EMPIRE HIGH

By mscresantine

5.8M 176K 29.3K

Empire High was built for the Empire Society: Reapers, Gangsters, Assassins and Mafias. And as the classes st... More

EMPIRE HIGH
Chapter 1
Empress Morrigan
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.1
Chapter 22.2
Casts
Chapter 23
Chapter 24
AUTHOR'S NOTE
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Explication Chapter
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
BOOK 2: COMPLETED

Chapter 30

82.4K 2.5K 583
By mscresantine

~~101+k 


Chapter 30: The Riddle



Klaio Satara's POV


Alam kong nagulat si Fuschia sa inakto ko pero di ko aakalain na ako ang mas magugulat sa sinabi niya. Hanggang ngayon ay nakapako ang tingin ko sa pinto na pinaglabasan ni Fuschia. She's so unpredictable. She wants Jeena out of our life.



"Am I dreaming?" sa sobrang tahimik ay maski ang bulong ni Jeena na iyon ay narinig namin. Kung panaginip ang lahat, siguro wala kami dito.



"She meant it. And If I were you, susundin ko ang sinabi niya." singhal bigla ni Lexine at tumayo na sa pagkakaupo. Tiningnan niya lang kami ni Jeena ng maigi at saka nagpatuloy nang maglakad. So that's it? This is ridiculous.



"Klaio, let's go." yaya sa akin ni Blairre. Tiningnan ko muna si Jeena. Tahimik lang ito na nakatungo. She's hurt pero sa tingin ko ang gusto lang gawin ni Fuschia ngayon ay protektahan ang mga taong nalalapit sa kanya. Dahil base sa conclusion ko, unti unti nang babalik silang lahat.



Tumango na lang ako sa kanya at nauna na itong lumabas ng pinto. Muli, ay binalingan ko ng tingin si Jeena.



"You heard her. I know she have her own reasons. Just now, follow her." at pagkatapos kong sabihin iyon ay napatunghay siya. Kitang kita ko ang reaksyon niya. Puno ng sakit. Pero kulang pa iyon para tumbasan ang sakit na alam kong nararamdaman ngayon ni Fuschia lalo na at may bumalik at nagpaala-ala ng lahat tungkol sa kanya.




Fuschia's POV


Naiirita na ako sa mga naririnig ko. Para silang mga bubuyog na walang magawa kundi ang mameste ng bawat umaga ko. Habang naglalakad ako ay rinig na rinig ko ang puro kwentuhan. Kung hindi tungkol sa amin ay sina Armour at ang grupo niya ang topic. Nonsense shits.



Agad akong nagtungo sa locker room. Its been days since pumunta ulit ako dito. At ngayon, habang naglalakad ako ay naramdaman ko na naman ang isang misteryosong presensya malapit sa akin.



Habang naglalakad ako ay ramdam ko pa rin ang tila patago tago nitong presensya at tulad noon ay sa tuwing titingnan ko kung sino ang kasunod ko, ay siya pa rin ang nakikita ko. I'm doubting this scenario. Posibleng hindi aksidente na lagi siya ang nakikita ko at posibleng sadyang pagkakataon lang.



Napatigil naman ako nang matapat sa aking locker number. Hindi ko pa ito nabubuksan ay narinig ko na ang ingay ng isang pagbubukas ng locker. Tumingin ako sa gawi nito at tinitigan ang taong nagiisang nakatayo na ilang agwat lang ang layo sa akin.



Nahaharangan ang mukha niya dahil sa locker nito. Does she loves black? From her long sleeves down to her pants, it's all black. 



Titingnan ko na sana ang mukha nito nang naisarado na ang kanyang locker pero natigil ako sa pagtitig sa kanya. Tumalikod ito sa akin pero nanatiling nakatigil sa katayuan niya. She's acting like a ghost here for Pete's sake.



Mas pinanuod ko ang bawat galaw niya nang mapansin ko ang pagkuha nito ng isang pirasong papel na mula pa sa ilang libro niyang dala. Kita ang anino niya sa dingding kaya ganun ko na lang nakikita ang ginagawa niya kahit man nakatalikod siya. Aalis na din pa sana ako dahil mukang estatwa lang siya doon pero natigil muli ako sa sinabi nito habang nakatingin sa papel na iyon at tila nagme-memorize sa harap ko. She's reading what's in the paper, I think.



