The Death of Athyeia (COMPLET...

By Aeronicles

224K 11.4K 396

16 year old Alaina lived a rather short life. at age 16, by an unknown person, she was stabbed. And that was... More

Prologue:
Kabanata I: Ang Nobela
Kabanata II: Ang Pagpapanggap
Kabanata III: Ang Kaguluhan sa Perya
Kabanata IV: Ang Mga Azturias
Kabanata V: Plan
Kabanata VI: Suspicion
Kabanata VII: Lost
Kabanata VIII: Kindness
Kabanata IX: Found
Kabanata X: Happier Dead
Kabanata XI: Levi Azturias
Kabanata XII: Almost Caught
Kabanata XIII: Plans
Kabanata XIV: Chase
Kabanata XV: Remembered
Kabanata XVI: Twist of Fate
Kabanata XVII: Sa Pamilihan
Kabanata XVIII: Ang Pagpuslit
Kabanata XIX: Run
Kabanata XX: Under the Rain
Kabanata XXI: Back
Kabanata XXII: Ang Mga Libro
Kabanata XXIII: Sulat
Kabanata XXIV: Punyal
Kabanata XXV: Woke Up
Kabanata XXVI: Realization
Kabanata XXVII: Hide
Kabanata XXVIII: Three Days
Kabanata XXIX: Scheme
Kabanata XXX: The One I Know
Kabanata XXXI: Attack
Kabanata XXXII: Why Don't You?
Kabanata XXXIII: Verona Abarca
Kabanata XXXIV: Ang Pangalawang Libro
Kabanata XXXV: Yangzhe
Kabanata XXXVI: Kidnapping
Kabanata XXXVII: Who Cares
Kabanata XXXVIII: Rason
Kabanata XXXIX: Sa Baryo
Kabanata XXXX: Her Words
Kabanata XXXXII: Sa Imbakan
Kabanata XXXXIII: Stop
Kabanata XXXXIV: Rendezvous
Kabanata XXXXV: That Girl
Kabanata XXXXVII: Ang Kaniyang Pakay
Kabanata XXXXVIII: Searching for Reasons
Kabanata XXXXIX: Wishes
Kabanata L: The Letter
LI: How People are Shaped
LII: The Reason Why
LIII: The Death of Athyeia Abarca
LV: Ang Paalam
Epilogue:
Author's Note:
Plug: In Between Thorns and Roses

Kabanata XXXXI: Simula

2.4K 145 0
By Aeronicles

Athyeia's PoV

Sa loob ng tatlong araw na nanatili ako sa lugar na ito, labis ang mga bagay kong natutunan sa mga tao.

Tungkol sa kung paano sila mamuhay, kung papaano magtanim ng mga prutas at gulay, at kung papaano gumamit ng iba't-ibang alternatibo para sa iba't-ibang mga gawain.

Gamit ang isang tubig mula sa palanggana, pinatay ko ang alab kung saan nagmula ang apoy na ginamit ko pangluto ng sinigang na baka.

Simula kahapon, noong mapagtanto ko kung ano ba talaga ang maaaring nangyayari, at noong makita ko iyong bawang, agad akong tumungo kay Lola Liway upang ipasa sa kaniya ang kakaunting kaalaman mula sa mga nabasa kong libro.

Bagamat may iba pading sumusuka at dumudumi ng dugo, mayroon namang nawawala na agad ang sakit ng tiyan. Lalo na iyong mga batang babago pa lamang nagsisimula ang pagkakasakit.

Nakakalungkot nga pagkat kahapon ay nakasaksi ako ng kamatayan ng isa. Agad siyang inilibing doon sa tuktok ng bundok.

Paniniwala nilang mas madaling makakarating ang kaluluwa sa langit kung ganoon ang kanilang gagawin.

"Tara ate, samahan mo po kami." Pagaaya saakin ni Irya gamit ang isang malambot na boses noong matapos kaming kumain ng tanghalian.

Tumayo naman ako at inilagay iyong pinagkainan kong parte ng niyog sa isang tambak. Iniipon iyon pagkat iyon ang gagamiting mitsero sa susunod na paglulutong magaganap.

"Oo nga. Makakabuti ang sabaw ng sinigang sa nananakit nilang mga tiyan." Masaya kong sabi.

Sinimulan ko nang magsandok ng natirang gulay sa isang malaking palayok na kaya kong bitbitin.

