makakapag-college. Alam n'yo na ho... Kapos sa pera."

"Ah... Gusto mo trabaho?" She winked.

Kumalabog ang dibdib ko.

"Po? Ayos na po ako r-rito..." nagkandautal-utal pa ako sa kaba. Mabuti at narito si Juanie! Baka mamaya ay sapilitan ako nitong kuhanin! "Marangal na trabaho itong ginagawa ko, Ma'am. Kahit gaano po kahirap 'to, hinding-hindi po ako papasok sa mga ganiyang klaseng trabaho. Hindi ko ho ibebenta ang katawan ko para sa pera," ika ko, boses ay determinado.

Malakas na napahalakhak ang babae sa harapan. Humingi pa ito ng tubig nang mabulunan. Mabilis ko itong inabutan ng tubig.

"Ine! Ano ka ba naman! Mukha ba 'kong taga-hikayat ng mga ganoon?" She laughed.

I gulped.

"A-Ano'ng trabaho po ba ang t-tinutukoy ninyo?"

"Model! Modelling! Alam mo 'yon? Imomodel mo ang products, gano'n! O 'di kaya nama'y damit, sapatos at kung ano-ano pa. Kuhanan ka lang ng pictures!"

My mouth formed an 'o'. Alam ko iyon! Minsan ko ng narinig si Geraldine na kinukwento iyon sa mga kaklase ko. Pangarap daw niya iyon.

"Ayaw mo? Sayang 'yon! Laki ng pera mong matatanggap sa pagmomodel! Napakaganda mo pa naman! Patingin nga ng legs!" Nailang ako nang yumuko ito at silipin ang mga binti ko sa ilalim ng lamesa na nasa pagitan namin. "Shet! Long-legged! Tan pa ang skintone mo! Dios ko! Ipasok kita sa agency ko, sisikat 'yon! Pati na ikaw!"

Nahihiya akong napangiti.

"W-Wala naman po akong pera para sa mga gamit na kailangan. At saka... hindi po ako sanay. Wala po akong experience sa mga ganoon..."

Napatingin ako kay Juanie na hanggang ngayo'y abala sa paglalaro sa cellphone. Parang wala itong alam sa nangyayari sa paligid. Hindi man lang nililingon ang babae sa harapan namin.

"Aba, siyempre, hija! Ako na ang bahala roon! Ang mga models ko, naku! Alagang-alaga ko mga iyon! Ano?! Game ka ba?!"

I pointed at my sister.

"Ito pong kapatid ko... Mas maganda ho iyan kaysa sa akin... Siya na lang ho ang ayain ninyo," bulong ko.

Nangiwi ang babae at umiling-iling. Sinimangutan ko ito nang mas lalong nalukot ang mukha nang pasadahan ng tingin ang kapatid kong nagmumura dahil siguro nataya sa laro.

"Ilang taon ka na?" she asked, binabalik sa akin ang usapan at pilit na inilalayo kay Juanie.

I exhaled, "Seventeen po. Mag-e-eighteen na."

Pumalatak ito.

"Ikaw ang hanap ko, 'ne."

Ipinatong nito ang mga sobreng hawak sa gilid ng lamesa at dumukot sa kaniyang bag. Buong akala ko ay babayaran nito ang kinain ngunit iba ang inilabas. Inabot niya sa akin ang isang papel na matigas. Card.

Business card ko ito. Itago mo, ha. Nariyan ang ilang mga impormasyon tungkol sa akin. May cellphone ka ba? Kung mayroon, tawagan mo ang numerong nariyan. Kung wala naman, 'wag ka mag-alala. Magagawi ako rito sa susunod na mga linggo. Dapat ay may pinal ka ng desisyon ha. At dapat ay oo iyon!"

I put the card inside the pocket of my skirt.

"Sige ho. Kokonsultahin ko muna po ang mga magulang ko tungkol dito."

She nodded once and got her things back. Bago ito umalis ay kaniya akong kinamayan.

