TILL FATE DO US PART (Fate Se...

By dreyaiiise

20.1K 2.8K 556

She was having difficulty locating her father in order to make her mother happy. She encountered many difficu... More

TILL FATE DO US PART
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABABATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 64
KABANATA 65
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 63

113 14 0
By dreyaiiise

-Maari pa ba?-

Umuwi akong basa ang pisngi, grabe ang pawis ko sa mukha.

"Saan ka ba nanggaling?" kahit na nandito na ako nakita kong kabadong-kabado pa rin si Amchard.

"Bumili lang ng kape tapos tumambay sa parke" malamig kong sabi.

Pinagmasdan niya lang ako, hindi kasi ako tumitingin sa kaniya habang sumasagot.

"Bakit kailangan mo pang pumunta doon? Ang dilim na oh" sabi niya ulit na medyo galit na.

Huminga ako ng malalim. "I'm sleepy, Goodnight" tinapik ko ang balikat niya.

Pumasok na ako kahit na naiwan ko siya doon sa labas, sigurado akong marami pa siyang tanong pero wala lang talaga akong ganang magkwento ngayon.

Siguro natutulog na si Mama kaya wala siya rito sa sala. Umakyat na ako para maligo tapos matutulog na.

Ngunit nung makapasok na ako sa kwarto nakita kong nakahiga si Mama sa kama ko.

"Ma? Nandito na po ako" hinintay na naman niya ako.

Kumurap kurap siya, "Anak"

"Opo, wala pa ba si Papa?"

"Pauwi na siya" si Kuya ang nagsalita.

Lagot ako nito.. Ang sama ng tingin sa akin ni Kuya.

"Mama, tara? Punta kana sa kwarto mo, mag-uusap kasi ni Lori" inalalyan ni Kuya si Mama na tumayo hanggang sa kwarto niya.

Naghilamos muna ako. Ano naman kaya pag-uusapan namin ni Kuya?

Pagkatapos ko doon, nakaupo si kuya sa study table ko tinitignan ang mga librong nakalatag doon. Puro pa naman tungkol sa pag-ibig, like kung paano makapag-move-on..

"Saan ka galing?" alam pala niyang nandito na ko sa likuran niya.

"Sa bar lang kuya, nagyaya si Iza eh kasi may problema" kabado kong sabi.

Minsan lang kami mag-usap ng ganito ni Kuya kaya kabahan kana. It's either mayroon kang ginawang mali o may kailangan talaga kayong pag-usapan. Pero ngayon pakiramdam ko mayroon akong nagawang mali..

"Bakit nauna umuwi si Amchard ba yun? Yung 2 years boybestfriend mo"

Simula nung sinaktan ako ni Vaughn, hindi na muling nagtiwala si Kuya sa mga kaibigan kong lalaki.

"Hinatid niya si Iza tapos sinundan niya si Caldy kung nakauwi ng maayos"

"Ayos naman pala, eh bakit hindi ka agad umuwi?" humarap na siya sa akin. Napakasungit talaga niya! Aish!

"Kasi nga bumili pa akong kape tapos gusto kong inumin kaya bumaba ako sa parke diyan" hindi naman kasi kalayuan ang parke dito.

Tumango siya. "Bakit ka umiiyak?" sa tanong niyang ito, doon ako napatahimik.

Kung kanina tuloy-tuloy lang ang pagpapaliwanag ko, ngayon parang gusto ko nalang na matulog.

"Kuya, inaantok na ako" umiwas ako ng tingin.

Umupo akong sapo-sapo ang aking noo. Hindi ko alam kung bakit ko na naman ito nararamdaman, bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Nakausap mo ba siya?" malumanay niyang tanong.

"Ha?"

"Siya na naman ba ang gumugulo ng puso't isipan mo?" tanong niya ulit, pero ngayon mas naging malinaw na sa akin.

Malungkot ko siyang tinignan, lumapit ako sa kaniya para humingi ng mahigpit na yakap. Kailangan ko ito ngayon.

