How Do We Live?

By Menggguy

3.1K 126 41

Contes De Scientia #2 How Do We Live? She was young when she experience how cruel the world could be. Moniq... More

Prologue
Chapter 1: Medicine
Chapter 2: Homeostasis
Chapter 3: Dehydration Synthesis
Chapter 4: Hydrolysis
Chapter 5: Denaturation
Chapter 6: Origin
Chapter 7: Passive Transport
Chapter 8: Concentration Gradient
Chapter 9: Hydrophilic
Chapter 10: Hydrophobic
Chapter 11: Semi-Permiable
Chapter 12: Osmotic Pressure
Chapter 13: Phagocytosis
Chapter 15: Prophase II
Chapter 16: Metaphase I
Chapter 17: Metaphase II
Chapter 18: Anaphase I
Chapter 19: Annaphase II
Chapter 20: Telophase I
Chapter 21: Telophase II
Chapter 22: Oncogenes
Chapter 23: Malignant
Chapter 24: Diffusion
Chapter 25: Cancer
Special Chapter: His Story
Chapter 26: Apoptosis
Chapter 27: Ocytoxin and Endorphins
Chapter 28: ATP
Chapter 29: Deoxygenate
Chapter 30: Recovery
Chapter 31: Healing
Chapter 32: Resurgence

Chapter 14: Prophase I

66 2 1
By Menggguy

"I mean? I just met him? Isn't it a bit too fast?" Nagkatinginan si Aryanna at Annica bago ibalik ang mapanudyong mga mata sa akin.

"Jesus! I hope it's a guy!" Sigaw niya Annica bago lagukin ang kape sa harapan niya.

"Of course it's a guy!" Sita ko sa kanya.

"May problema ba kayo sa mga babae?" Inirapan naman kami ni Aryanna kaya parehas naman kaming natawa.

Andito kami ngayon sa loob ng condo ni Arya. Si Annica kasi nagpapatulong sa Physics niya kaya sabi ko ay makikisabit na ako dahil magpaptulong din ako kay Arya sa isang subject ko which is wala naman daw siyang problema.

See this girl? She's just brilliant at everything and I sometimes envy her for being a natural genius. Ako kasi kailangan ko pang sunigin hindi lang ang kilay ko maging ang lahat ng buhok sa katawan ko just so I could master one topic. ONE TOPIC ALONE

"So asan si guylalu ngayon? Sigurado kang lalaki iyan, a. Drop name. Gonna hit up my social Media account." Saad ni Annica kaya naman agad akong napainom sa kape ko.

"Gregorio Ibrahim Dela Luna?" Hindi ko pa siguradong sambit.

"Is that the guy on your last d-day? Iyong may salamin na gwapo at super duper hot?"

"Oo, siya nga."

"Jesus! Monique! It's a yes! Oo na agad! Ako ang maid of honor! Your theme should be pastel violet and white! Congratulations! You're pregnant! I'm going to be a ninang!"

"Hoy! Fill me up!"

"Anong maid of honor! I'm not going to get married!"

"Ay kung ganoon kagwapo! Hahatakin ko na agad sa altar, Monika! Yes, father I do agad!"

"I'm not getting anything from the both of you!"

Napailing na lang ako ng i-exagerate ni Nica ang kwento kay Aryanna on how godly Rahim is. I know his gwapo but Nica's really over reacting this one. Siguro ay dahil ginawa niya na yatang hobby ang pagpapalit ng lalaki at pang-ghoghost sa kanila sa mga nagdaang taon. She's Annica! What can I say, aside from her pride and ego, she's everything but pretty and manipulative for some guy. Kaya walang problema sa kanya ang lalaki, madali lang siyang nakakakuha noon at nakakapagpalit.

If I'm going to describe Rahim from my perspective of him from then and now. I might say that he's a little more radiating more than ever. Hindi na siya ganoong nagsusungit, though still in his poker face, nabawasan na ng iilang kunot ang noo niya. Mas malumanay na siyang magsalita sa akin, he doesn't curse that much anymore. It's been weeks since he said he 'likes' me and I kinda observe all those little things that shifting, BIGTIME, because it's Rahim and good deeds are far from his basket of vocabulary.

