Boy meets Girl

By AliKendrix

639 160 337

"I wish I never met them..." Have you ever imagined going to a prestigious school that would turn out to be o... More

Prologue
Chapter 1: Fresh Start
Chapter 2: Calyx
Chapter 3: Remember
Chapter 4: Squad
Chapter 5: Gut Feeling
Chapter 6: Anticipation
Chapter 8: Mall
Chapter 7: Other Side of the Coin
Chapter 9: Food District
Chapter 10: Groundbreaking
Chapter 11: Truth
Chapter 12: A Bestfriend's Effort
Chapter 13: Gifts
Chapter 14: Family
Chapter 15: The Special Day
Chapter 17: Unknown Sender
Chapter 18: Tracing the Unknown
Chapter 19: Someone's Coming
Chapter 20: Finding the answer
Chapter 21: SYD
Chapter 22: Flashback
Chapter 23: Home
CHAPTER 24: Sisters Keeper
Chapter 25: Brothers Love

Chapter 16: Is it Love?

8 3 0
By AliKendrix

Hindi ko na naisip na nasa harap ko si Calyx kaya ko tinignan si kuya ng masama. Nang makaalis siya, tinuon ko ang pansin ko kay Lyx.

"Hoy, Lyx, bakit puro paborito ko ang inorder mo? Crush mo ako 'no?" tanong ko sa kanya.

Natawa ang loko.

"Loko ka. Bakit naman sana kita magugustuhan? Tsaka ikaw lang ba may favorite ng mga yun?"

Psh! Talaga Calyx?

"Sabihin mo nga sa akin, kelan mo naging paborito kumain ng steak? Kelan mo naging paborito kumain ng tsokolate?" sagot ko sa kanya.

"Ngayon lang." mahina niyang sagot.

"Sus, Calyx, 'wag mo ako maloko loko, baka mas kilala kita kesa sa mas kilala mo sarili mo."

Hindi na siya umimik. Ilang minuto pa, dumating si kuya na may dalang shanghai.

"Appetizer from the house, ma'am, sir. Para sa prinsesa at prinsipeng palaging parehas ng paboritog pagkain." Pang-aasar ni kuya. Tumingin naman si Calyx kay kuya ng masama kaya bahagya akong natawa.

Sa isang taong malapit ako kay Calyx, never kaming naging pareho ng mga hilig. Kaya pati si kuya at si ate Stace, nagtataka kung bakit kami naging best friends. Isa lang talaga ang nagkakasundo kami pagdating sa pagkain. Frapucinno lang talaga.

Kaya duda ako na paborito din niya ang mga inorder niya. Panigurado para lang mapasaya ako, itatry niya lahat ng gusto ko. Kapag kakain kasi kami noon, lagi ko siyang pinipilit na subukan kumain ng mga gusto kong pagkain pero hindi ko siya napipilit. Kapag siya nag-aaya, oo lang kasi ako ng oo, pwera sa mga ayoko talagang kainin.

"Kain na kayo." Bulong sa amin ni kuya. "Nagkakahiyaan pa eh. Sus."

Tumatawang umalis si kuya papunta sa baba. Nakuuuu, kung hindi lang talaga dito sa resto ni kuya kami nakaupo, kanina ko pa sinuntok 'tong kapatid ko. Kanina pa namumuro eh! Haaaays.

Sinimulan ko nang kumain kesa sa mainis na naman ako kay kuya. Wala na rin namang magawa si Lyx kaya kumain na rin siya.

"Lyx, maalala mo last, year? Nung naging best friends tayo?" tanong ko sa kanya. "Doon ko lang nakita na yung mapride na taong katulad mo, magiging mapagkumbabang tulad mo."

Natawa nalang si Calyx. "Loko. Oo na, aminado naman na ako dun no. Pero hindi ko rin inakala na ang matapang na babaeng tulad mo, iiyak dahil sa nagawa ko no."

"Sino naman sanang hindi Lyx. Haynako."

"Naku, Ali, 'wag ako 'no. ikaw masasaktan sa ganon? Baka may gusto ka sa akin noon pa?"

Nginisian ko siya.

"Tama na nga yan! Baka nga ikaw jan may gusto sa akin eh. Kaya mo ako inayang maging best friend."

"Hahaha. Loko. Never no."

Maya maya pa, dumating na rin ang main course namin. Dinagdagan pala ni kuya yung pagkain naming since nagpareserve na daw si Calyx ng ibang putahe. Nagorder din pala siya ng lechon kawali at sisig. Kumuha rin siya ng lamb chops. Sabi kasi eh, hindi yan oorder ng hindi niya gusto.

'Pag dating sa kainan, sobrang magtutugma ang kalooban naming dalawa ni Clayx. Kung gaano siya kalakas kumain, ganon din ako. Nagtataka siguro kayo na andami naming pagkain. Si kuya din mismo ang nagluto kaya good for 1 or 2 persons ang ginawa niya para hindi masyadong mabigat sa tiyan.

