TILL FATE DO US PART (Fate Se...

By dreyaiiise

20.1K 2.8K 556

She was having difficulty locating her father in order to make her mother happy. She encountered many difficu... More

TILL FATE DO US PART
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABABATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 61

112 15 0
By dreyaiiise

-It's been a year-

Sumundo sa amin sina Alja and Kentver.

"LORI!! IZA!!" pagtawag nito sa amin.

Tumakbo kami ni Iza para salubungin siya pati ang isang bata.

"Hi Tita! Finally!"

"Hey there!"

"Nasaan sina Caleb?" I accidentally asked.

Walang sumagot, muntikan ko nang makalimutan na hindi pala sila ayos. "Oops, sorry"

"Akala ko nandito na sila?" Kentver asked.

"Hayaan mo na. Tara na hinahanap na ako ni Mommy" si Iza ang sumagot.

Halata namang umasa siya na nandito si Caleb, ayaw niya lang aminin.

Pare-pareho kaming pagod kaya dumiretso na si Iza sa bahay nila.

"Buti hindi inalikabukan ang kwarto ko?" tugon ko kay Mama nang makababa ako.

"Siyempre naman. Pinapalinis ko lagi iyan"

"Nasaan pala si Amchard?" napansin kong wala siya dito sa bahay.

"Nasa hotel" sagot ni Mama.

Kumunot ang noo ko. "Ma? Bakit nandoon siya eh pwede namang dito"

"Nahihiya raw siya" natatawang sagot ni Mama.

Wala si Papa dahil nga bumalik sa trabaho kahit kauuwi lang niya, si kuya naman hindi ko pa nakikita dahil nasa duty pa.

"Saang hotel? Or condo? Susunduin ko"

"Doon sa may condo na binili ni Gab" sa pagkakasabi ni Mama, alam ko na agad kung saan iyon.

Mayroong condo si Vaughn doon na nabisita kona. Well, mahal doon ah kaya sigurado akong afford ni Amchard yun.

"Anak, ikaw magmamaneho? Hintayin mo na si Mang Cards" kinuha ko kasi ang susi sa kwarto ko.

"Ma, kaya ko na po. Hindi na naman ako nahihilo"

"Siguraduhin mo"

"Yes Ma'am!"

"Ingat ka"

Dahil nga wala namang alam dito si Chard, kailangan ko pa siyang sunduin. Baka nga walang pagkain iyon sa condo niya eh.

Tinawagan ko siya dahil hindi ko alam kung anong room niya.

"Yes, Lori?"

"Anong room mo?"

"Miss mo na kaagad ako?"

"Gago! Ano nga?"

"Room 610"

Pagkasabi na pagkasabi niya naghanap ako nang elevator.

Papasok na sana ako nang mayroong nakatulak sa akin kaya napaatras ako.

"Sorry" narinig kong sabi nito, babae siya eh.

Dahil mabait naman ako, hinayaan ko nalang. Tumingin ako sa kaniya. "It's okay.."

Pero nang makaharap ako pareho kaming nagulat sa nakita.

Si Eunice ba talaga ito?

"Oh, it's been a year" maarte niyang sabi.

Dahil nasa loob na ako nang elevator wala akong magagawa kundi sumagot dahil mayroon ding iilan na tao ang nandito. Malay ko bang sabihan nila ako nang masungit kung hindi ko papansin ang bruhang ito.

"Yeah"

"So bakit ka nandito?" she asked.

Bawal ba? "None of your business"

"May condo ka ba dito?"

"Hindi ako nasabihan na sa iyo na pala ito?"

"Well, baka mayroon kang binabalikan?"

Inaamin ko na umaasa akong makita ko si Vaughn dito, pero bakit siya ang nakita ko?

Oo na! Mag-asawa na talaga sila, akala ko kasi hindi iyon natuloy pero bakit ang tanga ko naman para isipin pa iyon? WALA NA NGANG PAG-ASA HINDI BA?

"Ang alin? Ang kababuyan mo?"

"How dare you!"

Sixth floor siya bumaba tulad ko, kaya mas nagduda ito.

"Sinusundan mo ba ako?" she assumed.

"Taas naman nang tingin mo sa sarili!"

Hindi na siya nakasagot nang buksan ni Amchard ang pintuan niya. Pumasok na ako doon dahil ayokong makita ang pagmumukha ni Eunice.

"Oh? Bakit ka nakasimangot?"

"Iyon si Eunice. Bakit kasi dito ka pa nag-check in!" naiirita kong sabi sa kaniya.

Tinawanan niya lang ako, alam niya kasi na sa tuwing naiinis ako siya ang inaaway ko.

"Magdamit ka nga!"

"Bakit ka muna nandito?"

