Glowing Gems

By Quicke_Ow

8.3K 581 13

'Pang-unawa' ang siyang tanging namumutawi sa bawat pusong naghahangad na malagpasan ang bawat pagsubok na du... More

WARNING!
AUTHOR'S NOTE
PHOTO CREDITS
GLOWING GEMS 1: DIYOS NA SI VERANDA
GLOWING GEMS 3: PAGTINGIN KAY LEE
GLOWING GEMS 4: MANANALIKSIK NA SI LOM
GLOWING GEMS 5: ANG TINIG SA LIKOD NG KAWALAN
GLOWING GEMS 6: REGALO NG PALAD
GLOWING GEMS 7: MAHIWAGANG PANAGINIP
GLOWING GEMS 8: BUNDOK NG DUKARAWI
GLOWING GEMS 9: ANG MANLALAKBAY NA SI LOM
GLOWING GEMS 10: GABAY NA SI GAEL
GLOWING GEMS 11: KAHARIAN NG VERATHRA
GLOWING GEMS 12: HARING RASCAL
GLOWING GEMS 13: ANG PAGKATAO NI LOM 1
GLOWING GEMS 14: ANG PAGKATAO NI LOM 2
GLOWING GEMS 15: ANG MGA TAGAPANGALAGA
GLOWING GEMS 16: LEE SA MUNDO NG MGA IMMORTAL
GLOWING GEMS 17: SAGRADONG SILID
GLOWING GEMS 18: KASAYSAYAN NG APAT NA KAHARIAN
GLOWING GEMS 19: PANAUHIN NA SI MADER ROSE
GLOWING GEMS 20: SA PILING NI LEE
GLOWING GEMS 21: ISLA NG MYUKI
GLOWING GEMS 22: MARKA NG KIDLAT
GLOWING GEMS 23: SAGRADONG SANDATA
GLOWING GEMS 24: PANGUNGULILA SA MGA NAIWAN NI GILOM
GLOWING GEMS 25: PAGSALAKAY NG MGA GWANO
GLOWING GEMS 26: HAKBANG TUNGO SA KABUTIHAN

GLOWING GEMS 2: ANG MUNDONG GINAGALAWAN NI LOM

624 42 0
By Quicke_Ow

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Nakaraan...

Bumuntong hininga na muna ito bago magsalita. "Sa napakalayong kalawakan, may isang napakagandang dilag na hinahangaan ng lahat dahil sa kanyang yumi at ganda at lahat ng kalalakihan ay nahalina dahil sa kanyang taglay na wangis. Mahaba at medyo kulot ang buhok, bilugan at singkit nitong mga mata, makinis at maputi nitong balat na nakakasilaw sa tuwing matatamaan ng araw, ang mala makupa sa pula nitong mga labi ay sadyang napakasarap pagmasdan. Ang pangalan ng dilag na iyon ay si Veranda, si Veranda ay anak ng mga makapangyarihang mag asawang diyos na namumuno sa mundo nito, ang sagradong kaharian ng Athartha. Ngunit sa kabila ng napakaamo nitong mukha ay may taglay itong kapangyarihan na kayang lumikha at gunawin ang isang lupain at maging ang daigdig na maihahanay sa lakas ng kanyang mga magulang at higit pa, kaya't walang may naglakas loob na magtapat ng kanilang pag ibig sa dilag dahilan upang ito ay mag isa. Bagama't halos lahat ng mga kalalakihan sa lugar ay lubos itong iniibig.

Dahil sa pagiisa at kalungkutan nito ay napagpasyahan niyang gumawa ng kanyang sariling pahingahan na sing tulad ng paraiso kung ito ay iyong masisilayan. Doon ito ay namamahinga at nageensayo upang mapalakas ang kapangyarihan nito. Wala itong masamang intensyon sa kanyang nasasakupan dahil ang hangarin lamang nito ay maprotektahan ang sangkatauhan.

