HE'S INTO HER Season 1

By maxinejiji

371M 8.9M 8.7M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
HE'S INTO HER SERIES NOW STREAMING ON iWANT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
HE'S INTO HER SERIES
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94

CHAPTER 49

3.4M 87.4K 89.2K
By maxinejiji

DEIB'S POV

Pag-alis ni Lee at Taguro ay inihatid ko na rin si Kim sa room nila at naiwan naman si Tob kay Michiko. Naglalakad na ako pabalik nung makasalubong ko si Melissa.

"Deib."

"Y-Ysay."

"I heard what happened between you and Taguro."

"Kilala mo rin yun?"

"Oo naman. Paanong hindi ko makikilala e kaaway mo siya di ba?"

"Oh. What about her?"

"Wala naman. Okay na ba yung presentation niyo?"

"Mmm. Okay na."

"I see. Sige na papasok na ako. Itinanong ko lang talaga."

"Hehe." ngiti ko sa kanya at ginulo ulit ang buhok niya. Maglalakad na sana ako papalayo pero.

"Deib."

Wala akong choice kung hindi humarap ulit.

"Mmm Ysay?"

"You're not gonna like her, aren't you?"

"Sino?"

"Si Ta-Taguro."

'Taguro? Magugustuhan ko? Ako? Bakit ko siya magugustuhan? Bakit ako?'

"Of course not! Haha!"

"I see." nakangiting sabi niya. "That's all. Bye bye!" at nagmamadali na siyang umalis.

'Ano na naman bang nangyari at bumilis ng todo ang tibok ng puso ko. Tsk!'

Minadali ko ng maglakad pabalik sa Canteen.

Dahan dahan akong umatras ng malampasan ko ang Batibot.

'Tama ba ang nakikita ko?'

Si Lee at Taguro magkasama sa Batibot. Si Lee ay nakaupo habang nakapangalumbaba'ng nakatitig kay Taguro habang natutulog?

'WTF?'

"Kahit kailan wala ka talagang taste!"

"Hoy!"

"What the!---" gulat ko. Pagtingin ko ay si Tob.

"Kausap mo na naman ang sarili mo!"

"Hindi ahh."

"Teka. Sino bang tinitig--"

"Tara na tara na!"

"Nay! Nakatingin ito kay Taguro at Lee e!"

"Wag mo akong umpisahan panis na hapon ah! Baka ibalik kita sa Japan!"

"Sows! Hey picture perfect!" sigaw niya kay Lee. "Oras na ng klase! Tama na ligawan! Hehe!"

Pasimple ko pa silang sinulyapan. Inalok ni Lee ang kamay niya para tulungan si Taguro na tumayo pero hindi siya nagpatulong at kusa siyang tumayo. Hindi siya tumingin sa side namin ni Tob at naglakad na papaakyat sa building. Si Lee naman ay lumapit sa amin.

"Oh bakit nakasimangot ka?" natatawang tanong sakin ni Lee.

"Sinong nakasimangot?" inis na tanong ko.

"Tsh. Let's go." yaya niya at naglakad na kami papunta sa room.

"Oh my God gur--!"

"Pwede ba!" sigaw ko. "Nakakabadtrip! Tuwing dadaan kami wala ka ng ibang isinisigaw kung hindi 'Oh my God gurls'? Anak ng! Kung nasaan ako nandoon ka rin pati yang mga asungot mo. Nakakarindi! Isang sigaw mo pa na naririnig ko, lalagyan kita ng ganito!" turo ko sa bukol ko.

"Sorry." sabi ng babae at saka kami nagtuloy sa paglalakad. "Oh my God. What happened to him? Hindi naman siya nagagalit dati tuwing, huhu!! Huhu!"

"Haha! Ang sungit mo ngayon!" si Tob.

"Nakakainis e. "

"Tsh. Sa ganong paraan mo na nga lang napapasaya yung mga admirers mo, sinungitan mo pa haha!" si Lee.

