The Midnight Our Fates Entwin...

נכתב על ידי bloomstreet

550 106 122

Ever since she was a kid, Patricia Ivy Bueza dreamt of becoming a student in Buenalejo Academy. She felt as i... עוד

the midnight our fates entwined
i | that one midnight
iii | him and her
iv | dreams
v | friends
vi | unexpected visitor
vii | how it feels

ii | pink and blue

78 17 17
נכתב על ידי bloomstreet

☽༓☾

I slowly shook my head when my phone rang for the sixth time in an hour. Sinilip ko ang screen nito at napangiwi nang makitang tumatawag na naman ang pinsan ko. Kahapon niya pa kasi ako kinukulit na samahan siyang magmall, at tinanggihan ko rin siya dahil sabi ko marami pa akong kailangan ayusin sa school lalo ngayong malapit na ang Moving Up ceremony namin.

Well, a part of it was a lie.

Totoo namang marami pa akong dapat ayusin pero kaya ko naman tapusin 'yon kahit next week pa. Hindi naman sa ayaw kong sumama kay Kuya Gian. . . pakiramdam ko nga, kaya niya 'to ginagawa dahil naikwento ni Lola na ilang araw na akong nakakulong sa kwarto at ilag makipag-usap; and I appreciate his effort to cheer me up. But the thing is, I just don't have the energy to socialize.

When my phone rang for the seventh time, I decided to pick it up. Hinilot ko ang aking sentido at bumuntonghininga. Mukhang hindi ako titigilan ng pinsan ko hangga't hindi ako pumapayag.

"Patchot kasi!" Nilayo ko sandali ang phone ko sa tenga dahil sa lakas ng sigaw ni Kuya Gian. "Bakit ba ayaw mong sumama?"

"May gagawin pa nga ako, Kuya," sabi ko.

"Talaga lang, ah," aniya, bakas ang pagdududa sa boses kaya napangiti ako. He knows me well, at sigurado akong hindi siya naniniwala sa palusot ko. "Feeling ko may kinalaman 'tong pagtanggi mo sa nangyari sa 'yo last week. Na-trauma ka na yatang sumakay sa bus!"

I bit my lower lip before I could even tell him that he's right. Kung sasabihin kong oo, sigurado akong aasarin niya ulit ako buong araw tulad ng ginawa niya no'ng kinwento ko sa kanila ng boyfriend niya ang nangyari last week! As if hindi pa sapat na oras-oras pinapaalala sa akin ng utak ko ang pahiya moment kong 'yon!

I'm pretty sure everytime I would ride a bus, that would be the only thing in my mind. Isang linggo na ang lumilipas pero nanlalamig pa rin ang nga kamay ko tuwing naalala ang ngiti no'ng lalaki. Kahit sa panaginip ko nga, nando'n siya. . . tinatawanan pa ako! Tuloy, kada madaling araw nagigising ako at hindi na nakakatulog pa nang maayos.

Mahinang natawa si Kuya Gian sa sandali kong pagtahimik. "Okay, sabi mo eh."

"Bahala ka, Kuya. Ibaba ko na ang tawag-"

"Wait!" I flinched when he shouted over the phone again. Bakit kailangan sumigaw? "Sure kang 'di ka sasama? Paano kung sabihin kong ililibre ka namin ni Karlo sa paborito mong buffet restaurant dito sa LB?"

Napabangon ako sa kama habang nanlalaki ang mga mata. Matagal na akong hindi kumakain sa labas dahil nagtitipid ako, so his offer was really tempting. . . at sa paboritong restaurant ko pa! Hindi ko alam kung maiirita o matutuwa dahil alam na alam niya talaga kung paano ako mapapa-oo.

"Okay, Patch, hindi mo na kailangang sumagot," sabi niya, natatawa. "Silence means yes! Ihanda mo na ang sarili mo. Don't worry, susunduin ka namin ni Karlo. Magko-kotse kami." With that, he ended the call.

Nagtext na lang ako sa kaniyang tawagan ako kapag malapit na sila. I could imagine Kuya Gian wearing his triumphant smile right now because he had me wrapped around his fingers. Bakit kasi ang rupok ko pagdating sa pagkain? I clicked my tongue as I made my way to the bathroom.

Nagsuot ako ng simpleng blue v-neck shirt at jeans matapos kong maligo. I decided to tie my hair into a bun dahil sigurado akong magiging abala lang ito kapag hinayaan kong nakalugay. Ngayon ngang kalalabas ko pa lang sa banyo ay pinagpapawisan na ako. Para bang ibinubuhos ng araw ang lahat ng galit niya sa mundo kaya ganito ang panahon.

