Domingo #3: Crush Me Back

By Micassiopeia

4.7K 246 12

Bryan Arellano is her first crush and love. Her cute and tiny little heart beats only for him. In her early a... More

DISCLAIMER
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 29
SPECIAL NOTE

CHAPTER 28

127 8 0
By Micassiopeia

CHAPTER 28: I DO

AMARA'S POV

Naging hands-on kami ni Bryan sa paghahanda sa kasal namin. Lahat planado na.

Titig na titig si Bryan sa akin habang naglalakad ako palapit sa kaniya. Nasa magkabilang gilid ko si mama at papa. Si mama na umiiyak sa hindi ko malamang kadahilanan.

Napatingin ako sa bandang likod ni Bryan at naabutan ko roon ang pamangkin ko habang kinakausap siya ni Brylie. Pareho silang flower girl at ang ganda nilang picturang dalawa.

Napabaling rin ako kay Tracey na umiiyak habang nakatingin sa akin. Ang drama talaga ng babaeng 'to kahit kailan. Pinangangalandakan niya noon na mauuna siyang makasal kaysa sa akin pero heto...naunahan ko pa siya.

Napalingon rin ako sa mga magulang ni Bryan na nasa gilid lang din niya. Umiiyak rin ang mama niya habang pinagmamasdan ako.

Napalingon ako sa bestman ni Bryan na si Vincent, sinundan ko ang tinitignan niya at nakita ko ang umiiyak na si Marianne habang pinagmamasdan rin ako.

Nang makatapat na kami sa pamilya Arellano, nagyakapan ang parehong nanay namin at naghagulgulan sa isa't isa.

"Balae..."

"Balae..."

Sabay nilang saad at nag-iyakan sila. Napatingin ako kay papa na nasa tabi na ni tito Breyson habang pinagmamasdan ang kanilang asawa na parang sila pa ang nahihiya sa pinag-aakto ng mga ito.

Naglahad ng kamay si Bryan sa akin kaya sa kaniya bumaling ang atensyon ko. Naabutan ko siyang naluluha kaya kinuotan ko siya ng noo.

"Iniiyak-iyak mo diyan?"

Natatawa siyang nagpupunas ng luha. "Hindi ko alam, masaya lang ako kasi official ka ng magiging akin maya-maya. Asawa na kita."

Tinapik siya ni papa. "Alam kong aalagaan mo ang anak ko, pero sasabihin ko paring alagaan mo siya. Lagi lang akong nandito para sa inyo." Aniya.

Si tito Breyson naman ang lumapit. "Matanda na kami at kailangan na namin ng apo. Kaya pakibilis-bilis." Nagkatitigan kami ni Bryan at pareho kaming umiwas ng tingin sa isa't isa.

Awkwardness was evident.

Naglakad na kami patungo sa harap ng pari na siyang magkakasal sa amin at hindi na namin pinansin pa ang ina naming nagdra-dramahan pa rin doon.

"Ready to be my mrs. Arellano?" Bulong ni Bryan sa akin.

"Yes, hubby." At kinindatan ko siya.

Nagsimula na ang seremonya na may ngiti sa mga labi namin ni Bryan, kabaliktaran sa aming mga nanay at sa iba pang bisita.

"Bryan Everson Arellano, do you take Ielle Amara to be your wedded wife, to live together in marriage?  Do you promise to love her, comfort her, honor and keep her for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health, and forsaking all others, be faithful only to her, for as long as you both shall live?" Anang father.

Nakatitig lang sa akin si Bryan.

"I do, father."

Bumaling naman sa akin ang pari.

"Do you, Ielle Amara Domingo, take Bryan Everson to be your husband, to cherish in friendship and love today, tomorrow and for as long as the two of you live, to trust and honor him, to love him faithfully, through the best and the worst, whatever may come, and if you should ever doubt, to remember your love for each other and the reason why you came together with him this day?"

I smile at my Arellano and says...

"I do, father. I really really do."

Natawa ang ilang bisita sa sagot ko kaya napabaling ako sa kanila. "Why? I just can't still imagine I'm marrying my crush. Sinong hindi sasaya diba?" Mas lalo silang natawa kaya napabaling ako kay Bryan na umiiling but he still mouthed me I love you.

Nagpatuloy pa ang seremonya hanggang sa iproklama na ng pari ang pagiging official namin.

"By the power of your love and commitment and the power vested in me. I now pronounce you husband and wife. Mr. Arellano, you may now kiss the bride."

Nangingising humakbang siya palapit sa akin at pinanood ko ang unti-unti niyang pagtaas ng belo ko.

