Not Just an Ordinary Love : 1...

By FifthStreet1883

53.1K 4.3K 833

Ang pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayo... More

Not Just An Ordinary Love
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25 -SPG-
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28 -SPG-
Kabanata 29 -SPG-
Kabanata 30 -SPG-
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38 : Kat's Confessing to LJ
Kabanata 39 : Dennis Indecent Proposal to Kat
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42 Eric and Marie
Kabanata 43
Kabanata 44 -SPG-
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48 -SPG-
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52 -SPG-
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55 Rico vs Rod's Madness
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59 : Rod's Love
Kabanata 60
Kabanata 61 : Lance vs 3
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67 : CluBee War
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70 :Dennis War to Marie
Kabanata 71
Kabanata 72 : Marie and the 3 boys
Kabanata 73 -SPG-
Kabanata 74 : Bar Plan
Kabanata 75 : Meeting of angels and devils
Kabanata 76 : The Devil's Kingdom
Kabanata 77 : Kian vs 2
Kabanata 78: Wish Upon The Star
Kabanata 79
Kabanata 80
Kabanata 81
Kabanata 82: Destiny
Kabanata 83: Angel of Darkness
Kabanata 84: Darkside
Kabanata 85: How did you know
Kabanata 86: Believer
Kabanata 87: Falling
Kabanata 88: Demons
Kabanata 89: Closer You and I
Kabanata 90: You're the Reason
Kabanata 91: Girls Like You
Kabanata 92: Listen to your Heart
Kabanata 93: It's You
Kabanata 94: Jealous
Kabanata 95: In the Name of Love
Kabanata 96: Fight like a Girl
Kabanata 97: Just Let Me In
Kabanata 98:SPG: Love Me Like You Do
Kabanata 99: SPG: Electricity
Kabanata 100: Symphony
Kabanata 101: The Feeling
Kabanata 102: Only Fools Fall In Love
Kabanata 103: Pray
Kabanata 104: Savage Love
Kabanata 105: Please don't Say You Love Me
Kabanata 106: Just Friends
Kabanata 107: I Fell in Love with My Bestfriend
Kabanata 108: I Hate Love
Kabanata 109: I Fell In Love with The Devil
Kabanata 110: Undo
Kabanata 111: Bad Liar
Kabanata 112: Look What You Made Me
Kabanata 113: Shape of You
Kabanata 114: I Like You So Much, You'll Know It
Kabanata 115: Rewrite the Stars
Kabanata 116: Sweet But Psycho
Kabanata 117: No Maybes
Kabanata 118: Flashlight
Kabanata 119: I Won't Give Up
Kabanata 120: They Don't Know About Us
Kabanata 121: Unexpectedly
Kabanata 122: Say I Love You
Kabanata 123: Secret Love Song
Kabanata 124 : Love Story
Kabanata 125: Marry You
Kabanata 126: I'll be There for You
Kabanata 127: Perfect
Kabanata 128: I Can
Kabanata 129: Run Devil Run
Kabanata 130: You
Kabanata 131: You Changed My Life
Kabanata 132: 10000 Hours
Kabanata 134: The Devil Has Come
Kabanata 135: When I Saw You in Heaven
Epilogue: Dying Inside to Hold You

Kabanata 133: Devil's Don't Fly

306 20 10
By FifthStreet1883

(Just play the theme song for this chapter)


St. Valentine Academy,
Student Council Room

"Pare, sama ka sa Biyernes ng gabi. Lagi ka na lang nandito sa hawla mo." natatawang sabi ni Rod kay Jaycee.

"Alam mo naman hindi ako mahilig pumunta ng bar." naiiling na sabi ni Jaycee, sinama na siya dati sa La Secretos pero hindi na naulit ang pagpunta niya doon. Binigyan pa siya ng mga ito ng VIP card, at hindi naman niya iyon nagagamit kahit libre ang lahat ng iinumin niya sa bar.

"Ngayon lang pare, sumama ka na." sabi ni Ramon kay Jaycee.

"Mambababae lang naman kayo doon." natatawang sabi ni Jaycee.

"Isasama ko si Charlotte kung gusto mo or isasama ni Dennis si Joyce, mamili ka na lang ng kakausapin." birong sabi ni Ramon alam niyang may gusto si Jaycee sa pinsan niya at nagkagusto rin ito sa pinsan ni Dennis.

