HE'S INTO HER Season 1

By maxinejiji

371M 8.9M 8.7M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
HE'S INTO HER SERIES NOW STREAMING ON iWANT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
HE'S INTO HER SERIES
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94

CHAPTER 51

3M 90.6K 79.4K
By maxinejiji

NAIH'S POV

Paakyat na kami sana sa room nung magpaiwan si Max.

"Mauna na kayo sa room."

"Bakit?" takang tanong ko.

"May kukunin lang ako."

"Samahan na kita---"

"Hindi na. Sumabay ka na sa kanila. Susunod na lang ako."

"S-Sige."

"Sige."

Ang weird. Bakit siya magpapaiwan? May kukunin? E nasa Batibot kami. Haha! Anong kukunin niya sa Batibot? E nasa daan paakyat ng building ang mga lockers.

'Hindi mo ko matotokis, hahaha! I know you too well..'

Pero pinagbigyan ko pa rin siya at sumabay na ako kila Migz paakyat sa room.

"Bakit nagpaiwan yun?" si Michiko.

"May kukunin daw."

"Haha!"

Saktong pag-akyat namin sa classroom ay kasunod na namin yung Lec.

"Tsk, yari na naman si Max."

Uupo pa lang sana ako nung biglang.

"Parrot! Parrot!"

'Anak ng.'

Inis akong humarap sa may main door.

"Anong pinaparrot parrot mo? Gusto mong gawin kitang patuka?"

"Si Taguro!"

"Ano?"

"Si Taguro hinimatay sa Batibot!"

"Ano!"

"Si Taguro hinimatay sa Batibot!"

"Anak nang. Miss excuse po!"

"Max!" si Michiko.

"Oh?"

"Si Tob tumawag, dinala daw nila si Max sa Hospital."

"Tsk! Tara tara!"

"Miss excuse lang po."

"Lahat kayo?"

"Opo sorry po."

"Wait----"

Hindi na namin pinakinggan ang Lec at nagmadali na kaming pumunta sa Hospital. Kinakabahan ako, ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

'Sana walang masamang nangyari sa kanya. Lord please, sana po okay lang po siya. Nagmamakaawa po ako sa Inyo po. Salamat po ng napakarami..'

"Sana okay lang si Max." naiiyak na sabi ni Michiko.

"Wag ko lang talaga malalaman kung sinong may kasalanan niyan, yayariin ko talaga siya lalo na kapag may nangyaring masama kay Max."

"Mauna na kayo, alam ni Michiko yun. Dadaan ako kay Dean para mai-report agad." si Migz.

"Thanks Migz."

"Okay." at humiwalay na siya sa amin.

"Michiko, pwedeng patawag? Naubusan ako ng load e.."

"Here."

"Thanks."

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang number ni Maxwell. Lumayo ako ng kaunti kay Michiko, medyo inunahan ko siya sa paglalakad.

"Si Naih ito."

"Oh napatawag ka? Teka, bagong number mo?"

"Hindi. Nakitawag lang ako, may kailangan kang malaman."

"Ahh. Oh? Ano yun?"

"Si Max---"

"Anong nangyari?"

"Nasa ospital daw siya ngayon. Papunta na kami ngayon doon."

"Saan?"

"Michiko saang ospital?"

"BIS Hospital. Dyan lang sa tapat. Hospital ng BIS yun." si Michiko.

"Sa BIS Hospital daw."

"Anong nangyari?" halatang galit na tanong niya.

"H-Hindi ko alam e---" naiiyak na sabi ko.

"Sige wait for me there, tatawagan kita agad okay? Kailangan ko pang magpaalam dito at magdadrive pa ako papunta dyan. Tatawagan kita okay? Mag-ingat kayo."

Nabawasan ang kaba ko kahit papano dahil alam kong dadating siya.

Halos tumakbo na kami papalabas ni Michiko at nung pagdating sa guard ay ayaw pa kaming palabasin.

"Pero Sir, kailangan ko pong puntahan sa ospital yung kaibigan ko!"

"Hindi nga po pwede Ma'am. Hindi po kayo pwedeng lumabas dahil oras po ng klase. "

"Hello Tob. Ayaw kaming palabasin nung guard." si Michiko. "S-Sige sige. Kuya kausapin ka daw ni Mr. Yanai."