Pagkatapos ni kuyang magdala ng pagkain, nagplay siya ng romatic song kaya napalingon ako sa kanya. Pagtingin ko, para pa akong sinusuportahan ni kuya. Haynako, sabi ko na kasi eh. Bakit ba kasi dito ka nagpareserve Calyx?!

"Oh, kain na tayo." Sabi ni Calyx. Tumingin ako sa kanya at nginitian ko siya.

Nagsimula na rin kaming kumain. Wala naman na akong choice since napakasupportive nitong kapatid ko. Tsaka nakakahiya sa mga andiditong naka dine kung magmamaktol pa ako sa inis kay kuya.

"Ali, maalala mo noon, pinaplano lang natin 'to. Pa-ayaw ayaw ka pa noon eh." sabi ni Lyx.

"Jusko Calyx, paano ba naman ako papaya sa dami ng mga secret admirer mong nang-aaway sa akin. Hanggang ngayon may mga nang-aaway pa kaya sa akin 'no."

"Akala ko ba wala na? Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Bakit may magagawa ka rin ba?" pang-aasar ko sa kanya kaya siya natahimik.

Isa kasi sa mga known hearthrob sa school 'tong si Calyx. Dahil sa pagsali din niya sa isang pageant sa school, mas nakilala siya kaya may mga admirers siya na galit sa akin mula last year. Yung iba naman, nagpapasuyo sa akin ng mga ibibigay nila kay Calyx na hindi ko rin naman mabigay sa kanya since hindi yung tumatanggap ng kahit anong regalo galing sa hindi niya kilalang tao.

"Bakit mo nga ba gustong sabihin ko sayo?"

"W-wala. Parang lang ano..." nauutal niyang sagot sa akin.

"Para ano?" pangdidiin ko sa kanya.

"Awayin ko bakit?" matapang niyang sagot.

"Paano naman? Eh ayaw mo nga tanggapin nga love confessions nila na pinapabigay nila eh. Kahit naman personally nila ibigay sayo hindi mo rin tinatanggap eh."

"A-ano..."

"Sus, Lyx." Natatawa kong biro sa kanya.

"Nagblu-blush ka ba?" tanong ko sa kanya.

Bigla naman siyang napahawak sa mukha niya kaya ako natawa ng may kalakasan.

"Loko ka talaga Ali." Sabi niya sabay simangot na parang bata. Kaya ko to gustong asarin lagi eh. HAHAHA.

"Crush mo yata ako eh." Pang-aasar ko.

Hindi siya umimik at kumain nalang.

"Hoy Lyx, sagutin mo ak---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong subuan ng napakalaking hiwa ng steak na may isang kutsarang rice. Tinatawanan naman ako ng loko.

"Kumain ka na kaso. 'Wag puro daldal. Mamaya magseserve na silang dessert hindi ka pa tapos jan." biro niya sabay tawa.

Ilang saglit pa at dumating na nga si kuya dala ang dessert namin. "To the lovely couple este best friends of tonight." Sabi ni kuya.

Sinensyasan ko naman si kuya na may ibubulong ako sa kanya. Lumapit siya sa akin bahagya at akmang may sasabihin na naman.

"Ano po 'yon, mahal ko kapatid? May aamin ka na ba kay Calyx? A-aaray!" sabi ni kuya nang kurutin ko siya.

"Sa susunod kuya, ayaw ko na ikaw magluluto ha? Umayos ka jan kuya, baka hindi ako makatimpi sayo sa bahay." Sabi ko.

Nginitian niya ako ng parang loko at tumingin kay Calyx. "Subukan mo." Asar niya at umalis na.

"Ah, Ali, bago tayo kumain ng dinner, may ibibigay ako sa'yo." Sabi ni Calyx at binigay sa akin ang isang malaking box. Wow naman 'tong best friend ko. Yayaminin nga naman talaga.

Kukunin ko na sana pero nilayo niya sa akin. "Pero bago 'yon, may itatanong muna ako sayo." Sabi niya.

"Anooo?"

"Crush mo ako 'no? Umamin ka na. May sinabi si Jester sa akin." Pang-aasar niya. Ano naman sana yun? Yung dare namin noon?

"Ano?"

"Hindi. Alam mon a yun, imposible namang hindi. Lakas mo kaya makasikreto."

Aba! Ako pa ngayon Lyx! Ikaw kaya jan ang masikreto.

"Aba Lyx, sino kayang mas masikreto sa ating dalawa no. Eh ano ba kasing sabi ni Jes sa'yo?"

Natahimik siya na para bang nag-iisip. Nakuu, Lyx, masyado ka ng halata. HAHAHAHA!

"Na crush mo daw ako. Na noon pa daw may gusto ka na sa akin."

"Sus, Lyx. 'Wag kang feeling. Baka ikaw jan ha." Sabi ko sabay tayo at kinuha ang box na hawak niya at tumakbo palayo sa kanya.

"Ano ba kasi 'to? Bakit k aba nagiging sweet sa akin Calyx. Nakakatakot." Panunukso ko sa kanya.

"Ano sweet ka jan? 'Di mo pa nga ako nababawian nung last year. Wala ka kayang regalo sa akin!"