Nang mag-buzz ang phone ko ay nakita ko agad ang isang text ni Rahim at halos malaglag ako sa couch ni Aryanna ng mabasa iyon.

From: Rahim
I'm at your house. Your parents want to talk me. I guess, you should be informed. Have fun with your friends.

"Oh! No!" I shouted at agad napatakip ng bibig ng basahin ulit iyon.

"Bakit? Buntis ka?!"

"Annica!"

"Rahim is in my house!" I blurted out. Aryanna's eyes widen, being the supportive one, while on the other hand Annica 's hysterical laugh busted all over the room.

"I should go home! I should go home!" Natataranta kong saad.

"Relax! Sabi rito sa text, have fun daw! So dito ka lang." Para akong mas lalong kinabahan sa sinabi ni Annica. Ang mala-demonyo niyang ngiti ang mas lalong nagbigay sa akin ng ideya na hindi magiging maganda itong gabi kung mananatili ako rito.

Rahim is in my house! With my parents!

"Kayong dalawa! Hindi kayong pwedeng umalis ngayon! Ako na lang walang jowa dito! Ako na lang yata ang walang dilig! Unfair! Unfair!" Nababaliw na sabi ni Annica habang dinuduro pa kaming dalawa. Inirapan naman siya agad ni Aryanna bago umupo ng maayos sa couch. Bumusangot naman ako ng marinig ang sinabi niya.

"Hindi ka naman nawawalan ng jowa! Nica this is unfair!" Saad ko pa.

"First of all! I'm not committed! Landi muna, walang commit!" Napailing na lang ako sa sinabi niya.

"Una sa lahat, bahay ko 'to! Paano ako aalis? Tsaka ano na nangyari roon sa Aeronautical Engineer-"

"Hep hep hep! Sasampalin kita gamit ang likod ng palad ko! Manahimik ka!"

"Ah! Iniwan ka?!"

"Tang ina mo, Aryanna!"

"Ugh! Nica! Your mouth!"

"I got PhD in Blowing a Very Magnificent Job! Hindi ko alam bakit pa rin siya umalis? Umungol naman siya! I even gagged-"

"Ryanne Annica!"

Agad akong napaubo dahil sa sinabi niya na agad naman niyang tinawanan lang. Dios mio ang babaeng ito at ang mahalay niyang bibig! Hindi dapat si Rahim lang ang inaalayan ko ng dasal! Dapat pati ang babaeng ito! Hindi lang pala siya sa math magalin. Diyos ko!

So we continued that night out, kung hindi pa yata ako tuturuan ni Arya sa mga subjects ko ay baka bumagsak na ako. Petition for Aryanna to replace one of my prof! Mas may kwenta siya magturo! Jesus!

Pumasok pa si Veriane sa unit ni Aryanna para dumiretso sa loob ng kwarto niya at hindi na lumabas after noon. I guess galing siya sa training niya ng hapon dahil naka sports attire pa ito. Didn't even know they are actually living in together! This girl and her charms! Iba rin!

Muli kong sinilip ang phone ko kung merong text galing kay Rahim pero wala naman. Even after we parted ways that night ay wala pa rin akong nakuha na bagong text mula sa kanya.

"O, ingat pauwi a." paalala ni Nica sa akin bago tuluyang lumabas ng kotse ko.

"You better use one of your cars, Nica!" paalala ko ulit sa kanya.

"Hindi nga akin 'yon. Tilok mo naman! Siya-siya! Alis na! Shooo! See you tomorrow bitch!" Napailing na lang ako sa kanya bago tuluyang imaniobra ang sasakyan paalis ng mansion nila.

When I arrived home ay agad kong kinuha ang phone ko. Start na ng klase niya panigurado kaya nag-send na lang ako ng maikling message.

To: Rahim

I'm home.

Iyon lamang ang nilagay ko at si-nend na. When I enter our house ay rinig na rinig ko na agad ang tawa ng mama ko mula sa living area.

