Claire The Jinowa
5:45 PM
Claire:
Hi poh
Joshua:
Oh magaling na ba si lola?
Joshua:
Wag ka muna magchat
Joshua:
Alagaan mo muna si Lola
Claire:
Magaling na
Claire:
Nagsosorry nga sayo eh
Joshua:
Bakit nagsosorry gagi
Claire:
Inaagaw nya daw oras ko sayo
Joshua:
Hindi naman HAHAHA
Joshua:
Sabihin mo miss ko na voice message nya
Claire:
Yun nga gusto magvm
Claire:
Eh sabi ko
Claire:
Anongivvm mo la? Ubo mo
Joshua:
Okay lang naman
Joshua:
Tas sasabihan ko sya ng
Joshua:
ubo ng ubo mukha ng aso
Claire:
Sinabi ko nga yan sakanya diba
Claire:
Minura lang ako
Claire:
Sabe ko mga di ako magsabe nun eh ikaw
Joshua:
Nagalit saken?
Claire:
Hindi
Claire:
Parang naging pabebe nung sinabi ko na ikaw nagsabs
Joshua:
Yare ka ako na mahal nila di na ikaw
Claire:
Asa ka
Joshua:
kabahan kana
Claire:
Salamat nalang sa lahat
Joshua:
Ampunin na ko ng lola mo
Joshua:
Tas kapatid na kita
Joshua:
Insists
Claire:
Tigilan mo nga yan kadiri
Claire:
Di ko maimagine na kapatid kita feeling ko dugyutin ka
Joshua:
kapal naman puh
Joshua:
Badtrip pala ko ngayon
Claire:
Baket nanaman
Joshua:
Nakita ko yung kapatid ko kachat si Renz
Joshua:
Landi nga eh
Claire:
Yung grade 6?
Joshua:
Malamang alangan yung ate ko na may anak na twins
Claire:
Aba pilosopo
Claire:
Salamat nalang sa lahat
Joshua:
Biro lang poh
Joshua:
Eto na nga
Joshua:
Tas kinikilig
Joshua:
Dinaig pa ko
Claire:
Kung wala lang nararamdaman lola ko baka tumalon kana sa building sa sobrang kilig mo
Joshua:
Angas talaga nento
Joshua:
Palibasa di marunong bumanat
Claire:
Pagtapos ng virus babanatan kita wag ka magalala
Joshua:
Banat yung pick up lines hindi yung suntok
Claire:
Di pa ko bumabanat kinikilig kana
Joshua:
wag naman po mahangin kase pagnaalala ko ang mga araw na magkasama tayo dalawa ngiti at luha saking mga mata ganon na pala tayo dati kasaya
Seen