Not Just an Ordinary Love : 1...

By FifthStreet1883

53.1K 4.3K 833

Ang pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayo... More

Not Just An Ordinary Love
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25 -SPG-
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28 -SPG-
Kabanata 29 -SPG-
Kabanata 30 -SPG-
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38 : Kat's Confessing to LJ
Kabanata 39 : Dennis Indecent Proposal to Kat
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42 Eric and Marie
Kabanata 43
Kabanata 44 -SPG-
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48 -SPG-
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52 -SPG-
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55 Rico vs Rod's Madness
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59 : Rod's Love
Kabanata 60
Kabanata 61 : Lance vs 3
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67 : CluBee War
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70 :Dennis War to Marie
Kabanata 71
Kabanata 72 : Marie and the 3 boys
Kabanata 73 -SPG-
Kabanata 74 : Bar Plan
Kabanata 75 : Meeting of angels and devils
Kabanata 76 : The Devil's Kingdom
Kabanata 77 : Kian vs 2
Kabanata 78: Wish Upon The Star
Kabanata 79
Kabanata 80
Kabanata 81
Kabanata 82: Destiny
Kabanata 83: Angel of Darkness
Kabanata 84: Darkside
Kabanata 85: How did you know
Kabanata 86: Believer
Kabanata 87: Falling
Kabanata 88: Demons
Kabanata 89: Closer You and I
Kabanata 90: You're the Reason
Kabanata 91: Girls Like You
Kabanata 92: Listen to your Heart
Kabanata 93: It's You
Kabanata 94: Jealous
Kabanata 95: In the Name of Love
Kabanata 96: Fight like a Girl
Kabanata 97: Just Let Me In
Kabanata 98:SPG: Love Me Like You Do
Kabanata 99: SPG: Electricity
Kabanata 100: Symphony
Kabanata 101: The Feeling
Kabanata 102: Only Fools Fall In Love
Kabanata 103: Pray
Kabanata 104: Savage Love
Kabanata 105: Please don't Say You Love Me
Kabanata 106: Just Friends
Kabanata 107: I Fell in Love with My Bestfriend
Kabanata 108: I Hate Love
Kabanata 109: I Fell In Love with The Devil
Kabanata 110: Undo
Kabanata 111: Bad Liar
Kabanata 112: Look What You Made Me
Kabanata 113: Shape of You
Kabanata 114: I Like You So Much, You'll Know It
Kabanata 115: Rewrite the Stars
Kabanata 116: Sweet But Psycho
Kabanata 117: No Maybes
Kabanata 118: Flashlight
Kabanata 119: I Won't Give Up
Kabanata 120: They Don't Know About Us
Kabanata 121: Unexpectedly
Kabanata 122: Say I Love You
Kabanata 123: Secret Love Song
Kabanata 125: Marry You
Kabanata 126: I'll be There for You
Kabanata 127: Perfect
Kabanata 128: I Can
Kabanata 129: Run Devil Run
Kabanata 130: You
Kabanata 131: You Changed My Life
Kabanata 132: 10000 Hours
Kabanata 133: Devil's Don't Fly
Kabanata 134: The Devil Has Come
Kabanata 135: When I Saw You in Heaven
Epilogue: Dying Inside to Hold You

Kabanata 124 : Love Story

258 18 12
By FifthStreet1883

(Just play the theme song for this chapter)

5th day El Paradiso
4:30am  Mt. Esperanza


Lance, malayo pa ba?” tanong ni Ella habang hawak siya ni Lance, mag-aapat na oras na silang naglalakad. Napapagod na ang paa niya at nagugutom na rin siya.

Tiningnan ni Lance si Ella, gustuhin man niyang bilisan ang paglalakad para hindi maabutan nila Rod, parang malabo mangyari dahil hindi kakayanin ng tatlong babaeng kasama nila. Lalo na si Ella na nahihirapan ng maglakad dahil sa binti nito.

Mga isa hanggang tatlong oras na lang pero mag-pahinga muna tayo. May pagkain ako dito, kumain muna tayo.” masuyong sabi ni Lance kay Ella.

Sige. Nagugutom na kasi ako.” sabi ni Ella. Inalalayan siya ni Lance maupo at tinawag ang ibang kasamahan.

Bhes, okay ka lang?” tanong ni Marie.

Bakit ikaw kaya mo pa?” nakangising sabi ni Ella.