"Hello Sir. Opo Sir--Sige po Sir. Sorry po Sir. Okay po Sir. Opo Sir---"

"Palalabasin mo ba kami o hindi!?" inis na sigaw ko.

Binuksan niya ang pinto at tumakbo na kami ni Michiko papalabas.

"Dito tayo Naih." sabi niya habang naglalakad ng mabilis patawid.

Dumeretso agad kami sa Emergency Room at doon nakita namin ang isa sa mga doctor.

"Yung student po ng BIS na dinala dito nassan na po sya?" agad na tanong ko.

"Doon."

"Thanks po."

"Okay."

"Naih!" tawag sakin ni Migz kasama nya na si BJ.

"Oh tara tara dito daw tayo."

At nagmadali kaming maglakad ni Michiko papunta sa itinuro nung doctor na way.

"Ahh Ma'am hanggang doon lang po kayo kasi sterile po dito, doon lang po." sabi nung nurse.

"S-Sige po."

Pagkalikong pagkaliko namin ay nakita ko agad si Lee at Tob na nakaupo habang si Deib ay nakatayo. At doon hindi ko na napigilan ang sarili kong sugurin siya!

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko sa kanila. "Nasaan sya?"

"Nasa loob pa ng E.R. hindi daw tayo pwede doon." si Lee.

Biglang umakyat ang galit sa ulo ko! Gusto kong manapak bigla! Nakakainis!

"Sinong tarantado na naman ang gumawa nito? Ikaw ba?" turo ko kay Deib!

'Siguraduhin mong hindi ikaw yun dahil dodoblehin ko paningin mo.'

"Ako agad? Ako lang ba kaaway nya?"

"Sino pa ba ang gagawa sa kanya ng ganyang kabrutal?"

"Wow! Ni hindi nya nga nakilala kung sinong sumapak sa kanya kaninang umaga! Ganon karami ang kaaway noya okay? Parepareho tayong wala don sa scene. Kaya please!"

"Enough! Pwede ba?" si Lee.

"Ayan e. Nagbibintang agad! Para sabihin ko sa iyo hindi rin namin alam kung anong nangyari! Tinulungan na nga namin yung kaibigan mo e!"

"Tssh! Siguraduhin mo lang na wala kang kinalaman dito!"

Hindi na siya sumagot at padabog na lumabas ng Emergency Room.

"Nakakainis! Kapag may nangyari talagang masama kay Max, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa gumawa nito sa kanya!"

"Kung pwede kumalma muna tayo." si Tob.

"Kumalma? Hinimatay na yung kaibigan ko tapos kumalma? Anak ng. E baka hindi pa natatapos itong buwan na ito iburol ko na yan?"

"Sorry pero this time hindi ko kailangan ng kalma kalma na yan! Hindi kami nanggaganyan ng tao para ganyanin nila si Max! Humanda talaga sila!"

"Naih please calm down." si Lee.

"Hindi niyo kasi alam ang nararamdaman ko! Sino ba kayo kay Max? Ano ba si Max sa inyo? Kaibigan ko yun! Parang kapatid ko na yun! E kayo? Wala kayong ibang ginawa kung hindi ang mangbully sa kanya!"

"Hindi namin ito kasalanan okay? Kasama namin si Deib nung nagkaganyan siya kaya please? Calm down first. Hindi mareresolve ito kung magagalit ka nang ganyan." si Lee.

"Hindi rin ito mareresolba kung kakalma ako! Kung wala kayong kinalaman dito alamin niyo kung sinong gumawa! Ako ng bahala pagkatapos!"

~Maxwell Calling. . . "

"Hello?"

"Ano na? Anong nangyari? How's her?"

"Hindi ko pa alam, nandito kami sa E.R. at ipinasok siya sa isang room dito sa E.R. Hindi daw kami pwede doon dahil sterile ba yun."

"O sige sige I'm on my way there."

Naiiyak na ako.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa kanya."

"Naih, please don't make me worry. She'll be fine. I'm on my way there."

"S-Sige sige." umiiyak na sabi ko at ibinaba ang phone.

"Sino yun?" si Lee. Hindi ko na siya pinansin at nagpaikot ikot ako sa hallway nung E.R.

Hindi ko na siya pinansin at umiyak na ako sa isang tabi.

