The Legendary GANGSTER Meets...

By kellylee0101

3M 34K 4.1K

Isang unbeatable legendary gangster meets miss geek famous girl. Si gangster na isang playboy at si geek girl... More

♕ PROLOGUE ♕
TLGMMBG ♕1
TLGMMBG ♕2
TLGMMBG ♕3
TLGMMBG ♕4
TLGMMBG ♕5
TLGMMBG CAST
TLGMMBG ♕6
TLGMMBG ♕7
TLGMMBG ♕8
TLGMMBG ♕9
TLGMMBG ♕10
TLGMMBG ♕11
TLGMMBG ♕12
TLGMMBG ♕13
TLGMMBG ♕14
TLGMMBG ♕15
TLGMMBG ♕16
TLGMMBG ♕17
TLGMMBG ♕18
TLGMMBG ♕19
TLGMMBG ♕20
TLGMMBG ♕21
TLGMMBG ♕22
TLGMMBG ♕23
TLGMMBG ♕24
TLGMMBG ♕25
TLGMMBG ♕26
TLGMMBG ♕27
TLGMMBG ♕28
TLGMMBG ♕29
TLGMMBG ♕30
TLGMMBG ♕31
TLGMMBG ♕32
TLGMMBG ♕33.1
TLGMMBG ♕33.2
TLGMMBG ♕34
TLGMMBG ♕35
TLGMMBG ♕36
TLGMMBG ♕38
TLGMMBG ♕39
TLGMMBG ♕40
TLGMMBG ☠41☠
TLGMMBG ☠42☠
TLGMMBG ☠43☠
TLGMMBG ☠44☠
TLGMMBG ☠45☠
TLGMMBG ☠46☠
TLGMMBG ☠47☠
TLGMMBG ☠48☠
TLGMMBG ☠49☠
TLGMMBG ☠50☠
TLGMMBG ♡51♡
TLGMMBG ♡52♡
TLGMMBG ♡53♡
TLGMMBG ♡54♡
TLGMMBG ♡55♡
TLGMMBG ♡56♡
TLGMMBG ♡57♡
TLGMMBG ♡58♡

TLGMMBG ♕37

43K 525 18
By kellylee0101

 A/N:

Nagdaramdam ako!! Yung chappy 36 ko kasi! TT____TT Basta! Saka ko na aayusin yung 36 ko kapag naisip ko na uli yung dati kong tinype, dapat pala talaga may backup copy lagi kasi minsan mapaglaro si WATTY ng walang pasabi basta-basta na lang nawawala yung ibang pages ng walang pakundangan. Haaaay.

___________________________________________________________

 SAM’s POV:

“Baby paabot naman, please?”

Sabi sakin ni Chase habang nagda-drive at simultaneously na tumitingin sa daan at sakin. On the road kasi kami ngayon papuntang Batangas. May pakulo kasi si Boom para daw magkaayos na sila ni Bea, may 3 days na kasi silang hindi nagkikibuan at hindi naman matiis ni Boom si Bea kaya eto ginagawa niya ngayon ang lahat ng paraan para lang magkabati na sila.

Ganun sana ang lalaki, kahit gaano pa kataas ang pride, ibababa at ibababa niya yun para sa taong mahal niya. Oo nga at nagtagal ng ilang araw ang pag-aaway nila pero dahil kasi yun sa pinalipas muna ni Boom ang galit ni Bea.

Napatingin ako kay Chase na kasalukuyan na nagda-drive at nakangiti sakin.

“Alin ba Chase?”

Takang taka kong tanong sa kanya kaya nagsimula akong maglikot sa bullet seat para hanapin ang kung ano man ang ipinapahanap niya.

“Yung kamay mo”

Nakangiting sagot naman niya sakin.

“Ha? Bakit?”

Sagot ko habang nakatingin sa kanya ng may halong pagtataka at napatingin saglit sa mga kamay ko.

“Dali na. Para holding hands tayo.”

Sabi niya sabay kindat, hila sa kamay ko at ngumiti ng nakakaloko.

“Baliw ka talaga. Baka mabangga pa tayo niyan.”

Nakangiti kong sabi sa kanya. Syempre deep inside maiihi na ko niyan sa kilig. >__<

“Hahayaan ko ba yun? Di bali ng mabangga ako mag-isa, wag lang kitang kasama na maaksidente noh!!”

Sabi niya sakin sabay pisil ng mariin sa kamay ko.

“Ano ka ba! Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Ayoko ng ganyang usapan!”

Sabay bawi ko ng kamay ko at ismid sa kanya.

“Joke lang baby ko. Eto naman oh! Oo na! Lagi akong mag-iingat para sayo. Magpapakasal pa tayo diba? Sige na, tulog ka na lang muna  at malayo pa naman ang biyahe natin.”