"Look, hindi ko sila kailangan okay? Tch! Kung kikiligin sila wag na nilang iparinig pa sa akin! Nakakabadtrip lang!"

"Sa tagal ng ginagawa nung yun yon sa iyo, ngayon ka lang nabadtrip ng ganito. Haha!"

"Nawala ako sa mood bigla e!"

"Hmm.. Bakit kaya?" nakangising tanong ni Tob.

"Hoy! Stop imagining okay!"

"Bakit?" si Lee.

"Wala! Nabitin lang ako sa pagsasama namin ni Kim kanina."

"Suu---"

"Shut up Tob.. I'm not in the mood."

"Okay! Seizei Ganbatte!"

'Peste!'

Pumasok na kami sa loob ng room at hindi ko na sila kinibo. Sinalpak ko ang earphones ko sa tenga ko at nakinig na lang sa kanya.

♫ ♪ 'Have you heard of the saying? For those who were playing.. You don't know what you got till its gone.. Well that was my calling.. I knew what I was falling into something that would be so wrong.. But I got hold of myself.. And changed for the better.. I can't get you out of my mind.. Cause something inside made me realize you were fine..' ♪ ♫

Hindi mawala sa isip ko yung tawa ni Taguro at naiinis ako! Nanginginig yung kalamnan ko sa inis. Ano na bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito dati! Dati tuwing makikita ko siya, doon palang manginginig ang kalamnan ko. SA GALIT!

'Bakit naman kasi nakita ko pang tumatawa yung bwisit na yun e!'

Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko, parang nagulat ako nung makita ko yung tawa niya. Alam niyo naman na tuwing makikita ko siya parating kung ano ang hitsura ng mukha niya. Walang reaksyon. Walang expression. Nung una, tuwing nakikita ko lang siyang nakangiti ako nagkakaganito. Ngayon...

'Tsk! Wag mo na kasing isipin Deib! Engot ka rin e!'

Badtrip!

TOB'S POV

First time!

Konnichiwa!

Kasalukuyan akong nakatitig sa HAMBOG na si Deib. Nagsasoundtrip habang nakasandal sa upuan niya. Si Lee naman as usual kababalik lang galing C.R. Bakit? Kasi abnormal si Lee, hindi siya nakakatagal ng hindi naghuhugas ng kamay. Kung may portable gripo nga lang malamang meron na yan.

Tutal wala si Lee. Tinapik ko si Deib, trip ko lang.

SERYOSONG USAPAN.

Seryoso nga!

"Hoy!" sigaw ko sa kanya pero malamang hindi niya ako maririnig kaya sinabayan ko ng tapik kaya naman inis niyang inalis ang earphones niya at salubong ang kilay na tumingin sa akin.

"Ano?"

"Psh! Relax ka nga lang! Ang init ng ulo mo ngayon!"

"Paano basag trip ka. Mangungulit ka lang naman!"

"Kakausapin nga kita ng seryoso e."

"Wag kang O.A. ah. Ang jologs mo." inis na sabi ko dahil alam kong hindi siya naniniwalang kakausapin ko siya ng seryoso. Ganyan naman yan si Deib at Lee, tuwing sasabihin kong seryoso ako, hindi sila naniniwala dahil wala daw akong ibang ginawa kung hindi ang tumawa.

'Psh! Palibhasa parehong abnoy!'

"Ano ba na naman yun Tob?" salubong na salubong ang mga kilay na tanong niya pa.

"Tungkol kay Taguro--"

"Na naman? Ayoko na! Ayokong marinig ang pangalan na yan!"

"Edi Max na lang. "

"Leche!" sigaw niya at inilagay na naman ang earphones niya dahilan para hilahin ko yun.

"Makinig ka nga muna sa akin! Kakausapin nga kita ng seryoso e! Umiral na naman yang init ng ulo mo e! Kumalma ka nga!"