Agad umusbong ang lahat ng stress level ko habang iniisip ang mga bagay na nasabi nila kay Rahim! Bakit ba kasi siya nagawi rito sa bahay naming! Ano bang trip niya! Mamaya kung ano-ano na ang sinabi ni papa at baka hindi na kami humantong sa ligawan!

Ugh! What am I even thinking?!

"Oh! Monique! You're here!" masayang sabi ni mama ng makita niya na akong papasok ng kwarto.

"Ma! Anong sinabi niyo—"

"I didn't know Gregory is courting you! Sabi ko nga sa papa mo ay akala ko bading iyon!"

"Mama!"

"Anak, bakit hindi mo naman sinabing may nanliligaw sayo?!"

"Papa! Hindi naman ho nanliligaw si Rahim!"

"Wow! Rahim!"

"E, kasasabi niya lang sa akin kanina na nililigawan ka raw niya!" Parang luluwa ang mata ko dahil sa narinig ko mula sa ama ko. Si Rahim? Nanliligaw? For real?! For real?!

"Huh? Mama? Ano?" Hindi ko na alam ang sasabihin ko kay mama dahil ngiting ngiti rin siyang nakatingin sa akin.

"Anak! Boto ako kay Rahim! Mabait iyong bata! Pati si engineer kanina ay binubuhat ang bangko niya." Si Rahim? Mabait? Ma! Is that a joke?!

"Kikilatisin ko pa ang batang iyon. Graduate na raw siya at nag-aaral na sa isang law school. Abogado." Agad akong kinabahan sa sinabi ni papa. I know our history too well that my father doesn't like servant of justice just because they are not just in their ways.

"Pa." malambing kong tawag sa kanya.

"I still have to test him if he's a good husband."

"Papa? Husband? Why husband? I'm not getting married!"

"Doon din naman papunta iyon." Para akong mababaliw sa narinig sa ina.

"Mama! Third year college palang po ako!"

"Ay talaga anak?!" At sabay silang tumawa ni papa!

Napailing na lang akong humalik sa pisngi nila bago pumanik pataas sa kwarto ko. Nang makapasok na ng tuluyan sa silid ko ay agad akong napabuga ng malalim na hininga dahil sa mga magulang ko. Minsan hindi ko talaga alam kung protective sila o ano! Ang gulo-gulo nila! Diyos ko!

Nang kunin ko ang phone mula sa bulsa ko ay agad kong nakita ang isang message galing kay Rahim.

From: Rahim
Break. I'll be going to your house after my class. Is that okay with you?

Hindi ko napigilan ang pagkagat sa pang-ibabang labi nang mabasa ko ang reply niya.

To: Rahim
Masyado ng gabi iyon. Wala ka bang readings?

Reply ko sa kanya.

From: Rahim
I have. Can I stay for an hour in your sala? Is that okay with your parents? Your mother allows me to go there, just in the living room.

Agad nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. My mother!

Ni hindi pa ako nakakapagpalit ay dumiretso na ako sa kwarto nina mama at kumatok ng malakas.

"Mama!"

"Oh! Anak! Bakit?! Anong problema?!"

"Pinayagan mo si Rahim na pumunta rito sa bahay?"

"Oo! Sabi ng papa mo! Ayos lang na rito sa bahay! Kesa sa condo niya! Hindi pa daw kayo pwede sa condo niya! Sabi ng papa mo!" Para akong maiihi sa sobrang hiya sa sinabi ni mama.

"Mama! Ano ba iyang iniisip niyo ni papa!"

"Anak! Malalaki na kayo! Syempre! Alam naming curious—"

"Mama naman!"

"Bakit ka ba sumisigaw?! Gabi na!"

"Nagpaalam ba si Rahim sayo na didiretso dito pagkatapos ng klase niya?!"

"Ay! Oo! Eto oh kakatext ko lang sa kanya na pwede kayo sa living room. May guess room naman—" Jesus Christ my mother is unbelievable!

"Dios mio mama!"

"Ayaw mo ba kay Rahim anak?!"