DEIB'S POV

Kasalukuyan akong nasa labas pa rin ng hospital pero nasa loob ng kotse ko.

'Nakakainis! Ako ba ang sisihin? Anong akala mo sa akin? Manhid? Nag-aalala rin naman ako!'

"At hindi ko kayang gawin yun!" sigaw ko. Wala naman akong kasama kaya okay lang. Nakasara rin ang bintana.

Ilang minuto pa ang nakalipas..

~President Calling. . . ~

SI LOLO!

Kinuha ko ang cellphone ko at dali daling sinagot.

"Y-Yes Lo?"

"Ano yung narinig ko kay Migz na dinala sa Hospital si Miss Pein dahil may nangtrip na naman daw sa kanya? Hinimatay daw?"

"Lolo wala po akong kinalaman doon."

"Okay na ba siya?"

"Hindi ko po alam Lolo, nasa E.R. pa rin po kasi--hindi daw po kami pwede doon sa area nila."

"This is unbelievable! Ano na lang ang masasabi ng mga guardians nang batang yan! Tuwing uuwi ang anak nila ay kung anu-anong pasa ang meron sa katawan! Sesanghe!"

Hindi ako nakasagot kasi alam kong galit talaga siya.

"What's going on with our students these days! Parang hindi na tao kung magsiasta! Saang ospital yan at pupuntahan ko!"

"Hospital natin Lolo."

"Sige sige. I'll be there in an hour."

"Sige po."

"Bye!"

At binabaan niya ako ng phone!

Saktong pagtingin ko sa labas ng kotse ay..

'Si Maxwell..'

Bumaba siya ng kotse at nagmamadaling pumunta sa loob ng E.R. kaya naman bumaba na rin ako.

Nagmadali akong pumasok at bumalik sa pwesto namin kanina. Nandon pa rin ang lahat.

"Anong nangyari?" sigaw ni Maxwell kay Naih.

"Hinimatay daw e. W-Wala ni isa samin ang nakakita pero dinala nila sa Clinic muna bago daw dalhin dito--"

Humarap si Maxwell kay Lee.

"Any idea of what happened?" tanong niya kay Lee.

"Nakita lang namin siya sa Batibot, dumudugo ang noo at walang malay. Ang sabi nung mga students na nandoon ay hinampas daw nang kahoy ng tatlong lalaki. Don't worry aalamin namin kung sino sila."

Napahawak si Maxwell sa noo at napatingin sa akin, ng masama.

'Ako na naman?'

"Sana nga malaman nyo kung sinong may kasalanan nito." si Naih.

Naiinis na naman ako. Naiinis ako dahil pakiramdam ko lahat sila ay ako ang suspect! Anong kinalaman ko diyan? E wala na akong balak na guluhin pa si Taguro. Mga peste!

"Who's the nearest kin?" biglang may sumulpot na doctor.

Agad naman akong lumapit at napatayo naman yung iba.

"Me doc."

"Oh. Mr. Del Valle." nakangiting bati sa kanya nung doctor.

"How's her doc?"

"She's stable now."

'Hay..'

"I'd like to talk to you." dagdag pa ng doctor kay Maxwell at saka umalis.

"Go back to your classes." seryosong sabi ni Maxwell.

"Pero Maxwell---" si Naih.

"Maiwan ka. Papasukin mo na sila, masyado na kayong marami dito baka magalit ang mga Lecturers nyo."

'Walang magagalit sa akin kung ganito naman ang dahilan ko!'

"Sige na pumasok na kayo. Salamat sa inyo, babalitaan ko na lang kayo."

"Maiiwan ako dito." si Lee.

"Hindi na, ako nang bahala sa kanya. Salamat." seryosong sabi ni Maxwell kay Lee. Nakita ko kung paano nanglumo si Lee pero sa tono ng pananalita ni Maxwell ay mukhang wala na kaming magagawa.

"Let's go." yaya samin ni Migz. "Balitaan mo kami Naih please?"

"Oo sige. Salamat ng marami. Salamat sa inyo. Michiko, Lee. Salamat. Tob, Deib. Salamat."

"Sige. Balitaan mo na lang kami. Si Lolo--dadating daw sya."

"Sige sige. Salamat ulit."