Matapos naming kumain ng agahan ay tumulong ako kay Lola magligpit, habang ang kapatid kong si Mikoy ay dali-daling tumakbo sa labas. I shook my head slowly. Hindi na talaga napirmi ang batang 'yon sa bahay!

Kinuha ko ang phone ko nang magvibrate ito mula sa aking bulsa. Imbis na sagutin ang tawag ng pinsan ko, nilapitan ko si Lola at nagpaalam na aalis ako. Pumayag naman siya, pero nanatili ang tingin niya sa akin; bahagyang nakataas ang kaliwang kilay, mukhang naghihintay na sabihin ko kung sinong kasama ko. When I told her I'm going to the mall with Kuya Gian, her face brightened.

Ilang minuto ng paghihintay ay narinig namin ang malakas na pagbusina ng kotse. Agad akong tumayo para buksan ang pinto. Halos matumba pa ako sa gilid nang halos patalon-talong pumasok ang pinsan ko, nakangiti nang malawak.

'Yong totoo, hindi ba siya nauubusan ng energy?

He scanned the surroundings, probably looking for Lola. Nang 'di niya ito sa sala ay walang sabi-sabi siyang dumiretso sa kusina.

"Lola, I missed you!" sigaw ni Kuya Gian. Napailing ako. Hanggang dito sa sala rinig ang lakas ng boses niya!

Napatingin ako kay Kuya Karlo na naiwan sa harap ko. He was scratching his nape as he gave me an apologetic smile. "Nakalunok na naman ng microphone pinsan mo."

Sinuklian ko ang kaniyang ngiti at sumenyas na pumasok na rin siya sa loob.

Ilang sandali pa, lumabas na rin ang dalawa mula sa kusina. Mukhang aliw na aliw si Lola kausap ang pinsan kong nakalingkis sa braso niya. Agad namang lumapit si Kuya Karlo para magmano kay Lola.

Naalala ko, no'ng umamin si Kuya Gian na may boyfriend siya, hindi kaagad 'yon natanggap ni Lola. Hindi naman siya nagalit, siguro nabigla lang. Kahit kami nila Papa ay 'di 'yon inasahan, lalo't hindi naman halata sa itsura ng pinsan ko. Gwapo, e. Kulot ang buhok, matangkad, moreno -'yong tipong sinusundan ng tingin kapag nakakasalubong.

Sa akin, wala namang naging kaso, as long as my cousin's happy. Hindi naman kasalanan ang magmahal, kaya nga 'di ko maintindihan ang ibang halos mandiri sa mga taong parte ng LGBTQ. Factor na rin siguro 'yong christian ang bansang 'to kaya mali sa mata ng iba ang magmahal ng kapwa mo lalaki o babae. . . pero wala rin naman siguro tayo sa posisyon manghusga.

Unti-unti, natunaw din ang puso ni Lola matapos ang ilang buwang pagsuyo ni Kuya Karlo sa kaniya. Lihim akong napangiti habang pinagmamasdan silang dalawa na nagtatawanan ngayon. Parang naging parte na siya ng pamilya namin. Siya pa ang unang hinahanap minsan ni Lola imbis na ang pinsan ko, at kinagagalitan pa niya si Kuya Gian kapag hindi sinasama ang boyfriend tuwing umuuwi rito.

Matapos ang ilang minutong kumustahan, nagpaalam na kami kay Lola na aalis na. Kuya Gian kissed her forehead as he bid goodbye. "Babalik nalang ulit kami next week, 'la, para makapagbonding tayo!"

"Kahit 'wag ka nang bumalik, Kuya," pabiro kong sinabi na ikinatawa naming tatlo. Akmang pipitikin ako sa noo ng pinsan ko dahil doon pero 'di natuloy nang mahuli ko ang kamay niya. I flashed a toothy grin.

Paglabas namin, nakaabang na ang pulang kotse ni Kuya Karlo. Muntik pa akong matawa nang mapansing may ilang kapitbahay na nakatitig sa amin, akala mo'y ngayon lang nakakita ng taong sasakay sa kotse. Mga tao talaga rito, oh.

Kuya Gian shifted in the shotgun seat and threw me a look. Dinig na dinig ang nanunukso niyang tawa sa loob ng sasakyan. "May gagawin daw!"

I arched a brow. "Meron nga," sabi ko, "mamaya ko na tuloy gagawin. B-in-lack mail mo ako, eh."

"Walang gano'n, hoy, kusa kang sumama!"

