TLGMMBG ♕14

51.2K 535 39
                                    

SAM's POV:

Malapit na. Malapit na malapit na yung periodic exam namin. Sana lang maging maayos ang lahat. Pumasok ako ng maaga ngayon dahil kailangan ko pang ihanap ng mga bagong babasahin si Chase sa library. Nung pagdating ko ng school, may pinagkakaguluhan sa Entrance gate kaya hindi na ako nakisali at dumirecho na lang ako sa library.

Nung nakakuha na ako ng books, inilagay ko muna lahat yun sa locker ko. Nakita ko dun yung mga nabili kong kikomachine comics kaya kinuha ko yung isa at naglakad papunta sa favorite spot ko ng pagbabasa. Saan pa edi sa School Garden. Sa school garden kung saan ko nakilala ang mahangin na lalaki na yun. Dito kung saan niya ako nabukulan dahil sa pagkakalaglag ng mangga na konyat na konyat sa ulo ko ng bonggang bongga.

Napapangiti lang ako nung naalala ko bigla yun.

Para pa akong sira nun na sinayawan ng 'Sorry sorry' yung puno sa pag-aakala na may Diyos/Diyosa ng mga Puno.

Naisip ko lang..

Buti hindi ginagamit against sakin ni Chase yung moment na yun, kasi malamang katakut-takut na kahihiyan ang aabutin ko kapag nalaman ng ibang tao yun.

Mabait naman pala si Yabang eh. Sadyang maharot at mapang-asar lang.

Binuklat ko yung comics at nagsimula akong magbasa.

Nakakatawa naman pala talaga 'to. Buti na lang pala talaga at nakinig ako kay Krystal na bumili ako ng comics.

Mga ilang pages na yung nababasa ko ng bigla akong antukin. Maaga pa naman kaya naisipan kong umidlip saglit.

Bukod sakin, wala namang mga estudyante ang tumatambay dito dahil lahat sila nasa canteen madalas. Kaya safe lang na matulog ako dito. Kahit pa ngumanga ako, walang makakakita. >///<

*TIIIIIIIINGGGG!!!!*

Nag-bell na. Hudyat para malaman ng mga students na malapit nang mag-start ang klase kaya dapat lahat nasa kanya-kanya ng rooms.

Napatayo ako bigla at dinampot lahat ng dala ko.

Ano ba yan! Ilang minuto pa lang ako nakakatulog ih!!

Kaso may napansin ako.

May..

May..

May nakadikit sa noo ko.

Isang sticky note na kulay yellow.

Tinanggal ko yun at binasa.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon