Gangsters of Ateneo

By unfoldedcap

202K 5.6K 804

The Secret Victorious Gang is just one of the gangs in Ateneo. In the world of the gangs, killing is legal. S... More

Author's Note
Secret Victorious Gang
Prologue
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
Epilogue
Future Heirs & Heiresses

XX

4.3K 154 14
By unfoldedcap

Deanna's POV

"Saan ka nakatira?" I asked.

"W-walking distance lang po d-dito ang apartment na tinutuluyan ko." Nanginginig niyang sagot. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Don't be scared, okay? Hindi ako katulad nila and besides, ihahatid pa kita pauwi sa inyo at baka balikan ka pa ng mga ungas na yun." Sabi ko sa kanya. Tumanggi siya pero ko ito pinansin at nagsimulang maglakad palabas ng campus. Wala siyang nagawa kundi sumunod sakin.

Buti na lang at hinayaan kami ni manong guard na makalabas ng school dahil hindi naman kami taga rito.

"Bakit hindi pa kayo umaalis?" Tanong ko sa mga kaibigan kong naghihintay sa labas ng kotse.

"Malamang hinihintay ka." Sarkastikong sagot ni Maddie sabay irap.

"Wait, who is this girl beside you?" Jaycel asked.

"Nakita kong pinagtutulungan siya ng tatlong lalaki sa may court kaya tinulungan ko. Ihahatid ko na siya pauwi sa kanila para mas safe." Paliwanag ko.

"Samahan ka na namin." Aly insisted.

"Wag na Ate. You guys need to go home and rest. Ako na bahala sa kanya." Tanggi ko.

"Oh sige basta mag-iingat ka ha. Magkwento ka pagkauwi mo." Sabi ni Bei sabay kindat.

Hinintay ko muna silang makaalis bago kami maglakad.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko sa babaeng kasabay kong naglalakad ngayon.

"Maria Fe Galanza. Mafe na lang po ang itawag niyo sakin." Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang surname niyang 'Galanza.'

"May problema po ba?" Kunot-noo niyang tanong at tumigil din sa paglalakad.

Naalala ko si Jema.

"Wala wala." Napatuloy kami ulit sa paglalakad.

"Are you connected to Jema Galanza?" I asked kaya she looked at me.

"Ate ko po siya." Once again, my jaw dropped but not literally ha.

What the! Sa dinami-dami ng pwede kong iligtas, na pwede kong makasama, ito pa talagang kapatid ni Jema?!

"Bakit niyo po kilala si Ate?" She asked again.

"Hmm classmate ko siya. And please, wag ka nang mag 'po'. Nakakatanda e." Pasimple akong tumawa.

"Eh ikaw? Anong pangalan mo?" Tanong nito.

Sasabihin ko ba? Eh pati nga Ate niya hindi alam ang totoong pangalan ko.

"You can call me Deanna." I answered.

Wala naman sigurong mali doon and besides, magaan ang loob ko sa kanya at mukha naman siyang mapagkakatiwalaan. Pero sabi nga nila, don't trust anyone that easily.

"But can I ask you a favor?" I ask. She looked confused at me.

"Kahit ano basta yung kaya ko lang ah." Sabi niya.

I took a sigh.

"Please don't tell anyone about this. About my name."

"Ha? Bakit naman?" Tanong niya.

"Because no one else knows who I really am." I replied. "Unless, you're one of our close and most trusted friend."

Halata namang nagulat siya dahil natigilan siya sa paglalakad.

"Walang ibang makakaalam nito Ate Bro." Sabi niya sabay ngiti.

"Ate Bro?"

"Yun na lang itatawag ko sayo. Tutal nas matanda ka naman sakin at mukha ka kasing lalaki hahaha. Sa pananamit mo pa lang at kung paano mo bugbugin ang mga gunggong kanina sa campus." Natatawa niyang sagot at nagpatuloy sa paglalakad.

Ang cool nito hahaha. Sana ganito kami ni Jema...

Magsasalita pa sana siya nang biglang may tumawag sa kanya.

"Maria Fe! Gabing-gabi na ha! Lumapit ka nga dito!" Dali-dali namang lumapit si Mafe sa taong tumawag sa kanya.

Ito na siguro ang apartment nila at mukhang daddy niya ang sumigaw kanina.

Sumunod din ako sa kanya. Nalipat ang atensyon ng kanyang ama sakin.

"Aba, sino naman itong kasama mo? Babae ba ito?" Tanong nito habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

Opo babae po ako pero may pagka boyish HAHAHA charot!

