PANG QUARANTINE #73

75 23 5
                                    


Claire The Jinowa

6:00 PM

Claire:
Joshua ano tong mga bulaklak na pinadala mo? Bakit nagpadala kapa ng bulaklak?

Claire:
Para saan?

Joshua:
Maganda ba?

Claire:
Maganda? Nasisiraan kana ba ng ulo? Di mo ba naisip na napakaraming taong nagugutom, nahihirapan ngayong pandemia?

Claire:
Joshua dapat di kana lang bumili dapat binigay mo nalang sa mama mo o dinonate sa nagugutom hindi yung gagastos kapa para lang sa pesteng bulaklak nayan!

Claire:
Joshua naman maging practical ka naman kahit ngayon lang!

Joshua:
Hindi mo ba nagustuhan?

Claire:
Nagustuhan? Nagustuhan na gumastos ka ng napakalaking pera para lang sa pesteng bulaklak nayan?

Joshua:
May discount ko naman nakuha yung bulaklak tsaka free shipping ngayon

Claire:
Kahit na, gumastos kapa ren!

Claire:
Patay na si lola hindi nya na nararamdaman yung mga ganyang effort effort mo. Patay na yung tao oh para saan payan mabubulok at mabubulok lang din naman yan.

Claire:
nagsayang ka lang ng pera mo na hindi mo naman pinaghihirapan.

Joshua:
Hindi lang naman para kay lola yung bulaklak para sayo din

Claire:
Pwes hindi ko kaylangan ng bulaklak Joshua kaya pwede ba? Tigilan mo yang effort mo na paglalabas ng pera

Claire:
Lahat ng tao hirap kumita ng pera ngayon wag kana dumagdag sa hirap

Claire:
Isa pa wag kana mageffort ng kung ano ano

Claire:
Hindi ko kaylangan ng effort mo

Joshua:
Okay sorry kung ayaw mo itapon mo nalang

Claire:
Talagang itatapon ko kahit hindi mo sabihin

Joshua:
Pasensya na

Joshua:
Kamusta na pala si lola?

Claire:
Patay na nga yung tao Joshua! Alin ba dyan ang hindi mo maintindihan?

Claire:
Ipapaintindi ko sayo

Claire:
Natural andito na sa bahay tsaka pwede ba tigilan mo ang pagtawag tawag sa lola ko.

Claire:
Kahit kaylan hindi mo sya magiging lola.

Joshua:
Okay sorry, naiintindihan kita hindi na mauulit

Joshua:
I love February
Seen

Sa nakalipas na ilang linggo ay palaging ganto ang set up namin. Sa tuwing magchachat ako ay palagi syang galit kaya naisip ko na padalhan sya ng bulaklak ngayon dahil akala ko pag naamoy at nakita nya yun ay mabawasan ang stress nya pero mas lalo ata syang nastress.

Sa bagay tama naman sya mahirap naman talaga makahanap ng pagkakakitaan ngayong pandemia. Siguro ay concern lang sya sakin kaya sya naggaganyan.

Inintindi ko nalang sya dahil yun naman talaga dapat. Ayun lang yung magagawa ko kase malayo ako sakanya at malayo din sya sakin.

Pang Quarantine Ka LangOù les histoires vivent. Découvrez maintenant