Glowing Gems

By Quicke_Ow

8.4K 581 13

'Pang-unawa' ang siyang tanging namumutawi sa bawat pusong naghahangad na malagpasan ang bawat pagsubok na du... More

WARNING!
AUTHOR'S NOTE
PHOTO CREDITS
GLOWING GEMS 1: DIYOS NA SI VERANDA
GLOWING GEMS 2: ANG MUNDONG GINAGALAWAN NI LOM
GLOWING GEMS 3: PAGTINGIN KAY LEE
GLOWING GEMS 4: MANANALIKSIK NA SI LOM
GLOWING GEMS 5: ANG TINIG SA LIKOD NG KAWALAN
GLOWING GEMS 7: MAHIWAGANG PANAGINIP
GLOWING GEMS 8: BUNDOK NG DUKARAWI
GLOWING GEMS 9: ANG MANLALAKBAY NA SI LOM
GLOWING GEMS 10: GABAY NA SI GAEL
GLOWING GEMS 11: KAHARIAN NG VERATHRA
GLOWING GEMS 12: HARING RASCAL
GLOWING GEMS 13: ANG PAGKATAO NI LOM 1
GLOWING GEMS 14: ANG PAGKATAO NI LOM 2
GLOWING GEMS 15: ANG MGA TAGAPANGALAGA
GLOWING GEMS 16: LEE SA MUNDO NG MGA IMMORTAL
GLOWING GEMS 17: SAGRADONG SILID
GLOWING GEMS 18: KASAYSAYAN NG APAT NA KAHARIAN
GLOWING GEMS 19: PANAUHIN NA SI MADER ROSE
GLOWING GEMS 20: SA PILING NI LEE
GLOWING GEMS 21: ISLA NG MYUKI
GLOWING GEMS 22: MARKA NG KIDLAT
GLOWING GEMS 23: SAGRADONG SANDATA
GLOWING GEMS 24: PANGUNGULILA SA MGA NAIWAN NI GILOM
GLOWING GEMS 25: PAGSALAKAY NG MGA GWANO
GLOWING GEMS 26: HAKBANG TUNGO SA KABUTIHAN

GLOWING GEMS 6: REGALO NG PALAD

258 23 0
By Quicke_Ow

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

Iwinaksi ko na lamang ang mga bagay na iyon at nagsimula na akong humakbang. Nasa ganoong paghakbang ako nang may narinig akong boses na tumatawag sa akin.

"Gilom?" Nageecho na tawag ng tinig sa akin na medyo may makapal na boses.

Dito ay bigla na lamang nagsitayuan ang mga balahibo sa aking katawan dahilan upang ako ay mapapikit. "Sabi ko na nga ba't naeengkanto na ako simula noong tumapak ako sa lugar na ito." Bulong kong saad sa aking sarili. Noong ihahakbang kong muli ang aking mga paa ay narinig ko na naman ang tinig na iyon.

"Gilom?" Muling sambit nito.

Dito ay bumuntong hininga na muna ako bago magsalita. "S-sino ya-yan?" Utal kong saad sabay na marahan akong humaharap sa likuran. Walang may sumagot, tanging ang pagsipol lamang ng hangin ang maririnig sa paligid dahilan upang magibayo ang takot na aking nararamdaman.

"Lumabas ka, huwag kang matakot sa akin." Muli kong saad. Maya maya ay may narinig akong halaklak na tinig.

"Hindi ako takot Gilom. Baka ikaw ang matakot sa akin kapag nasilayan mo na ang aking wangis." Natatawang saad ng tinig. Nilinga linga ko ang paligid at pilit na hinahanap ang nagsasalita na iyon ngunit bigo akong mahanap ito.

"Kung gayon sino ka? Ano ang pakay mo?" Tanong ko rito at maya maya ay bigla na lamang umihip ang hangin sa kapaligiran ngunit ang hangin na ito ay mainit sa pakiramdam. Paikot ikot ang hangin sa buong lugar hanggang sa bigla itong mawala. Pansamantalang tumahimik ang paligid habang ako ay nakikiramdam sa kapaligiran.