Taon ang lumipas noong humalili ito bilang reyna sa kanyang kaharian. Dito ay unti unti niyang naisasakatuparan ang kanyang mithiing protektahan at ilagay sa ayos ang lupain. Nilinis nito ang lupain, lahat ng may masasamang hangarin at gawain ay ipinatapon ito sa malayong lupain. Noong mailagay sa tahimik ang kaharian nito, dito ay nakaramdam na naman ito ng pag iisa kaya't nagisip ito ng paraan kung paano niya lilibangin ang kanyang sarili.

Nais nitong gumawa ng bagong mundo kung saan gusto niyang bigyang laya ang kanyang sarili na lumikha ng kung ano ano sa kadahilanang gusto niyang ibahagi ang kanyang kapangyarihan sa kanayng malilikha. Dito ay gumawa ito ng isang mundo o lupain na magtataglay ng kanyang lakas at kapangyarihan. Ang mundong ito ay tinawag niyang Verathra, naiiba ang mundong ito at punong puno ng hiwaga. Hindi man lang naisip ni Veranda na maaari itong pagmulan ng gusot dahil sa katimawaan at kasakiman sa kapangyarihan ang ilan sa mga nakatira rito.

Kaya't gumawa si Veranda ng isang sugo sa ngalan ni Zephyr na gawa sa putik, dahon ng sagradong puno sa paraiso ni Veranda. Binigyan buhay niya ito at ipinadala sa lupain ng Verathra upang hukuman ang sangkatauhan. Kaya't simula noon ay nagsilbing tagabantay na si Zephyr sa lupain ng Verathra. Sa paglipas ng mga panahon ay umusbong na ang iba't ibang kaharian sa Verathra upang pangalagaan ang bawat sulok nito. Ngunit sa pangamba ni Veranda na muling sakupin ng katimawaan sa kapangyarihan ang sanlibutan ay nagpasya itong gumawa ng bagay na mapapakinabangan ng sanlibutan at ibinigay niya ito sa mga namumuno sa lupain ng Verathra.

Ang mga kapangyarihang ito ay may kaugnayan sa mga elemento ng buhay ang; lupa, apoy, hangin, at tubig. Ipinamahagi niya ito sa bawat sulok ng lupain upang mapangalagaan ang bawat nasasakupan ng mga kaharian. Kaya simula noon ay nagkaroon na ng mabuting ugnayan sa pagitan nila." Kwento ni lola dahilan upang ako ay humanga.

"ANG MUNDONG GINAGALAWAN NI LOM"

Quicke_Ow

Part 2

Ako si Gilom Sebastian, 19 anyos, kasalukuyang nasa ikadalawang taon ng kolehiyo sa isang pampublikong unibersidad dito sa bayan, may taas na 5'9, batak ang katawan dahil sa mga gawain bahay at pagtatalyer, maayos naman ang aking hitsura na maihahanay sa mga sikat na personalidad partikular sa mga artista, ito ay ayon sa mga sinasabi nila. Ako ay kumukuha sa kursong sekundarya ng edukasyon dahil sa gusto ko ang magbigay ng kaalaman sa mga nangangailangan. Nakatira ako malapit sa may bundok kung saan nakatirik ang aming munting dampa, hindi kami ganoon kaswerte sa buhay ngunit nagagawa naming makaraos sa isang araw.

Ang trabaho ng aking ama ay tanging pagsasaka lamang bilang aming pangunahing pinagkakakitaan habang ang aking ina naman ay nasa bahay lamang at pinangangalagaan ito kasama ang aking lola. Hindi naman ako matalino sa klase at hindi rin mahina kung baga sakto lang. Masasabi kong swerte naman ako sa kaibigan dahil lahat sila ay totoo sa akin, minsan nga ay sila pa mismo ang nagbabayad ng mga bayarin ko dito sa paaralan at minsan din nila akong nililibre sa pagkain ngunit hindi iyon ang kaso roon.