"Ann..." She offered her hand. "Ann Fontanilla- Ay! May asawa na nga pala ako! Ann Hirano pala."

I accepted her hand.

"Bago ko ho sabihin ang pangalan ko, magbayad na muna po kayo. Paalis na kayo at hindi n'yo pa naiaabot ang bayad."

Panis itong nangiti. Bumitaw ito ng hawak at kumuha ng pambayad sa wallet. Nang matanggap iyon ay ako naman ang nag-alok ng kamay. She smiled at me sweetly as she accepted it.

"Dayamanti. Ngunit Riem na lang ho ang itawag ninyo sa akin."

"O siya siya! Babye, Riem! See you soon, my future model!"

Nang dumating ang gabi ay kay rami ng nasa isipan ko. Unang-una ay iyong hindi namin pagkakaunawaan ni Yuki. I am still not sure if I would try harder to make things straight and clear or just let him think what he wants.

Pangalawa ay iyong inalok sa akin na pagmomodel. Saktong-sakto iyon na nawalan ako ng trabaho. Hula ko'y mas malaki pa ang kikitain ko roon. Ngunit paano naman ang kagustuhan kong magpinta? Isasantabi ko?

Pangatlo, ang pinakahuli, ay ang nakakainis na cellphone. I still couldn't open it! Hindi pa ako nairita gaya ng pagkairita ko roon! Ayaw kasi mabukas! Nakakainis!

"Riem... Salamat talaga, ah... Sa wakas ay pumayag ka. You don't know how happy I am right now," si Miro.

Mula sa tray na nasa lamesa ay umangat sa lalaking nasa harapan ko ang mga mata.

I feel irritated with myself because I promised Miro a lunch last time without thinking much.

They are right. Never promise when you're happy.

"Walang anuman. Tanghalian lang ito," wika ko at sumubo ng pagkain.

Unang beses ko iyong makakain ng pagkain sa cafeteria ng school. All are delicious and extravagant. Nakakahiya man at taliwas sa kalooban ay wala akong magagawa kung hindi pagbayarin si Miro. FBecause first, I cannot afford the price. And second, he is insisting to pay for all of the food he ordered.

"Pagkatapos natin dito ay pumunta tayo sa bahay ko!"

I stopped chewing the food in my mouth when I heard him say that. Inabot ko ang Yakult at tinungga iyon. Inilingan ko si Miro habang ibinababa ang bote.

"Hindi puwede, sorry."

At talagang dumaan pa ang gulat sa mukha niya. Para bagang inasahan niyang papayag ako nang ganoon na lang kadali.

"Huh?! Riem naman! Sa bahay lang naman namin! Malapit lang 'yon!"

"Sorry, Miro," ulit ko at itinulak nang bahagya ang tray na may laman pang pagkain. I just lost my appetite.

I jumped in shock when he brutally pushed his tray towards me! Kaunting lakas na lang ay mahahambalos ako noon!

"Miro..." hindi ko makapaniwalang banggit sa pangalan niya. Umusbong ang takot sa akin.

He gestured an apology as he bowed his head. Hinilot-hilot niya ang sentido habang nakayuko. Ako naman ay kunot-noong pinapanuod ang bawat galaw niya.

He lifted his head, "Gomen (Sorry)."

"A-Ayos lang. H-Hindi mo n-naman sinasadya." I swallowed hard. "Uuwi na ako. Papagalitan ako ni Mama kung magtatagal pa," I said and got to my feet.

Habang sinasakbit ang bag sa mga balikat ay tumayo si Miro. Napaatras ako nang sinubukang niyang lumapit. May sandaling nakiraan ang inis sa mata niya.

"Ihahatid na kita," he informed, tone is dead serious.

I was scared! I was so scared that I didn't even say any word! Natakot ako na baka isang pitik na lang sa pasensya niya ay makagawa siya ng kasalanan. Isang marahas na paglunok ulit ang ginawa ko.

"Hanggang sa bungad ka lang, ah..." I said softly as we went outside the school.