"Pa, ike-kwento ko po sa inyo lahat pero pwede po ba muna tayong pumasok?" Tumango lang ang tatay niya at naunang pumasok.

"Pasok ka Ate Bro. Ako bahala sayo." Tatanggi sana ako pero huli na ang lahat dahil hinatak niya ako papasok.

Nakakatakot kasi ang mga titig ng ama niya sakin.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ng babaeng nakapameywang na sa tingin ko ay mama niya.

"Kalma lang Ma, okay?" Sabi ni Mafe. "Umupo muna po kayo para makapagsimula ako."

Narinig kong bumuntong-hininga ang kanyang mga magulang at sabay na umupo. Magsasalita na sana si Mafe nang may bagong dating na babae na kakababa lang.

"Oh umuwi ka pa." Sabi nito at umupo sa tabi ng mama niya.

"Ate, may nangyari kasing hindi kanais-nais." Napakunot-noo silang lahat sa sinabi ni Mafe.

"Ha? Ano naman iyon?" Her father asked.

Kinwento ni Mafe lahat ng mga nangyari kanina. Lahat sila salubong na ang kilay ngayon.

Hindi pala siya doon nag-aaral. She's just roaming around nang mapagtripan ng mga lalaki.

Nabanggit niya rin ang tungkol sa pagligtas ko sa kanya.

"Kaya pala kasama mo ito." Sabi ng Papa niya sabay tingin sakin. "Anong pangalan mo hija?"

Napalunok na lang ako.

Sh*t sh*t. Am I going to tell them my real name? Siguro naman mapapakiusapan ko sila na huwag ipagsabi ang tungkol dito bilang kapalit ng pagliligtas ko sa kanilang anak.

"Deanna. Deanna Wong po." I sighed.

"Teka lang, tatay mo ba si Mr. Dean Anthony Wong?" Tanong ng Papa niya.

Shocks ito na nga ba ang sinasabi ko. Baka mamaya kalaban siya sa business.

"O-opo." Kabado kong sagot pero napangiti siya ng napakalawak.

"Hindi nga mali si Mr. Wong. Napakabait talaga ng mga anak niya." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Kilala niyo po si Dad?" Shocked kong tanong.

"Hahaha oo naman. Ako ang vice president ng isa sa mga kumpanya ninyo. Malaki ang naitulong sakin ng ama mo kaya malaki din ang utang na loob ko sa kanya." Kwento nito. "At alam ko ding tago ang totoo mong pagkatao kaya ligtas ang sikreto mo sa amin."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Hindi ko pa sila ganun kakilala pero alam kong makakasundo ko sila.

Gustong kong tumalon ngayon sa sobrang saya!

"Thank you po Sir." Sabi ko sabay yuko ng konti.

"Masyado ka namang pormal hija. Tawagin mo na lang akong tito at tita na lang kay Fe." He said.

"S-sige po tito." I smiled.

"Fe, tawagin mo nga si Jema. Papuntahin mo siya dito." Sabi ni Tito.

What?! Kailangan ko nang umalis bago pa siya dumating.

Umalis na si Tita Fe at may dinial sa phone.

"Mauuna na po ako tito. Kailangan ko na pong umuwi." Sabi ko sabay tayo.

"Naku dito ka na muna. Ipapakilala kita sa anak ko."

"Pa, kilala na niya si Ate. Kaklase nga niya e." Napatingin si tito sakin dahil sa sinabi ni Mafe.

"Ayun naman pala e. At least mas makikilala mo pa ang anak ko. Mabait ang batang iyon. Teka lang ha." Sasagot sana ako pero umalis na si tito at sumunod kay tita na paniguradong kausap na si Jema ngayon.

"Mafe, uuwi na ako ah. Pakisabi na lang kila tito." Sabi ko kay Mafe.

"Wag na muna Ate Bro. Hintayin mo na si Ate pleaseeee." Pagmamakaawa niya.

"Hayy oh sige pero aalis din ako agad pagkarating niya ah." Tumango lang siya sakin at nagsimulang magkwento about sa ate niya.

Madaldal at kalog pala HAHAH pero yung ate niya ang sungit sungit pagdating sakin.

Wow iniisip mo talaga siya? - Aba hindi ah.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang bumukas ang pinto. Hindi ko iyon pinansin at patuloy lang sa pakikipagkwentuhan kay Mafe. Nabanggit ko din sa kanya ang tungkol sa mga kaibigan ko at ang pagiging gangsters namin.
Ang cool naman daw namin HAHAHA.