"Uy beshie! Anyari bakit parang lutang ka ngayon? Siguro hindi mo napiga ang katas ng kaligayahan last night?" Pabirong bulong nito dahilan upang mangunot ang aking noo. Medyo magulo ang aking isipan ngayon dahil sa naganap kagabi sa akin, ang biglaang pag usok ng aking katawan hanggang sa mawalan ako ng ulirat. Ngunit hindi ko ito ipinahalata sa kanya baka magalala ito, OA pa naman ito kung makareact.

"Ha? Anong ibig mong sabihin Danilo?" Takang tanong ko dito.

"Danny!! Hindi Danilo!! Kaimbyerna ka naman beshie." Singhal nito sa akin dahilan upang magtinginan ang aming mga kaklase.

Siya si Danilo 'Danny' Bautista, isang kloseta na Darna, magkasing edad lang kami at magkaklase. Siya ang aking partner in crime sa lahat ng sitwasyon, masasabi kong lumalaban ang facesung ng lolo mez. Magkasundo sa lahat ng bagay at nagtutulungan sa isa't isa, nakilala ko ito noong ako ay first year college noong mabahing ito sa quadrangle at nagsilabasan ang delubyo ng nakaraan 'sipon' , kinukuha nito ang kursong nursing kaso nga lang noong makita nito ang aking mga kaklase ay bigla itong nagshift ng kurso sa kadahilanang 'it's raining men hallelujah' daw sa kurso namin. Hindi maitatanggi na lahat ng aking mga lalaking kaklase ay may ibubuga kaya ganoon na lamang ka competitive at kainspire si Danilo. Sa kanya ko lamang natutunan ang ganitong pananalita.

"What's wrong back there Gilom Sebastian and Danilo Bautista?" Tanong ng aming prof.

"Ah nothing ma'am. May nakita lang po kaming ipis." Pagsisinungaling ko dito at agad kong ibinaling ang aking tingin sa harapan upang makinig.

Kasalukuyan kaming naririto sa silid ng aming pangsecond subject, ang introducrion to worlds belief system na tumatalakay sa iba't ibang relihiyon at ang kanilang paniniwala base sa kanilang tradisyon at kultura. Gusto ko ang asignaturang ito dahil nabibigyan ito ng laya na matuklasan ng iba ang kung ano ang mga paniniwala at ang kanilang mga ginagawa.

"There are some of the religions who beleived various gods and goddesses as their creator. One of the religion across the globe who beleived and wordhip their gods is the religion of 'Hinduism.' Hinduism is considered as polytheist religion because it is populated with myriad gods and goddesses who personify aspects of the one true god, allowing individuals as infinite number of ways to worship based in family traditions, community and regional practices, and other consideration.

Hindus acknowledge that at the most fundamental level. God is the one without a second the absolute, formless, and only reality known as Brahman, the supreme, universal soul.

Here are just some of the many hindu gods and goddesses. Brahma- The creator. Vishnu- The preserver. Shiva- The destroyer. Ganapati- The remover of obstacles.

Avatars of Vishnu

Rama- Most beloved hindu gods. Krishna-Teacher of the sacred scripture. Saraswati- The goddess of learning. Lakshmi- Goddess of good fortune. Durga Devi- is a powerful goddess who's terrifying to her adversaries. Indra- the king of heaven and lord of the gods. Surya- The sun.

Those were few of the gods and goddesses that hindus beleived and worhip. Thus, we have to respect their beliefs and their practices. We are here to learn their religion and its nature not to disgrade and humiliate what do they beleived. If you have something to beleive in, we will respect it knowingly that each one of us don't have the same mindset and thoughts. So, why would we judge others belief?...that's all for this morning. Class dismiss!" Saad ng professor namin at agad itong lumabas habang kami ay isa isang isinisilid ang aming mga gamit.