"Gusto!"

Parehas kaming natahimik dahil sa sinabi ko. Nagkatinginan kaming mag-ina dahil sa sinabi ko at bakas ang tuwa sa mukha niya ng marinig ako.

"Anak. I want to help you out, okay. You can be with him even after everything. Kung gusto mo siya, lagi mo lang tatandaan na suportado ko kayong dalawa." Sobrang supportive mo ma, sobra!

"It's just that. I want to take this slow. I don't wanna pressure him or myself either. Ma! Bakit naman ka-text mo si Rahim?!"

"Ay huwag ka magselos anak! Pati number ng papa mo nasa kanya! Kaya papaalam muna siya sa papa mob ago sayo!"

Feeling ko mahihimatay ako sa sinasabi ng mama ko sa akin. Why is my family suddenly so involved in this?! Ngayon ay text mate na rin sila?! Diyos ko!
Nang makabalik ako sa kwarto ko ay agad akong nahiga saglit bago silipin ulit ang phone ko.

From: Rahim

Both your parents said yes. How about you? Is it okay with you?

Ayos lang ba? Na pumunta pa siya rito? Agad kong kinagat ang loob ng pisngi ko bago nagtipa ng reply.

To: Rahim
Okay

Agad akong naupo sa kama at agad sinilip ang sarili ko sa salamin. Do I look horrible?!

Napatakbo ako sa damitan ko at naghalungkat ng pamalit! Should I wear pajamas? Because I'm about to sleep right? I don't even wear pajamas while sleeping!

This is giving me a heart attack! I settle for a white long sleeves and a mid-thigh shorts at tuamkbo na sa shower para makapaligo saglit! I may have been stinking!

Nang matapos maligo ay agad kong tinuyo ang buhok ko at binaba ang iilang gamit para kunwari naman ay nag-aaral pa rin ako! Kahit advance reading naman talaga ang gagawin ko! I already finish my works kanina kayna Arya!

Nagtimpla pa ako ng kape para sa aming dalawa habang inaantay siya.

When my phone buzzes ay agad akong nataranta lalo!

From: Rahim
I'm here.

Halos takbuhin ko ang front door naming at ng buksan koi yon ay tanaw ko na agad si Rahim sa labas ng gate naming! Andito an siya! Andito na siya!

Pilit kong inalma ang sarili habang tinitignan ko si Rahim sa labas. Itinaas niya ang isang kamay at kumaway sa akin ng bahagya. Tipid ko siyang nginitian bago tuluyang lumapit sa gate at buksan iyon.

"Hi." I said unsure on him.

"Hello." He said and looks down on me na parang sinusuri pa rin ako.

"Pasok ka."

"Are you sure about this?"

"Ha?'

"Okay lang ba na pumasok ako?"

"Ha? E? oo naman! Andito ka na, e."

"I could go. I just want to see you before this day end."

Natahimik ako sa sinabi niya at napatitig sa kanya. Ang mukha niya ay bakas ang pagod at iilang gabing puyat siya dahil sa dami ng readings niya. Ang unang tatlong butones ng dress shirt niyang gray ay bukas habang ang sweat shirt niya ay nakasukbit sa leadther niyang sling bag.

"Oo naman. Gusto kong andito ka, Rahim." Mahina kong saad kaya naman nakita ko ang bahagyang paglambot ng mukha niya sa akin. Umusod ako sa gilid para tuluyan siyang makapasok.

Pumasok na kami sa bahay nang mapansin kong tahimik siya.

"Awkward ba?" Tanong ko sa kanya.

"No. I'm just worried about how you feel about this." Saad niya kaya agad naman akong natameme habang nakatingin siya sa akin. Sa ilalim ng mga madidilim niyang mata, pakiramdam ko sobrang sinusukat niya ako at ang buong pagkatao ko.

"I-I'm fine." Halos hindi ko na masabi iyon ng maayos dahil sa kaba gawa ng malalim niyang titig sa akin.

"Monique, if you're not comfortable, magsabi ka." He said and place his things on the small carpet of our living room. Agad niyang hinubad ang black formal shoes niya at umupo sa lapag namin.