Hindi ko na siya sinulyapan. Yamot na ekspresyon niya lang ang makikita ko kung sakali. Hindi ko alam sa kaniya. Galit na siya dahil lang hindi ako pumayag na sumakay sa sasakyan niya pauwi. I don't know. I don't feel safe with him. Moreover, I'm used to walking from school to home.

Habang humahakbang, nahagip ng tingin ko ang paglabas niya ng isang itim na cellphone. Halos kagaya noon ang sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagsulpot sa screen ng brand no'ng phone!

"Pa'no mo ginawa 'yon?" Dumikit ako sa kaniya at pinanliitan ang hawak niya.

"A-Ang ano?"

"Iyon! Iyong pagbukas mo sa cellphone! Paano mo nabuksan 'yan?"

"Ah..." He laughed and went closer to me. Iminuwestra niya sa akin ang button sa gilid. "Pipindutin lang nang matagal. Hanggang sa magvibrate ang cellphone."

I was so amazed with what I learned! Ang ginawa ko kasi dati ay isang mabilis na pindot lang! Tatagalan pala!

Lumayo ako sa katabi nang maramdaman ang marahan na pagdampi ng labi niya sa buhok ko.

"Sorry..." he apologized.

"Ayos lang." Kahit na hindi. I faked a smile. "Pagkatapos pindutin nang matagal? Ano'ng susunod na gagawin?"

"Well... Nasa may-ari na 'yon. Itong sa akin, may passcode pa. May ieenter pa akong mga numero bago mabuksan. 'Yung sa iba naman, pagkapindot nang matagal, bukas na agad."

I slowly bobbed my head.

"Gano'n pala 'yon?"

Napatawa siya.

"Bakit mo naman naitanong? May cellphone ka rin ba?"

Hindi lumagpas sa pandinig ko ang panliliit sa tono ng tanong niya.

"Oo..."

His laugh became louder.

"Baka naman de-pindot lang 'yan, Riem! Hindi na kailangan pa ng matagal na pindot iyon at password! Tanong-tanong ka pa! De-pindot lang ang phone mo!"

Ibinalik ko sa kalsada ang tingin. Kung bago-bago siguro ay maiinsulto pa ako sa pinagsasabi niya. Ngunit sa dalas ba naman ng mga ganoong pananalita sa akin, siyempre ay sanay na ako.

"May instagram ka?" I asked. Aabusuhin ko na ang pagtatanong. I want to talk to Diamond already.

"Huh?" naguguluhang tanong ni Miro.

"Instagram. 'Yung app."

"I know. But why do you ask? Walang Instagram sa de-pindot na phone..." paalala niya, ang pangangantiyaw ay humahalo sa bawat kataga.

"Wala lang. Naitanong ko lang..."

"Ah... Mayroon ako. Kaso ay hindi ko masyadong nagagamit."

"Pa'no 'yun? Gagawa pa ng account gaya sa Line?"

"Oo. Kaso iba 'yun sa Line. Sa Instagram kasi, may followers, following pa. 'Di gaya sa Line na usap-usap lang."

"Pero pwedeng makipag-usap sa Instagram?"

Nagdikit ang mga kilay ni Miro. Siguro'y nagtataka kung bakit madami akong tanong tungkol sa bagay na iyon.

"Oo. Sa direct message."

Maligaya akong tumango. Huminto ako at hinarap siya nang mamataan na ang pasukan sa Arashiyama.

"Salamat, Miro. Sa paghatid at sa libreng tanghalian. Dito na lang ako. Una na ako sa'yo."

"Sige, Riem! Sa susunod ulit! Sana makabisita ka na sa bahay!"

Isang maliit na ngiti ang muli kong iginawad bago siya tinalikuran. Nang makapasok sa looban ay tumakbo na ako. Napapadyak ako sa hangin nang maabutan pa ako ng tren! Gusto ko nang umuwi!

Nang makaraan ang tren ay doble pang takbo ang ginawa ko.