"Beshie mag bar tayo later? Okay ba yun? Don't worry libre ko." Nananabik na saad nito habang ako ay patuloy sa aking ginagawa.

"Hindi ako pwede sa ngayon Danny. Didiretso ako mamaya sa talyer para sa part time job ko." Saad ko sa kanya dahilan upang manguso ito kasabay nito ang aking pagtawa.

"Ganoon ba? Oh sige sa susunod na lang tayo lumabas." Nakanguso nitong saad ngunit tanging tango lamang ang aking naisagot.

Ipinagpatuloy ko pa ang aking ginagawang pagsisilid sa aking mga gamit nang maalala ko ang mga natalakay ng aming professor ukol sa mga diyos. Posibleng totoo kaya sila? Tanong ko sa aking sarili. Nasa ganoong pagiisip ako noong may maramdaman akong yumakap sa aking likuran kaya agad ko itong nilingon. Dito tumambad sa aking paningin ang isang lalaking nakangiti, naka brush up ang buhok, mapupungay na mga mata, matangos na ilong, mapulang mga labi na may hati sa gitna, makinis ang mukha, at halatang mayaman ito.

"Bitawan mo nga ako Lee." Iritang saad ko dito dahilan upang bumitaw ito sa pagkakayakap.

"Ayaw mo ba?" Kunwaring malungkot na saad nito.

"Pwede ba lee? Tigilan mo na ako, hindi ako bakla okay." Singhal ko dito.

Palaging ito na lamang ang eksena sa pagitan naming dalawa. Siya si Lee Cuang-co, isang half filipino at half chinese, filipina ang mommy niya habang chinese naman ang daddy niya. Manliligaw ko itong si Lee simula noong first year pa lamang ako, nalove at first sight daw ito sa akin ngunit inamin naman nitong hindi siya bakla at ganoon din ako. Nakilala ko na ang mga magulang nito noong unang beses niya akong dinala sa kanila, ipinakilala niya ako bilang kasintahan nito dahilan upang ako ay magulat noong mga oras na iyon. Mabilis naman itong tinanggap ng kanyang mga magulang dahil sa open sila sa ganitong sitwasyon ngunit wala sa plano ko ang maging kami sa mga oras na iyon. Varsity player ito ng basketball dito sa campus at hearttrob ng sangkabaklaan at babaehan, isa na rito si Danny na humahanga kay Lee.

"Ang harsh mo naman beshie." Pagbibigay simpatya nito kay Lee sabay na nilapitan ito at mabilis pa sa ahas kung lumingkis sa mga braso nito.

"Gusto mo ba baby lee ako nalang ang pumiga at lumunok sa nectar mo?" Malanding saad nito dahilan upang pareho kaming mapangunot noo.

"Pasensya na brad, di ko maintindihan iyang sinasabi mo." Tugon naman ni Lee kasabay nito ang panlaki ng kanyang mga mata.

"Lakas maka brad pre ah." Boses lalaking saad nito sabay na nakipag chest bump kay Lee na aking ikinapigil ng tawa.

"Tama na nga iyan Danny. Halika na't kumain na tayo, nagugutom na kasi ako." Pag yaya ko dito dahilan upang bumitaw ito sa pagkakalingkis sa braso ni Lee at nagtungo sa aking kinaroroonan.

"Ayos! Tamang tama nagugutom na rin ako." Galak na saad ni Lee at sumabay ito sa amin papuntang canteen upang doon kumain.

Kasalukuyan kaming naririto sa canteen habang kumakain ng tanghalian, inilibre ako ni Danny dahil hindi ko naman kayang bilhin ang ganitong mga pagkain. Oo nga't nasa pampublikong unibersidad ako nagaaral ngunit ang mga pagkain na ibenebenta rito ay ginto ang bayad. Katabi kong nakaupo si Lee habang abala ito sa pagkain ganoong din si Danny.