Yun lang at umalis na kami. Sabay sabay kaming pumasok sa loob, hindi ko na ibinalik sa parking lot ang kotse ko dahil katapat lang mismo ng school ang ospital.

"Nakakainis. Gusto ko pa sanang magstay don huhuhu nag-aalala talaga ako kay Max! Sino ba kasing gumawa nito e!" si Migz.

"Wala ba kayong idea?" tanong ni Michiko kay Tob.

"Wala talaga. Magkakasama kaming tatlo nung mangyari ito. Okay na si Deib at Max kaya hindi na gagawin ni Deib ito. At hindi niya rin magagawa ang ganoon kay Max kahit na hindi pa sila okay."

'Thanks Tob.'

"Sana matulungan niyo kaming mahanap kung sinong may pakana nito.." si BJ.

"Pero pano natin magagawa yun?" si Tob.

"Tatanungin natin yung students na nakakita kanina." sagot ko.

"Natatandaan mo ba kung sino sila?"

"Hindi, pero ipapatawag ko."

"Gagawin mo yun?" si Migz.

"Oo naman! Bakit hindi?"

"Haha! Nakakagulat lang."

"Sino nga palang nagdala kay Max sa hospital?" si Migz.

"Kaming tatlo."

"Anong ginagawa nyo doon sa scene?"

"Kami ang tinawag ni Shayne, classmate namin. Sa amin nagsumbong nung nasa Canteen kami."

"I see. Thanks sa inyo." nakangiting sabi niya. "Grabe. Grabe ang inabot niya dito sa school natin."

Nakaramdam na naman ako ng guilt. Pakiramdam ko kung hindi dahil sa akin hindi magkakaganon si Taguro. Kung hindi ko sinimulan, walang susunod sa ginawa ko.

"Hahanapin ko kung sinong gumawa noon." seryosong sabi ko. "At kailangang mabigyan niya ako ng magandang dahilan kung bakit niya ginawa yun."

"Gagawin mo yun Deib?" si Michiko.

"Oo naman!"

"Oh my God. Thank you, ang sweet mo kay Max!"

"H-Hoy! Hindi ko gagawin ito para sa kanya! Para sakin ito okay? Para sa akin!"

"Okay, if you say so. Mauna na muna kami, salamat ulit. Babalitaan ko na lang kayo."

"Bye."

Sinundan pa namin sila ng tingin habang papalayo at saka dumerecho sa room namin.

"Wag mo ngang sinisigawan si Michiko!" si Tob.

"Pareho kayo e. Kung anu-anong iniimagine! Magsama kayo!"

"Talaga!"

Halos salubungin kami ng lahat!

"Ano yan?" turo ko sa dami ng tao sa hallway.

"Mga usi ano pa ba?" si Tob.

"Usi?"

"Ususero at ususera."

"Tsk!"

"Oh Mr. Enrile what happened?" si Miss Agaser.

"Ahh Miss okay na daw po siya."

"My goodness anong nangyayari sa mga students! Sino daw ang may kasalanan?"

"Hindi pa po namin alam Miss. Yun po ang gagawin namin ngayon. Ang alamin kung sinong may kasalanan."

"Deib!" si Kenneth, kaklase namin. "Pumunta kayo kay Choco, baka sakaling kilala niya kung sinong may gawa noon."

"Seryoso ka dre?" tanong ni Lee sa kanya.

"Hawak niya naman lahat ng gangster dito sa loob ng campus. Baka makatulong siya sa inyo."

"Sige sige. Tara." yaya samin ni Lee.

"Ngayon na? M-May klase tayo--"

"Go ahead." si Miss.

"T-Thank you Miss."

At nagmadali kaming umalis. Dumerecho kami sa room nila Choco. Kumatok si Lee sa pinto at saka binuksan.

"Excuse me."

"Yes Mr. Gozon?"

"I would like to excuse Mr. Funtales for a minute Sir please."

"Mr. Funtales?" tawag nya kay Choco.

"Sir."

"Mr. Gozon is excusing you."

"Okay Sir."

Ngingisi ngisi siyang lumakad papalapit sa amin at nung makalabas siya ay..

~BLAAAAGG!!!~

dSinapak bigla ni Lee si Choco!

"Lee.." awat ko sa kanya.

