Fact Boy Kame (Kami ang tama, hindi ang tamang panahon)
Matthew:
Pre pinapalayas nako dito samen
Matthew:
Pabahay namen
Matthew:
Cellphone daw ako ng cellphone
Devon:
Pwede ka dito sa maids room namen
Joshua:
Dito ka ikaw maghugas ng pwet ng pamangkin ko
Denver:
Dito basta paloloadan mo internet namen
Denver:
Dito basta paloloadan mo internet namen
Jancis:
Bawal baka sabihin jowa kita
Matthew:
P-pre @FactboyJancisMahiligSaChiks
Tinanggal ko ang chat head ng group chat namin at pinindot ang chat head ni Claire. Bihira nalang kami magchat hindi na katulad ng dati na kada 6 or pag may time ay maglalate night talk pa kami. Ngayon ay nagiba, si Claire ay naging busy sa lola nya at ako naman sa pamilya ko dahil wala na ngang trabaho si ate, kaya mas dumoble ang gawain sa bahay kumpara dati.
Claire The Jinowa
8:01 PM
Joshua:
I miss february
9:40 PM
Claire:
I miss february too
Claire:
Di na tayo nagkakasabay
6:00 AM
Joshua:
Okay lang yan ako pa rin naman jowa mo kahit di tayo nahchachat
12:09 PM
Claire:
Ano muna yung nahchachat
Claire:
HAHAHA
3:00 PM
Joshua:
Hay nako
Joshua:
Kamusta na si lola?
Joshua:
Buti nalang tayo mature na tayo kung hindi nagbreak na tayo kase wala tayong type sa isat isa ano po
3:16 PM
Claire:
Corny mo
Claire:
Ano tayo grade 7??
Claire:
Mature daw wew
3:30 PM
Joshua:
Kamusta na nga si lola
Joshua:
Dami mo sabe
Joshua:
Palagi mo nalang ako binabara
Joshua:
Anidoro kaba
6:00 PM
Claire:
Baliktad ako dapat magtanong kung anidoro ka
6:45 PM
Joshua:
Hay nako
7:15 PM
Claire:
Medyo okay okay na ulet si lola
Claire:
Masamang damo daw sya sabe nya
9:00 PM
Joshua:
Parang di naman
9:59 PM
Claire:
Umoo kana lang!!!
11:11 PM
Joshua:
yesh yesh sinasagot na kita
Seen