Art In His Breath (Japan Seri...

By whiskelle

41.1K 2.2K 2.1K

Second Installment - Kyoto Ang panalangin ko ay... sana'y mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal mo sa sining. M... More

Art In His Breath
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue 1
Epilogue 2

Chapter 9

668 48 40
By whiskelle

Chapter 9

"Kung umuwi muna kaya ako? Pagkakain ko ay magkita na lang tayo ulit?" suhestiyon ko kay Diamond na ngayon ay nasa harapan ko. Sitting comfortably, eyes were fixed on the menu.

Napabuntong hininga ako. Sabi ko nga, hindi mo ako papansinin.

I looked at the menu once again. Ang mahal naman kasi rito!

"Sayang ang nilakad natin kung aalis pa tayo."

Bumusangot ako. Totoo iyon. Napakalayo ng nilakad namin! Nabanggit ko kasi sa kaniya itong restaurant na pinapakyaw ng mga turista. Agad naman niyang sinunggaban ang suhestiyon. Laking gulat ko lang nang malaman na mamahalin pala!

Pinanuod ko ang paglapag ng waitress ng pagkain namin. Tatlong plato na punong-puno ng karne at maraming side dishes ang mga iyon. Namangha ako nang buksan niya ang lutuan sa gitna. Nang umalis ito ay malawak kong nginitian ang kaibigan.

"Tayo ang magluluto?" hindi ko makapaniwalang tanong.

He nodded and handed me the chopsticks.

"Do you know how to cook?" he asked.

"Oo naman!" mabilis kong inagaw sa kaniya ang chopsticks at kumuha ng karne. Maingat ko iyong inilatag sa kawali sa harapan. Nang matapos ay hinawakan ko ang chopsticks sa magkabilang kamay at iniumpog sa lamesa sa tuwa.

I perceived how his eyes spark in glee while watching me express my excitement. Umiling-iling ito at naglagay na rin ng karne sa lutuan.

"Ano 'to?" I pointed at a meat that was color orange.

"Marinated meat," he answered.

"Ah..." Tinango-tango ko ang ulo. Hindi pa ako nakakatikim noon kahit kailan! Mukhang masarap! "Buti ay alam mo? May gan'to rin ba sa Pilipinas? Salsal?"

Kasalukuyang umiinom si Diamond. Natigilan ito at binitawan ang hawak na baso pagkarinig ng sinabi ko. He began coughing frequently and loudly as if he was going to die anytime soon.

"Dayamanti," he scowled, voice is warning me.

Nalukot ang mukha ko.

"B-Bakit?"

Inalala ko ang binanggit. Ayaw ba niyang pag-usapan ang Pilipinas? At bakit naman? Kung hindi naman iyon ang ikinagalit niya... mali ba ang salsal? Tama ang salsal! Kakarinig ko lang kanina, e!

"Samgyeopsal," he corrected, tinapik-tapik niya ang dibdib na para bagang 'di pa tapos sa pagkakasamid. "Not..." He trailed off and then his face crumpled. Mukhang nag-aalinlangan na magpatuloy.

"Salsal 'yun!" pagpupumilit ko. "Kanina binati tayo bago pumasok! Ang sabi pa nga ay 'Welcome to Kyoto Salsal'! Hindi mo kasi pinapansin ang ibang tao! 'Yan tuloy mali-mali ka! Salsal 'yon!"

He captured his lower lip with his blinding white teeth. "Do you even know what that word means?"

"E 'di kainan," makabuluhan kong sagot.

"I told you it is not," nagtitimpi niyang balik. Tila ba iritang-irita na dahil hindi niya ako mapaniwala.

"Kung ganoon, sige. Sabihin mo sa'kin ano ang ibig sabihin ng salsal kung hindi kainan," naghahamon kong untag.

"It's..." He grimaced. "Ha..."

"Ha?"

"Hand job."

Namilog ang mga mata ko.

"Hand job?! Ganito ba 'yon?! Ganito ba 'yon?!" I formed a hole in the middle of my hand and stroked the air up and down.

Diamond's lips parted a bit while watching my hand. Nang mag-angat ng tingin ay inismiran ako at bumuga sa hangin na para bang hirap na hirap sa kung ano.

"That's it. Stop doing it." Matalim niyang tinitigan ang kamay kong hanggang ngayon ay gumagalaw. I hid my hand below the table after his warning. "Kumain ka na at 'wag na munang magsalita."

Malungkot akong tumango habang pinapanuod siyang hatiin ang mga luto sa maliliit na parte. Inialis niya ang ilang side dishes sa harapan ko at ipinalit ang platong punong-puno ng karne.

"Itadakimasu. (Let's eat.)" I slightly bowed my head.

Kumuha ako roon at sumubo. Ang sarap! Muli kong hinawakan ang chopsticks sa magkabilang kamay at ipinukpok sa lamesa. Sinimangutan ako ni Diamond nang makita ang ginawa ko.

"P-Pasensya... Hindi ko sinasadyang magmukhang nagsa..." I paused.

Mas lalong kumurba padapa ang labi niya.

"Continue, Dayamanti. I will definitely kick your ass out of here," anito sa nagbabantang tinig.

"Hindi na..."

Nanahimik nga ako gaya ng sinabi niya. Pinagtuonan ko na lang ng pansin ang pagkain. Susubo na sana ulit ako ng karne nang matigilan. Kinunutan ko ng noo ang katabi naming lamesa na kung saan may ginagawa pa sa karne bago kainin iyon. Sinulyapan ko si Diamond na hanggang ngayon ay hindi pa kumakain dahil abala sa pagluluto.

"Kaya mo 'yon?" Sinundan niya ng tingin ang tinitignan ko.