"Gago ka---"

"May kinalaman ka ba doon sa nangyari kay Max?"

"A-Anong---"

~BLAAAAAGGG!!!~

Sinapak na naman ni Lee si Choco!

"What's going on here?!" lapit samin nung Lec nila.

Hinawakan ni Lee si Choco sa collar at saka tinayo.

"Alam mo kung anong kaya kong gawin sa iyo Choco. Kaya kung ako sa iyo aamin na ako. Pinagbigyan na kita nung nakaraan, sinasabi ko sa iyo hindi kita palalampasin ngayon."

'Paano kang masasagot niyan e hindi mo man lang binigyan ng chance sumagot!'

"Choco, magsalita ka na." si Tob.

"Wala nga! Wala akong kinalaman doon! Kung meron man, sasabihin ko sa inyo hindi ko na bubuhayin yun!"

"Ano ba? Nandito tayo para alamin kung may alam ba siya kung sinong posibleng gumawa nun!" inis na sigaw ni Tob kay Lee. "Choco, pasensya na pero gusto sana naming alamin kung sinong gumawa nun kay Max. Baka kilala mo?"

"Paano ko naman makikilala?" sarkastikong tanong ni Choco.

"Dahil marami kang kilalang gangster dito."

"E ayun naman pala e? Hindi ba kayo natatakot sakin? Lalo na sa ginawa mo?" duro nya kay Lee. Inilayo ko naman si Lee. "Wala akong alam, at kung meron man ay hindi ko rin sasabihin. Bakit ko sasabihin? Matapos akong sapakin nitong tropa niyo? Haha! Ano ako baliw? At saka, bakit niyo ba pinapakialaman pa yung basurang yun? Lalo ka na?" baling niya sa akin. "Bakit Deib? Nagi-guilty ka na ba sa ginawa mo sa kanya at ganyan ka na lang magreact ngayon? Haha! O baka naman ikaw talaga ang may pakana? Ayaw mo lang umamin?" nakangising sabi niya.

"Aba e gago ka pala e!"

~BLAAAAAGGG!!!~

Sinapak ko si Choco!

"Aray!"

"Kinakausap ka ng maayos hindi ka man lang sumagot ng maayos!" sigaw ko sa kanya.

"Anong maayos don? Nakailang sapak kayo!"

"Dahil wala kang ginawa kung hindi pairalin yang kayabangan mo!"

"E mayabang rin naman kayo ah! Anong akala niyo sa akin? Takot sa inyo? Kayo ang dapat matakot sa akin dahil kaya kong pumatay ng tao!"

"Bukas na bukas, ayoko ng makikita yang panget mong mukha sa loob ng campus."

"Sinong tinakot mo?"

"Hindi kita tinatakot, kusa kang natatakot. At dapat kang matakot!" sigaw ko sa kanya at niyaya sila Lee na umalis.

"Gagong yun!"

"E bakit niyo sinapak?" si Tob.

"Nakakapanggigil e!"

"Psh! Ano? May napala ba tayo? Wala! Paano pa natin malalaman kung sino yun kung yung leader nung mga gago dito e ginanon nyo?"

Bumalik kami sa room pero wala doon ang isip ko. Kusang naglalakbay at nag-iisip. Nababadtrip ako. Gusto kong malaman kung sinong may gawa nito ora mismo! Pero kanino ko malalaman?

Nagtaas ako ng kamay at...

"Excuse me Miss." paalam ko habang nakaturo sa pinto. Lumabas ako at inilabas ang cellphone ko. Tinawagan ko si Reycie.

"Hello Sir?"

"Reycie. I want you to do me a favor."

"Ano yun Sir?"

"At kung pwede wag mo munang iparating kay Lolo, kung pwede lang naman

"I'll try my best Sir. What is it?"

"Gusto kong malaman kung sino sino yung mga witness doon sa nangyari kay Taguro kanina--kilala mo naman si Taguro hindi ba?"

"Yes Sir."

"Alamin mo yun."

"Okay Sir."

"And."

"Yes Sir."

"Reycie, I'm not asking you a favor. I'm demanding you to do me a favor. Not as Deib, but as your Boss."

"Y-Yes Sir."

"Thank you, very much."

Huminga ako ng napakalalim nung ibaba ko ang phone. Hindi pwedeng makarating ito kay Lolo dahil malamang magagalit yun!