Pilit akong dinadaldal ni Kuya Gian sa byahe kaya sinubukan ko rin siyang sabayan. Hindi ko man aminin sa kaniya ng harapan, I'm beyond thankful for having him as my cousin. Mula nang mawala ang ate ko, he was always there to guide me and Mikoy. Minsan nga, ako na ang nahihiya dahil pakiramdam ko ang laking abala na namin sa kaniya.

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang sinabi ng pinsan kong dumaan muna kami sa condo nila dahil naiwan niya pala ang kaniyang wallet.

And that was when I realized something. I didn't bring any bag! Kinapa ko ang bulsa ko gamit ang nanlalamig kong mga kamay para tingnan kung nandoon ang wallet ko. Hinilot ko ang aking sentido nang mapagtantong walang sense ang ginawa kong 'yon dahil hindi 'yon kakasya sa maliit kong bulsa. Medyo tanga, Patch.

"Uh, Kuya?" I bit the insides of my cheeks. Ang kapal naman masyado ng mukha ko kung ililibre nila ako sa lahat. "Kasi. . . n-naiwan ko rin pala wallet ko." Nag-aalangan akong ngumiti.

Lumingon siya sa akin na nakakunot ang noo. "So?"

"So ka diyan." Ngumiwi ako. "Wala akong gagastahin kahit piso, gano'n? At saka, paano ako makakauwi kung wala akong pamasahe?"

Kuya Karlo laughed softly and glanced at the rearview mirror. "Ililibre ka ni Gian do'n sa buffet, Patch, saka ihahatid ka namin pauwi. Baka magalit pa si Lola kapag pinagcommute ka namin."

"Hey, bakit ako lang? Akala ko ba hati tayo?"

"Kaya mo na 'yon, love. Payday mo noong isang araw, 'di ba?"

Napalitan ng daing ang pagtawa ni Kuya Karlo nang hampasin siya ng pinsan ko. I scratched my forehead as I turned my gaze outside. Gusto kong tumanggi dahil baka nakakaabala na talaga ako sa dalawa. Isa pa, marunong naman ako mag-commute. But I have no choice, wala akong dala ni piso.

I sighed. Babayaran ko na lang pag-uwi sa amin.

We passed by La Buenavista's arch minutes later. Lumiko ang sasakyan sa isang kalsada sa kanan, kung saan nakaturo ang signage na this way to Buenavista Heights na nadaanan namin kanina. Dumaan kaming muli sa isa pang arko at kapansin-pansin na napaliligiran ng puno ang malawak na kalsada. May ilan ring mga taong naglalakad kasama ang kanilang mga aso.

Hindi rin nagtagal at huminto ang kotse sa tapat ng isang mataas at malawak na building. Kuya Gian unbuckled his seatbelt and said he'll be back shortly.

Sandali kaming natahimik ni Kuya Karlo sa loob, pero pasulyap-sulyap siya sa akin sa rearview mirror. He looked like he wanted to say something. Tinitigan ko lang siya, hinihintay kung may balak ba siyang ituloy ang sasabihin.

Mahina akong natawa nang mapansing paulit-ulit umaawang ang bibig niya para magsalita pero agad din niyang isasara. "Ano ba kasi 'yon, Kuya?"

Bumuntonghininga siya at nilingon ako. "Hindi pa ba nababanggit ni Gian sa 'yo?"

"Ang alin?" Nagsalubong ang kilay ko.

He refused to speak for a minute. Nanatili ang tingin ko sa kaniya. What's going on?

"He's leaving for Hongkong, Patch."

Ilang beses akong kumurap. Did I hear that right? Wala pang kinukwento si Kuya Gian sa akin na aalis siya. Alam na kaya ito ni Lola? Natigilan ako. Papa knows about this, for sure. He's close with my cousin too.

"Kailan siya aalis?"

"First week of May sa pagkakaalala ko." Tumingin siya muli sa akin. "Gusto niya yatang sa 'yo muna ang condo kung sakaling matuloy ka mag-aral sa LBU. . . para raw may tao rin habang wala siya."

My lips parted. "Bakit hindi niya pa sinasabi sa akin 'to?"

"I don't know either. Ayaw yatang magtampo ka," he said, smiling. I resisted the urge to roll my eyes. March na ngayon, at lalo akong magtatampo kapag sasabihin niya lang sa akin 'yon kung malapit na siyang umalis!

Teka. . . sa pagkakaalam ko, sa kanilang dalawa ng pinsan ko ang condo'ng 'yon, pinaghatian nila. Paano ako napunta sa equation? My brows knitted in confusion. "Aalis ka rin ba, Kuya? Bakit ako ang tatao sa condo niyo at hindi ikaw?"

He chuckled. "Nahulaan mo." Nakita ko siyang sumusulyap sa bintana, tinitingnan siguro kung pabalik na si Kuya Gian. "Sa Japan na ako magtatrabaho."