"Baliw," natatawang sabi ni Jaycee. Iniiwasan nga niya ang dalawang babae, dahil ayaw niya ng komplikasyon sa nararamdaman.

"Kapag hindi ka sumama, guguluhin ko itong opisina mo." birong sabi ni Ramon.

"Huwag ganoon pare. Pag-iisipan ko." natatawang sabi ni Jaycee, minsan ng nagawa ng grupo nito guluhin ang opisina niya. Pumasok siya noon ng makalat ang loob ng kuwarto at nagawa pang sirain ng mga ito ang computer niya dahil hindi lang siya sumama uli sa La Secretos.

"Kami pa pare, tototohanin namin iyon." sabi ni Dennis.

"Sige, pero susunod na lang ako." sabi ni Jaycee.

"Walang iwanan pare. Susunod ka talaga, ha" sabi ni Rod.

"Oo, walang iwanan." natatawang sabi ni Jayce at nag-apir pa ang limang mag-kakaibigan.

......................

ValPark
St. Valentine Academy

"Hi, puwede ba kaming umupo." nakangiting tanong ni Nicole sa grupo ni Ella.

Nagkatinginan sila Marie, Patty, at Ella. nagtataka sila sa kakaibang ugali ngayon ni Nicole, samahan pa na kasama nito si Alyssa, na himalang nilapitan sila.

"Hindi." deretsahang sabi ni Marie.

Nagkatinginan sila Alyssa at Nicole.

"May sasabihin lang kasi kami sa inyo." sabi ni Alyssa. Na pinipigilang maging irritable.

"Kahit huwag niyo ng sabihin." sabi ni Marie, kumakain ito ng mani habang katext si Dennis at nakita iyon ni Nicole.

"Kayo na ni Dennis?" tanong ni Nicole, at napatingin si Marie dito.

"Ayyy, hindi ka rin tsismosa, 'no?" mataray na sabi ni Marie at siniko ito ni Ella na pinipigilan tumawa.

"Alam mo bang birthday niya sa Friday?" sabi ni Nicole at senenyasan nito si Alyssa

"Gusto mo ba i-surprise siya? Isama mo na rin iyong mga friends mo." nakangiting sabi ni Nicole.

"Bakit ko naman gagawin iyon?" sabi ni Marie, hindi niya alam ang birthdate ni Dennis kaya hindi niya alam kung nagsasabi ba ng totoo ang dalawa.

"Para matuwa siya. Kung hindi kayo, para matuwa siya as friends. Special friends kayo hindi ba, hindi ka naman ida-date noon ng buong isang linggo sa isla kung hindi kayo special sa isa't isa." sabi ni Alyssa.

"Ano naman mapapala mo kung tutulungan mo akong surpresahin siya?" natatawang sabi ni Marie.

"Siguro as girlfriend ni Steven at kapatid niya si Ella na bestfriend ka, hindi ba dapat lang na close tayong lahat sa isa't isa." sabi ni Alyssa at umupo pa ito sa tabi ni Ella at inakbayan ito.

"Hindi rin." sabi ni Marie.

"Ganito na lang, kung gusto niyo. Surpresahin natin si Dennis sa Friday, balita ko magpapa-party siya sa La Secretos." sabi ni Nicole.

Nagtinginan ang tatlo, walang sinasabi ang grupo ng mga ito tungkol doon.

"Ooooppppsss, hindi niyo ba alam? Pero okay nga iyon, mas maganda. Surprise natin sila sigurado matutuwa sila at dumating kayong tatlo." sabi ni Alyssa

"Hindi kami makakapasok doon." sabi ni Marie, naiinis siya at hindi man lang siya inimbitahan ni Dennis, nauna pa nitong imbitahan ang dalawang babae sa harapan nila . Hindi na rin sila makakapasok doon dahil isinauli na niya kay Eric ang VIP card bago pa ito maghinala.

"Don't worry, meron ako." nakangiting sabi ni Nicole at ipinakita nito ang VIP Card.