'Ayaw niya sa lahat ay gagamit ako ng powers ko, pero kailangan kong gawin ito ngayon.'

Bumalik ako sa room pero umalis na si Miss.

Late na nga kami hindi pa ako umabot sa huling discussion!

"Saan ka nanggaling?" si Tob.

"Tinawagan ko si Reycie." bulong ko sa kanila at gulat naman silang napatingin sa akin. "Yun na lang yung nakikita kong paraan para magka-clue tayo kung sino, wala naman tayong gagawin sa kanila don't worry."

"Pero kapag nakarating ito sa Lolo natin, yari tayo parepareho." si Tob.

"Tob, ngayon lang." si Lee.

"Sshhk! Siguraduhin niyong hindi malalaman yan ah! Ano na lang masasabi sa akin ng Lolo ko? Na hindi ko gulo pero pinasok ko? Alam mo namang ayaw na ayaw nila ay yung gagamit tayo ng ganyang powers!"

"Hoy! Wag kang O.A.! Wala tayong special powers okay? Nakikiusap lang tayo! And besides, it's not as if we're going to kill the suspect! Tch!"

"Oo na! Oo na! Pinapaalala ko lang sa inyo na kasama sa Student's Manual na bawal tayong gumamit ng powers natin as school owners!"

"Oo nga! Wala naman akong sinabing ganoon! Aalamin lang natin. Aalamin! Wag kang makulet! At isa pa, kahit saang anggulo mo tignan, tama pa rin yung ginagawa natin. Dahil student rin dito si Taguro Authority ang tawag dun hindi powers!" palusot ko.

"Fine! Pero."

"What?" inis na tanong namin ni Lee.

"Bakit niyo ginagawa kay Max iyan ha?" nanunuksong tanong niya.

"Dahil nag-aalala ako sa kanya." si Lee. "Hindi dapat siya nakakatanggap ng ganoong klase ng treatment dito sa school natin. Galing siyang SIS pero maski isa walang umasar sa kanya. Dahil doon, inaaway siya ng students dahil nadidikit siya sa atin at kaaway siya ni Deib."

'Ako na naman?'

"E ikaw Deib? Siguro----"

"Hoy! Ginagawa ko ito para sa sarili ko naiintindihan mo?"

"Psh! Para sa sarili--"

"Oo nga!" binatukan ko pa siya. "Dahil tulad nung Parrot na yun, alam kong maraming nag-iisip na ako ang may kasalanan nito!"

"Oo nga."

"Kaya para malinis ko ang pangalan ko, ginagawa ko ito."

"Okay!" nakakainis na sabi ni Tob.

Hindi na kami nagkibuan at dumerecho na sa Gym, praktis ng basketball.

NAIH'S POV

Anong petsa na pero hindi pa rin gumising si Max. Naiiyak na ako sa pag-aalala at kung anu-ano na ang naiisip ko.

'Kahit naman ako alam kong hindi kayang gawin ni Deib ito, lalo na ngayong sabi ni Max ay okay na sila. Kilala ko si Max, kapag sinabi niyang okay na, okay na talaga. Sino naman kayang may kasalanan nito? Nakakabadtrip!'

Nasa ganoon akong sitwasyon nung lumapit sakin si Maxwell.

"Oh? Anong sabi ng doktor?"

"Stable na nga daw sya, wala nang problema. Hihintayin na lang natin siyang gumising."

"Sa tagal nyong nag-usap yan lang ang sinabi nya?"

Nginitian niya ako.

"Sinabi niya pa kasi sakin yung ibang gamut, inayos ko rin yung papers niya dahil icoconfine ko siya."

"Thank you ah. Kung wala ka hindi ko alam kung anong gagawin ko."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na ganyan pala ang inaabot niya sa school?"

"A-Ayaw niya kasing ipasabi e."

"Bakit daw?"

"Dahil ayaw daw nyang sumulpot ka sa harapan niya."

"Tch. Bakit? Dahil ayaw nyang malaman kung ano niya ako?"

"O-Oo."

"Ako pa ang ikinahiya niya ah?!Hahah! Hiyang hiya naman ako." natatawang sabi ni Maxwell. Tumawa naman kami at nung lumapit sa amin yung Nuse ay sumunod na rin kami sa kanya. Hinatid niya kami sa room ni Max.