"Meant to came just like meant to fight. A masterpiece frame just like a melting candle light. Today, Prepare for a treason with them as your reasons. And tomorrow, Traces would came as you know their fame."



Halos magpantay na ang aking kilay sa binigkas niya. It doesn't look like a poem, it looks more as a riddle.



Nawala ang atensyon ko sa kanya at agad napabunot ako sa telepono ko sa aking bulsa nang marinig ko ang aking ringtone. Nang makuha ko ito at maitunghay ang aking ulo ay laking gulat ko lang na makitang nagiisa na ako. She's gone.



Naglakad ako patungo sa puwesto niya kanina nang mapansin ko ang isang piraso ng papel na sa tingin ko ay pagmamay-ari niya. I'm quite expecting na ang makikita ko ay ang riddle na binabasa niya but instead, pangalan ko ang tanging nakasulat lang. 



Take note. Its my full and real name. Damn.



I snapped my fingers nang maalala ko at nang makita ko kung sino ang tumatawag kaya agad ko na itong sinagot.



"Empress." Ang strikto ng boses. Mukhang alam ko na ang kailangan niya.



"I know. I'll be there, Manager Prim." Pagkatapos kong sabihin iyon ay binaba ko na ang tawag. Hindi ako makakapasok ngayon and worst makakasama ko pa siya. 



Hell really knows how to messed up my morning.




Lexine's POV


Shock? Definitely yes. Did she just said that she wants Jeena out of our life? Alam ko behind that ay mayroon siyang mga plano.



Napatigil ako bigla dahil sa narinig kong takong na papunta sa akin. I'm heading to the Locker Room at iyon ang pinakadulo kaya makakasalubong ko siya. Nagtago ako agad sa isang poste.



"Hera." bulong ko nang ito'y dumaan sa harapan ko. Hindi ako nagkakamali. Wearing that black long sleeves. Nakita ko na siya kaya hindi ako pwede magkamali. 



Si Hera iyon.




Fuschia's POV


"Ms. Empress." banggit nang ilang staff na nakakita sa akin. Andito na ako ngayon sa isang private airport na ang katabi ay isang field at kaisa isahang malaking building. Dito gaganapin ang shooting ng music video para sa kanta.



This is it. Tuluyan nang masisira na naman ang aking araw. Pagtapak ko pa lang ng aking kaliwang paa ay naririnig ko na agad ang boses niya.



"Bring here my partner." Puno ng otoridad ang boses nito kaya sigurado natatakot ang ilang staffs sa kanya. 



Mukhang hindi rin niya alam na ako ang makaka-partner niya at mukhang nataasan lang ng kanyang Manager na pumunta siya dito. Tss. Napapikit lang ako saglit ng mariin at saka nagpatuloy ng pagpasok. Another show and pretension, katulad lang ng dati. Dahil as of now, ay nandito ako bilang Empress at hindi bilang Fuschia. (refer to Chapter 7)



"Ms. Empress" bati ng isa sa mga staff na agad nakapansin sa presensya ko sa pinto. Tumahimik naman ang lahat at natuon sa akin ang atensyon ng lahat maski ni Armour. Iniba ko ang anggulo ng aking ulo at saka ngumiti.



"Because she's now here, we'll now start the shooting. But let us do first the pictorial for the album and magazine cover." saad ni Manager Prim. Tumango naman ako dito at naupo na sa harap ng malaking salamin.



Sinimulan na akong ayusan mula kuko hanggang sa makeup at hairstyle. Damn. Naiirita na ako. Sanay na ako sa ganito pero di ako sanay na nakaupo lang. Parang ang hina kong tingnan dahil sa wala akong magawa. Sht. Same words. Naalala ko bigla ang linyang iyon tungkol sa nangyari noon.



"Wala kang ginawa. Ikaw ang may kasalanan."



Napayukom ang kamao ko at hindi ko maiwasan magalit. That scenes keeps repeating on my mind every night, a nightmare indeed.



"Good. Now Armour, put your hands in Empress' waist. And Empress put your right hand in his right face." Damn. The heck of this poses. 



Ang dami na naming shots at hanggang ngayon di pa rin kami natatapos. Ayos lang sana kung iba, pero iba ngayon. Its Armour at habang nakikita ko siya ay nakikita ko ang kasalanan ko.