Oo, parang gusto ko na ngang takbuhin.” natatawang sabi ni Marie.

Bilib ako sa energy mo. Ano ba battery mo? Energizer? O baka naka- motolite ka.” natatawang sabi ni Ella kay Marie.

Malakas ako. Lalo na kapag nakikita ko ang man of my dreams ko. Tapos darating ang araw magiging Marie Tuazon na ako. Bhes magka-apelyido na tayo.” tumatawang sabi ni Marie.

Baliw, magiging Marie Lopez ka sa future.” birong sabi ni Ella na ikinatigil sa pagtawa ni Marie.

Aiiissssttttt, malay mo mambabae si Dennis, tutal babaero naman iyon. So kakalap ako ng ebidensya para maghiwalay kami kaagad. Basta huwag mo muna pag-asawahin si Steven.” sabi ni Marie.

Depende iyon kay kuya, pero boto naman ako sayo para sa kuya ko.” sabi ni Ella.

Bhes sandali, tatawagin ko lang si Kat. Mukhang kanina pa panis ang laway nun.” sabi ni Marie. Pumunta ito sa puwesto nila Eric at Kat at hinila ang babae papunta sa lugar ni Ella.

Marie, huwag mo hilahin. Pagalitan ka ni Kuya Eric.” natatawang sabi ni Ella.

Hindi iyan, kilala ko ito si Kat. Ako ang nagligtas dito laban sa rapist niya.” natatawang sabi ni Marie.

Hindi pa nga pala ako nagpapasalamat sayo.” sabi ni Kat.

Tiningnan ito ni Ella, wala sa mukha ni Kat ang nanlalalaki. Kung hindi mo ito kilala sa Academy, mapapagkamalan mo na mahinhin itong babae. Tipid magsalita at pino kumilos, mas magaslaw pa nga sila ni Marie kung susuriin.

Okay lang iyon. Kanina ka pa hindi nagsasalita. Wala ka bang friend? Kung gusto mo kami na lang ni Ella at Tiffany. Huwag lang si Patty kasi selosa iyon.” tumatawang biro na sabi ni Marie.

Hindi kasi ako palakaibigan.” sabi ni Kat. Tiningnan ni Kat ang dalawang babae sa harapan, hindi niya lubos maisip na ang mga nobyo nito ay naging parte ng buhay niya.

Ang ganda namin ‘no? Kanina mo pa kami tinitingnan ni Ella. Napapansin kita kanina pa.” nakangiting sabi ni Marie.

Marie, tumigil ka nga baka magalit si Kat sa mga sinasabi mo.” sabi ni Ella.

Okay lang Ella. Kilala ko naman si Marie na ganyan. Actually kahit hindi ko kayo nakakasama parang kilala ko na kayo.” nakangiting sabi ni Kat.

Wow bhes artista na tayo. Kilala tayo kahit hindi pa natin nakakapagkuwentuhan.” sabi ni Marie.

Lagi kasi kayo ikinukuwento ni Eric sa akin, halos oras-oras nga.” natatawang sabi ni Kat at nabanaag ang lungkot sa mga mata ng dalaga.

Nagkatinginan sila Ella at Marie, kahit tumawa si Kat sa sinabi mukhang may hinanakit ito sa kanilang dalawa.

Pero hindi ka naman galit sa amin?’ biglang tanong ni Marie na ikinagulat ni Ella at Kat.

Bakit naman ako magagalit?” sabi ni Kat.

Kasi ex mo si Rod tapos nobyo na siya ni Ella ngayon, tapos si Dennis lumalapit sa akin. Then suddenly napunta ka sa lalaking may kaugnayan sa amin dalawa ni Ella at si Eric iyon. Tapos first love mo pa si LJ na nobyo na ng kaibigan namin ni Ella, na si Patty.” mahabang pahayag ni Marie.

Siguro nagkataon lang ang mga iyon.” sabi ni Kat. Sinulyapan nito si Eric na nakatingin sa kanya.

Pero iyong totoo sa kanilang apat sino ang minahal mong tunay?” kuryusidad na sabi ni Marie.

Hoy Marie, tama na nga iyan. Grabe iyong mga taong mo, nahahawa ka na kay Kuya Steven at Kuya Eric.” saway na sabi ni Ella. Pero hindi ito pinansin ni Marie at nagpatuloy pa rin ang kaibigan sa pagtatanong kay Kat.