Sabi niya sabay hinigit niya ako papalapit sa kanya at hinalikan ng marahan sa noo.

Ipinikit ko lang ng mabuti ang mga mata ko at tuluyang ipinahinga ang pagod at puyat ko mula sa ilang araw na sleepover samin nila Steph. Hindi rin naman kasi ako gaanong nakakatulog nun dahil ako ang umaasikaso sa kanila pati na rin kay Mama na kagagaling lang sa sakit.

Makalipas ang ilang oras, nagising na lang ako nang patayin ni Chase ang engine niya at marahan na hinawakan ako sa mukha ko para gisingin.

“Sam, gising na. We’re here.”

Bulong niya sakin. Napangiti ako nang ang mukha niya agad ang bumungad sakin ng imulat ko ang mga mata ko. Nakakawala ng pagod ang gwapong mukha ng boyfriend ko. Gravity! Sarap mahalin ng paulit-ulit at walang hanggan.

Matapos kong mag-inat sa hangin, agad kaming bumaba ng kotse at pumasok sa vacation house nila Boom. Mula pa lang sa labas halata mong pinaghandaan na niya ang lahat ng ito. Napakabongga kasi ng paligid, napapaligiran ng favorite flower ni Bea pati na rin ng pictures at adventures nila all throughout their relationship.

Imagine after 4 years, ngayon lang daw sila nag-away ng ganito at dahil lang daw ito sa isang maliit na bagay. Isipin mo nga? Kung maliit na bagay lang ganito na ang nangyari sa kanila paano pa kaya paghahandaan ni Boom kapag nag-away na sila ng bonggang-bongga. Yung tipo bang ibibili na niya ng airplane si Bea para lang mapatawad siya? Award ha!

Napaisip tuloy ako, swerte ko na rin yata at sanay na kami ni Chase na away-bati kami dati bago pa maging kami dahil alam na namin kung paano i-handle ang galit ng isa't isa. At swerte na rin namin na sa kahit ano pa yatang pagdaraanan namin, alam ko na kakayanin naming dalawa basta nandyan ang isa't isa.

Pero yun eh kung tama nga ang tingin ko sa takbo ng relasyon naming dalawa. Malakas naman ang tiwala ko kay Chase, sa mga babae lang sa paligid niya ang hindi.

Nang makatapak kami sa loob ng vacation house ni Boom, agad kaming sinalubong ng mga kasambahay para tulungan na mag-akyat ng gamit sa mga kwarto namin. Magkatabi lang ang kwarto namin ni Chase kaya kahit anong oras alam ko na delikado ang buhay ko. Baka kasi bigla na lang akong pasukin sa kwarto ng baliw na yun at reypin! Jooooke!!! LOL XD

Lunch time na rin nung makarating kami sa Batangas kaya nakahanda na ang catering service. Agad naman na sumunggab ng kain ang magaling kong boyfriend na walang pakundangan na tinikman ang lahat hinanda ni Boom para kay Bea.

Isa-isa na rin na nagdatingan sila Steph, Jason,  Derick, Krystal pati yung mga member ng gang nila Chase. Isa sa mga kasama nila ang pumukaw ng pansin ko, yun yung babae na kanina pa tingin ng tingin sa gawi namin ni Chase. Para kasing sniper ang mga mata niya, ang tatalim ng tingin niya saming dalawa kaya hindi din tuloy ako matahimik sa kinauupuan ko. Hindi ko na lang pinansin ang mga gestures niya dahil baka lang kasi hindi siya sanay na ang gang leader nila may girlfriend na o kaya naman dun siya kila Tal nakatingin na nasa likod lang namin na table.

Maya-maya pa, dumating na ang taong pinakahihintay naming; si Bea. Agad siyang napaluha sa nakita niyang paghahanda at effort ni Boom para lang suyuin siya, pati kasi parents ni Bea na kasalukuyan na out of town eh nagawa niyang hingan ng message para lang kumbinsihin na patawarin na siya. Galing talaga ni Boom! Hindi ko inakala na ganito pala niya kamahal si Bea. Kaya napaisip ako, napakaswerte ni Bea at nandiyan lagi si Boom para sa kanya.

Nang magdilim, naging dance floor ang center stage. Ang dami kasing nagsayawan at nagkakatuwaan. Habang naaaliw ako sa panonood sa kanila, hindi ko napansin na ako na lang pala ang laman ng table naming dahil ultimo sila Tal sumasayaw na.

Napalingon ako sa tabi ko.

(¬__¬)

..

..

..

Upuan na blangko. Nawawala si Chase.

