PANG QUARANTINE #54

87 31 3
                                    

Claire The Jinowa

5:56 PM

Claire:
Joshua

Joshua:
Anong nangyare?

Joshua:
Sinigawan ka nanaman ba ng may ari ng bahay?

Claire:
Hindi

Claire:
Namiss lang kita

Claire:
Sorry

Joshua:
I miss february too

Joshua:
I love february

Joshua:
Sabihin mo na yung problema

Joshua:
Wag mo nako pasikutsikutin

Claire:
Nakita ko si mama na umiiyak kagabi

Joshua:
Tinanong mo ba kung bakit?

Claire:
Kahit naman di ko tanungin

Claire:
Alam ko na

Joshua:
Wala akong masabe pero kwento ka lang makikinig ako

Claire:
Hindi alam ni mama na habang naiyak sya andon ako sa harap nya nanonood kase diba bulag sya

Claire:
Gusto kong punasan yung luha nya kagabi pero hindi ko nagawa

Claire:
Ang sakit lang makita yung mga mahal mo sa buhay na umiiyak kase nahihirapan na pero tinatagan pa din yung loob

Claire:
Katulad kase ni lola gusto ni mama na nakikita syang malakas kahit mismong sya wala ng makita

Joshua:
Kahit naman ikaw

Joshua:
Gusto kong tulungan ka pero ayaw mo kase lagi mong katwiran may pagkain kapa may bahay kapa

Claire:
Totoo naman

Joshua:
See

Claire:
Naiisip ko yung iba na kung kami nga na may tinutuluyan

Claire:
Pano yung iba na nasa lansangan na talaga nakatira?

Kusa nalang akong napangiti ng kahit mismong nahihirapan na ay inaalala nya pa din yung kapwa nya.

Joshua:
Bakit inaalala mo pa yung iba samantalang nahihirapan ka rin naman?

Claire:
Hindi ko alam

Claire:
Gusto kong tumulong sa iba pero mismong ako di ko matulungan sarili ko

Joshua:
Natitulungan mo

Joshua:
Sa tingin mo ba kung di mo natutulungan sarili mo andyan kapa din ngayon?

Joshua:
Nga pala nagbackread ako kanina, nabasa ko nagapply ka sa kapitbahay nyo

Claire:
Ah oo pinaglinis nila ko kanina

Claire:
Ayos lang

Joshua:
Sige na

Joshua:
Pahinga kana muna

Joshua:
Matulog ka ng maaga para malakas ka bukas

Joshua:
Magsuot ka pala ng face mask tas maligo ka agad pag uwi mo

Joshua:
I love february

Claire:
I love february too.




Pang Quarantine Ka LangWhere stories live. Discover now