Bahagyang nanlaki ang mata ko. Sa magkaibang bansa sila pupunta? I pursed my lips, not knowing what to say. I was about to speak when we heard a phone ring. Kuya Karlo picked up the phone resting on the shotgun seat and clicked his tongue.

"What's taking him so long?" Nagawi ang tingin niya sa akin. "Pwede mo ba siyang puntahan doon, Patch? Tell him that his employer is calling. Alam mo naman kung paano makarating sa unit namin, 'di ba?"

Tumango ako at lumabas na. Ilang beses na akong nakapunta sa unit nila kaya medyo kabisado ko na ang pasikot-sikot sa building. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang button papunta sa third floor. Nahilo pa ako ng kaunti sa pag-angat nito. I groaned. Hindi talaga ako sanay sa mga ganito.

Dire-diretso ako papunta sa unit nila Kuya Gian paglabas ko ng elevator. Napangiti ako. Ang tahimik talaga rito, relaxing ang ambiance. Hindi katulad sa amin na kundi tunog ng mga sasakyang dumadaan, boses naman ng kapitbahay ang maririnig maghapon.

Nasa tapat na ako ng unit ni Kuya Gian nang mapansin ang pamilyar na lalaking nakatayo sa tapat ng pinto ng katabing unit. Agad na napawi ang ngiti ko. Nabato ako sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang kabuuan niya.

Nakasuot ulit siya ng pink na shirt na bumagay sa maputi niyang kutis. Just like the last time, he was holding his phone over his ear. Nagsasalita siya, pero pasok sa isang tenga ko at labas sa kabila ang nangyari. Ang tanging naririnig ko ngayon ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Heat flowed throughout my chest when I heard him laugh.

Shit na 'yan, ilang araw akong binangungot ng mala-anghel na ngiting 'yan!

Kinusot ko paulit-ulit ang mata ko, nagba-baka sakaling guni-guni ko lang ang lalaking ilang metro lang ang layo sa akin. I mean, that's possible, right? Baka sobra ko na siyang naiisip nitong nakaraan kaya nakikita ko na rin siya. O 'di kaya nananaginip lang ako ulit? Binaon ko ang mga kuko ko sa aking palad para makasigurado.

Napalunok ako nang makaramdam ng sakit dahil sa ginawa ko. So this isn't a dream. What the hell, I thought I would never see this guy again! What's he doing here, anyway? Hindi ko alam kung anong nangyayari at kung bakit tila may invisible force na pumipigil sa paa ko para maglakad.

Nanlambot ang mga tuhod ko nang magawi ang tingin niya sa akin. Kasabay ng paghinto niya sa pagsasalita ang pagsalubong ng makakapal niyang kilay nang makita ako. Oh no, this is bad. Before he could take a better glimpse of my face, hinarangan ko ang mukha ko gamit ang mga palad. Tumalikod ako at napapikit nang mariin.

Shit. Shit talaga, bagong kahihiyan na naman!

"Huy, Patch, ba't ka nakatayo-" My head tilted towards the direction of the voice. Agad akong kumapit sa braso ng pinsan ko at dali-dali ko siyang hinila papasok sa loob ng unit niya. "-aray! Ba't ka ba nagmamadali?!"

Napapikit pa si Kuya Gian dahil sa malakas na tunog na nagmula sa pagsara ko ng pinto. Eksaherada akong suminghap-singhap habang pinapaypayan ang nag-iinit kong mga pisngi. I wonder if the guy recognized me. Sana hindi na!

Teka, kung hindi niya na ako naaalala, e 'di baka na-weird-uhan naman sa akin 'yon dahil sa ginawa ko ngayon-ngayon lang! Why did I even hide my face? Sana nagkunwari na lang akong 'di siya kilala! Napahilamos ako sa aking mukha. My God, it doesn't matter now if he still remembers that embarassing scene at the bus, I just humiliated myself in front of him again!

Hindi ko namalayang pabalik-balik na pala akong naglalakad sa maliit na espasyo sa living room. Napatigil ako nang hawakan ni Kuya Gian ang braso ko. "Anong drama mo?"

I cleared my throat as I tried to regain my composure. Pilit na hinuhuli ni Kuya Gian ang malikot kong mga mata, pero iniwasan ko ang makahulugan niyang tingin. I'm sure my face turned beet red just now and he's probably wondering why.

"N-Nothing," I said. Tumikhim akong muli. "Pinapasabi ni Kuya Karlo na tumatawag ang employer mo."

Bumuntonghininga ako. Wala na sana siya roon kapag lumabas kami.

המשך קריאה

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...