"Kuya, okay na eh. Pero bakit isang sabi niya lang na mahal niya pa ako, bumibigay kaagad ako"  umiiyak ko na namang sabi.

Sa bisig ni Kuya, nalabas ko ang nararamdaman ko. Ayokong ipakita ito sa iba pero hindi ko na kayang pigilan.

"Kuya, what am I supposed to do"

Kumalas siya sa pagkayap namin. Tinignan niya ako nang mabuti. "Pag-usapan natin yan bukas, pagod ka eh"

"Thank you kuya"

"Just pray, okay? Sometimes God's preparation comes package as a pain. Huwag mong hahayaan na makain ka nun, dapat alam mo kung bakit nangyayari sa iyo yan. Your pain has a purpose"

Natulog na ako pagkatapos naming mag-usap. Nakagagaan ng pakiramdam ang mga sinabi niya sa akin.

Kinabukasan, kinausap akong muli ni Amchard.

"Goodmorning" he was about to eat his breakfast.

"Goodmorning!" masigla kong pagbati.

Pupunta pala si Iza ngayon dito, hindi pa ako pwedeng pumasok dahil kailangan kong magpahinga na muna.

"Next week pa pala natin makaka-usap yung isang business man. Taga dito rin pala siya"

Oo nga pala, mayroong proyekto kaming gagawin. Pero magiging parte lang naman kami sa pakikipagsosyo tapos sila na ang bahala sa lahat.

"Hala oo nga" dinala namin ang mga sariling tasa palabas papunta sa isang mesa dito sa gilid ng pool.

Umupo kami doon, pinagmasdan ang mga paru-parong lumilipad, pinakinggan din namin ang huni ng mga ibon.

"Ayos kana ba?" binasag niya ang katahimikan.

"Oo naman" natatawa kong sagot.

"Bakit kasi hindi mo pa aminin na mahal mo pa rin" bulong nito, pero rinig na rinig ko naman.

"Sino Chard?" kunwaring tanong ko.

Umiling siya. "Si Vaughn? Yung ex mo ata na kausap mo kagabi?"

"Manahimik ka nga! Hindi ko na siya mahal 'no"

Duh! Ano ako tanga?

"Bakit namumula yung ilong mo kagabi nung kausap kita? Tapos narinig ko yung sigaw nung lalaki"

Hindi ko pala napatay yung tawag bago ako umalis. Narinig din niya??

"Hindi ko na nga" ininom ko ang kape ko, lalo akong nenerbyusin nito.

"Kung hindi, edi sana mayroon kang jowa ngayon?" anong pinagsasabi nito..

"So?" tinarayan ko siya para hindi ako mahalata na naaapektuhan.

Inayos niya ang upuan niya, iniharap niya ito sa akin."So, kung sinagot mo ang isa sa labing walo na nanliligaw sa iyo. Baka ngayon hindi ka na nagdurusa"

"So, sinasabi mo na dapat sinagot kita?"pabalang kong sagot.

Binigyan niya ako ng naiinis na mukha."Yuck! What I mean is, Kung hindi mo na nga siya mahal bakit hindi ka pa magmamahal ulit?"

Kahit anong pag-iiba ko sa usapan, pilit pa rin talaga niyang binabalik sa yung usapan doon.

"Shut up! Inaasar mo na naman ako! Saka hindi ko sila gusto bakit ko naman sasagutin"

"Yun nga eh, hindi mo sila gusto dahil wala sa kanila ang hinahanap mo"

Napakamot nalang ako dahil wala na akong alam na isagot sa kaniya. He really knows me.

"Hindi ko lang talaga sila gusto, saka hindi pa ako handa nun na umibig muli" pagtanggi ko pa.

"Ah ganon? Ito ang tanong diyan"

"Ano?"

"Guys!!?" sigaw ni Iza, salamat naman nandito na siya.

"Mamaya na natin pag-usapan yan" sabay ngiti ko sa kaniya.

Lumapit sa amin si Iza, uminom pa siya sa tasa ko. "Wala na namang lasa" reklamo niya sa akin.