Huhulaan ko na lang, kasi sabi nila first love never dies. So I guess si Lukaz Jeremy.” nakangiting sabi ni Marie na ikinapula ng mukha ni Kat.

Nagulat si Ella sa reaksyon ni Kat, napatingin siya kay Eric at nakita niya na parang alam nito ang pinag-uusapan nila kaya bumakas ang galit sa mukha nito.

Tama na. Kumain na tayo.” pagpuputol ni Ella kay Marie, naisip niya lalo magkakagulo ang grupo ng kuya niya at grupo nila Rod ng dahil kay Kat.

Hinandaan siya ni Lance ng niluto nitong noodles halatang sanay nga itong mamundok, dahil kompleto ito sa hiking equipment.

Lance salamat. Ang galing mo talaga binusog mo kami. Kanina pa kami hindi kumakain.” sabi ni Marie at lumapit na ito kay Steven para ito naman ang kulitin.

Hindi tulad ni Marie, tahimik lang si Ella kaya ng naiwan silang dalawa ni Kat habang nag-aayos si Lance at Eric ng pinagkainan nila. Wala silang mapag-usapan dalawa. Pinagmasdan niya si Kat, maganda ito at may maamong mukha. Ang isiping naging ex girlfriend ito ni Rod ay nagdadala ng selos sa kanya. Pero napanatag siya kahit hindi tahasang sabihin nito, si LJ talaga ang gusto ni Kat.

Ella, kamusta kayo  ni Rod?” biglang tanong ni Kat. Alam niyang kanina pa siya pinagmamasdan ni Ella at inaalam nito sa sarili kung sino talaga siya.

Okay naman.” tipid na sabi ni Ella.

Gusto mo tulungan ko kayo ni Marie makapuslit bago umakyat sa bundok?” nakangiting sabi ni Kat.

Bakit mo naman gagawin iyon?” tanong ni Ella, nagtataka siya kung bakit iyon nasabi ni Kat.

Alam kong gusto ka makasama ni Rod sa taas ng bundok. Alam ko rin ang paniniwala tungkol sa bundok. Matatakasan ninyo ni Marie sila Steven mamaya bago pa tayo makarating sa tuktok. Tutulungan ko kayo, iyon ay kung gusto mo?” sabi ni Kat.

Bakit mo naman kami gustong tulungan?” nagtatakang sabi ni Ella, mahirap magtiwala at baka patibong lang ito ni Kat. Hindi niya ito kilala personal at masama ang imahe nito sa Academy nahahati ang loob niya sa magkaibang kuwento tungkol sa pagkatao ni Kat.

Wala lang, gusto ko lang tumulong.” sabi ni Kat, pero may malalim siyang dahilan kung bakit niya tutulungan ang dalawa.

Paano kung pumayag ako, anong kapalit?” tanong ni Ella, wala ng libre sa panahon ngayon sigurado siyang malaki ang kapalit na hihingiin nito. Knowing sa image ni Kat na manggagamit.

Wala ngang kapalit.” natatawang sabi ni Kat. Dapat makumbinsi niya si Ella para magawa ang kanyang plano.

Talaga?” may pagdududang sabi ni Ella.

Hahahaha, pag-isipan mo may isang oras ka pa? Kapag pumayag ka senyasan mo ako.” sabi ni Kat

Paano?” kuryusidad na tanong ni Ella.

Iyang telang inilagay ni Lance sa paa mo, tanggalin mo. Ibig sabihin nun pumapayag ka. Gagawin ko iyong plano para makaalis kayo ni Marie.” sabi ni Kat.

Hindi na nakasagot si Ella dahil dumating sila Lance at Eric. Napatingin na lang siya kay Kat. Naiiling siya sa inosenteng mukha ni Kat nagtatago ang kamandag ng dalaga.

…………………..

5th day El Paradiso
5:30 am Mt. Esperanza

Malapit na ba tayo?” asar na sabi ni Rod kanina pa siya hindi mapakali, minuto na lang at nasa taas na sila Ella at Lance ng bundok.

Malapit na tayo.” sabi ni Val.

Dapat lang para nating tinakbo ang bundok na ito.” hinihingal na sabi ni LJ, mula ng umalis sa gitna kanina hindi na sila huminto maglakad. Iniwan na nga nila ang tent sa pinagtulugan nila kanina.

Nasaan pa ang mga puwedeng daanan ng Lance na iyon.” galit na sabi ni Rod. Kailangan niya makuha si Ella kay Lance dahil siguradong malilito si Ella kapag si Lance ang makasama nito sa tuktok. Na hindi niya papayagan mangyari.