"Ah ganon ba? Sorry, mahirap lang kami eh. Di katulad mo."

"Ah ganon, mahirap? Akin na nga yan. Binabawi ko na."

"'To naman. Joke lang."

Binuksan ko na yung box at nakita yung jacket na nakapatong. Nakakapagtaka, ang laki nung box, mabigat tapos eto lang ang laman. Lumapit ako sa table namin at umupo saka nilapag ang box sa lap ko. Pagtaas ko nung jacket, pangalan ko pala ang nakalagay. Feeling ko sa store si Calyx nagpalagay ng print. Doon palang naman may personalized printing malapit dito eh.

"Oh my God, Lyx!" sabi ko sa kaya nang makita ko ang libro sa ilalim.

"Thank you!" sabi ko sa kanya sa sobrang tuwa. Favorite ko kasi ang Mortal Instruments na libro. Noon pa ako naghahanap nitong apat na unang libro para makumpleto na yung collection ko pero laging out of stock eh.

"Teka, paano ka nakabili nitong book? Eh laging out of stock kapag bumibili ako?"

Nagkibit balikat siya. "Timing?" sabi niya sa akin.

"Kain na nga tayo!" sabi niya. Susubo n asana siya ng cake nang iabot ko sa kanya yung relago niya.

Tuwang tuwa naman netong tinanggap yung regalo. Syempre, wala akong nairegalo sa kanya last year kaya kailangan kong bumawi. Sana nga magustuhan niya rin yan. Nakalimutan ko na kasi kung anong yung gusto niyang sapatos na matagal na niyang sinasabi eh.

"Thank you Ali!" tuwang tuwang sabi ni Lyx nang mabuksan niya yung bigay ko. 'Di man lang niya pinakialaman yung jacket na nakapatong. Inuna pa ang sapatos. Well, masugid na taga-koletka ng sapatos yan kaya hindi na nakakapagtaka.

"Woah. Adidas SC Premiere?! Meron na dito?" sabi ni Calyx pero hindi ako umimik.

"Akala ko next week pa ang dating. Whooooa! Customized pa talaga ha."

"Thank you talaga Ali." Sabi niya saka niya tinignan yung jacket.

"Teka lang, bakit parang same yung style nung jacket?" sabi ko.

Pinagtabi namin yung mga jacket at konti lang ang pinagkaiba. Aside from yung kay Calyx, own branding, lighter yung shade ng green niya, papuntang mint green. Yung sa akin naman, neon green. Pero same na pure black at may lining na green papaloob sa hood ang jacket namin.

"Ayaw mo nun, couple jacket." Pang-aasar ni Calyx.

"Loko, baka awayin ako ng mga admirers mo 'no. Ayoko na madawit ha. Buti nga walang nagpapasuyo sa akin ngayon pa lang eh."

"Teka, Hendrix by Ali?" sabi ni Calyx nang mabasa niya yung brand.

"My sarili kang business?" gulat na tanong ni Calyx. Wala na kasi akong time masabi pa noon kay Lyx ang tungkol dito since senior high palang naitatag yung business. Tsaka hindi ko na rin naalalang ikwento sa kanya.

Tama ang sabi ni kuya sa akin. Malalaman at malalaman ni Calyx kapag nagbigay ako sa kanya ng galing kila tita.

"Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin ang tungkol jan sa'yo. Since Senior High pa yan, pero sila tita ko na sa Baguio ang nag-mamanage. Bali 40% ng kita pumupunta sa akin since mas kailangan nila tita para sa finances nila." Kwento ko kay Calyx.

"Yung store kung saan ka nagpapersonalize, branch namin yun. Pero more on shoe personalization sila at mga apparel personalization."

"Seryoso?" sabi ni Calyx. Tumango ako. "Kung alam ko lang, libre na sana yan. Kamahal pa ng bayad ko jan eh."

Binatukan ko siya nang kumain siya ng cake. "Ako nga nagbabayad, ikaw libre na?"

"Eh diba sa'yo naman? Bakit kailangan mo magbayad?"

"Malamang, para sa mga trabahador. Hindi porke ako ang may ari, wala ng bayad. May discount lang."

Hindi siya umimik at inubos ang dessert niya kaya kumain nalang rin ako ng tahimik. After maligpit ng pinagkainan namin, umupo na muna kami.

"Ikaw Lyx, bakit ba napaka-masikreto mo pa rin sa akin? Kala ko ba walang sikreto sa atin."

"Hoy, kelan pa ako nagtago sa'yo?"

"Meron nga ba?" tanong ko sa kanya at tinignan siya.

Nagkibit-balikat siya. "Pero Ali, kung sasabihin ko sayong may nagugustuhan akong babae, maniniwala ka ba?" seryoso niyang tanong sa akin.

"Aba, pumapag-ibig ka na pala ngayon ha." Sagot ko. "Sino?"

"Ikaw." 


- - - - - - - - - - - - - - 

A/N: Gusto niyo bang i-ship sila Ali at Calyx? Abangan niyo ang kwento hanggang sa huli. 

           Magkakaaminan na kaya ng feelings? Abangan sa susunod na kabanata! 

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...