"Nakalimutan kong lagyan ng asukal" biro ko. Kahit na laging ganito ang kape ko, hindi ko niraramihan ang asukal.

"Btw, salamat sa'yo dahil nakauwi ako ng ligtas" kay Amchard niya sinabi.

"Salamat din daw sabi ni Caldy" dagdag niya pa.

"May tanong ako" nagsalita siya ulit.

"Ano nanaman?" masungit kong sabi.

Binatukan niya ako, "Binuhat mo ba ako papunta sa table natin?"

Lasing na lasing siya kaya hindi niya maalala. Natatawa ako sa reaksyon niya.

"Sa tingin mo ba kaya kitang buhatin?" kung titignan matangkad ako sa kaniya pero hindi ko siya kaya.

"Si Caldy yung nagbuhat sa akin 'diba?" hinihintay niya ang sagot ko, alam kong alam na niya kung sino pero ayaw niya lang aminin sa sarili niya.

Hindi rin alam ni Amchard kasi nasa restroom siya nun. "Si Caleb" diretso ko nang sabi.

Mas natawa pa ako sa reaksyon niya nung sinabi ko iyon, sobrang pula niya.

"Ihh Lori! Huwag mo akong lokohin! Si Caldy yun kasi kamukha niya eh" pagpupumilit pa niya.

"Lasing na si Caldy nang oras na iyon" si Amchard yung sumagot.

Kaya naman, nanahimik na lang si Iza dahil nalinawagan na siya.

"Siya pala yun. Bakit mo kasi tinawag eh, baka isipin niya na umiinom ako dahil sa kaniya" gumaganyan siya, pero alam kong gustong-gusto naman niya yun.

"Hindi ba dahil sa kaniya?"

"Kahit na! Dapat hindi mo tinawag eh"

"Gaga ka! Hindi ko naman siya tinawag, siya mag-isa lumapit sa iyo"

Padabog siyang umupo sa tabi ni Amchard.

"Alam mo ba yang kaibigan mo, Iza. Napakatagal bago umuwi" pagsusumbong ni Chard.

Nilakihan ko siya ng mata, pero hindi siya nagpatinag doon.

"Sabi mo sa akin nasa likuran natin?" tanong nito.

"Nung una, pero ang malala pa kauwi niya umiiyak siya" kunwaring bulong ni Amchard sa tainga ni Iza.

Ang hilig talaga niya akong asarin, hindi ko pa naman masasabi kay Iza ang tungkol dito.

"UMIIYAK?" sigaw niya.

Napatayo ako para takpan ang bunganga niya, ang lakas ng boses niya eh, baka marinig ni Mama.

"Si Mama nasa kusina lang" pagsuway ko sa kaniya.

"Hindi ka lang nahatid ni Amchard umiiyak kana?"

"Gaga Hindi"

"Dahil nakausap niya si Jason Vaughn" si Amchard na naman ang nagsalita.

Napaawang ang bibig ni Iza, tumalon-talon siya na para bang natutuwa pang nakausap.

"Hala, edi alam mo na?"

"Oo"

"OMG! Sa wakas! Tanong mahal mo pa rin ba siya?" masayang tanong sa akin ni Iza.

"Ano? Teka, bakit parang ansaya mo na nagkausap kami?"

"Oo nga" pati si Chard nagtataka sa reaksyon niya.

Tinignan niya kami. "Ha? Ano pang napag-uusapan niyo?" ngayon siya naman ang nagtatanong.

"Nothing important, pero narinig kong sinabi na niya na ano"

"Ano?"

"Yun nga alam mo yun"

"Anong alam mo na yun?"

"Yun na nga! Na ano niya pa rin ako"

"Na mahal ka pa rin niya?" sambit niya sa akin na seryosong nagtatanong.

"Iza!"

Ayoko ngang banggitin pero sinabi pa niya, haist!

"Ah yun"naintindihan niya na ang ibig kong sabihin. "Yun lang?" dismayadong sabi niya.