May tatlong daan, kaso imposibleng daanan ang dalawang daan dahil masyadong matarik iyon lalo na at may kasama silang babae. So ito lang ang puwede daan.” sabi ni Val. Bilib siya sa dedikasyon ni Rod umakyat, ngayon lang siya nakakita ng umakyat na bundok na halos hindi napagod at halos takbuhin pa ito, hinihingal na nga sila ni Cris, na sanay na dapat sa ganitong akyatan.

Bilisan natin.” inip na sabi ni Dennis, hindi siya mapakali at ngayon lang ito nangyari sa kanya ang isiping makakasama ni Marie si Steven at mag-hahalikan ang mga ito sa tuktok ng bundok ay nagpapagalit sa kanya.

Pare, mukhang kayong dalawa ni Rod ay  napaka hyper. Iyong totoo nag droga kayo kanina habang tulog kami ‘no.” birong sabi ni LJ, siniko ito ni Patty.

Ayoko lang ng mabagal maglakad mas nakakapagod.” rason ni Dennis na tinawanan lang nila Ramon at LJ.

Dito na lang muna tayo, kalahating oras na lang nasa tuktok na tayo.” sabi ni Cris.

Malamang makakasalubong natin sila dito.” kampanteng sabi ni Val. Masyado mabilis ang pag-akyat na ginawa nila kaya sigurado siyang mas nauna sila kaysa sa kabilang grupo samahan pa na injured ang isa sa mga iyon na si Ella.

Magtago muna tayo.” sabi ni Cris, hindi nila alam ni Val kung bakit sumasali sila sa kalokohan ng mga batang ito. Nang sabihan sila kanina ng apat na lalaki na kailangan makuha, ang dalawang babaeng kasama ng mga ito kanina mula sa kabilang grupo sumang-ayon sila agad.

Dito tayo.”sabi ni Val sa grupo na puwesto sa tagong lugar.

…………………..

Nanlalamig si Ella at alam ni Lance ang kahulagan ng panlalamig ng dalaga, natetensyon ito. Sinulyapan nila Eric at Steven si Ella, kanina pa ito hindi mapakali na parang may kakaiba. Naantala nga ang mabilisan nilang pag-akyat dahil sa binti nito.

Lance sandali.” sabi ni Ella. Alam niyang nakatingin sa kanya ang lahat at kinakabahan siya.

Bhes okay ka lang?” tanong ni Marie nilapitan nito si Ella at sinulyapan nito si Kat dahil ito lang naman ang kasama ni Ella kanina. Kalmado lang si Kat at parang wala itong alam kung bakit nanlalamig si Ella.

Umupo si Ella  tiningnan niya ang oras relo 5:30 na ng umaga, kaunti na lang nasa tuktok na sila ng bundok. Tinanggal niya ang tela sa binti, hudyat na sumasang-ayon siya kay Kat.

Ella okay ka lang?” sabi ni Kat pagkatanggal ng tela sa binti nito, kumawala siya sa pagkakahawak ni Eric.

Tiningnan ni Ella si Kat kinakausap siya nito sa mata. Nagtataka ang tatlong lalaki sa ikinikilos nila Kat at Ella, alam nilang ngayon lang nagkakilala at kanina lang nagkakuwentuhan ang dalawa imposibleng naging mag-close agad ang mga ito, wala sa ugali ni Ella ang makipag-usap na parang close agad.

Tiningnan ni Marie si Ella, nararamdaman niyang may sinabi si Kat dito kaya ito ganito ngayon. Hindi niya puwedeng iwan ang kaibigan at baka mapahamak ito sa kamay ni Kat.

Naiihi ako.” mahinang sabi ni Ella pero nakatingin ito kay Kat.

Sasamahan kita.” sabi ni Kat na ikinagulat ni Marie.

Sasama din ako.” sabi ni Marie, imposibleng maging ganito si Ella sa taong isang oras pa lang niya kakilala.

Tiningnan ni Kat, ang tatlong lalaki.

Diyan lang kami, o baka ayaw niyo pang pa-ihiin si Ella” natatawang sabi ni Kat.

Nakatingin si Ella kay Kat, magaling ito umarte parang easy lang dito ang ginagawa. Naisip niya kaya siguro marami din itong nalokong lalaki dahil sa angking nitong galing sa pag-babalat-kayo.