"I'll get our coffee. Saglit lang." I said at hindi na pinansin ang pag-upo niya sa lapag ng living room naming na parang sanay na sanay siya roon.

Sumaglit ako sa kusina para dalhin ang kapeng ginawa ko. He doesn't like his coffee cold kaya iyong kanya ay mainit samantalang iced coffee naman ang akin dahil ayoko ng mainit dahil nakakapaso ng dila.

"Here." Inilapag ko ang dalawang baso malayo sa mga readings niya. Mukhang may physical copy naman siya nung ibang readings niya, at nakita ko rin ang mga nakasulat doon sa iPad niya.

"Thank you." Agad akong napangiti ng marinig iyon. Kung pwede ko lang bilangin kung ilang beses na siyang nag-thank you sa akin ay baka ginawa ko na. Isusulat ko pa iyon sa mga daily accomplishments ko!

"Stop staring, Monique." Saad niya habang bahagyang sinuklay ang buhok, inaayos ang salamin at pagkatapos ay bahagyang kinamot ang tungki ng ilong niya.

"Are you shy?"

"What?"

"Whenever I stare at you? Nahihiya ka ba?"

"What the hell? You should start studying."

"Nahihiya ka nga."

"Mag-aral ka na, Monique."

"You always do this, oh." I said at sinuklay din ang buhok ko, kunwari ay may salamin na inaayos at kinamot ng bahagya ang ilong.

"Monique!" Naiinis na saad niya kaya naman natawa ako ng bahagya. Agad niya akong kinunutan ng noo bago inilingan at ibinalik ang tingin sa binabasa.

Agad akong umupo sa couch at kinuha ang chem book ko at binuklat iyon sa susunod naming na lesson. Ni hindi man lang ako nilingon ni Rahim habang nagkakape siya roon sa gilid at nagsusulat naman.

Gusto ko biglang ngumuso ng mapansin na parang andito lang pala siya para mag-aral! Wala ba 'tong bahay?!

Imbis na guluhin siya ay nanatili na lamang akong tahimik, agad kong kinuha ang iPad ko at nag-check ng mga summary ng iilang topic roon sa libro dahil masyadong mahaba iyong explanation at nakaka-antok iyong titigan.

Nanatili lamang kaming ganoon. Katahimikan lang ang namayani sa amin at ang iilang tunog ng pahina sa tuwing mag-lilipat ako ng pages o si Rahim. Patuloy lang siya sa pag-susulat sa mamahalin niyang yellow pad hanggang na pagdesisyonan ko na wala ng patutunguhan 'tong pagkukunwari kong pag-aaral.


Agad kong kinuha ang phone ko at binuksan ang IG ko. I immediately thought of something.

I will add a phot of him on one of my IG story. Itinutok ko ang camera ng phone ko sa kanya at agad ni-click para ma-capture ang photo pero laking gulat ko ng lumingon siya sa akin dahil sa sound ng shutter. I almost throw my phone at the back of the couch ng makita ko siyang nakatitig sa akin.

"What are you doing?" Kunot-noo niyang tanong habang nakasilip sa mga kamay kong tinatago ang phone ko sa gilid ko.

"A-ahh! Pini-picture-an koi tong libro ko! IG story ko sana."

"Are you taking a picture of me?"

"La? Assumero ka! Hindi ah!"

"Really?Let me see your phone." Nanlaki naman ang mata ko ng sabihin niya iyon habang nakalahad pa ang isang kamay sa harapan ko.

"Let me see it, Monique." Buo ang boses niyang saad. Agad kong tinago pa ang phone ko.

"Isa."

"Ang epal mo naman! Hindi nga sabi!"

"Patingin ako!"

"Lah?! Desisyon mo! Bawal privacy, Rahim!"

"Should I say that this is a violence into the Republic Act No. 9995, "Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009". Section 2. Declaration of Policy - the States values the dignity and privacy of every human person and guarantees full respect for human rights. Towards this end, the State shall penalize acts that would destroy the honor, dignity and integrity of a person."