"Susunduin kita! Doon ka nalang sa bahay" tinignan ko ang laman nang ref niya, mayroon naman palang mga stock dito.

"You sure? Ayos lang ba kina Tita?"

"Oo naman! Sina Caleb nga noon doon pa natutulog noon. Saka ang tagal na nating magkaibigan ngayon ka pa nahiya" I glared at him.

"Oo na! Sasama na ako huwag mo na ako tignan nang masama" aniya na nakatakip pa ang mata.

Dahil maalaga siya sa gamit niya, yung iba ay nailagay na siya sa kabinet.

"So, iyon pala ang karibal mo?" bigla naman niyang ginawang topic ito.

Mang-aasar nanaman siya niyan, ang ayos kong kumakain dito.

"Karibal dati, edi sa kaniya na si Vaughn! Asawa na pala eh"

"Bakit parang nagseselos ka?" odiba! Aasarin na niya ako.

I gave him an irritated face."Bakit ako magseselos?"

he imitated my irritated face."Dahil mahal mo pa?"

"Dalian mo na nga diyan! Kundi iiwan kita" pagbanta ko, para manahimik na siya.

"Sabi mo yan ah"

"Heh! Dalian mo hihintayin kita sa labas" nagsusuot nalang kasi nang damit para makaalis na kami, hilig nitong walang pang-itaas kapag nasa bahay lang.

Nang makalabas ako, nakita kong tahimik ang hallway dito. Wala ni isa ang nasa labas, sabagay condo nga eh kaya nasa loob lang sila.

Narinig kong bumukas ang isang pintuan sa likod ko, baka si Chard na.

"Tara na?"

Akma na sana kaming aalis nang bumukas muli ang isang pintuan. Iniluwa nito si Vaughn and Eunice.

Nakakapit si Eunice sa braso niya, naapektuhan ako doon.

"Uhm, babe! Sorry kung naghintay kapa" natauhan ako nang magsalita ulit si Chard.

Yumakap ako sa kaniya para matakpan ang mukha ko.

"Uh yeah, naghihintay na rin si Mama doon" sagot ko pa.

Tinignan ko ang naging reaksyon ni Vaughn sa sinabi ko, halatang nairita siya doon sa sinabi ko. Pero baka iniisip ko lang iyon.

"Where's your car key?"

"Here" inabot ko kunwari.

Minadali ko nang makapasok sa elevator saka ko hinila si Amchard.

Nang makapasok kami sa sasakyan. "Salamat"

"Wala iyon, natatawa nga ako sa reaksyon nung lalaki eh" sagot nito habang sinisindi ang makina.

Humarap ako sa gawi niya."Ano bang reaksyon niya?"

"Nung sinabi mong hinihintay ako ni Tita kumunot yung noo niya saka ako tinignan ng masama" pati pala siya napansin iyon?

Hays.

"Hello po tita" pinuntahan namin si Mama sa sala para magmano.

"Dito ka nalang kasi tumuloy. Ayos lang naman sa amin" si Mama na mismo ang nagsabi sa kaniya.

"Salamat po"

"Wala lang iyon, ikaw rin naman ang tumulong sa anak ko noong nag-iisa siya"

Si Mama talaga hindi yan nakakalimot nang magagandang ginawa mo sa buhay niya o sa buhay ng pamilya niya.

Nakatanggap ako nang mensahe galing kay Iza.

From: Iza
Bukas punta tayo sa bar nila Gab.

Me:
For what?

From: Iza
Samahan mo kami ni Caldy. Sama mo na din si Chard.

Me:
Caldy? Akala ko bang pinagseselosan ni Caleb yan?

From: Iza
Alam mo naman yung kwento hindi ba? Wala na akong pake kung magselos siya kasama naman niya lagi si Ate eh.

From: Iza
We're just friends saka pupunta tayo sa church nila sa Linggo ah?

Me:
Okay! I trust you, see yah tom!

Sinamahan ko si Gab sa kwarto niya para mailagay ang gamit niya "Sino yan?" tanong niya.

Kanina pa pala niya ako kinakausap HAHA naging abala ako kay Iza.

"Si Iza, punta daw tayo sa bar bukas"

"I'm in"

"Ikaw pa ba?"

"Anong bar?" sumulpot bigla si Mama na mayroong dala na cake.

"Kila Gab po" ako ang sumagot.

"Mag-iingat ka ah? Wala nang magliligtas sa iyo doon"

Naalala ko na naman siya, iyon din ang unang gabi na nagalit siya sa akin. Kahit na walang kami nun ay na-guilty ako sa ginawa kong pagsisinungaling.

Nakita kong nagtaka si Chard doon "Ma naman!"

"Just kidding, mayroon naman akong tiwala kay Amchard"

Nagbigay nang thumbs up si Chard kay Mama saka siya tinapik ni Mama.