Bilisan niyo.” sabi ni Steven. Tumingin si Steven kay Eric na nakakunot lang ang noo at waring nag-iisip.

Akin na iyong bag ni Ella. Magpapalit siya, kung gusto mo Marie ikaw na rin. Magpalit tayo ng damit sa banda doon.” sabi ni Kat, kinuha nito kay Lance ang bag ni Ella at ayaw pa sana ibigay ni Lance kaso tinawanan ito ni Kat.

Magpapalit din ako.” sabi ni Marie.

Babantayan ko si Ella, baka imasaker ng babaeng iyan.” bulong na sabi ni Marie kay Steven. Na tinanguan nito, ibinigay ni Steven ang bag ni Marie.

Hintayin mo ako huwag kang aakyat.” sigaw na sabi ni Marie kay Steven.

Marie huwag ka ng sumama?” sabi ni Ella kay Marie ng naglalakad na sila.

Bakit?” nagtatakang tanong ni Marie.

Itatakas ako ni Kat, pupunta ako kay Rod.” bulong ni Ella habang naglalakad sila palayo sa mga lalaki at nasa likuran nila si  Kat.

Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit ka nagtiwala diyan? Paano ang kuya mo?” tanong ni Marie.

Kaya nga huwag ka ng sumama, ayoko naman ako ang magiging dahilan ng pangarap mo sa kuya ko.” sabi ni Ella.

Tiningnan ni Marie si Ella, nahihirapan ito maglakad at hindi niya ito puwede iwan kay Kat. Nahahati siya sa kaibigan at sa kapatid nito.

Okay lang ako Marie. Bumalik ka na kay Kuya.” kinakabahang sabi ni Ella.

Hindi kita iiwan, baka ano mangyari sayo. Saka nahihirapan ka na maglakad.” nag-aalalang sabi ni Marie. Kung puwede lang sana hatiin ang sarili niya, ginawa na niya kanina pa.

Paano ka? Si kuya?” tanong ni Ella.

Uunahan ko na lang si Alyssa, tutal hindi rin naman kasama ni Steven umakyat sa bundok ang babaeng iyon, kasi naroroon na ang bruhilda sa taas.” nakangiting sabi ni Marie.

Marie, sorry.” sabi ni Ella dahil sa kanya hindi makakasama ng kaibigan ang kuya niya sa pag-akyat.

Okay lang iyon bhes.” sabi ni Marie at tinulungan nito si Ella.

Dito tayo,” sabi ni Kat. Dala nito ang bag ni Ella at palinga-linga ito sa paligid. Alam ni Kat, ang ugali ng grupo ni LJ, ito ang mga taong gagawa ng paraan makuha lang ang gusto, sigurado siyang naghihintay ang mga ito malapit sa lugar nila.

…………………..

Hindi ba si Kat iyon?” sabi ni Tiffany lumingon ito kay LJ. Na nagulat din sa nakita.

Bakit siya nandito?” seryosong sabi ni Patty, tumingin siya kay LJ at nakatingin ito kay Kat na paparating.

Kasama niya sila Ella at Marie.” nagtatakang sabi ni Ramon.

Nang masigurong si Ella nga ang kasama ni Kat patakbong lumapit si Rod sa nobya.

Sweetheart, bumalik ka.” sabi ni Rod at niyakap si Ella.

Tinulungan kami ni Kat.” sabi ni Ella napayakap ito sa batok ni Rod.

Okay ka lang?” sabi ni Rod ng makitang parang hirap itong tumayo.

Ang sakit ng binti ko?” sabi ni Ella kay Rod hindi niya binitiwan ang pagkakayakap dito.

Umupo muna tayo.” sabi ni Rod.

Hindi na, gusto ko makita ang paglitaw ng araw sa bundok.” sabi ni Ella.

Pero….baka hindi mo kaya?” sabi ni Rod. Malayo-layo pa sila at kung bubuhatin niya si Ella hindi nila maaabutan ang gusto nitong makita, dahil mahihirapan siyang umakyat na bitbit ito,  masyado ng pataas ang daan paakyat.

Kaya ko. Akyatin na natin iyong tuktok ng bundok.” sabi ni Ella.

Lumapit ang grupo sa kanila, napatingin ang lahat kay Kat na hindi pa rin umaalis.

Kat, salamat.” sabi ni Ella dito. Pero hindi ito umalis at lumapit ito kay LJ.