Tahimik sa paligid...

Kahit na ang kaluskos ng dahon ay hirap kong marinig dahil sa nakakabinging katahimikan ang biglaang lumukob sa buong kapaligiran. Labis labis na akong nakakaramdam ng takot dahil dito. Naengkato nga ako dahil sa kakaibang tagpong ito.

Hindi ko malaman kung ano ang susunod na gagawin dahil sa balot na ako ng labis na takot at pangamba na hindi na makabalik pa sa aking pinanggalingan. Sana panaginip na lamang ang lahat kung panaginip man ito o bangungot. Alin sa dalawa ay wala na akong pakialam ang nais ko lang ay makaalis sa lugar ng kababalaghang ito.

"REGALO NG PALAD"

Quicke_Ow

Part 6

Hindi ko malaman kung saan nanggaling ang tinig na ito basta ang pinapaniwalaan ko lamang ay naengkanto ako sa lugar na ito. Walang angkop na salita ang maglalarawan sa aking nararamdaman sa mga sandaling ito dahil sa halo halong emosyon ang namumutawi sa aking kaibuturan.

Nais kong malaman kung bakit niya gingulo ang buhay ko at kung bakit ngayon pa ito nagparamdam gayong lilisanin ko na ang lugar na ito.

"Kung gayon sino ka? Ano ang pakay mo?" Tanong ko rito at maya maya ay bigla na lamang umihip ang hangin sa kapaligiran ngunit ang hangin na ito ay mainit sa pakiramdam. Paikot ikot ang hangin sa buong lugar hanggang sa bigla itong mawala. Pansamantalang tumahimik ang paligid habang ako ay nakikiramdam sa kapaligiran.

"Sino ako?" Tanong nito ngunit hindi ako sumagot at inantay ko lamang ang sasabihin nito.

Tahimik sa paligid...

Kahit na ang kaluskos ng dahon ay hirap kong marinig dahil sa nakakabinging katahimikan ang biglaang lumukob sa buong kapaligiran. Labis labis na akong nakakaramdam ng takot dahil dito. Naengkato nga ako dahil sa kakaibang tagpong ito.

Nasa ganoong katahimikan ang kapaligiran hanggang sa... "Ako ang lahat sa iyo Gilom." Bulong na saad nito sa aking tainga kasabay nito ang pagliwanag ng aking dibdib dahilan upang mapaluhod ako dahil sa biglaang pagkirot nito sa labis na sakit. Mainit ang aking dibdib na ano mang oras ay maaaring sumabog gaya ng isang aktibong bulkan.

Namimilipit ako sa sakit dahil sa nararamdaman ko ang pag gapang ng init sa aking mga ugat. Tila sinisilaban ako ng buhay at pinapatay sa labis na init ang lumulukob sa aking pagkatao.

"Arghhhhhhh!!" Sigaw ko dahil sa sakit. Kasabay nito ang pag ihip ng malakas na hangin.

"Ako ang lahat sa'yo Gilom. Kaya't hayaan mong tanggapin ng iyong katawan ang aking diwa at ito ang magbubuklod sa ating dalawa." Saad pa nito sa paligid habang ako ay nakabaluktot sa lupa at patuloy na namimilipit sa labis na sakit.

Takot at pangamba ang lumukob sa aking sarili habang inaalala ko ang mga taong mahahalaga sa akin. Sa ganitong paraan ay mabilis ko silang mayayakap sa aking isipan. Wala na akong ibang iniisip kundi ang kung paano makakakaalis sa bangungot na ito.