Ilang oras lang natulog na kami, hapon na kami nakauwi tapos mabilis nang gumabi dahil ber months na.

Nagising ako sa maraming tawag mula kay Iza.

"Hello?"

"Gagi tara na!"

"Ang AGA naman? Mamaya nalang hapon"

"Ha? Alas tres na 'te! Nakuha nang umalis nang ate ko dito hindi ka pa gising"

Dali-dali kong kinuha ang orasan kung totoo ba ang sinasabi niya. TAMA SIYA!

"Hindi ko alam na ang haba nang tulog ko"

"Ganyan talaga dahil nagpapagaling kapa"

Oo nga pala, ang sabi ng doctor na normal lang ito at umaabot nang ilang Linggo.

Tinignan ko kung gising na ba si Chard, pero siguro gising na ano?

"Nakabihis na ako, buti nagising kana?"

MUNTIKAN pa akong mauntog sa pintuan niya nang magsalita siya sa likod ko.

"Ano ba naman yan! Kagigising ko lang nanggugulat ka pa"

He smiled. "Sorry! My bad"

"Osya, maliligo lang ako. Ako na ang magmamaneho dahil ang hirap mong turuan nang direksyon"

Kahapon kasi nabaliw ako sa kauulit kung saan siya papasok at liliko. Hindi pamilyar sa kaniya ang dinadaanan namin lalo na ang lugar.

Dahil inaantok pa ako, nagtagal ako sa banyo. Naghanap ako ng pwedeng maisuot sa walk-in closet ko.

I ended up wearing a tank top, leather oversized jacket and a matching a mini skirt.

Sandali lang kaming nakarating doon dahil sinisigawan na ako ni Iza, naghihintay na raw sila ni Caldy doon.

Kaming apat lang ang magkakasama dahil walang oras si Alja sa sobrang abala, kaya nagpapasalamat ako na nasundo niya kami kahapon.

"Chard!" pagpapakilala ni Amchard kay Caldy.

Inilahad naman niya kamay niya sabay sabing.."Caldy"

Sa lahat nang mga tao dito, si Chard ang pinagtitinginan nila. Nagtataka siguro sila kung bakit mayroon akong kasamang lalaki.

Kilala ako dito sa baryo namin lalo na't ex ko ang pinakamataas dito. Tapos si Papa rin ay mayroong sariling paaralan yun ang Merciful University ang dinarayo nang mga tao.

"Ladies and Gentlemen we have special guests, let's give them around of applause" narinig kong sambit nang DJ.

Sumigaw ang mga tao kaya lalong umingay.

Dinaanan kami nang isang lalaki, pumunta siya sa tabi ng table namin.

Naisipan kong pumunta muna sa CR dahil iba ang tensyon na nararamdaman ko doon.

Bakit ba kasi siya nandito? Alam kong bar ito nang kaibigan niya pero bakit ngayon pa na nandito ako!

Nagtagal ako nang limang minuto doon, pagkabalik ko niyayaya ko nang umuwi si Iza dahil gabi na rin naman.

"Mamaya na lang.... gusto ko pang uminom" ang hirap niyang hilain dahil nandito siya sa dancefloor.

Naiwan sa table ang dalawa naming kasama, hindi ko alam ang gagawin ko! Pinagtitinginan na kami nang mga tao.

"Let me help you" narinig kong tugon nito.

Hinayaan ko nalang siya, wala na akong magagawa dahil ganito na ang kalagayan ni Iza. Lasing na siya!

"C-c-c-Ca-leb" nahihirapan nitong sambit.

Hinawakan pa niya ang pisngi ni Caleb. "B-ba-bakit mo ako binubuha--" hindi na niya natuloy dahil nakatulog na ito sa balikat niya.

"Saan ba yung mga kasama niyo?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

May pake pa talaga siya sa kaibigan ko? Hindi ko na rin maintindihan ang nangyayari sa relasyon nila. Sabi ni Iza, cool off lang kuno. Pero parang wala na sila.

"Wala na ba talaga kayo? Or cool off lang?" sa gitna nang ganitong sitwasyon nakuha ko pang magtanong.

"Lori!" suway nito dahil hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Sabi ko nga, doon sa tabi nang bartender yung table namin"

Kasama siguro siya ni Vaughn.

"Hi ate! Pa-picture po" lumapit sa akin ang iilan.

Hinayaan ko naman, ngumiti ako sa mga phone nila. Makabago ang mga tao dito, halatang sa MU sila nag-aaral dahil kilala ako eh.

Ako kasi ang naging litrato nang aming University, yung tipong ako ang makikita mo sa website namin kung balak mo mang pumasok dito.

"Umuwi na tayo" yaya ko sa kanila pagkatapos ibaba ni Caleb si Iza.