Tinulungan ko si Ella para sa kaibigan mo. At ikaw ang sisingilin ko.” sabi ni Kat at bigla nitong inilagay ang kamay sa batok ni LJ at hinalikan ang binata.

Hindi pa ito nakuntento ng masuyo nitong inilagay ang kamay sa harapan ni LJ.

Tinanggal ni LJ ang kamay ni Kat sa harapan nito, pero hindi pinakawalan ni Kat ang labi ni LJ.

Oh my God,”bulalas na sabi ni Ella napabitaw ito kay Rod at tumingin sa kaibigan na si Patty na umiiyak sa nakikita.

"Shit" gulat na sabi ni Rod at niyakap nito si Ella dahil masyadong malaswa ang ginagawa ni Kat na paghalik kay LJ.

Tinakbo naman ni Dennis si Marie, na nakatulala sa kay LJ at Kat.

"SPG," nakangising sabi nito kay Marie. At tinakpan ang mata nito.

Sabi ko na nga ba,” di makapaniwalang sabi ni Marie.

Nilapitan ni Tiffany si Patty na umiiyak at hindi makuhang magsalita dahil sa gulat.

Naiiling ang dalawang tour guide na kasama ng mga ito sa ginagawa ng mga kabataan na nasa harap nila.

Ilang minuto rin at kusang humiwalay si Kat kay LJ.

Hindi man ako ang kasama mo sa tuktok ng bundok. Basta nahalikan na kita sapat na iyon para sabihin babalik ka rin sa akin. Hindi nagsisinungaling ang halik mo Lukaz Jeremy.” nakangiting sabi ni Kat. Nakuha pa nitong kumaway bago umalis.

Damn it.” galit na sabi ni LJ tumingin ito kay Patty na umiiyak at yakap ni Tiffany.

Hon,” tawag ni LJ pero wala siyang masabi dito.

Umakyat na tayo.” galit na sabi ni Patty at hinatak nito ang bag kay LJ at naunang naglakad.

Tiningnan ng lahat si Ella sa pag-aakalang, kasabwat siya ni Kat.

Sorry hindi ko alam.” naguguluhang sabi ni Ella at niyakap ito ni Rod.

Umakyat na tayo.” sabi ni LJ at sinundan nito si Patty, mahihirapan siyang magpaliwanag sa nobya at hindi niya alam kung paano sisimulan.

Umakyat na tayo, para maabutan ko si Steven.” sigaw ni Marie at kumawala lang sa yakap ni Dennis at hindi na nakuhang pansinin ito muli.

………………

Nasaan sila Ella?’ tanong ni Eric kay Kat ng bumalik ito.

Natakasan ako. Pinagtulungan ako ng dalawang iyon, nakuha pa akong itulak ni Marie. Nasugatan tuloy ako.” painosenteng sabi ni Kat ipinakita nito ang sugat sa binti na sinadya niyang sugatan sa daan  para hindi siya mapaghinalaan ng tatlo.

Bakit nila ginawa iyan? Ganoon sila kadesperada, sinaktan ka pa talaga?” galit na sabi ni Steven, hindi siya makapaniwalang magagawa iyon nila Ella at Marie.

Umakyat na tayo.” nagtitimpi sa galit na sabi ni Lance.

Hinawakan ni Eric si Kat at sumunod kay Lance at Steven paakyat ng bundok.

Magaling ka pa rin Kat, kahit masakit ang ginawa mo sa sarili mo.”nakangising bulong na sabi ni Kat sa sarili.

AUTHOR'S NOTE

Thank you for reading

Salamat din po sa mga reader

nagcomment sa gawa ko..

Sana po huwag kayo magsawa...

Don't forget to VOTE and COMMENT

Orihinal na nobela ni FifthStreet1883

August 9,2020 3:53 pm

Continue Reading

You'll Also Like

7.3K 157 12
R18 | Mature Content/Language Mauricius Klyde Klatten "Kung para sa kanilang lahat, isang pagkakamali ang mahalin ka then so be it. I will do the sam...
825K 3.2K 5
Kleinder Abbas Salvi X Alexis Julie Alonzo Bachelors Baby series 1:Kleinder Salvi @zerenette NOTE : All the characters in this book have no existence...
3.6K 103 17
Tired of always getting bullied, Adelaida Cruz also known as Adie decided to make decisions that changed her life forever. Unlike sa ibang kababaihan...