"Ramdam ko ang labis na takot at pangamba na lumulukob sa iyo Gilom. Huwag kang magalala dahil maya maya lamang ay tuluyan ng maninirahan ang aking diwa sa iyong kaibuturan. Hindi mo kailangan matakot sa akin dahil ako ay hindi isang kalaban, ako ay isang kaibigan kaya't hayaan mong tanggapin mo ako sa iyong sarili. Huwag kang magalala dahil balang araw ay mahahanap mo rin ang mga kasagutan sa lahat ng mga bagay na ito..." Wika nito.

Dito ay bahagyang nagmulat ang aking mga mata habang patuloy pa rin ako sa pamimilipit. Dito ay malinaw kong nasisilayan ang pagliwanag ng mga ugat sa aking katawan pagapang sa aking leeg at ulo. Ibayong init naman sa pakiramdam ang nagliliyab sa aking dibdib na tila ba ang init na ito ay parang isang karayom na paulit ulit na tumutusok rito.

Dito ay narinig ko naman ang pag ugong ng aking tainga. "...Sa ngayon ay hayaan mo akong tulungan ka upang mailigtas mo ang mga mahal mo sa buhay..." Saad nito sabay na naging kulay pula ang aking paningin dahilan upang magliwanag ang aking mga mata kasabay nito ang paglabas ng isang pangyayari sa aking isipan.

Isang pangyayari kung saan tinutupok na ng apoy ang munting dampa habang naglalabas ito ng itim na usok. Dito ay nakapalibot ang mga tao sa naturang pangyayari na tila nanonood ng palabas. Ilang saglit pa noong biglang magbago ang paligid at dito ako ay nasa loob na ng bahay na sa kasalukuyang nilalamon ng apoy. Nilinga linga ng aking mga mata ang paligid hanggang sa may makita akong dalawang babae na hirap sa paghinga dahil sa sulasok na dulot ng usok. Hindi nila kayang makalabas dahil sa lakas ng apoy sa paligid nito at may kahoy ang nakaharang sa pintuan nito.

"Makinig ka Gilom. Kasalukuyang kinakain ng apoy ang inyong munting dampa habang nasa loob nito ang mga mahal mo sa buhay. Kakaiba ang iyong lakas dahil sa nagawa mong pagliyabin ang inyong dampa gamit ang iyong isipan. Ngunit ako ay nagagalak na ako ay nagising na sa napakatagal na pagkakahimlay sa iyong kaibuturan. Sa ngayon ay nais kong puntahan mo ang kinaroroonan ng mga taong mahalaga sa iyo at isalba sila sa tiyak na kamatayan. Gabayan ka nawa ng tagapaglikha." Wika nito habang unti unting naglalaho ang tinig nito. Dito ay nagliwanag ang aking katawan habang bumabalot ang makapal na usok na sumisingaw sa aking balat.

Naramdaman ko na lamang na biglang lumutang ang aking katawan sa ere kasabay nito ang pagdilim ng aking paningin habang unti unting bumabalik sa normal ang tibok ng aking puso dahilan upang mapapikit ako at damhin ang kapayapaan ng pagtibok nito.

Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa aking katawan kasabay nito ang pagmulat ng aking mga mata. Dito ay nagbalik sa normal ang kapaligiran at dinala ako sa mga sandaling nakalipas bago ako magtungo sa itutok ng kabundukan. Bumalik sa normal na ang aking pakiramdam, hinawakan ko naman ang aking dibdib at dinama ang pagtibok ng aking puso.

Narinig ko namang bumuntong hininga si Lee at nagwika. "Medyo makulit ang datingan ko Lom, ngunit nais kong itanong muli sa iyo kung maayos ka lang ba talaga? Maaari mo naman itong ibahagi sa amin kung iyong mamarapatin." Nagaalalang saad nito dahilan upang bahagya akong matawa.

Dito napansin kong parang naulit muli ang tagpong ito kani kanina lamang. Kaya unti unti kong sinariwa ang mga naganap hanggang sa maalala ko ang mga tagpong nakita ko sa aking isipan doon sa itutok ng bundok dahilan upang makaramdam ako ng takot at pangamba dahilan upang mawala ang mga ngiti sa aking labi, kasabay nito ang panlalaki ng aking mga mata. Alam kong totoo ang mga nangyari dahil sa kakaiba ang aking pakiramdam ngayon na parang bang may nag iba sa aking pagkatao na hindi ko mawari.