Napaluhod ako sa harapan ng cabinet sa loob ng kuwarto ko nang makauwi. Pinalo-palo ko ang dibdib ko habang hinihintay na kumalma ang puso.

Gaya ng sinabi ni Miro, pinindot ko ang button na nasa gilid. Nalito pa ako dahil dalawa iyon! Sa magkabila! Isang maliit at isang may kahabaan! Mabuti na lang at nagbukas sa una kong subok sa mas maliit.

Nang bumukas iyon ay wala ng password-password! Hinagilap ko ang Instagram at kaagad na nakita! Ang sunod kong pinroblema ay wala raw connection!

Anong connection naman ang pinagsasasabi nito!

Huminga ako nang malalim bago kinalikot ang cellphone. Lahat ay ginawa ko gumana lang iyon. Makalipas ang mahigit na dalawampung oras, nagkaroon na ng connection!

Nakakabilib ka naman, Riem!

Bago ako tuluyang gumawa ng Instagram account, kinabisado ko muna ang lahat ng ginawa ko nang sa gayon ay hindi na ako mangapa sa susunod na bubuksan ko ito.

"Hai! (Yes!)" I cheered after signing up.

drvidales

That's what I typed on the search bar. Napatakip ako sa bibig nang makita ang mukha ni Diamond sa maliit na bilog! Pinigilan ko ang sariling tumili dahil baka akalain ng mga kasama sa bahay na kung ano nang nangyayari sa akin. Maingat kong idinampi ang daliri sa bilog na picture.

drvidales
12posts 5,125followers 100following
Diamond Vidales

Daming followers! Mas marami pa ang followers niya kaysa sa kilala kong mga tao!

I clicked the follow button afterwards. His account is private so I could not send him a message.

Naghintay ako ng limang minuto ngunit walang nangyari. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Finn na abala si Diamond sa pag-aaral. Baka nga busy na busy ito at bukas pa maaccept ang request! Pinatay ko muna ang cellphone at naglinis sa sala. Masasayang lang ang oras ko kung maghihintay nang maghihintay.

Isang oras siguro akong nagtagal sa labas kakalinis. Napakarumi ng bahay! I instanly went inside my room and got the phone after. Nalaglag ang panga ko nang makatanggap ng notification na in-accept na ni Diamond ang follow request!

Agaran kong pinindot ang message na katabi ng salitang 'following'.

Nagsimula akong magtipa ng mensahe para sa kaniya. I wasted more than fifteen minutes! Pagtatype pa lamang iyon! I didn't know what to say!

Sa huli ay isang napakasimpleng message ang sinend ko.

dayamantiriem:
Is this Diamond?

Inasahan ko na magrereply siya pagkatapos na pagkatapos kong isend iyon ngunit hindi! Nakaramdam pa ako ng kahihiyan para sa sarili! Ano ako? Priority? Naku, asa!

For sure, he is studying right now! You should be ashamed of yourself, Riem! Nang-abala ka pa!

Akma kong papatayin ang cellphone nang biglang gumitaw ang tatlong bilog na umaalon sa tabi ng profile niya.

My heart began to throb wildly. Text lang 'yan! Kalma!

Ginagap ng kamay ko ang aking dibdib nang makaramdam ng sakit doon. Dios ko! Hindi ko alam na ang sobrang pananabik ay nakakasakit!

My heart, as predicted, cascaded when I received a reply from him.

drvidales:
This is Diamond.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

268K 16.7K 54
Ikaw ang tahanan. © 2021 isipatsalita.
166K 4.2K 43
Camille believes that the purpose of her life is to be happy. She wants to find her happiness whatever it takes. Well, she found it... in Nico's arms...
7.6K 392 34
Marcus Cho loved Joanne once in his life. Mas mahalaga pa ito kaysa sa pangarap niya. But she hurt him big-time. He vowed to himself he would never f...
298K 4.2K 12
Anonymous: "LOOK! A well-known student in the campus, a candidate for Magna Cum Laude named Reeva Cordova, the good girl and achiever, gets fucked in...