Naputol aming usapan nang magpaalam sakin si Mafe at lumapit sa Ate niya. Pagharap ko ay hindi ko inaasahan ang aking nakita.

It's Jema.

Hindi ako pwedeng magpahalata na naging close kami. Noon. I tried to compose myself.

"Hi." I smiled at her.

She was just standing and looking at me. Shocked siya ihhh.

"I-ikaw?" Di makapaniwalang sabi niya.

"Yes, ako nga." Sagot ko at simpleng ngumisi.

Don't act like you didn't hurt me.

"Anak, siya ang nagligtas sa kapatid mo kanina." Sabi ni Tita Fe kay Jema.

"Ano bang nangyari?" Tumingin siya sakin. "Bakit nasa UST ka?"

"We visited our friends there. Papunta ako sa cr nang marinig ko ang sigaw niya kaya ayun." Paliwanag ko. Nagkwento naman ulit si Mafe.

"Sa Ateneo ka na lang pumasok. At least doon, mababantayan kita." Sabi ni Jema nang matapos si Mafe.

"Pero Ate, mas okay sa UST." Pagpupumilit nito.

"Nakita mo naman siguro ang nangyari sayo kanina, hindi ba? Kung wala itong si Deanna, paniguradong hindi ka pa nakakauwi ngayon." Sabi naman ni Tita Fe.

Napakunot na naman ang noo ni Jema.

"Deanna? Sino si Deanna?" She asked.

"Ako." I shortly replied.

"Jessica, siya ang anak ng boss namin sa kumpanya. Isa siyang Wong." Paliwanag ni Tito.

"So Deanna Wong ang totoo mong pangalan?" She asked again.

"Maria Deanna Izabella Alvizo Wong." Simple kong sagot.

"Bakit sinabi mo samin ang real name mo? I thought you can't tell anyone about your real identity?" Naguguluhan niyang tanong.

Lumapit ako sa kanya at tinignan ng seryoso.

"Your father told me that my identity is safe with you guys." I replied.

"Sana safe din sayo ang tungkol sakin at hindi ipagsasabi sa iba." Bulong ko at tumingin sa mga magulang niya. "Tito, Tita, Ate Jovi I'll go ahead na po."

"Naku, dito ka na maghapunan hija." Alok ni Tita Fe.

Hmm wala naman sigurong masama kung dito na ako kakain tutal gutom na rin ako dala na ng bakbakan at kwentuhang naganap kanina kaya um-oo na ako.

Nagulat pa si Jema sa naging desisyon ko. Alam kong ayaw na niya akong nandito pero binelatan ko lang siya nang patago.

Bleehhhh! HAHAHA!

Naghanda sila ng makakain sa dining table at naupo. Ako ang pinag-lead nila ng prayer tutal ako daw ang bisita.

We started eating.

"Deanna, what course are you taking?" Seryosong tanong ni Tito.

Wow english.

"Business management po. Alan niyo naman po, sakin ipamamana ni Dad ang ibang businesses niya." I answered and laughed.

"Kaya siguro naging mag kaklase kayo nitong anak ko dahil pareho kayo ng tine-take na course." Tumingin si Tita Fe kay Jema.

"Bakit hindi kayo nag-uusap Ate Bro?" Out of nowhere na tanong ni Mafe. Halos maibuga ko ang pagkaing nasa bibig ko.

Nilunok ko muna iyon at uminom.

"I guess we are not that close??" Alanganin kong sagot.

I don't know what I'm going to answer.

Nalipat naman ang kanilang tingin kay Jema.

"B-bakit?" Tanong nito habang may ngumunguya pa. Umiling lang sila at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain, I insisted to wash the dishes but they disagreed. Bisita daw nila ako kaya chillax lang daw dapat. HAHAHA!

Napansin kong madilim na sa labas kaya nagpagpasyahan ko nang magpaalam.

"Tito, una na po ako." Sabi ko sabay tayo. "Tita, thank you for the food. Nabusog po ako."

"Naku, wala yun hija. Basta bumisita ka dito kapag may oras ka ha." I nodded at her and looked at Mafe.

"Hey Mafs, I prefer you to study in Ateneo. I'll assure your safety there. But if you really want UST, I'm going to talk my friends to take care of you." I said.

"Yun naman pala Pangs e. Siya na ang bahala sa safety mo." Sabi naman ni Ate Jovi sabay akbay kay Mafe.