"Sila inay." Bulong kong saad. Dito ay hindi na ako nag aksaya pa ng pagkakataon at agad na nagtatakbo palayo sa lugar upang puntahan ang aming bahay.

"Uy! Frend antayin mo naman kami baka mamaya may mga manananggal dito!!! Oo nga't pinsan ko si Mariposa ngunit ayaw ko namang mapalitan ang aking pakpak gaya ng sa mga paniki!!!" Ang sigaw nitong saad habang pilit akong hinahabol ngunit nasa iisang bagay lamang ang aking atensyon at iyong iligtas sila inay.

Habang tinatakbo ko ang daan ay mas nagiibayo pa ang takot na aking nararamdaman kaya walang humpay ang aking pagtakbo. Ilang saglit pa noong unti unti ko ng nakikita ang labis na liwanag na nagmumula kung saan nakatirik ang aming munting dampa habang may usok na umaakyat sa mga ulap nito.

Ilang sandali pa noong maaninag ko ang pigura ni itay. "Itay!" Sigaw ko habang papalapit sa kanya, agad naman ako nitong sinalubong ng yakap at mababakas mo ang labis na pagaalala sa mukha nito.

"Kararating ko lang din anak, ipinaalam sa akin ito ng aking mga kasamahan. Nasa loob pa ang iyong ina at lola ngunit walang may naglakas loob na suungin ang bahay dahil sa napakalakas na apoy nito." Salaysay ni itay. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mga mukha nila Danny at Lee noong marating nila ang kinaroroonan namin ni itay.

"Kailangan ko silang iligtas." Saad ko at dito ay agad akong tumakbo papasok sa aming bahay.

"Gilom!" Sabay na bulaslas nila Danny at Lee.

"Huwag kang pumunta diyan anak!" Rinig kong pagtutol ni itay.

Binalewala ko na lamang ang kanilang mga sinabi at agad na nagtungo papasok. Dito ako ay nagtaka dahil sa hindi ako makaramdam ng init sa aking katawan, noong tingnan ko ang aking mga kamay ay dito tumambad sa aking paningin ang nagliliwanag na mga ugat pagapang sa aking siko dahilan upang manlaki ang aking mga mata. Ramdam ko ang pag gapang ng liwanag na ito sa aking mga kamay at ang enerhiyang bumabalot rito. Sa halip na matulala ako sa aking nasaksihan ay iwinaksi ko na lamang ito at dali dali hinanap sila inay. Walang oras upang pagtuunan ko ng pansin ang kakaibang pangyayaring ito.

Noong magsimulang magliwanag ang mga ugat sa aking mga kamay ay tila naging malinaw sa aking paningin ang paligid, umayon ang aking katawan sa init ng apoy dahilan upang labis akong maguluhan.

Nasa ganoong pagiisip ako ng may marinig akong mga taong humihikbi at mababakas mo sa kanilang mga tinig ang labis na takot kaya agad agad kong hinanap kung saan nagmumula ang tinig na iyon.

"Inay!! Lola!! Nasaan kayo!?" Sigaw ko upang marinig nila ang aking tinig.

"Anak andito kami!" Tugon naman nito, ito ay ang boses ni inay at nanggagaling ito sa aking silid kaya agad akong pumunta roon at walang ano ano'y winasak ko ang pintuan nito sa pamamagitan ng pagsuntok ko rito.

Dito nga ay nakita ko sina inay at lola na balot ng uling ang mga mukha dulot ng sunog rito sa aming bahay. Hawak ni lola ang aming mga larawan samantalang nakayakap naman si inay kay lola at sige sa pag iyak ang mga ito.