"Anong yun lang?"

"I mean, hindi niya ba sinabi na wala silang anak? Hindi natuloy yung kasal? Hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal niya at pinakahihintay niya, pero baka alam mo na yung huli" walang hintong sabi niya, na para bang alam niya na ang lahat.

Hindi ako makahinga nung sabihan niya ang mga iyon, bakit hindi ko ito alam.

"Totoo ba?" si Amchard ang nagtanong.

"Oo eh. Lumabas ang totoo noong engagement party nila"

Wala akong masabi, nakinig nalang ako sa mga sinasabi ni Iza.

"Pero bakit nakita ko si Eunice sa condo niya?" ang higpit nga ng kapit niya kay Vaughn eh.

"Talaga ba? Balita ko umiiwas na si Vaughn sa kaniya. Ngayon nalang ata ulit nakalapit si Eunice sa kaniya" tila nag-iisip pa nitong sabi.

"Anong walang anak? Hindi rin sila mag-asawa?" naguguluhan kong tanong.

"Hindi talaga siya nabuntis dahil wala namang nangyari sa kanilang dalawa"

Sa bawat linyang binibitawan ni Iza, magugulat pa rin ako dahil posible pala na ganito ang nangyari?

Tumayo na rin ako. "Ang gulo" sinabunutan ko ang buhok ko. Hindi ko mawari kung anong mararamdaman ko dito sa naririnig ko.

"Lori, calm down" tumayo si Amchard, iniurong niya ang upuan ko kanina papunta sa akin para makaupo ako ulit.

"Gusto mo bang ikwento ko? Pero sasabihin ko talaga sa'yo dahil pareho kayong walang jowa" ani ni Iza.

Napakamot ako. "Ano kasi, alam ni Vaughn na mayroon akong jowa"

Tumingin ako kay Amchard. "Ako na naman?" para bang sawang sawa na siyang magpanggap.

Sa totoo lang hindi ito ang pangalawa o pangatlong beses na sinabi kong boyfriend ko siya. Sa dami ba namang nangungulit sa akin.

"Nako!" pumiling piling si Iza.

"Kwento mo na" hindi ako ang nagsabi niyan, kundi si Amchard. Interesado talaga ito sa lovelife ko eh.

Humarap ako sa kaniya, nanahimik na para maintindihan ko ang bawat sasabihin ni Iza.

"Sinabi  sa akin ni Kris ang totoo, ang sabi niya pakana lahat ni Eunice at Crystal ito dahil naiingit sila sa iyo. Alam mo ba nilasing talaga nila si Vaughn para lang doon. Hinubaran nila tapos kinuhanan nila ng litrato, nakita ko ang bidyo ni Kris kina Eunice habang ginagawa iyon" naiinis pa siya habang kinukwento ito.

"Ginawa niya iyon parang hiwalayan mo siya, at nagtagumpay siya doon dahil agad tayong naniwala sa nakita natin" malungkot niyang sabi, tila ba nanghihinayang.

"Matagal na ba itong alam ni Vaughn?" kasi kung matagal na baka hindi ko na kayanin ang malalaman ko pa.

Umiling siya na ikinapanatag naman ng loob ko."Hindi, nalaman niya lang the day before the party. Kahit si Crystal nakonsensya na din, ayaw nilang matuloy ang kasal at nagsisi sila sa ginawa nila sa iyo nung malaman na nasa ibang bansa ka para hanapin ang sarili mo"

Alam ko naman na simula noon, mabuting tao si Crystal. Sadyang nabalot lang siya ng inggit kaya nagawa niya ang mga bagay na iyon. Malamang binulungan ni Eunice iyon.

Bumuhos mag-isa ang mga luha ko, hinawakan ko ang pisngi ko...puno na pala ng luha.

"Bakit ngayon ko lang nalaman?" pagsisisi ko.