Pati nadin ang magpakulo ng tubig na may bawang. Noong matapos ang aming mga preparasyon, humayo na kami patungo sa maikling kagubatan dala-dala ang aming mga gagamitin sa pagaasikaso ng may sakit.

Mabuti na nga lamang dahil hinahayaan ako ng mga tao ditong tumulong sa kanila. They are open for new possibilities kaya naman mas ginaganahan pa akong tumulong dito.

Napahinga ako.

Kung sana lamang ay masasabi ko kina mama na h'wag na silang magalala saakin.

Kumusta na kaya sila?

"Ano ang bumabagabag sa iyo Athyeia?" Tanong saakin ni Hes. Binigyan ko ito ng ngiti.

"Naalala ko lang ang mga magulang ko. Medyo matagal na kasi kaming hindi nagkikita."

"Kung gayon, sa tingin ko ay dapat natin silang paunlakan. Tunay naman na napakadami mo ditong itinulong at napakalaki ng sayang ibinibigay mo saamin, kaylangan naming magpasalamat sa kanila." Sabi naman ni Lola Liway. Napakamot ako sa ulo.

"Kahit hindi na ho Lola, m-madami din naman po kayong naitulong at naituro saakin e." Aking pagamin. Ngumiti ito saakin at ikinulong ang isa kong palad sa pagitan ng kaniyang mga kamay.

"Masaya akong makinig at magbigay kaalaman sa babaeng pipiliin ng aming Yangzhe iha." Tugon nito saakin na ikinatawa ko nalang ng pagak.

Jusko Yangzhe! Kasalanan mo lahat ng ito!

Na-issue pa tuloy ako sa lalaking iyon! Kahit naman gwapo siya hindi akp basta-basta napatol ano. Isa pa, may nararamdaman ako para kay Levi. Gustuhin ko man o hindi, pilitin ko mang alisin o hindi, alam kong mananatili iyon sa aking puso at hihintayin nalang na doon mabulok ang lahat ng pakiramdam na ito.

"H-Hindi ho kami m-magkasintahan." Pagamin ko. Mukha namang nagulat sila ni Hessa.

"Ano?!" Sigaw pa ng dalaga.

Napakamot ako sa ulo at nahihiyang napangiti. "M-Magkaibigan lang po kami." Dagdag ko pa. Again, ayaw kong sabihin na kinidnap niya ako.

"Napakatorpe naman pala ng aking apo." Pabulong naman na sabi ni Lola Liway.

Oh God!

So ang kongklusyon nila ay hindi pa lamang umaamin saakin si Yangzhe?

"Grabe! Akala ko pa naman po lola ay hindi katulad ng ibang lalaki dito si Kuya!" Puna naman ni Hessa. Magsasalita pa sana ako upang linawin ang pagkakaintindi nila ngunit napigil iyon noong sumatinig ang boses ni Irya.

"Naandito na po tayo." Sabi ni Iryang nang kami ay tumigil sa harap ng isang maliit na bahay. Halata sa yari nito sa basta-basta nalang ito pinagtagpi-tagpi.

Ano ang nandito? Isip-isip ko. Nakahiwalay kasi ito sa grupo ng iba pang mga tao.

Rumehistro naman ang masangsang na amoy na nagmumula mula sa loob. Pinaghalong amoy ng dumi at maasim na suka.

Kung hindi siguro akong lumaki na matibay ang tiyan ay hindi ako masusuka e. "Diyan na muna kayo Athyeia, Hessa. Hintayin niyo kami ni Iryang."

"Sasama po ako." Sabi ko kay Lola. Ngumiti naman ito saakin.

"Halina. Dahan-dahan sa pagapak."

Sa bawat pagapak ng aming paa sa may lupa ay ingat-ingat naming binaybay ang mga dumi.

Noong makarating kami sa dulo, ganoon na lamang ang pagkahhlog ng aking puso noong makita ang isang babaeng literal na buto na at balat.

Gayon pa man, hindi maipagkakaila ang wangis ng kaniyang pagmumukha kina Yangzhe at Iryang.

Ang kanilang mama?

Come to think of it, may ilang beses na sabay mawawala sina Lola Liway at Iryang saaking mga mata. Dito ba sila tumutungo.

"L-Lol—bwacck!" Hindi na natuloy ng babae ang kaniyang sinasabi noong bigla itong sumuka.

Ang kaniyang suka ay puro laway at may napakakaunting laman, ngunit makikita ang dugo doon dahil sa silay ng isang liwanag.

