Claire The Jinowa
6:00 PM
Claire:
Hydrogen Iodine
Claire:
Sorry ngayon lang ulit nakareply
Claire:
Hindi ko na alam gagawin ko joshua
Joshua:
Kwento ka
Joshua:
Makikinig ako
Claire:
Nakita ko nanaman si mama na umiiyak sa harap ko kagabi
Claire:
Akala nya tulog nako
Claire:
Hinahawakan nya yung mukha ko kagabi tapos nagsalita sya na sorry daw kase hindi nya mabigay yung ideal na debut
Claire:
Tapos nagsorry din sya sakin kase ganon sya bulag sya di nya ko matulungan magtrabaho
Claire:
Ang bata bata ko pa daw para magtrabaho sa ibang bahay
Claire:
Gustong gusto kong bumangon kagabi Joshua. Gustong gusto ko sabihin na kahit bulag sya proud ako sakanya kase sabay sila ni lola na nagpalaki sakin
Claire:
Na kahit bulag sya lumalaban pa rin sya na parehas sila ni lola na malakas yung loob
Claire:
Pero di ako bumangod kagabi kase ayokong maramdaman nya na mahina ako
Joshua:
Na gusto mo maramdaman din nila na malakas ka?
Joshua:
Tama?
Claire:
Oo
Claire:
Wala naman ibang tutulong samin kung di kami lang. Wala kaming aasahan sa side ng papa ko
Claire:
Nung natumba nanaman si lola kagabi parang tutumba din ako sa takot kase nakikita kong nahihirapan na sya pati si mama umalalay kay lola kahit wala syang makita
Claire:
Pinipilit nya pa din
Claire:
Tapos habang binabalik ko si lola sa higaan nya paulit ulit nya sakin binubulong na alagaan ko si mama pag wala na sya na kahit di nya naman sabihin aalagaan at aalagaan ko talaga si mama
Joshua:
Ano kaba
Joshua:
Isipin mo nalang kaya nya sinasabi yung ganyang bagay kase may nararamdaman sya
Joshua:
Pero pag nawala yang sakit nya na yan, okay na ulit yang si lola
Joshua:
kaya pala isip ka ng isip ng kung ano ano kase nagmana ka kay lola
Claire:
Thank youu
Claire:
Kase kahit di na tayo gaano nagchachat na kahit lagi akong busy andyan kapa rin
Joshua:
Aba natural teh jowa mo ko
Joshua:
kaya nga kita sinagot eh
Claire:
Ang kapal mo
Joshua:
Biro lang