"Sige Ate Bro pag-iisipan ko muna. Salamat." Mafe replied.

"Oh sige na anak, ihatid mo na itong si Deanna." Sabi ni Tita Fe kay Jema.

Sasabihin ko sana na wag na pero agad na pumayag si Jema kaya nagsimula na kaming maglakad palabas ng apartment nila.

Bakit siya pumayag na samahan ako? Sa pagkakaalan ko ay ayaw na niya akong makasama.

Tahimik lang kaming naglalakad dahil walang gustong mag-open up saming dalawa.

"Thank you." She's the one who broke the silence.

"For what?" I asked but my eyes are still on the road.

"Sa pagligtas mo kay Mafe, sa hindi mo pagsasabi ng tototo kung ano ba talagang meron satin." She answered. "And thank you for trusting us."

"That's nothing. Alam ko namang mapagkakatiwalaan kayo." Sabi ko.

"Kahit na minsan mo na akong binigo." I added pero pabulong na lang yun na alam kong hindi niya narinig.

"Anong sabi mo?"

"Wala. Sabi ko, dito na lang ako." Nandito na kasi kami sa kanto. "Pakisabi ulit kay Tita na salamat sa pakain."

"Sige. Paano ka uuwi niyan?" She asked but I just shrugged my shoulders.

"Mag-bobook na lang ako ng grab para sayo." She immediately took her phone. Hindi na ako tumanggi dahil wala naman kasing ibang susundo sakin dito.

"Kayo ba ni Fhen?" Wala sa sarili kong tanong.

Curious talaga ako sa kanilang dalawa.

Paano kung patuloy pa rin akong umaasa sa kanya tapos yun naman pala sila na? Edi nagmukha akong tanga.

"Magkaibigan lang kami." She replied.

"Magkaibigan? But the way you look at her, the way you took to her, parang MAGKA-IBIGAN." May diin kong sabi.

"Walang namamagitan samin okay? Kailangan lang naming gawin yun." Sagot niya pero hindi ko masyadong naintindihan ang huli niyang sinabi niya dahil pabulong na yun.

"Tsk, fine. Umuwi ka na. Kaya ko na ang sarili ko." Sabi ko at lumayo ng konti sa kanya.

Wala akong narinig na sagot kaya alam kong umalis na siya. Pero mali ako. May yumakap sakin mula sa likod.

"Sana pagkatiwalaan mo ako Deans. Mahal na mahal kita." Malambing na sabi nito.

Does she really do?

Inalis ko ang kanyang kamay at humarap sa babaeng pinapangarap kong makasama.

"Is it worth it?" I asked.

"You are worth fighting for." She kissed me.

M-my first kiss.

Gusto ko sanang patagalin ang moment na ito kaso lang baka may ibang makakita kaya I'm the one who broke our kiss.

"J-Jema..." Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil agad niya akong pinutol.

"Hushhh. Wait for me, okay? Pagkatapos ng planong ito, sayo na ako uuwi." She hugged me. "Just give me your whole trust."

Hindi ko talaga kayang tanggihan at kalimutan ang babaeng ito. Pero nagugulahan ako sa sinabi niyang 'plano'.

"What plan?"

"Malalaman mo rin sa tamang panahon." She answered.

Hahayaan ko siya sa gusto niyang gawin. Alam ko namang hindi niya ipapahamak ang kanyang sarili at ang mga kaibigan niya.

I hugged her back.

"I will, langga." Sagot ko. Napakalas naman siya mula sa pagkakayakap.

"Langga?"

"It's a bisaya word hahaha. It means 'mahal'." Nakangit kong sabi that made her blushed.

Ganito ko siya kamahal. Kahit anong mangyari, siya pa rin hanggang huli.

Inakbayan ko siya. We stayed in that position until the grab arrives.

"See you around the campus?"

"Yeah, see you." I replied and hugged her again. I kissed her forehead.

I bid our goodbyes then I went home.

When I arrived, I thought my friends are already asleep but I was wrong.

"Natagalan ka?" Tanong ni Aly na nasa hagdan at nakacross arms pa.

"Nagstay lang ako saglit sa bahay ng mga Galanza." Walang gana kong sagot at pabagsak na umupo.

"Galanza? Kila Jema?" It's Caloy's voice.

"Yeah."

"Paano ka napunta doon? Eh hindi naman siya yung babaeng kasama mo kanina ah." Sabi naman ni Bea.

Inis akong tumingin sa kanila at kinwento ang buong nangyari kanina mula sa pagpunta namin sa apartment nila hanggang sa makauwi ako.