"I'll kiss you now, in front of them."

Hindi na ako nakasagot pa at hinalikan na nga niya ako. Halik na may halong pagmamahal.

Kung hindi ko pa siya bahagyang tinulak ay hindi siya titigil. Inirapan ko siya.

"Mamaya ka sa akin." Bulong niya na nagpatindig ng balahibo ko.

Hinila na niya ako pababa at sinakop niya ako sa braso niya at dinala sa labas ng simbahang nagkasalan namin. Sumunod ang mga bridesmaid sa amin.

Tinapon ko patalikod ang bouquet ko at naghiyawan ang lahat ng masalo iyon ni Marianne.

Napalingon ako kay Bryan na nangingisi habang nakatingin kay Vincent na nasa gilid lang namin.

"Sunod ka na rin. Napag-iiwanan ka." Aniya.






———





Masaya kong pinagmamasdan ang mga bisita naming enjoy na enjoy.

Hindi na rin natanggal ang kamay ni Bryan na nakapulupot lang sa baywang ko at hinahalik-halikan ako sa balikat.

"Umayos ka, Bryan." Sita ko sa kaniya.

"Can't wait." Aniya kaya nakatanggap siya ng siko sa tagiliran galing sa akin.

Nabaling naman ang atensyon ko ng lumapit sa amin ang mag-asawang Vien at Yeshua.

"I feel you, pare." Nakatutok ang tingin niya kay Bryan. Inakbayan niya ang asawa niya at hinaplos ang tiyan ni Vien. "Sundan niyo na baby namin." Aniya.

Mabilis akong napabaling kay Vien sa nanlalaking mata.

"Hindi na kasi 'to nakapaghintay." Natatawang aniya sabay batok sa asawa.

"Bakit ba? Alalahanin mo, pumayag ka sa gusto ko na pagkalabas na pagkalabas ng unang baby natin susundan ulit natin siya."

Napahagikgik ako sa narinig.

"I'll do the same, wife." Bulong ni Bryan na nagpatindig muli ng balahibo ko.

Maya-maya naman ay lumapit sa amin si Marianne at Yeshua na mukhang nagbabangayan na naman.

"Batukan niyo nga 'tong kaibigan niyo. Ayaw pa kasi akong pakasalan e sa naiingit na ako sa inyo." Nguso ni Marianne sa mga daliri namin ni Vien na may singsing.

Napabaling ako kay Vincent ng magsalita siya. "Maghintay ka kasi, puwede ba 'yong puwersahan? Edi wala ng love doon? Force marriage, gano'n?" Ang gigil na mukha ni Vincent ay napalitan ng tignan siya ng masama ni Marianne. Naglakad siya palapit sa kaniya at inakbayan ito. "Oo na, three months from now, ikakasal na tayo. Pinauna ko lang naman 'yang Arellano na yan e."

Biglang nanlaki ang mga mata ni Marianne at masayang hinarap ang kasintahan. "For real?"

Tumango si Vincent kaya nagtatalon-talon si  Marianne sa saya.

Naiiling akong sa mga nangyayari.

Parang kailan lang noong nasaksihan ko ang kasal ni kuya, ngayon ako naman ang kinasal.

Napatingin ako sa pamilya ni kuya. Kandong niya ang pamangkin ko habang akbay niya ang asawa niya at may pilyong ngiti habang nakatitig sa akin na parang pinapahiwatig na kailangang tatlo na rin kami at mukhang napansin rin iyon ng asawa ko.

Asawa ko.

"Wife, what are you waiting for? They want us to make baby. Tara na, hayaan na natin sila dito."

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na ba talaga makapaghintay ang pantog nito?

Imbes na magpadala sa huwestiyon niya ay ipinatong ko na lamang ang ulo ko sa balikat niya.

"I love you, Bryan. Always and forever."

Hinalikan niya ang ulo ko. "I love you more and more. Pinapangako kong sabay tayong tatanda kasama ang mga anak natin. Aalagaan pa rin kita kahit uugod-ugod na tayo. Sasamahan kita bawat ihi at pagtae mo. Ako ang tatanggal ng mga puti mong buhok at ako ang magpapaalala sa'yo na kahit kulubot-balat na tayong pareho, ipapalala kong mahal na mahal pa rin kita."

I'm contented with that.

Dati, gusto ko lang i-crushback niya ako pero ngayon heto kami...nagmamahalan na at patuloy na magmamahalan.



To be continue....

Continue Reading

You'll Also Like

399K 26.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
18.9K 664 19
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...
20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...