"Wait! Have an eye contact!" sigaw ng photographer naman. Peste. Kung pwede lang alisin ko ang mata niya nang makita niya nang harap harapan ang literal na eye contact. But I don't have a choice.



Walang alinlangan ko siyang tiningnan sa kanyang mata. Brown with black. Ang gandang tingnan. Sa ngayon, wala akong problema. My eyes' color is pure black just like Fuschia pero si Bloody E ay red. But the real color of my eyes are violet. Weird, because they told me to hide it. And yes, contact lenses ang gamit ko. Not definitely a typical contact lense pero dalawang thin lenses ito na hindi mo mahahalatang peke. That's a proof for the technology generation today.



"You're---" Jerk. Gusto niya bang ituwid ko muna ang dila niya bago siya magsalita?



Pasalamat siya at hindi pa tapos ang pagkuha sa amin ng shots dahil kung hindi, iniwan ko na siya. Damn this position. Nasa likod ko siya ngayon at nakayakap ang kanyang dalawang braso sa akin. Samantalang ako ay naksandal sa dibdib niya. Hawak ng kaliwang kamay ko ang mga kamay niya na nasa baywang ko habang ang kanan kong kamay ay nakalapat sa kanang pisngi niya. Kung akala nilang sweet tingnan, puwes nakakasuka tingnan. 



Namatayan plus Pumatay. Perfect.



"What?" plastik kong tanong sa kanya. Nasa kanya na iyon kung ano ang maiisip niyang tono sa sinabi ko. Mas nairita pa lalo ako na sa imbes na sumagot ito ay ngumiti na naman siya.



"Perfect! One more! Hmm. Face each others!" utos nito sa amin. Sinunod naman namin ito. I hate this but I need to be a professional.



"Now Empress, hold your both hands and put it on your chest." Ginawa ko naman ito. I think this will be the cover for the Soundtrack and Cd Album.



"Armour, get close with her and hug her tight as if you don't want to lose her." utos nito kay Armour. Unti unti itong lumapit sa akin at niyakap ako. Maluwag hanggang sa humigpit. This feeling.



"Now, I want both of you to have a real emotions. Close your eyes and let a tear drop fell from your eyes. Feel the moment, Imagine the moment, just like you don't want to let go of each other." Damn orders. I hate this feeling. 



As I closed my eyes, Naaalala ko ang nangyari noon.



"Never forget me. I love you." kasabay noon ay ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit habang ang dalawa kong kamay ay nasa dibdib niya naman.


Hindi ko alam kung matutuwa ako sa yakap na iyon o hindi. Ang higpit at tila ayaw niya akong pakawalan o iwan man. Pero nakakalungkot mang sabihin ay marahil ito na ang huli.


"I love you" bulong ko rito. Kumalas naman siya ng yakap not for letting me go pero para halikan niya ako sa aking labi.


A teardrop fell from my eyes nang natapos na ang halik niya at mas hinigpitan pa niya ang yakap niya. Ayokong yumakap sa kanya dahil I'm still holding on sa pangako niya na hindi niya ako iiwan.


Nakaramdam na lang ako nang likido na pumatak sa balikat ko. He's now crying and its because of me. Damn this life. Why its so unfair? At sa pagkakataon na naramdaman ko pa ang tumulong likido ay hindi ko na napigilan pang yakapin siya ng mahigpit.


Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa aking noo at simula nang gawin niya iyon ay hindi ko na napigilan pang tumulo ang mga luha ko na pinipigilan ko. Its not because dahil hinalikan niya ako sa noo ng ilang minuto, its because nararamdaman ko na ang unti unti niyang pagkalas sa yakap. He's now, letting me go.


Kumalas na ito ng yakap sa akin at wala na akong magawa pa kung hindi manatiling nakatayo sa katayuan ko. Wala nang luha pang tumutulo, manhid na nga siguro ako sa sakit. He's now walking away from me. He's now breaking his promises.



"Perfect!" Rinig kong malakas na sigaw ng Photographer pati ni Manager Prim na siyang nagpagising sa diwa ko. At tila hindi ako makapaniwala sa nangyari ngayon. 



I'm stupidly crying. Stupid Empress Fuschia.



Agad akong napalayo sa lalaking nasa harapan ko. I need air. Agad akong umalis doon ng walang pasabi at hindi na rin ako babalik pa dahil sa narinig kong sabi ni Manager Prim sa kanyang kausap sa cellphone niya.