"Masakit bukol ko okay?"

"Hindi naman madadagdagan yan kung makikinig ka sa akin!"

"Oo na! Ano ba yon? Ang dami mong alam e." nakasimangot siyang umayos ng upo at humarap sa akin saka ako tinignan nang parang walang interes.

"Siguro naman, mula ngayon okay na kayo ni Taguro---ni Max pala?"

"Oh? Tapos?"

"Sumeryoso ka dahil seryoso ako tungek!" sabi ko sa kanyang binatukan pa siya.

"Anak ng! Nakakailan ka na ah!"

"Lul! Kasi kung hindi ka aayos at ipagpapatuloy mo pangtitrip mo sa kanya e hindi na talaga kita kakaibiganin kahit kailan!" seryosong sabi ko na ikinagulat naman niya.

"Talaga lang ah haha."

"Oo! Seryoso ako Deib."

"Tch! Hindi ako mangangako pero, kung wala na siyang gagawing kalokohan sa akin e hindi ko na siya guguluhin, basta wag lang rin niya akong guguluhin!"

"Nice."

"Nice. Bwisit ka! Binulabog mo sound tripping ko para lang itanong yan?"

"Mmm. Haha! Kasi alam mo, gusto kong mas maging malapit kay Michiko."

"Oh e anong kinalaman ko sa inyo?"

"Tungek! Kung mag-aaway kayo parati ni Max hindi ako lalo makakalapit sa kanya! Malamang kaibigan niya si Max at kaibigan naman kita! Paano ko siya makakasama kung hindrance kayong dalawa? Isip isip dre."

"Tch! Nalalapitan mo naman si Michiko kahit na nung nag-aaway pa kami ni Taguro! O.A. ka lang talaga!"

"Haha! Oo nga pero parang parating awkward."

"Awkward your ass! Dami mong arte! Tigilan mo na okay? Hindi bagay sa iyo ang seryoso. Nakakadiri!" sabi niya na ikakabit ulit ang earphones niya.

"Teka--"

"Shut up Tob! Talk to your ass!"

"Hahah!"

Hindi ko na siya pinansin, dahil baka mabadtrip lang siya lalo. Itinuloy niya ang pakikinig niya at tumungo pa sa table niya na kunwaring matutulog. Sakto namang pumasok si Lee sa room.

"Ssshk, parang may sapak ngayon ito dre." sabi ko kay Lee na nakaturo kay Deib.

"Si Deib? Bakit?"

"Wala naman, parang kanina pa wala sa sarili niya yan e!"

"Hindi ko napansin e."

"Paano kasama mo si Taguro." pang-aasar ko sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin. "Anong nangyari? Nakausap nyo si Sir Ciufan? Anong sabi?"

"Mmm."

"Ano ngang sabi!?"

Isa sa mga kinaiinisan ko kay Lee, hilig magpabitin! Nauuna kasi pag-iimagine bago magsalita!

"Hahanapin daw niya yung papel ni Max, kapag hindi niya daw nahanap. Bibigyan nya daw ng quiz ulit."

"Ohh? Hirap non pareho ahh. Hahaha! Buti hindi drop out?"

"Haha. Hindi niya magagawa yun."

"Bakit naman? Dahil kinausap mo?"

"No." nakangising sagot niya.

"Sige magpabitin ka pa."

"Kasi hindi siya palalagpasin ni Max."

"Ganon? Haha! Bakit? Batas ba sya?"

"Hindi naman. Nung makausap ko kasi si Max, may point siya. Hindi lahat kasalanan niya, may mali rin si Sir."

"Ano naman yun?"

"E binastos daw si Naih."

"Oh? Paano?"

"Verbally."

"Kaya binastos rin nila?"

"Kamanyakan yun kay Sir. Kawalang galang yung kila Max."

