Fact Boy Kame (Kami ang tama, hindi ang tamang panahon)
Matthew:
@FactboyJoshuannayeshyesh
Matthew:
Nakita ng kakilala ko na naghahakot ng gamit sila Claire ano yun? Lilipat na sila ng bahay?
Renz:
Oo nga no nung isang araw lang binibenta nya lang cellphone nya tapos ngayon lilipat na ng bahay?
Devon:
Ano yun? Pano na sila ni Joshua?
Jancis:
Baka Ldr ampig nila Joshua
Joshua:
Wala na kami
Denver:
Awit inintay nila matapos quarantine pero sila natapos
Renz:
Sorry boy kung 200 lang naambag ko
Devon:
Sorry boy hindi ako nakapagbigay sayo para kay Claire bawal kase ako lumabas
Joshua:
Okay lang hindi nya naman tinanggap
Joshua:
Bayaran ko nalang sainyo yung mga nabigay nyo kay Claire na pera pag may pasok na ulit
Denver:
Wag na boy tulong namen kay Claire yun tsaka maliit na halaga lang naman yun
Joshua:
Salamat
Matthew:
Okay ka lang ba?
Joshua:
Ayos lang
Renz:
Kelan ba alis nila Claire sa bahay nila?
Jancis:
Oo nga kelan ang julis ni Claire?
Joshua:
Bukas
Jancis:
Gusto mo ba syang makita iaangas kita boy kahit coding ako bukas konti nalang naman yung banday
Joshua:
Salamat nalang mas mahihirapan ako pag nakita ko sa syang aalis.
Matthew:
Bat hindi mo pinaglaban si Claire boy?
Devon:
Oo nga bakit hindi mo pinigilan?
Joshua:
Pinilit ko naman kaya lang hindi si Claire yung kalaban ko yung panahon
Joshua:
Alam kong mahal nya ko pero ang hirap kase wala akong magawa, ang tanda ko na pero wala akong magawa
Joshua:
Nakakulong lang ako sa bahay ultimo nga nung nagluluksa nya sa lola nya andito lang ako sa bahay
Denver:
Naintindihan naman siguro yun ni Claire kase lockdown
Joshua:
Yun nga naintindihan nya pero ang hirap boy sinubukan ko naman gawin normal pero wala ang hirap
Joshua:
Mas lalo pang humirap nung sabihan nya ko na pampalipas oras nya lang ako
Joshua:
Na pang quarantine lang
Devon:
Anong oras alis ni claire bukas?
Joshua:
Wala syang sinabi basta bukas daw alis nila
Matthew:
Baket Devon tataluhin mo ba si Joshua?
Devon:
Ulul
Devon:
Susunduin ko kayo bukas gamit yung sasakyan ko magsanitize kayo pupunta tayo sa bahay nila Claire.