Saan na naman ba napadpad yun? Iginala ko ang tingin ko sa paligid at hinanap si Chase pero hindi ko siya makita. Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad papalayo, hindi naman kasi umaalis sa tabi ko ng hindi sakin nagpapaalam yun.

Nagtanong ako sa mga taong nakasalubong ko at sinabing nasa bar ng bahay nila Boom si Chase at naghahanap ng wine kaya doon ako agad dumirecho.

Dahil gawa sa glass ang walls nila Boom, kita ko si Chase mula sa view ko sa labas kaya humakbang agad ako papalapit sa kanya para sana gulatin siya.

“Cha------”

Napahinto ako sa kinatatayuan ko ng makita kong may kausap pala si Chase; at yun yung babaeng panay ang tingin samin kanina pa. Mukhang ako yata ang nagulat?

Hindi pa muna ako umalis sa kinatatayuan ko at nakinig saglit sa usapan nila. Hindi ko man gaanong marinig ang usapan  nila, isa lang ang alam ko: nakangiti si Chase sa babae na yun habang magkausap sila.

Parang nanlambot ako sa pakiramdam na pwede palang may ibang taong makapagpangiti sa kanya, na pwede pa lang may ibang taong tinatawanan din niya. Ayoko man ng pakiramdam na ‘to pero parang hindi kayang i-acknowledge ng utak ko na nagseselos YATA ako sa maling dahilan.

Bumalik ako sa table naming ng tulala. ‘Pagkatapos ba ni Cassie siya naman ngayon ang gugulo samin?’ Paulit-ulit na sabi sakin ng utak ko. Napakawag na lang ako at paulit-ulit na umiling na parang tanga.

“Okay ka lang sis?”

Nagulat na lang ako ng biglang hinagod ni Krystal ang likod ko.

“Ah-----o-okay lang ako. Wala lang ‘to.”

Sagot ko sa kanya habang napahawak ako sa dibdib ko gawa ng pagkagulat sa kanya.

“Sure ka? Teka? Nasan pala si Chase?”

Tanong pa niya ulit sabay naupo sa tabi ko.

“Ah---na--nasa loob. May kinuha lang.”

Sabi ko sa kanya.

Maya-maya pa nakita ko na si Chase mula sa malayo, kasama pa rin niya yung babae na yun at sabay pa silang naglalakad papunta sa gawi ko. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na ipagtanong kung sino ba siya sa buhay ng boyfriend ko.

Baka mamaya isang ex-fiance na naman pala ang pinapakitaan ko ng maganda sabay ako naman pala maba-backstab sa huli.

O di kaya naman step-sister, pinsan, kapit-bahay, kaklase nung grade school, first crush, first kiss, first love o kahit ano pa ang relationship nila. I need to know about that!

I am so dead curious and the only way to spill the beans is that asking Derick about this!!

 “Who’s that girl?”

Kinalabit ko agad si Derick bago pa man makarating dito si Chase sa gawi namin.

“Sino?”

Takang tanong ni Derick at naghanap sa paligid.

“Yun oh! Yung kasama ni Chase.”

Sabay turo ko sa kanila.

“Ah, si iya?”

Sagot niya kaya tumango lang ako sa kanya.

So, Iya pala ang pangalan niya. Hmmmmm... I looked at her from head to toe and killed her many times in my head (Jooooke!!!)

Her name fits her well, CUTE like her.

Bakit ba kasi ang hina ko pagdating sa pagkilala ng tao?! Sabi nila, you can tell what kind of person someone is just by looking at them. Pero bakit ako? Sumabog na yata lahat ng brain cells at neurons ko dati  pero bakit hindi ko naisip na gaganunin ako ni Cassie? Hmpf.

Bakit ko ba biglang nasingit si Cassie? Namimiss ko na ba siya?! Uyyy hindi ah! Well back to Iya, napatingin ako kay Derick na seryosong-seryoso na nakatingin sakin.

“Kapatid yan nung isang dating gang member namin na si Marco. Mabait at trustworthy na tao si Marco but unfortunately he died in a car accident long days before kaya si Iya ang pumalit sa Kuya niya kahit wala namang nagsabi sa kanyang gawin niya yun. Hindi man siya isang official member, kinikilala siya bilang isang kaibigan at nakababatang kapatid ng lahat dito. Pinaka-close sila ni Chase dahil simula ng namatay ang Kuya niya, siya na ang nagsilbing kuya-kuyahan ni Iya. Ayun kuya-bunso relationship, boyish nga yan eh ngayon lang naming nakitang naka-dress kaya medyo nakakagulat yung get up niya ngayon baka kasi may lovelife na.”

 

 

Hindi ko alam kung anong uunahin ko, yung sympathy ko ba sa kanya o yung tuwa ko knowing na may lovelife pala siya and there's no way na makasira siya samin ni Chase?