"Ahh shhk. Grabe rin ang inabot nila dito sa BIS ahh. Tsk! Kung ibang students yun malamang kusa nang umalis yun! Kaninang umaga lang, nagulat ako nung makita kong may bangas na naman mukha non haha! Ano bang nangyari doon?" usisa ko.

"Ewan ko nga e." seryosong sabi niya. "Kanina pagpasok ko nakita ko siya sa parking lot, I was about to greet her when somebody appeared suddenly and hit her."

"Hindi nga?"

"Mmm. Sinapak siya. Naka-cap kaya hindi ko nakita. Talagang natumba siya sa lakas. Kaya ayun, linapitan ko agad siya. As usual, wala lang sa kanya."

"Weird. Sino naman kaya yun?"

"I don't know. Kung sino man yun, malamang galit rin sa kanya, or one of her trippers."

"Tsk tsk tsk. Nakakaawa naman si Taguro."

"Stop calling her that. It's Max okay?"

"Edi Max! Max kung Max!" inis na sabi ko saka ulit sumeryoso. "Kinausap ko si Deib. Haha! Sabi ko, siguro naman matatapos na yung sa kanila ni Max dahil sa ginawa ni Dean."

"Anong sabi niya?"

"Tulad pa rin ng dati. Kung wala daw gagawin si Max sa kanya edi wala rin siyang gagawin."

"Tsh, childish."

"Ikaw. Umamin ka nga! May gusto ka ba kay Max?"

"Wala ah!"

"E bakit parang meron?"

"Sus!"

"Sus. Tama si Deib e.. Feeling hero ka haha! Ikaw si SULPOT! Parati ka na lang sumusulpot!"

"Kesa naman sa iyo, walang pakialam."

"Hindi naman sa ganon, ang hirap lang talaga dahil pareho ko kayong kaibigan. Si Deib kaaway ni Max, ikaw naman tagapagligtas ni Max. Haha! Para saan pa ako?"

"Clown ni Max."

"Seriously?" sarkastikong tanong ko.

"Tsh! Bakit ba kasi wala pa yung Lec?! Nauulul ka na naman e!" natatawang sigaw niya sa akin.

"Sus! Pareho kayo ni Deib! Kapag tungkol kay Max ang usapan parehong nawawala sa sarili!"

Hindi niya na ako kinibo at nagbasa na lang siya ng libro niya.

MAX'S POV

Nung matapos namin ni Sensui yung presentation, inaamin kong nakaramdam ako ng kaunting saya at ginhawa sa pakiramdam, pero nung makaharap ko si Chupan.

'Sarap magbigti! Badtrip!'

"Hoy!" si Naih. Nasa loob kami ng room, umuna na kaming dalawa dahil may dinaanan pa sila ni Michiko.

"Alam mo ba kung anong sabi ni Chupan samin?"

"Oh?"

"Susubukan daw niyang hanapin yun papel ko at pag hindi niya nahanap ay magkuquiz na naman ako?"

"Oh?"

"King inang yan. Nakakabadtrip!"

"Alam mo Max tingin ko tinitrip ka na rin non e!"

"Hindi siya patas kung ganoon!"

"Hindi talaga magiging patas yun tulig! Malamang Lec natin yun! Lamang at lamang pa rin sa atin yun!"

"Nakakabwisit! Siguraduhin niyang nawawala talaga yun papel ko!"

"Hays. Kailangan nating pumasa okay? Baka nakakalimutan mo na yun, ikaw pa ang nagsabi sa akin nun. Kung kakalabanin mo si Chupan, ikaw lugi. Dahil kaya ka niyang ibagsak kung gusto niya!"

"Sya lang ang nagsusulat ng grade ko pero hindi siya ang gumagawa ng grade ko kaya hindi niya ako pwedeng ibagsak kung kailan niya gusto! Lec ko lang siya! Hindi siya Diyos."

"Max."

"Nakakabadtrip e! Katatapos lang nung presentation namin saka siya bumanat nang panibagong problema paano akong matutuwa sa kanya! Sa edad niyang yung nakikipagtalo pa siya sa edad ko? Wow!"

