Claire The Jinowa
6:00 PM
Joshua:
Hydrogen Iodine
Joshua:
Alam ko busy ka sa pagaalaga sa lola mo ngayon pero tignan mo tong pinagawa ko sa kapatid kong grade 6
Joshua:
Joshua:
Joshua:
Nagpagawa din ako ng sakin para parehas tayo
Joshua:
Nakita ko kase yung pangalan ni Renz sa cellphone nya tapos bilang mabuting kapatid at uto uto naman sya
Joshua:
Tinakot ko sya na pag di nya ko ginawan, isusumbong ko sya kay mama na mas matanda sakanya yung kachat nya
Joshua:
Tapos tada ginawan ako ng uto uto kong kapatid na grade 6
Joshua:
Magpapagawa pa sana ko para kay lola tsaka kay mama mo kaya lang ako naman yung tinakot na isusumbong nya daw ako kay mama na nahuli ako na nangongopya kay Matthew sa math
Joshua:
Di naman ako natakot pero di na din ako nagpagawa kase bulok naman cellphone nya
Joshua:
Pero sana magkatabi tayo ng pangalan sa mars
Joshua:
Pag hindi naman pupunta ako dun tapos ako mismo magtatabi ng pangalan naten
Joshua:
Gusto ko na tuloy maging astronaut para lang masure kung magkatabi pangalan naten
Joshua:
Pero ayos lang naman kung hindi kase di ko na kaylangan umalis papuntang mars eh
Joshua:
May mundo nako eh
Joshua:
Ikaw
Joshua:
I love february
Joshua:
I miss february
Joshua:
Pagnahihirapan ka wag mo kakalimutan na magdasal
Joshua:
Nasa process na siguro ni lord yung dasal ko araw araw
Joshua:
Intay ka lang ❤
Sa mga sumunod na araw ay wala ulit akong ginawa kung hindi ang mahintay ng reply nya. Bukod don di ko kinakalimutan na paalalahanan sya na kada lalabas sya ay magsuot ng mask at wag makipagusap kung kani-kaninon o hahawak kung saan saan, nagpapasalamat naman ako kase nasa mabuti pa din syang kalagayan, walang sakit. Pag di naman ako nagiintay sa reply nya ay tutulungan ko si mama maglinis sa bahay dahil sa tamad ba naman ng kapatid kong grade 6 eh mapapaface palm kana lang.