"Ang OA mo naman! Ayan na, oh!" I give up when he said those alien languages fluently na parang binabasahan niya lang ako ng bed time story!

Ugh this guy and his lawyer side! Baka hindi ko kayang itake iyon!

Inirapan niya pa ako ng makita doon ang app ng Instagram at hindi ko man lang nadelete iyong previous snap! Asar naman!

"Come here." Napa-angat ako ng tingin sa kanya habang nakanguso ng sabihin niya iyon.

"Ha?"

"Come here. Isang ulit pa."

"Bakit?"

"Let's take a picture."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Umusod pa siya para lang magkaroon ako ng maluwag na pwesto sa tabi niya.

"You mean selfie? As in selfie?! We?"

"You don't like that?"

"No!" Bago pa niya baguhin ang isip niya ay tumabi na agad ako sa kanya. Nabigla pa siya sa bigla kong ginawa.

"You're very eager."

"Oo naman. Once in a lifetime lang 'to!"

Inilingan niya lang ako inaayos ang anggulo ng front camera ko. Agad akong ngumiti at ang peace sign, siya naman ay seryoso lamang na nakatingin sa camera.

"Hala! Isa pa! Isa pa! Ngumiti ka naman!"

Inirapan niya muna ako bago itinaas ang phone ulit para kumuha ng isa pang selfie. Hinawakan ko pa ang magkabilang pisnge ko at nagpa-cute sa camera habang si Rahim ay tinitignan ako ang i-click niya iyon.

"Ano ka ba naman?! Ngumiti ka naman! Isa pa!"

"This is stupid." Bulong niya habang itinataas ulit ang phone ko. Agad akong napanguso ng marinig iyon sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Nakita kong nilingon niya ako ng bahagya at ngumisi pa habang tinitignan ang naasar kong mukha.

"Akin na nga yan!" Singhal ko sa kanya sabay abot ng phone ko dahil wala naman yata kaming matinong picture!

Sa unang picture ay ako lang iyong nakangiti ng malawak. Sa pangalawang picture ay nakatitig na siya sa akin habang nakanguso ako at nagpapa-cute sa camera. Agad akong napatitig doon sa picture at nakaramdam ng kung ano sa tyan ko, para silang gamu-gamo na pa-ikot-ikot sa loob ng intestine ko at gusto nilang lumabas lahat habang tinitignan ko iyong picture. As if it's a start of something, a proof that everything is happening even though how hard I convince myself that it's all just an imagination.

Nang i-swipe ko para makita ang huling picture ay doon na ako napatitig doon. I was pouting, eyes are glaring at him with those air-filled cheeks for not smiling habang siya ay nakangisi at parang tuwang-tuwa sa itsura ko.

It's like a start of something new, a new version of him. Yeah, I see chuckles at my stupidity but this genuine adoration on his face is something I've never seen before.

As if all of his bad images of me are slowly condensing into a new form. Something I've never seen before. A prophase of a new beginning, a self-growth which he unconsciously does in the times that we spent together. Hindi man niya napapansin ang mga maliliit na bagay tulad nito. Ako napapansin ko.

Agad akong napabalik ng tingin kay Rahim ng marinig kong nag-click ang camera niya.

"Hala! Pinicturan mo ako?!" Agad kong saad sa kanya.

"Quits." Saad niya bago tuluyang kalikutin ulit ang phone niya.

Nang ilapag niya iyon pabalik sa table para mag-aral na ulit ay agad kong tinitigan iyon at halos lumuwa ang mata ko ng makita kung anong ginawa niya.

I'm smiling on the photo while viewing our pictures together at hindi ko man lang naisip na isang Gregorio Ibrahim Dela Luna ang gagawa noon.

From his class schedule. HIS CLASS SCHEDULE.

He changed his lock screen into that picture that he took a while ago.

Continue Reading

You'll Also Like

110K 1.8K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
734K 25.7K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
59.3K 2.5K 51
Why am I feeling this? This is all for money. Money that I thought that will save me from my heavy nightmares. But I just found myself laying next...