"Don't worry tutulungan kitang magawang ng paraan ito."

"Isa pa yung sa parking lot kanina. Pucha unti unting lumiliit ang mundo ko ah. Hindi mo ba talaga nakita kung sino yun?"

May sumapak sa akin sa Parking Lot. Naka-cap siya kaya hindi ko nakita, isang mabilis at talagang nabigla ako. In fact tumimbawang pa ako sa pagkagulat at sa lakas. Masakit pero dahil nauna yung galit ko kanina hindi kona rin gaanong naramdaman..

'Kung kailan medyo nagkakaayos na kami ni Sensui saka dumating ang mga bago. Pucha. Nagpresent kami ng tungkol sa Bullying pero hindi ko maiapply sa sarili ko yung mga intervention para sa target. Leche!'

"Hindi ko talaga nakita kung sino yun, ang bilis e! Tsk! Ano ba naman itong school na ito!"

"Nakakainis. Natatakot ako, baka bago ako makagraduate e mamatay na ako. Haha!"

"Loko."

"Tsk."

Nasa ganoon kaming sitwasyon ng biglang pumasok si Migz kasama si Michiko.

"Max, pinapatawag kayo ni Deib sa Guidance Office."

"Eh?"

"Pinapatawag kayo, nakasalubong naming yung assistant niya e. Sige na habang wala pang Lec."

"Kami ng bahala kapag dumating si Miss at wala ka pa." si Michiko.

"Sige. Naih, yung gamit ko."

"Geh. FIGHTING!" pang-iinis pa ni Naih.

Tumayo na ako at lumabas ng room at saka dumerecho sa classroom nila Taguro. Wala rin silang Lec. Pumunta ako sa likurang bintana dahil doon malapit ang upuan niya. Hindi ko siya nakita kaya si Lee ang tinawag ko.

"Lee." tawag ko sa kanya habang nagbabasa siya ng libro. Napangiti naman siya pagkakita sa akin.

"Alam mo ba ikaw lang ang pinag-uusapan namin kanina?" si Tob.

'Tss.'

"Oh? Napasugod ka?" biro ni Lee.

"Pinapatawag kasi kami ni Dean."

"Ha?"

"Kami ni Deib. Pinapatawag daw kami ni Dean. Dadaanan ko sana siya pero wala siya."

"Nandito. Hoy!" si Tob.

Lumapit ako sa may dulong pintuan at saka sumilip.

"Oh my God it's Taguro!"

"What is she doing here?"

"Oh, look!"

"Ano ba yon!" sigaw ni Deib. "Anong ginagawa mo dito? "

"Pinapatawag daw tayo ni Dean. Mauuna na ako doon, sumunod ka na lang." seryosong sabi ko sa kanya at saka ako tumingin kay Tob at Lee at tinanguan sila.

Naglakad na ako pababa ng building. As usual pinagtitinginan na naman.

DEIB'S POV

"Bakit kaya kayo ipinatawag?" si Tob.

"Baka dahil sa presentation, sabi niya kasi ipapatawag niya kami ulit e."

"Ahh."

"Kapag dumating si Miss sabihin mo nasa G.O. ako. Nasaan na ba si Taguro? Hindi man lang ako hinintay bwisit!"

"Kailangan bang magkasabay pa kayo?" si Lee.

"Hindi naman. Tch! Seloso! Dyan na kayo!" sabi ko at saka ako lumabas ng room.

"Ang bango bango nya."

"Shhh. Wag ka ng maingay ayaw niya na daw makarinig na pinag-uusapan siya."

"Hindi ko mapigilan e. Ang gwapo nya."

'Mga peste..'

Nagmadali akong maglakad hanggang sa mahabol ko si Taguro sa.

"Hoy! Ang dami daming dadaanan bakit diyan ka pa sa quadrangle? Ang init init!" sigaw ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na parang nasisilaw pa.