Nang saktong matapos sa pagsasalita si Derick sakto naman ng dumating yung dalawa sa tapat namin kaya napatahimik ako at inilagay ang index finger ko sa tapat ng labi ko para imostra ng wag maingay sa harap nila Derick.

“Oh? Nandyan ka na pala hindi ko man lang namalayan na nawala ka na lang pala bigla kanina.”

Bungad ko agad sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

“Sorry Sam. Sinamahan ko lang maghanap ng masarap na wine si Iya.”

Paliwanag niya sabay kamot sa ulo niya at lumapit sakin.

“Ah, okay.”

Maikli kong sagot sabay tango lang sa kanya. 

Dapat hindi ako magpahalata na may dinaramdam ako. Baka mamaya kung anong isipin ni Iya, baka mamaya isipin niya threatened ako sa existence niya.

“Ah oo nga pala—Iya, si Sam ang girlfriend and future wife ko.” Sabay kindat niya sakin.  “Sam, si Iya baby sister namin dito.” Nakangiti naman na sabi niya sabay ginulo ang buhok ni Iya.

Inilahad ko ang kamay ko sa harap ni Iya at dahan-dahan na nagkamayan kaming dalawa. Tahahaha! Saan kayo? FUTURE WIFE HERE! Biglang naging proud tuloy ako kaya napatindig ako at taas noo na tumingin kay Iya.

Ano kayo ngayon? FUTURE WIFE DAW EH!!!

Pinalupot naman agad ni Chase ang mga kamay niya sa bewang ko at inilapit ang mukha niya sa balikat ko. Lasing na yata ‘to eh, masyado nang touchy. Nanansing na! XP

“Excuse me lang ah?”

Paalam ko sa kanila at hinila papalayo si Chase sa kanila.

Nang makarating kami sa lugar na malayo sa kanila, agad akong bumitaw kay Chase at tiningnan siya ng masama.

“Ayoko ng tingin na yan ah? What is it my baby?”

 

Sabi sakin ni Chase at hinawakan niya agad ang magkabilang pisngi ko at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Tumingin lang ako ng derecho sa kanya at patuloy na tumingin sa kanya ng masama.

“Bakit bigla ka na lang nawala kanina? Hindi ka naman dating ganun ah?”

Pagtataray ko sa kanya at pilit na iniaalis ang mga kamay niya sa mukha ko.

“Sorry na. Inaya lang kasi ako ni Iya na maghanap ng wine. Teka?---------------Don’t tell me nagseselos ang baby ko ha?”

Sabi niya habang napahawak pa ulit sa mukha ko.

“Asa!”

Bulyaw ko sa kanya sabay inialis ng padabog ang mga kamay niya sa magkabila kong pisngi.

“Eto naman sorry na future wifey!! Hindi na mauulit.”

Agad niyang kinuha ang mga kamay ko at siya naman niyang inilagay sa mga pisngi niya.

Hindi lang ako kumibo at tumungo lang ako sa malayo.

“Sorry na, hindi na talaga mauulit. I promise.”

Iniharap niya yung mukha ko sa kanya sabay pledge niya sa harap ko.

Hinawakan niya ulit ang mga mukha ko at hinalikan ako ng marahan sa noo, pababa sa ilong ko.

Napangiti ako sa kanya. Haaaaay! Lagi na lang akong talo kapag ginaganito niya ako.

Pumunta siya agad sa likod ko at niyakap ako mula sa likod.

“I love you future wifey, Samantha Bernardo-Padilla. Pero seriously baby, please sana hindi ka magsawang intindihin ako kasi ako I’ll never get tired of loving you. I’ll never get tired protecting you. You’ll always be my favorite person in this world. Always remember that! We might not be sharing the same childhood memories but I promise to create memories with you and our future child.”

 Pabulong na ngi-ngisi ngisi niyang sabi sakin.

"Sana lahat ng 'to Chase hindi lang puro promise. Sana lahat ng 'to may katuparan. Madali kasing mangako, ang mahirap eh tuparin at isakatuparan kung ano man ang naipangako. Basta ako Chase, handa kong ibigay kung ano man ang hinihingi ng relasyon natin na 'to. Handa akong mahalin ka kahit pa hanggang sa huli. Ang kailangan ko lang talaga Chase eh-------------------------------------IKAW AT ANG PANININDIGAN MO."

___________________________________________________________

A/N:

SALAMAT SA PAGBABASA NG TLGMMBG! <3

 

Guys, pabasa naman 'tong gawa ni Mitch kapag may time kayo! Support natin siya :) Nasa EL yung site :*

 

 

TO BE CONTINUED..

 

Continue Reading

You'll Also Like

135K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
92.8K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
36.8K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
7.8K 258 16
AshMatt fanfic