"Lasing na rin itong si Caldy. Alam naman kung saan siya nakatira ano? Type mo yung location dito tapos hahatid ko nalang sila" ani ni Chard.

Kinuha ko ang phone niya, nilagay ko ang location ng bahay nina Caldy.

"Paano itong kotse ni Iza?"

Akala ko isa lang ang sasakyan nilang dala, yun pala magkahiwalay.

Sa totoo lang pati ako nahihilo na, nagsuka na nga ako sa restroom kanina eh. Si Caldy nalang talaga ang maayos sa amin.

"Gagamitin ko ang kotse ni Iza tapos susundan ko nalang si Caldy habang nagmamaneho para masigurado kong makauuwi siya nang ligtas" pagpapaliwanag nito sa akin.

"Kaya ko pa naman, ako na lang mag-isa uuwi"

Hindi naman ganoon karami ang nainom ko kanina, sadyang madali lang akong tamaan.

"Sigurado ka ah?" wala siyang tiwala sa akin tuwing nakakinom ako tulad noong nasa US kami.

Muntikan na kasi akong makasagasa nun dahil nagwalwal kami nung naipasok ako sa kumpanya.

"Oo naman"

Sumakay na sila sa kotse, habang ako pagewang-gewang na pumasok.

"I'll call you! Umuwi ka kaagad"

Kumaway ako sa kaniya, nilabas ko lang ang kamay ko sa bintana nang driver's seat.

"Alas siete palang pala" sambit ko sa sarili ko.

Para mawala ang konting tama ko, dumaan ako sa isang coffee shop.

Kaso nga lang, hindi ko mainom dahil nagmaneho ako, ayokong bitawan ang manibela dahil baka mabunggo ako kung sakali.

Tumigil ako saglit sa isang maliwanag na lugar, ito ata ang parke. Naaalala ko naman ang mga panahon naagkasama kaming pumunta dito.

Sa isang malinis na damo, umupo at nag-isip nang mga bagay-bagay na minsan ko nang ikinangiti noon. Hanggang alaala nalang talaga...

"Need someone to talk to?" dahil hindi ko maimulat nang maayos ang mata ko, hindi ko maaninag kung sino ang nagsabi nun.

"No thanks! I just want to remember the memories my ex and I made here" I said reluctantly. 

I don’t care who he is I just want to release all the pain I feel, to someone I don’t know

"What happened to your ex?"

"Gago eh. He cheated on me with the woman who had been in love with him for a long time....at alam mo ba kung ano yung masakit doon? Nabuntis niya pa ito tapos ngayon mukhang ang saya-saya pa nila"

So I stare in the space so these tears won't come out, yeah I'm numb! Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na wala nang pag-asa, patuloy pa rin akong umaasa.

"Hindi ko naman siya nabuntis eh"

Napatigil ako sa sinabi nang lalaki. Bakit ganito siya sumagot?

Nawala ang kalasingan ko nang humarap ako sa kaniya. Natulala ako nang ilang segundo, sinisigurado kung siya ba talaga ang kausap ko kanina pa.

"Why are you here?" galit kong sabi.

Hahawakan niya sana ako pero hindi na natuloy dahil tumayo na ako sa kinauupuan ko kanina. "I'm making sure if you're okay..."

"Ayos na ako! Bakit ba nandito ka? Bumalik ka na doon sa asawa mo" nandidiri kong sabi sa kaniya.

"Look, nandito ako para magpaliwanag sa iyo"

Paliwanag? Akala ko ba tapos na kami?

"Vaughn! Three years na tayong wala! Ano pa bang kailangan mong ipaliwanag?"

"Na mali ang lahat nang alam mo, gusto kong malaman mo ang totoo"

"You don't have to!" mataray kong sabi.

Alam kong wala na rin naman akong mapapala doon, matagal ko nang kinalimutan yung sakit na idinulot niya sa akin.

"Lori, minahal talaga kita! Sana kahit ngayon lang paniwalaan mo ako" pagmamakaawa niya. Bibigyan ko ba siya nang pagkakataong magpaliwanag?

"Alam mo minsan sa kalagitnaan nang gabi, naiisip ko na baka maramdaman kitang muli. Pero namimiss lang pala kita. I wish you were a better man"

Pinapangarap ko na sana balang araw makalimutan na kita, pero ano nanaman itong pinapakita mo sa akin?

Vaughn, ginugulo mo nanaman ang mundo ko! Sana naman sa pagpapaliwanag mong ito mayroong magbago.

*******************************************

Continue Reading

You'll Also Like

928K 31.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
4.3K 159 52
There was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that h...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
9.9K 486 45
Wandering without a map is indeed scary. Walking on a path without knowing where it will lead you is nothing but bravery. Some are lost under the moo...