"Totoo, ba iyan?" sarkastikong sabi ni Marie, hindi naman magkakaroon ng ganoon si Nicole dahil milyones ang halaga noon, at kahit may-kaya ito sa buhay, imposible na magkaroon ng VIP card ang isang babae, iyon ay ayon na rin sa sinabi ni Tiffany sa kanila dati. Wala pang nabibigyan ng VIP card ang isang babae.

"Ibinigay ito dati sa akin ni Rod, remember ex-boyfriend ko siya." sabi ni Nicole at tumingin ito kay Ella na nakayuko lang at alam niyang nagkukunwari lang itong nagsusulat.

"Pag-iisipan namin." sabi ni Marie.

"Huwag mo ng pag-isipan. Sige kayo hindi kami aalis dito." sabi ni Alyssa. At nagawa pang umupo ni Nicole sa tabi ni Patty.

Nagtinginan ang tatlo, alam nilang hindi sila tatantanan ng dalawa.

"Sige na sasama na kami. Umalis na kayo." sabi ni Marie.

"Sure iyan ha. Isama niyo si Tiffany para kompleto ang tropa." sabi ni Alyssa at sumenyas ito kay Nicole.

"Huwag niyo kami papaasahin at huwag niyo kaming iindianin, masama kami magalit." bulong ni Nicole bago ito umalis.

............

"Bakit ka umoo?" inis na sabi ni Patty kay Marie, kilala niya ang dalawang iyon siguradong hindi sila papatahimikin ng mga ito.

"Oo lang naman. Tapos huwag tayo pumunta, uwian natin maaga." sabi ni Marie.

"As if naman, magagawa natin iyon. Eh, mukhang hindi nga pumapasok sa klase ang mga iyon." sabi ni Ella.

"Pero 'di ba kayo nagtataka, wala naman sinasabi sila Lukaz sa atin. Hindi kaya may plano lang masama iyong dalawa." nagdududang sabi ni Patty.

"Grabe ka naman, mag-isip. Pero tingin niyo totoo kayang birthday ni Dennis?" tanong ni Marie.

"Bakit kasi hindi mo inalam? Wala ba diyan sa social media account niya?" tanong ni Patty.

"Wala eh, hindi nga ako magtataka kung matanda na iyong lalaking iyon. Masyado malihim," sabi ni Marie, nasubukan niyang i-stalk si Dennis sa social media account nito pero wala siyang napala.

"Taguan na lang natin sa uwian sa Biyernes." natatawang sabi ni Marie.

"Iyon talaga gagawin natin. Kasi hindi rin ako puwede umalis. Namumuro na ako kay kuya Steven." sabi ni Ella.

Hindi nila alam mula sa malayo, nakatingin sila Alyssa at Nicole.

"Mukhang pinaglalaruan tayo ng tatlong iyan." inis na sabi ni Alyssa ng marinig pa ang tawanan nila Ella.

"Ayaw nila sumama ng maayos, idaan natin sa sapilitan." nakangising sabi ni Nicole.

.......................

Student Council Room
Admin. Building

"Jaycee, balita ko invited ka sa party." sabi ni Joyce nang bumisita ito Council Room

"Kaya nga, ayoko nga sana pumunta kaso mapilit iyong apat. Hindi ako makatanggi." naiiling na sabi ni Jaycee.

"Okay lang iyon, sabay tayo pumunta." sabi ni Joyce. Tiningnan niya si Jaycee mula ng dumating si Charlotte sa eksena nagbago ito sa kanya.

"Kasama daw si Charlotte, sabi ni Ramon sa kanila daw ako sumabay." nakangiting sabi ni Jaycee.

"Huwag na, sa akin ka na lang sumabay. May kotse naman si Arthur malamang doon iyon sasabay." sabi ni Joyce. Kahit si Arthur ay nabaling ang atensyon kay Charlotte, pero okay lang sa kanya iyon basta ang importante makuha niya si Jaycee.

"Baka naman hindi payagan si Arthur, alam mo naman teacher ang nanay nun." sabi ni Jaycee.

"Papayag iyon, kakausapin ko. Saka kapag nalaman niya na kasama si Charlotte for sure kahit tumakas, gagawin niya." pagak na tumawa si Joyce.

Tiningnan ni Jaycee si Joyce, may gusto siya sa dalaga pero aminado siya nawala ang pagtingin niya dito ng makita niya si Charlotte.

"Sige, ikaw bahala." sabi ni Jaycee.