'Tch! Palibhasa sanay sa arawan.'

"Iikot pa kasi pag dyan ako dumaan, dito isang derecho lang."

'Oo nga no.'

"Ayoko dyan! Ang init---"

"Hindi ko naman sinabing dito ka rin dumaan." nakangiting sabi niya at saka nagtuloy sa paglalakad.

*LUNOK!*

'Grrrr!! Bakit kailangang nakangiti pa!!'

Nanlulumo akong naglakad sa pathway papuntang Guidance Office. May point nga naman siya, kung sa quadrangle siya dadaan ay isang deretso, e kung dito sa pathway, dalawang liko pa although pwede ka na ring magcross papuntang quadrangle at magpaaraw. Pero ayokong maarawan! Ang init init! Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit kailangang nakangiti pa kapag nagsasalita. Nakakabadtrip.

Guidance Office.

Malamang pagpasok ko nakaupo na si Taguro sa harap ni Lolo kaya naman.

"Good afternoon Dean."

"Come in Deib." nakangiting bati sa kin ni Lolo. Pumasok ako at umupo sa harap ni Taguro na nakatingin lang sa sahig at nagkakalikot ng kuko.

"I was very impressed with your presentation." nakangiting sabi ni Lolo.

"Thanks Lolo."

"Whose idea is this?"

"Po?"

"Kaninong idea ang ganitong presentation?"

"Sa inyo po." sabi ko at nagulat naman ako sa reaksyon nila ni Taguro. Pareho silang nakatingin sa akin.

"Alam kong aking idea ito Deib. but I was pertaining to it's contents."

"S-Sorry po---"

"Kasi nandoon lahat ng importante, hindi siya boring dahil hindi masykadong mahaba. Entertaining kasi realistic ang mga laman. So, aninong idea? Sa inyong dalawa talaga?"

"Sa kanya Lo.." turo ko kay Taguro.

"Anong sakin? Kaming dalawa ho." sabi niya.

'Kaming dalawa? Anong idea ba ang ibinigay ko sa kanya?'

"I see. Then congratulations sa inyong dalawa, nagustuhan ng mga kasamahan ko ang presentation niyo. Actually, aware lahat ng co-stockholders ko kung bakit ko kayo pinagpresent, pero hindi daw nila expected na ganoon kaayos ang magiging presentation niyo."

'First time ko kaya nagtataka ako kung bakit ganyan ang reaction ni Lolo.'

"Nung banggitin ko sa kanilang kahapon ko lang ibinigay sa inyo ang project ay nagulat sila sa naging outcome. Hindi naman sa sinasabi kong kasing galing niyo na ang College pero masasabi kong bilang Highschool students ay maganda at magaling ang gawa niyo."

"Thank you Dean." sabay naming sagot.

"Saan kayo gumawa?"

"Sa bahay po."

"Really? Edi nakilala siya ng parents mo?"

"Opo."

"Nagkasundo naman kayo sa paggawa nito?"

Tumingin muna ako kay Taguro bago sumagot.

"Opo, yata."

"Bakit yata?"

"E baka sa kanya po hindi e." sagot ko na nakaturo pa kay Taguro. Sa kanya naman tumingin si Lolo kaya sumagot rin siya.

"Okay naman ho, medyo malabo lang minsan.."

"Ha ha ha!"

"Siguro naman ay magkakaayos na kayong dalawa dahil sa special project na ibinigay ko sa inyo? Ayaw ko nang may makakarating sa akin na nagpang-abot na naman kayo ng gulo. Hindi maganda sa image mo Deib at lalo na sa iyo. Bago ka lang sa school na ito at iba na ang impression sa iyo ng mga students dito. Ang dami kong naririnig. Ayaw ko na lang maniwala dahil naniniwala pa rin akong, may mga taong wirdo."

"Bwahaha----"

"Deib!"

"S-Sorry po."

'Wirdo... haha!'