Ang dami kasing tanong!

Napansin ko namang nagpipigil sila ng tawa.

"What's wrong?" Tanong ko.

"You're really inlove with Jema noh. Ate Deans. " Natatawang sagot ni Jaycel.

Napairap na lang ako at tumayo.

"Teka, paalala lang Wongskie ha. Kung maari ay umiwas ka muna kay Jema lalo na't malapit na ang battle. Hayaan mo muna sila ni Fhen." Maddie said.

"I will Ate. I trust Jema at alam kong hindi na niya ako bibiguin." Mahinhin kong sabi. "Good night to you all!"

Masaya akong naligo habang inaalala ang mga naganap kanina.

You are worth fighting for, Jema. Ill fight for us.

_______________

Jema's POV

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Tanong sakin ni Ate Jovi nang makauwi ako matapos makaalis ni Deanna.

"Wala." Maikli kong sagot at pupunta sana kwarto nang pigilan ako ni Mafe.

"Ate, kapag nakausap mo ulit si Ate Bro pakisabi maraming salamat ulit. Sana makabisita siya dito."

"Oo naman." Sagot ko sabay ngiti.

"Ma, Pa, dito na muna po ako matutulog." I added.

"Sige anak, may extrang toothbrush doon sa cr at nasa closet naman ang damit mo." Tumango muna ako kay Mama bago tumungi sa kwarto.

Pagkatapos kong gawin ang aking night rituals, dali-dali akong nahiga. Papikit na ako nang may istorbong pumasok sa aking kwarto.

"Jema anak." Ay shocks si Mama pala yun.

Hindi siya istorbo hehe binabawi ko na.

"Bakit Ma?" Tanong ko at umupo ng maayos.

"Kumusta ka naman?"

"Okay lang po." Sagot ko at mahinang tumawa.

Si Mama naman kasi. Nagtanong na lang kung ano-ano.

"Alam mo bang ang mga Wong ang dahilan kung bakit tayo nakaahon sa kahirap?" Medyo nagulat ako sa sinabi ni Mama.

"Hindi ko akalaing pati ang isa sa mga anak ni Mr. Wong ay makikilala natin." Dagdag pa niya. "Sa totoo lang, gusto ko si Deanna para sayo."

"Po?"

"I'm sure na magkakasundo kayong dalawa. Nasa kanya na lahat ng katangian ng babae at lalaki. Kaya niyang ipagtanggol ang iba." Sagot niya.

Nako Ma, kung alam mo lang talaga kung gaano ko kamahal ang taong yan.

"Hayaan na lang po natin ang tadhana." Sabi ko.

"Oh sige anak magpahinga ka na. Magpahatid ka na lang sa papa mo kung pupunta ka na sa school." She said and stood up.

"Teka Ma, may kotse po tayo?" Kunot-noo kong tanong.

Ang alam ko, wala kami niisang sasakyan, dahil may kaya lang kami, sa buhay. Nagtatrabaho si Ate Jovi at Papa para saming lahat samantalang si Mama ay house wife na lang dahil ayaw ni Papa na magtrabaho pa ito. Kahit nasa isang sikat na kumpanya si Papa, hindi kami ganoon naging katakaw sa pera. Hindi kami mahilig bumili ng kung ano-ano.

"Oo naman. Bukas pa lang daw ipapadala ni Mr. Wong ang sasakyang ibinigay niya sa Papa mo. Ito daw ay para hindi na siya mahirapang bumyahe pa."

Ang bait pala talaga nila. Mas gusto ko tuloy makilala at makasama si Deanna at ang pamilya niya. Pero syempre may konti kahihiyan pa rin ako HAHAHA!

Nag-good night muna si Mama bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Napabuga na lang ako sa hangin at pumikit.

Its going to be a long day tomorrow.

_______________

A/N: Ano kayang magaganap nyan?? Team GaWong pa rin ba hanggang dulo?

Hey guys! It's me again HAHAHA! Hello sa mga new readers dyan and syempre sa mga solid readers ko! Let me know your thoughts about this chap and do the hesitate to comment down if u have some suggestions.

See you on my next ud!

Continue Reading

You'll Also Like

202K 5.6K 40
The Secret Victorious Gang is just one of the gangs in Ateneo. In the world of the gangs, killing is legal. SV Gang is one of the most feared gang th...
116K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
115K 5.6K 62
They say things happen for a reason, so if that's the case there's a reason why I fall inlove with you? but falling inlove with you means taking a ri...