"Iyong kotse ko gagamitin natin." sabi ni Joyce.

"Hahaha, malamang wala naman akong kotse." birong sabi ni Jaycee, isa sa dahilan na kailangan niya iwasan ito ang laging ipinamumukha ng dalaga kung gaano ito kayaman.

"Pare, excuse me lang. Nakaka-istorbo ba ako?" bungad na sabi ni Arthur.

"Hindi naman, bakit napadalaw ka?" tanong ni Jaycee, malaki ang agwat ng edad nila ni Arthur pero kapag kumilos ito matured na at parang kasing edad lang nila, samahan pa na malaking lalaki ito at magka-height lang sila, dahil may lahi itong Amerikano.

"Dinala ko lang ito, pinapadala ni Mama." sabi ni Arthur. Tiningnan ni Arthur si Joyce pero umiwas ito ng tingin, alam niyang may pagkakaunawaan na ang dalawa at nakakaramdam siya ng selos.

"Sige pare, alis na ako." sabi ni Arthur na hindi man lang nagawang mag-paalam kay Joyce.

"Arthur wait." tawag ni Joyce sa lalaki na ikinalingon nito.

"Bakit?" pormal na sagot ni Arthur, mula ng naging escort siya nito sa pageant at nanalo ito hindi na siya kinausap ng dalaga.

"Jaycee, aalis na ako. Kakausapin ko lang si Arthur. Basta ako ang kasabay mo sa Friday." nakangiting sabi ni Joyce kay Jaycee.

"Okay." tipid na sabi ni Jaycee, mula ng matapos ang pageant sa tournament naging mailap mag-usap sila Joyce at Arthur kung mag-uusap man ang mga itong pormal lamang na ipinagtataka niya.

........

"Bakit? Anong kailangan mo?" tanong ni Arthur ng sabayan siya maglakad ni Joyce.

"Sumama ka sa La Secretos, i-date mo si Charlotte doon. Don't worry may VIP card ako kabibigay lang ni Dennis. Libre na lahat ng gastos." sabi ni Joyce, tinititigan siya ni Arthur pero hindi niya makuhang makipagtitigan dito. Mas bata sa kanya ito, pero nai-intimidate siya dito. Pakiramdam niya pati kaluluwa niya binabasa nito pagtinititigan siya.

"Bakit ko naman gagawin iyon?" nakangising sabi ni Arthur, alam niyang inilalayo ni Joyce si Charlotte kay Jaycee na siya nitong gusto.

"Kasi tutulungan mo ako. Kasi lagi mo akong tinutulungan, so alam ko hindi mo ako mapaghihindian. Saka si Charlotte ang pinag-uusapan natin." sabi ni Joyce pero hindi ito makatingin ng deretso kay Arthur.

"Okay. Tatawagan ko na lang si Charlotte, magkita-kita tayo doon." pormal na sabi ni Arthur at naglakad na ito, hindi man lang nito nagawang mag-paalam kay Joyce.

"Antipatiko talaga." inis na bulong ni Joyce para kay Arthur.

......................

Library

"Hindi kita masusundo sa Friday, babe." sabi ni Ramon kay Tiffany.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Tiffany.

"May importante lang kaming lakad ng grupo. Bawal kayo." sabi ni Ramon.

"Okay, basta mag-ingat ka." sabi ni Tiffany, tiningnan nito si Ramon.

"Bakit ka nakatingin?" sabi ni Ramon.

"Wala lang parang mamimiss kita." malungkot na sabi ni Tiffany.

"Hahahahha, Biyernes ng gabi lang naman kita hindi masusundo." natatawang sabi ni Ramon, tiningnan niya si Tiffany kahit saang anggulo niya tingnan kabisado niya ang mukha nito.

"Aiissssttt, iyon nga Biyernes ng gabi lang. Pero parang ang tagal mong mawawala." sabi ni Tiffany. Nasanay na siyang laging nakabuntot ang nobyo sa kanya.

"Kahit mawala ako ng matagal babalikan kita." sabi ni Ramon at niyakap nito si Tiffany.

"Aaiiiissstttt, nasa library tayo." sabi ni Tiffany at kinurot nito si Ramon.

"Okay, mamaya na lang." nakangiting sabi ni Ramon pero napansin niyang tinititigan pa rin siya ng nobya.