"Sa susunod na kailanganin namin ng presenter, pwede bang magpresent ulit kayo?"

"B-Bakit po?" gulat na tanong ko.

"Dahil maganda ang nagagawa niyo kapag nagsama kayong dalawa! Nagtatanong ka pa, gusto ko lang makita ng mga co-stockholders ko na kahit Apo kita, paparusahan kita kapag kailangan. Pero sa susunod ay dadating ang Lolo nila Lee at Tob kaya dapat mas prepared kayo."

'Nakakainis naman!'

Parang unti-unti ng nagdudugtog ang mundo namin ni Taguro.

"Sana malinaw sa inyo na ayaw ko ng makakarinig na nagbabangayan kayong dalawa, naiintindihan niyo?"

"Yes Dean." sagot ko.

"Miss Pein?"

"A-Ahh. Yes Dean."

"Okay. Go back to your classes now. Thank you."

Sabay kaming tumayo ni Taguro at naglakad palabas. Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin at, NGUMITI na naman!

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba talaga nakita yung note na iniwan ko sa table mo?"

"Hindi nga! A-Ano bang nakalagay don?"

"Don't mind it. Sige."

'Anak ng.'

Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makita ko siyang naglalakad na naman sa quadrangle. Ayaw ko sa lahat ay yung may sasabihin tapos hindi itutuloy! Mas lalo na ang ganyang may itatanong tapos hindi sasabihin kung bakit tinatanong! Nakakainis! Nakakabwisit!

'Hindi pwede! Kailangan malaman ko!'

Dali dali ko syang hinabol sa quadrangle.

"Hoy!" sigaw ko bago pa siya makalayo. "Ano ba yung n-note na iniwan mo?"

"Wala na, tapos na yung presentation e."

"Ano nga yon---"

"Akala ko ba ayaw mong maarawan?" nakangiti na namang tanong niya.

"E gusto ko ngang malaman kung anong laman nung note na iniwan mo! Bakit hindi mo pa ako ginising bago ka umalis! May paiwan iwan ka pa ng note!"

Natawa siya.

'Peste..'

"Wala yun okay?"

"Wala naman pala e bakit hindi mo masabi?"

"Nalimutan ko na e."

"Ikaw nagsulat, nalimutan mo?"

"Mmm.."

"Anak ng."

"Tss. Wala yun okay? Sige na, mauuna na ako. Baka magalit Lec ko."

"Sabay na tayo." sabi ko na ikinagulat niya.

"Haha! Baka lalong dumami kaaway ko kapag nakita nilang magkasama tayo?" natatawang tanong niya.

'Pakshet, wala namang nakakatawa. Bakit kailangang ngumiti pa..'?

"Labas na ako doon." sarkastikong sabi ko at sumabay na sa kanya sa paglalakad.

Hindi pa kami umaabot sa Batibot ay nagtanong na siya.

"Kumusta quiz mo sa Bio?"

"O-Okay naman. Ikaw?"

"Ayun, nawawala daw ang papel ko sabi ni Chupan. Pinepersonal yata ako nun e."

"Mabait yun."

"Wala naman akong sinabing hindi. Kung anu-ano nga lang ang ginagawa niya sa akin. Sa amin ni Naih."

"Tch! Baka naman kasi kung anu-anong pinaggagagawa mo sa klase nya?"

"Hindi naman..Sinasagot ko lang ang tanong niya."

Inis akong humarap sa kanya.

"Alam mo? Ang problema sa iyo, masyado kang mayabang. Hindi lahat ng tao pwede mong pakitaan ng ganyang klase ng ugali mo, wala kang modo, hindi marunong gumalang, walang kwentang kausap at higit sa lahat nakakainis yung expression ng mukha mo." prangkang sabi ko sa mismong mukha niya.

"Personality ko lang talaga ang sinabi mo ah? Kilala mo ba ang pagkatao nung Lec mo?"