Naka-oxygen siya at parang gulay na nakahiga doon. May benda rin siya sa ulo.

Nakaramdam ako ng awa sa kanya at naiyak.

"Oh? Bakit umiiyak ka pa? Stable na sya---"

"Hindi ko kasi akalaing aabot sa ganito ang pag-aaral namin diyan sa BIS na iyan!" umiiyak na sabi ko.

"Shh wag kang maingay naririnig tayo niyan."

"Seryoso?"

"Mmm."

"Hindi ko kasi naisip na kahit mayayaman ang mga tao doon, imposibleng walang ganito katarantado.. Alam mo bang kanina lang umaga ay may biglang sumapak sa kanya sa parking lot?"

"Sino?"

"Hindi namin alam dahil mabilis masyado ang pangyayari at biglang sulpot ang ginawa nun, naka-cap pa!"

"Tsk."

"Kung anu-ano ang nangyayari kay Max sa loob ng BIS Maxwell. Ayaw niya namang makisali ako dahil gulo lang daw niya yun! Nakakainis naman kasi iyan e! Bayani masyado!"

Natatawa yang tumingin kay Max na hinaplos haplos i pa ang buhok.

"Yun nga ang nagustuhan ko sa kanya e, yun ang pinakagusto kong ugali niya." sabi nya pa.

"Sana gumising na siya. At sana, sana paggising niya wala naman siyang Amnesia." natawa rin ako sa naisip ko. "Haha! Dahil sa meteor garden, si Daumminsse ang nagka-amnesia!"

"Haha! Don't worry, hindi niya naman kamukha si Sanchai e."

'Seryoso. Anong konek?'

Kaya sila nagkasundo dahil pareho silang wirdo! Yun na yun! Magsama sila!

Lumipas ang oras at hapon na ng.

'Gumalaw siya.'

"Maxwell! Maxwell gumalaw siya---- M-Max! dumilat si Max nung mismong paglapit ko sa kanya. "Max!"

"Max can you hear us?" tanong ni Maxwell sa kanya.

Nagpalipat lipat ang tingin niya saming dalawa.

"Ano? Okay ka lang? Anong nararamdaman mo?" tanong ni Maxwell.

"Ako! Ako! Ako Max? Sino ako? Sabihin mo sa akin, sino ako?"

"Hoy! Sumagot ka naman!"

Tinanggal niya ang oxygen niya at saka tumingin sa amin.

"Nahuli nyo ba?"

"A-Ang alin?" tanong ni Maxwell.

"Yung humampas sa akin!"

"Talagang yun pa iniisip mo? Tinatanong ka namin kung okay ka na?"

"Oo. Masakit lang ng konti ang ulo ko." inilibot niya ang paningin niya sa kabuuan ng kwarto. "Sinong nagdala sa akin dito?"

"Yung F3---Nakakainis ka kasi e!" at nag-umpisa na ulit tumulo ang luha ko.

Nag-alala talaga ako ng sobra tapos ganon lang ang reaksyon nya. Parang wala pa ring pakialam

NAKAKALOKA!

SUPER THANK YOUUUU!!!! ♥ Godbless us all! ♥

d^_^b

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW! Thanks a loooot! d^^,v

FOR IMPORTANT UPDATES PLEASE VISIT THE FOLLOWING:

Facebook : https://www.facebook.com/maxinejiji
Twitter : @maxinejiji
Website : http://maxinejiji.weebly.com/
Instagram : @maxinejiji
Tumblr: www.maxinejiji.tumblr.com/

Thanks a looot JIJIERAS!!! d^o^b ♥

- m a x i n e j i j i ♥

Continue Reading

You'll Also Like

8.3K 243 62
LIEZIANA CASTORA isang normal na babae as in normal utak nya lang hindi Normal ang buhay nya until dumating ang araw na niyaya sya ng crush nya n...
18.1K 562 16
Ang pag-ibig na tunay, hindi mawawala habang buhay. Date started: July 01, 2020 Date Finished: September 13, 2020
542K 19.9K 29
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
28.7K 577 98
saudade (n) a nostalgic longing to be near again to something or someone that is distant, or that has been loved and then lost; "the love that remain...