"Huwag mo akong kalimutan." sabi ni Tiffany.

"Oo naman. Nakaukit ka dito." sabi ni Ramon at itinuro nito ang puso niya.

..................

Journalism Room

"Bakit kayo nandito dalawa?" nagtatakang tanong ni Marie kay Rod at Dennis nasa Journalism room sila at nag-aayos na lang.

"Ito kasi ang save place." natatawang sabi ni Dennis na tinawanan lang ni Rod. Alam nila hindi puwede sila Steven sa lugar na iyon, hindi tulad nila nakakatakas dahil anak sila ng may-ari ng Academy.

"May lakad kayo bukas?" pasimpleng tanong ni Ella kunwari nag-aayos siya ng mga magazine.

"Wala naman. Bakit?" sabi ni Rod pero nakita ng dalawang babae, ang tinginan nila Rod at Dennis

"Okay. Wala lang naitanong ko lang naman." sabi ni Ella.

"May pupuntahan kasi kaming party ni Ella. Baka gusto niyo sumama." pahaging na sabi ni Marie.

"Hindi na kami, sasama." sabi ni Dennis.

"Hindi ka puwede pumunta sa kahit anong party na hindi ako kasama. Naiintindihan mo?" sabi ni Rod kay Ella umupo ito sa mesa na pinagtatrabahuan ni Ella.

"Sumama ka na lang sa amin ni Marie." sabi ni Ella kay Rod, hinuhuli nila ang dalawa na magsabi ng totoo.

"Hindi kami puwede kasi maglalaro kami sa football field Biyernes ng gabi." sabi ni Rod.

"Okay." sabi ni Ella, ngayon lang tumanggi si Rod ng ganito at ipinagtataka niya iyon.

"Birthday ng friend namin ni Ella. Ikaw kailan ang birthday mo?" tanong ni Marie kay Dennis.

"Bakit mo naitanong?" balik tanong ni Dennis.

"Malay mo regaluhan kita." sabi ni Marie, napansin niya nagtinginan at parang nag-sesenyasan ang dalawang lalaki at ikinaiinis na niya iyon. Tumingin siya kay Ella at alam niyang ganoon din ito.

"Malayo pa." tipid na sagot ni Dennis.

"Pare alis na tayo, may kukunin pala ako sa locker." sabi ni Rod. At hinalikan nito si Ella.

"Alis na kami." sabi ni Dennis akmang hahalikan nito si Marie ng biglang tumalikod ito.

"Bye." tipid na sabi ni Marie. Naramdaman nila na lumabas na ng pinto ang dalawang lalaki.

"Bhes, ano?" tanong ni Marie.

"Bahala sila." sabi ni Ella gustuhin man niyang pumunta hindi siya puwede siguradong babantayan siya ni Steven.

"Okay." sabi ni Marie, ayaw naman niyang pumunta na wala si Ella.

...................

"Natawagan ko na, bahala na sila sa apat na babae." sabi ni Nicole kay Kat ng makipagkita ito sa labas ng Academy.

"Nag-check lang ako. Paano tuloy bukas ng gabi." sabi ni Kat.

"Oo naman. Para mawala na rin sa landas ko iyong dalawang batang iyon." sabi ni Alyssa.

Ang tatahaking kapalaran sa kanilang mga kamay ay magsisimula na....

AUTHOR'S NOTE

Thank you for supporting me

The end is near....

Don't forget to VOTE and COMMENT

Orihinal na nobela ni FifthStreet1883

August 12, 2020 5.15pm

Continue Reading

You'll Also Like

718K 2.7K 6
(The following names, events, and some places are purely came out from the author's mind.) What happened when two different worlds clashed together...
136K 596 7
#1 in Taglish as of February 22, 2019 #11 in Taglish "How to own a man with the hardest heart to give for me and all he can give is his hatred?" -Val...
14.4K 302 24
CANARY #2: ALEXIS CASTILLO CEO Alexis Castillo. He met a woman he knew would make his heart beat faster. He met Elisse Smith. that his life change. w...
825K 3.2K 5
Kleinder Abbas Salvi X Alexis Julie Alonzo Bachelors Baby series 1:Kleinder Salvi @zerenette NOTE : All the characters in this book have no existence...