"Tch! Matagal ko ng kilala si Sir, ikaw lang ang student na ginanyan niya. Mahigpit talaga siya, pero natututo naman ang mga students niya. Strikto siya pero ikaw lang ang bumastos sa kanya." maayos na paliwanag ko.

"Hindi ko naman siya babastusin kung hindi siya ang nauna, kung may karapatan siyang makatanggap ng respeto galing sa akin, karapatan ko ring tumanggap ng respeto galing sa kanya."

"Tch! E parang ikaw pa kasi nagmamalaki."

"Hindi ako nagmamalaki. Sobra lang talaga siya. Hindi ko alam kung saan ako lulugar sa kanya. Kapag pinag-recite niya ako, kahit nasasagot ko, nagagalit siya sa akin at sinisigawan ako, sinong hindi mababadtrip non? Hindi ko kailangang purihin niya ako dahil nasasagot ko ng tama ang mga tanong niya, ang sa akin lang, hindi ko rin kailangang bastusin niya."

Halata sa kanyang galit siya, pero pinipilit niya pa rin ang sarili niyang kumalma.

"Kailangan mo pa ring irespeto si Sir dahil Lecturer mo siya, at student ka lang niya. Isa siya sa mga magagaling na Lec dito at sa College."

"Alam ko, hindi ko naman sinabing hindi. Lecturer ko siya at student niya lang ako. Baliktarin natin, student niya ako at Lecturer ko lang siya, karapatan ko ring makatanggap ng respeto."

"Ang gulo mo!"

Dahan dahan siyang ngumiti sa akin.

"B-Bakit?"

"Wala naman." sabi nyia at muling sumeryoso.

"Oh my God! Are they friends now?"

"I guess so.."

"I heard they're okay now."

"My God, baka hindi na natin mabully si Taguro niyan?"

"Haha! Edi palihim!"

Tumingin ako kay Taguro habang naglalakad. Hindi nagbabago ang expression ng mukha niya. Natatawa akong tumingin sa dinadaanan.

"Hindi ka ba naiinis sa mga sinasabi nila?"

"Nino?"

'Nung lupa. Bwisit ka.'

"Nung mga students malamang! Hindi mo ba naririnig? Pinag-uusapan nila tayo."

"Mahina kasi ang pandinig ko."

"H-Ha?"

Natatawa siyang tumingin sa akin.

"Hindi ko pinag-aaksayahan ng oras pakinggan ang mga ganyan."

"O-Okay."

"Geh, una na ako."

"Tch! Ang sabihin mo, kaya ayaw mo akong sabayan dahil ayaw mong marinig ang mga sinasabi ng ibang students! Haha!" pangyayabang ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Hindi naman sa ganoon."

"Really? E ano lang?" nakangising tanong ko.

"Dito na kasi ang room mo, doon pa ang room ko."

"H-Ha?"

Hindi niya na ako sinagot at naglakad na papaalis. Dahan dahan naman akong napatingin sa room.

"Uy! Bati na sila!"

"Friends na sila! Haha!"

"Nice!"

"Sana lang hindi na sila mag-away pa."

'Pakshet!'

Hindi ko namalayang nasa room na pala kami. Parang hindi ko man lang naramdaman ang sarili kong umakyat.

'Engot! Nakakahiya badtrip!'

Dumeretso na ako sa loob ng room at umupo sa table ko. Hindi naman na ako pinagalitan ni Miss dahil malamang sinabi na nila Tob na pinatawag kami ni Dean. Kaya naman nakinig na lang ako nung magdiscuss siya.

Continue Reading

You'll Also Like

722K 25.8K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
113K 1.7K 10
Si Kimielro Klent Wendra ay ng galing sa angkan ng mayamang pamilya. Umuwi sya Pilipinas para dumalo sa kasal ng kanyang pinsan pero sa di inaasahang...
1.1K 60 6
Outbreak Series #1 tvcn, 013024 | claudenella, 2024.
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...