"Hoy kupal ka lom! Kelan mo sasagutin itong si Lee?" Tanong ng isa sa mga malapit kong kaklase.

"Ah...e...ano" Utal kong saad.

"Kami na...sinagot na ako niyan." Sabad ni Lee habang abala pa rin ito sa pagkain, ni hindi manlang nagtapon ng tingin sa akin o sa mga kaklase ko man lang. Tila nakaramdam naman ako ng labis na pagkahiya kasabay nito ang pagtilian ng aking mga kasama. Nabaling naman ang atensyon ng lahat sa amin.

"Yieee. Sino ang buttom kung ganoon?" Natatawang saad muli ng aking kaklase. Alam ko namang nagbibiro lang ito pero bakit parang may namumuong inis sa aking kaibuturan.

"Punyeta ka Danica! Yang bunganga mo ah, maghinay hinay ka kundi papalsakan ko iyan ng titi ng boyfriend mong si Tristan." Pagsakay ni Danny sa biro ng aking kaklase dahilan upang kami ay magtawanan habang ako ay nanatiling nakayuko dahil sa hiyang aking nararamdaman.

Dito ay ipinagpatuloy namin ang aming pagkain na may kasamang asaran, tawanan, at kulitan. Bumaling naman ako ng tingin sa aking katabing lalaki at dito ay natutuwa itong makisama sa aking mga kaklase. Tila kinurot naman ang aking puso dahil sa tuwa. "No! Erase...erase." sambit ko sa aking isipan. Lumipas ang maghapon na puro talakayan ang naganap sa bawat asignaturang aming pinasokan sa buong maghapon. Uwing uwi na ako upang makapagtrabaho na ako sa talyer.

Ilang oras pa ang lumipas nang matapos na ang aming klase. Kasabay ko si Danny ngayon sa paglalakad palabas ng campus upang umuwi na habang ako ay dideretso sa talyer upang magtrabaho. Nais nga akong ihatid ni Lee kaso tinanggihan ko ito, sa kabilang banda naman ay nanghingi ito ng paumanhin sa mga nasambit niya kanina sadyang nagbibiro lamang daw ito at ginogood time ang aking mga kaklase na maluwag ko namang tinanggap. Ngunit bakit tila yata nakakaramdam ako ng kaunting lungkot sa aking sarili noong sambitin nito ang mga katagang 'nagbibiro lamang ako roon', sa halip na pagtuonan ko ito ng pansin ay iwinaksi ko na lamang ito sa aking isipan.

Sakay ng trisekel ay tinahak ko ang daan papunta roon sa talyer at makalipas nga ang ilang sandali ay agad ko itong narating ng napakabilis. Tinungo ko ang garahe papasok at dito ay nakita kong marami na ang magpapaayos ng sasakyan kaya dali dali akong nagpalit ng damit at walang ano ano'y agad kong kinumpuni ang mga kailangan kalikutin roon. Bago ako maging trabahanti rito ay tinuruan na muna nila ako kung paano magkumpuni, halos isang buwan mahigit lang naman ang ginugol ko upang matutunan lamang ito.

Pawis na pawis ako sa mga oras na ito dahil sa ilang oras na akong nagkukumpuni ng mga sasakyan. Lumipas ang araw na iyon na pagod ang aking katawan dahil sa pagtatalyer. Gabi na noong ako ay makauwi, ni hindi ko na nagawa pang kumain dahil sa tindi ng pagod na aking nararamdaman dahilan upang magalala sa akin sila inay ngunit sinabi ko naman sa kanila na kailangan ko lang magpahinga.

Agad kong narating ang aking silid at dito ay agad kong ibinagsak ang aking katawan sabay na dinapuan ng espiritu ng antok. Bago lamunin ng labis na pagkaantok ang aking diwa ay naramdaman ko namang muli ang init sa aking pakiramdam at dito ay agad akong nakatulog. Wala na akong naalala pa.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

876K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...