"Kasi ayaw mong makarinig ng mga bagay tungkol sa kaniya kaya kahit mahirap, pinilit kong manahimik dahil nakikita kong gusto mong gumaling sa sakit na nararamdaman mo"

Totoo naman iyon, konting bagay na nagpapaalala sa akin kay Vaughn iniiwasan ko agad paano pa kaya kung magkwento sila tungkol sa kaniya.

"Lori, grabe ito" maging si Amchard nagulat sa sinasabi ni Iza. Alam niya kasi ang buong kwento.

"Pero anong ginagawa ko nung nalaman niyo ang totoo?"

"Ayos ka na nun. Malapit ka nang maging ayos. Inakala namin na mas makabubuti iyon na hindi mo na alam dahil baka mabigla ka nanaman" gumagaralgal na ang boses ni Iza.

"Patawad..." umiiyak nitong sabi.

Nagyakapan kaming dalawa. "Sana nalaman ko kaagad, kung hindi kaya ako naging manhid sa mga oras na iyon...kami kaya ulit?"

Ang bigat sa pakiramdam ko, sobrang bigat. Hirap na hirap akong kalimutan siya pero yun pala ako naman ang laging iniisip niya. Bakit ba ang tanga ko?

"Hindi mo kasalanan iyon. Sadyang gusto mo lang na protektahan ang puso mo"

Naalala ko ang sinabi ni Vaughn kagabi sa akin, kaya pala ganoon nalang ang pagmamakaawa niya na pakinggan ko ang paliwanag niya dahil ganito ang malalaman ko.

Ang sama ni Eunice, sinira niya ang relasyon naming dalawa para lang sa sarili niyang kaligayahan. Bakit mayroong mga taong ganito? Akala ba nila na mabibili ng pera ang tiwala ng isang tao?

"Pasensya na kung nabigla na naman kita sa nalaman mo. Pero karapatan mo namang malaman ito" patuloy pa rin siya sa paghingi ng paumanhin sa akin.

"Anong nangyari? Bakit siya umiiyak?" dumating si Papa.

Humagulgol ako sa balikat ni Papa, yun lang ang kailangan ko ngayon. Ang yakap mula sa kanila para kahit papaano maibsan itong sakit.

"Papa....alam ko na yung totoo, anong gagawin ko?" patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha ko. 

Naramdaman kong mayroon pang isang yumakap sa akin, mas naluha ako dahil doon.

"Anak, mahal mo pa ba siya?" si Mama ang nagtanong.

Ilang beses ko na narinig ang tanong na ito. Kailangan ko na kayang tanggapin ang totoo?

"Oo naman, hindi nawala yun sa puso ko dahil siya palang ang lalaking tumanggap ng buong-buo sa akin. Oo inaamin ko na kinakalimutan ko na siya, pero mayroong parte sa akin na umaasa pa rin" hinarap ko sila.

Hinaplos ni Papa ang ulo ko habang si Mama naman pinupunasan ang luha ko na dumaloy sa pisngi.

"Kausapin mo. Iyon ang tanging paraan para maayos nito ito"

"Maari pa ba?" ito ang tanong na laging kong tinatanong sa isip ko, ngayon masasagot kona.

"Oo naman. Wala akong nakikitang mali doon. Kung maayos niyo, kayo na talaga para sa isa't-isa" si Papa ang sumagot sa akin.

Masayang nakatingin sa amin si Iza at Amchard.

"Kausapin mo ang kababata mo, baka mawala nanaman ulit" pananakot pa ni Mama.

Siguro ito ang araw na pinakahihintay ng puso ko, kaya hindi pa ito tumitibok sa iba dahil alam niyang mayroon pang pag-asa.

Vaughn, wait for me...I will love you with all my heart!

I miss you, honey.
*******************************************

Continue Reading

You'll Also Like

29.8K 864 40
GUTIERREZ SERIES #2 (COMPLETED) Franz Riley Gutierrez a famous and successsful businessman. He owned many companies all over the world but he only d...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
8.6K 268 39
Asturias Series #1 How will the cold and snob Atasha Justine dela Cruz manage to stand up and arise in her greatest downfall? Will destiny makes its...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...