Agad naman akong nagsimulang humakbang upang puntahan ang mga ito ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang pinalibutan ng apoy sila inay dahilan upang mas matakot pa ang mga ito. Dito ay bigla naman akong nataranta.

"Ano na ang gagawin ko?" Natataranta kong tanong sa aking sarili. Ilang sandali pa akong nakatayo at nagiisip ng paraan kung paano ko maiaalis sina inay rito. Dito ay sinubukan kong ikumpas ang aking mga kamay sa apoy na nakapalibot kina inay at agad din naman itong nawala ngunit maya maya lamang ay agad din itong bumabalik.

Dito ay nagiibayo ang aking pagnanais na ialis sila rito kaya nag isip ako ng paraan kung paano ko aagapan ang trahedyang ito. Gamit ang aking mga kamay na walang humpay sa pagliwanag ng mga ugat nito ay bigla kong naikuyom ang mga ito ng sobrang higpit dahilan upang magliwanag ang aking dibdib at dito ay may gumapang na liwanag pagapang sa aking mga paa at gumawa ng isang guhit bilog na apoy na kulay asul na labis kong ikinamangha. Sigurado akong ligtas ang bilog na apoy na ito na nilikha ng liwanag sa aking dibdib kaya buong tapang akong lumakad sa kinaroroonan nila inay.

Nagsimula na akong humakbang papunta kina inay at ang bawat apoy na mahahagip ng bilog na apoy na aking ginawa ay bigla na lamang sumasama ito rito. Ilang sandali pa noong makalapit ako kina lola't inay kaya agad ko itong niyakap sa kadahilanang nagtagumpay akong lapitan sila.

"Halina kayo inay, lola. Inay sumampa ka sa aking likuran habang si lola naman ay aking kakargahin." Ani ko sa kanila na kaagad naman nilang ginawa.

Tila saklaw ko ang lakas ng libo libong mandirigma dahil sa aking ginagawa. Ni hindi ko maramdaman ang bigat nila inay at lola kaya ganoon na lamang kung ako ay maguluhan.

Tinatahak namin ang daan palabas ng dampa hanggang sa maramdaman kong pawala na ang liwanag sa aking mga ugat kasabay nito ang panghihina ng aking katawan habang ang apoy naman sa paligid ay unti unti lumiliyab kaya dali dali kaming lumabas. Tuluyan na nga kaming nakalabas sa dampa at dito ay agad kaming sinalubong ng yakap nila papa, Lee, at Danny.

"Tita, tinawagan ko po sina mommy't daddy at ibinalita ko sa kanila ang nangyari. Ang sabi ni mommy ay mayroon daw itong ekstrang bakanteng lupa na maaari niyong matirhan pansamantala. Huwag na kayong magalala sa inyong titirhan dahil wala pong bayad iyon." Pag alok ni Lee dahilan upang ako ay mahiya.

"Naku, nakakahiya naman kung titira kami doon ng libre. Hayaan mo't magsisilbi kami roon sa inyo." Saad ni inay.

Habang patuloy sila sa paguusap usap ay bigla na lamang bumigat ang aking pakiramdam wari isang baterya na nawalan ng enerhiya kaya napahawak ako sa aking sintido dahilan upang ako ay mapaluhod. Agad namang lumapit si Lee sa akin at inalalayan akong tumayo ngunit hirap akong magawa ito.

"Naku, buntis iyan. Ganyan na ganyan ang nakikita ko sa mga pelikula kapag nagdadalang tao ang babae." Ang hindi mapakaling saad Danny.

"Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong ni Lee habang marahan ako nitong inaalalayan.

"Okay lang ako." Pagpapagaan ko sa kanilang loob.

Dahan dahan nila akong itinayo hanggang sa tuluyan ko ng naitukod ang aking mga paa. Nasa ganoong pagtayo ako noong biglang manlabo ang aking mga paningin dahilan upang bumagsak ang aking katawan kung saan at panawan ng ulirat. Wala na akong natandaa pa.

To be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

924K 59.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...