PANG QUARANTINE #78

88 30 9
                                    

Claire The Jinowa

6:00 PM

Claire:
Ano ba talaga pinaparating mo ha Joshua?

Claire:
Bakit napakaimature mo? Bakit hindi ka makuha sa isang salita?

Claire:
Diba sabi ko sayo wag na wag ka ng magpapadala? Ano nanaman tong pakulo mo?

Joshua:
Ipambayad mo yan ng upa tapos yung matitira ipambili mo ng pagkain o kaya ng maintenance ng mama mo

Claire:
Alin ba don ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko nung nakaraan?

Claire:
Diba sabi ko wag ka ng magpapadala ng pera dito, ang lupet mo din eh noh inutusan mo pa talaga si Jancis

Claire:
Nandamay ka pa ng tao, nangistorbo kapa

Joshua:
Sya naman nagalok nun tsaka babayaran ko kila matthew yung inutang ko pag nagpasukan

Claire:
So inutang mo papala yan kila Matthew

Claire:
Ang galing mo talaga eh noh, hindi kaba nahihiya Joshua? Hindi kaba nahihiya sa mga kaybigan mo? Kase ako oo hiyang hiya nako ayoko na

Claire:
Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko Joshua? Kase kahit maliit maiintindihan yan

Joshua:
Gusto ko lang naman mabawasan yung iniisip mo tsaka sinabi ko sayo na yung problema mo problema ko na din.

Claire:
Anong mahirap sa wag ka ng tumulong? Anong mahirap sa hindi ko kaylangan ng tulong mo, ng tulong ng mga kaybigan mo, ng pera nyo.

Claire:
Itigil mo yang kakasabi ng problema ko problema mo din kase kahit kaylangan hindi mo naranasan yung nararansan ko ngayon

Claire:
Hindi ka nangungupahan, wala kang iniisip na bayarin, walang iniisip na responsibilidad at higit sa lahat hindi ka namatayan

Joshua:
Wala akong iniisip na ganyan pero inisip kita Claire. Sa bawat araw na hindi ka nagrereply. Iniisip ko kung ano na bang nangyare sayo? kung kumain kana ba? kung ayos ka lang ba? kung may nakakain kapa ba?

Joshua:
Hindi ko nararanasan yung nararanasan mo pero nararamdaman ko kase pinaparamdam mo sakin yun

Claire:
Wag kang magalala Joshua

Claire:
Last nato hindi mo na mararamdaman lahat ng yan kase bukas hindi nako magrereply sa mga chat mo kase bukas kukunin na yung cellphone ko ng pinagbentahan ko

Joshua:
Claire naman oh sige ibenta mo. okay kung dyan ka masaya sige pero wag mo naman sabihin sakin na parang huling usap nanatin to

Claire:
Huli nato kase nakikipaghiwalay nako sayo ayoko ng magkaroon pa ng communication sayo pero wag kang magaalala lahat ng inutang ko sayo

Claire:
Lahat yun babayaran ko sayo pero pasensya na hindi ngayon wala akong pa kong pera

Joshua:
Boyfriend mo ko hindi ka naman iba sakin. Hindi ka naging iba sakin Claire. Kahit kaylan hindi ko pinaramdam sayo na iba ka

Joshua:
Kaya hindi ko maintindihan bakit ka nagiging ganto? Bakit ang bilis mo gumawa ng desisyon na hindi ako kasama

Joshua:
Ang daya daya mo, hindi ko kaylangan ng bayad mo kaylangan ko yung maramdaman mo yung nararamdaman ko

Claire:
Tama na Joshua kahit anong pilit natin hindi to magwowork

Claire:
Walang true love ngayong pandemic maraming taong nawalan ng trabaho, maraming taong nahihirapan wag na tayo dumagdag.

Claire:
Kung nahihirapan ka mas nahihirapan ako. Bukas aalis na kami dito ni mama hindi nako pinagbayad ng may ari ng bayad basta umalis lang daw kami

Claire:
Kaya kahit gusto kong sundin yang hiling mo na wag tayong magbigay ng space sa isat isa yung panahon yung magbibigay satin

Joshua:
Sige.

Joshua:
Pero pwede bang magtanong?

Claire:
Ano?

Joshua:
Maguusap pa rin ba tayo pagkatapos ng quarantine?

Claire:
Hindi ko alam Joshua

Claire:
Panahon lang yung makakasagot nyan, hindi ako.

Claire:
Mahal kita pero mas mahal ko pamilya ko, mas mahal ko si mama

Joshua:
Bakit Claire?

Joshua:
Hindi ba pamilya turing mo sakin?

Claire:
Hindi

Claire:
Mas madami akong dapat isipin, dapat unahin kesa sayo, kaya please tigilan mo nako

Claire:
Wag kana dumagdag kase ang bigat bigat na

Wala na kong nagawa ng mga oras nayan. Hindi nako nakasagot. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Naiinis ako sa sarili ko kase tama sya, wala akong magawa.

Gusto kong tumutol pero wala akong magawa. Gusto kong kasama ako sa disesyon nya pero ako eto nagpupunas ng luha habang paulit ulit na binabasa ang mga mensahe nyang mahirap tanggapin.

Proud ako sakanya na pamilya nya yung inuna nya pero bat parang may ang may nakatusok sa puso ko? Bakit ang sakit? Ang sakit sakit.

Bakit kaylangan nya pang magpanggap? Magpanggap na hindi nya ko minahal? Bakit kaylangan nya pang sabihin na pampalipas oras lang ako? Na Pang Quarantine lang ako?

Pang Quarantine Ka LangWhere stories live. Discover now