"Yes, I think hindi na kailangan pang ishoot nila ang chorus nilang dalawa total may record na sila noon. Ako na ang bahalang gumawa ng edit at ipaparinig ko na lang sayo. Yes, yes. Pauuwiin ko na sila. Tapos na din naman."


"Kilala ko alaga ko. She wants to go home now."




Hindi na ako nagabala pang lumapit kay Manager Prim dahil marahil ay iyon din ang sasabihin niya sa akin.



Napahinga na ako ng malalim at napamulat ng mata nang marinig ko ang elevator na nagbukas nang nakarating na ako sa ground floor muli. Good thing, ay nasagap ng mata ko ang aking jacket kanina. Isinuot ko ito pati na rin ang hood. Nagdire-diretso naman ako ng lakad. May mga ilang napapatingin sa akin pero wala pa namang nakakakilaka sa akin. Marahil ay namumukhaan lang ako.



Napailing na lang ako sa munting atensyon na ibinibigay nila sa akin. Sa kakadiretso ko lang sa paglalakad sa field ay nakarating ako sa dulo at likod nitong bahagi. Surprisingly, nakita ko ang isang puno na matanda na. Kakaunti ang dahon pero mas nag-agaw pansin ito dahil sa repleksyon nito sa ilog na nasa ilalim nito. Ang gandang tingnan. Time flies away easily tulad lang ng ilang tao na kakakilala mo pa lang ay nawawala na din agad. Ironic.



Napamura na lang ako sa hangin nang maalala ko ang nangyari ngayong umaga. Nawala ang mood ko dahil sa traffic, mas lalong nawala nang dumating si Ethan at sobra namang lalong nawala ang mood ko nang umiyak ako para sa pesteng pictorial na iyon. Ang hina kong tingnan.



"Hindi ka mahina. Dahil hindi sa lahat ng oras, ay malakas tayong lahat. Siguro kung nandito siya sa tabi mo ay marahil believe siya sa iyo." 



Hindi na ako nagabala pang tingnan siya dahil simula nang maglakad ako papunta rito ay naramdaman ko na ang presensya niya. Marahil ay nakita niya ako at alam niyang naroon ako sa gusaling iyon kung saan pagmamayari niya ang buong lugar na ito kabilang ang pribadong airport na ito. Hindi ako galit sa kanya pero inis lang siguro. 



Hindi rin ako sumagot sa kanya kaya nabalot kami ng katahimikan hanggang sa naupo na ito bigla sa tabi ko at narinig ko ang munti nitong pagtawa.



"Kahit ako, believe sayo. Malakas ka. Malakas ka sobra. Hindi dahil sa galing sa pakikipaglaban kung hindi dahil, you're good enough to face these consequences." basag niya sa katahimikan at makahulugang sinabi iyon. Sana nga, ganun na lang talaga.



"Hindi ako bulag sa nangyayari. Alam kong mahal mo pa rin siya, at nandito ako para sayo. Totoo ang sinabi ko, pero gagawin ko ang lahat para hindi ako maging gahaman tingnan." seryoso nitong saad pero di kinalaunan ay natatawa na itong nagbibiro. 



Wala akong karapatan husgahan siya, kilala ko rin siya at alam ko na ngayon kung bakit siya nandito.



"Puwede bang kalimutan mo yung nangyari? Namiss lang siguro kita." saad nito sa akin. Hindi man ako sumagot sa tanong niya ay marahil alam niya na din ang sagot ko. He knows me too well just like him.



"I think, I would say it as a Yes. At kung hindi man ay huwag ka pa ring magalala dahil hindi ko tinatanggap ang salitang No o Hindi. At basta pag mahal mo pa rin siya, ako na lang. Kahit rebound." natatawa nitong saad sa akin noong una pero naging seryoso na noong huli.



"Gago ka Ethan."





Edited.

Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
190K 6.4K 38
What we thought was the end, is just about to begin. (Book 2)
1.5M 48.3K 73
Highest rank reached in humor category: #3 as of Dec.6 ,2016 "A story of friendship, loyalty, and love between a girl and her bunch of guy friends." ...
2.3M 70.3K 134
Do you want to know how to have a get-out-of-jail free card and get away from any crime you committed? Then, learn from her. Ang storyang ito ay hin...