"Mama? Dinalhan po namin kayo ng pagkain." Malambing at halata ang pagkabasag ng boses ni Iryang.

"Sandali lamang Irya, punasan muna natin ang mama at palitan ng damit." Mungkahi naman ni Lola Liway kay Iryang na marahang tumango. Kaya siguro iniwan namin doon iyong mga pagkain ay upang hindi mahawaan ng amoy ng loob. "Lumabas ka muna at ako na ang bahala dito, ipaghanda mo siya ng pagkain doon."

"Magandang umaga binibini." Kahit nanghihina ay nagawa padin akong batiin noong babae. Nginitian ko siya.

"Magandang tanghali po." Masaya ko ditong tugon. Bigla naman itong napatungo.

"Pasensya ka na kung mali na ang oras ko. H-Hindi kasi ako n-nakakalabas." Tinulungan ko si Lola Iryang na maglamas ng mga telang pinamunas niya sa katawan ng babae.

"Ayos lang ho iyon. Ang mahalaga po ay ang pagpapahinga ninyo upang gumaling." Sabi ko sa kaniya para medyo mawala ang kaniyang pagkabahala. "Ako nga po pala si Athyeia."

"Athyeia?" Napabaling ito kina Lola. "Siya ba iyong inyong ikinikwento saakin?" Tumango naman ang matanda. Chinichika niya pala ako hehe. "Tunay namang napakaganda mo nga." Sabi nito habang nakatingin saaking mga mata. Dumapo ang tingin niya sa mga tela kong nilalamas upang ipamunas. "At labis na matulungin. Napakasaya kong ikaw ang pinili ni Yangzhe."

Heeeee!!! Here we go again! Haiist.

Nasa ganoon kaming paguusap nang bigla kaming makarinig ng isang malakas na pagsabog at ang panginginig ng lupa.

"Lindol?" Natatakot kong sabi. Ngunit ang pagtalbog ng mga bato sa lupa ay mistulang may isang batalyong papadating.

"Ito ang sinasabi ng apo kong kailangan nating maging handa!" Medyo aligaga namang sabi ni Lola. Sinasabi ni Yangzhe??

Hindi kaya...?

"Lola! Ano po ang dapat nating gawin??" Sigaw ni Hessa mula sa may labas. Muling dumagundong ang lupa.

Hindi ko na hinintay magsalita si Lola at ako na ang nanguna. "Kaylangan nating tumungo sa iisang lugar. Ipunin natin ang may mga sakit sa isang gilid at sa kabila naman ay ang mga wala. Kailangan natin silang isama upang mabantayan at masigurado ang kaligtasan ng bawat isa."

"Ngunit w-wala pong ganoong kalaking lugar dito ate." Nangangambang pagsalunghat naman ni Iryang.

Bigla namang nagsalita si Lola Liway. "Mayroon apo." Sabi nito. "Sa imbakan."

Yangzhe's PoV

"Napapalibutan na nila tayo!" Sigaw ng isa kong tauhan. Bagamat nagulat din sa ginawang pagdating ng punong heneral na si Azturias ay nagpakita padin ako ng tapang.

Hindi ko inaasahang napakadami ng sundalo niyang dadalhin pumatungo lamang saaming tribo.

Napamura ako.

Kung titingnan lang din naman ang bilang ay paniguradong talo na kami.

Isang bagay na hindi ko inaasahang mangyari.

Imbes na magsimula agad ng gulo ay lumabas ako sa bungad ng gubat papasok saaming tribo.

Sa likod ko ay si Ezekiel at Leor na nakatutok kay Azturias ang mga hawak na baril.

Ang mga sundalo naman sa likod ni Azturias ay siya ding nagkasa na tumutok saakin.

Sa wakas.

Ang pagmumukha ng walang kwentang monarkiya namin.

Vote. Comment. Thanks for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

186K 8.2K 34
Rebirth Series #2 Siya ay isang Top Killer at pinakadelikadong babae sa kaniyang mundo. Gamit ang kanyang lakas, talino, galing, at diskarte ay nagin...
97.6M 2M 87
TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop...
372K 15K 65
REINCARNATION SERIES #1 SYPNOSIS: She who died in a hopeless way. And she who died in a hurtful way. But only one who could survive and use one body...
336K 11.5K 54
"I just woke up as a villain in the novel that i was reading," - Amara Grammatical errors || Typos || Unedited Ara grew up in an orphanage and becam...