"Lettuce wrap?" aniya at saka kumuha ng dahon sa gilid ng lamesa. Iyon siguro ang lettuce. Sunod niyang ginawa ay nilagyan iyon ng dalawang pirasong karne at ilang mga side dishes. Tinanong muna niya ako sa bawat paglagay ng mga noon kung gusto ko ba o hindi.

"Ano 'yan?" tanong ko sa kaniya nang may akma siyang ilalagay.

"Cheese."

"Talaga? Paborito ko 'yan!"

"Should I put more?" He raised his eyebrow.

I bobbed my head.

Nang matapos siya ay inabot niya sa akin iyon.

"Here."

"Arigato (Thanks)," I said as I bowed my head. I then ate the wrap.

"How is it?" He patiently waited for me to finish the food in my mouth.

I gestured 'okay' sign at him, flashing a broad smile.

"Masarap!"

Nang matapos kaming kumain ay agad kaming dinaluhan ng waitress. As soon as he paid for the bill, we went straight to our next destination.

"Nakapaglibot-libot ka na ba rito sa Yasaka?" tanong ko sa kaniya pagkatungtong sa Shrine na pinagtatrabahuhan ko.

"No."

"Sabi na nga ba! Lagi ka lang roon sa bungad, 'no? Do'n sa puwesto ko?"

Tumango siya.

"Pumunta tayo roon sa may bandang dulo. Maganda roon... Kukuhanan kita ng maraming litrato," I effused.

Bumilis ang lakad ko sa pagkasabik. Ngunit napahinto ako nang maramdaman ang hindi pagsunod ng kasama. Nanatili ang mabagal niyang lakad. Bumagsak ang mga balikat ko at sumimangot.

"Kaunti lang ang mapupuntahan natin kung ganiyan ka kabagal maglakad..." pagsasabi ko ng totoo.

"It's okay. We don't need to rush."

"Hindi ayos 'yon. Naku, dalian mo!"

I walked closer to him and softly pulled the end of the sleeve of his hoodie. Sinubukan ko siyang hilahin upang mapabilis sa paglakad ngunit ang nangyari ay ako ang nahatak na bumagal. Wala akong nagawa kundi sumabay. Binitawan ko siya nang makalapit kami sa may bilihan ng omamori.

Kinapa ko ang bulsa ng bestida ko kung nasaan naroon ang pera kong dinala. Inilabas ko iyon at nakitang 100 yen lang 'yon. Napagdesisyunan ko kanina na bilhan si Diamond noong omamori ngunit mukhang hindi matutuloy. Hindi ko akalain na isang libo ang halaga noon. Wala pa sa kalahati ang dala kong pera.

"Tara," aya ko sa kaniya sa kabilang bahagi.

Agad din siyang sumunod sa akin.

Lumipas ang isang oras na pagala-gala kami sa loob ng Yasaka. Pagkatapos namin sa isang looban kung saan makikita nang malinaw ang matarik na bundok ng Arashiyama, nag-aya na akong umalis.

"Saglit lang, Diamond."

Bababa na sana kami palabas ng Yasaka ngunit namataan ko ang hilera ng mga tindahan na hindi pa nagsasara.

"Mayroon lang akong bibilhin."

After I said that, his phone rang. Aayain ko na sana siya na samahan ako ngunit mukhang importante ang tawag.

"Sagutin mo na 'yang tawag," sambit ko nang makita ang pagdadalawang-isip sa mukha niya. "Hintayin mo lang ako rito. Saglit na saglit lang ako."

I didn't wait for his response. I instantly turned my back and walked near the mini stores.

Nang makalapit ay mabilis akong naghanap ng maaaring bilhin. Napansin ko na wala na roon ang kaklase kong si Yuki. Siguro ay mabilis na naubos ang benta.

Pinagpatuloy ko ang paghahanap. Agaran kong iniiwas ang tingin sa mga gamit na nagkakahalagang isang daan pataas. Halos makarating na ako sa dulong hilera ngunit wala pa rin akong makita!

Binati ko ang babaeng tindera na nakapuwesto sa may bandang hulihan. Ang mga paninda niya ay puro keychains. Sa wakas at mayroong nagkakahalagang isang daang yen!

I raised the Doraemon keychain and stared at it.

Magustuhan kaya ito ni Diamond? Mukhang pambata! Pero ano'ng magagawa ko kung ito lang ang kaya ko?

At the end, I bought it with hesitance. Bahala na. Kung hindi niya magustuhan ay itatabi ko na lang at ibebenta.

"Domo arigato! (Thank you so much!)" the vendor thanked before I left.

Lakad-takbo kong pinuntahan ang puwesto kung saan iniwan ko si Diamond. Nang makita siya sa malayo ay akin siyang kinawayan. Hindi siya kumaway pabalik. Pinatay lang niya ang tawag at mabilis na itinabi ang cellphone sa bulsa ng pantalon.

I kept the keychain inside the pocket of my dress as I gone close to him.

"May bente minutos pa bago mag-alas-sais. Dalian natin at puntahan na ang kalapit na Templo..." Binaba ko ang hagdanan, nagmamadali, ngunit napatda nang mabilis akong sinabayan ni Diamond at hinarangan ang aking dinaraanan.

"Iuuwi na kita," he said in his low voice.

"Maaga pa naman?"

Sayang naman. Aalis na siya sa Miyerkules! Dapat ay sulitin na ang mga oras!

"Kagagalitan ka ba kung gagabihin ka?" tanong niya.

Hindi ako nakasagot. Tinitigan ko lang siya sa mata. Kahit na mas lamang ako ng dalawang baitang, kinailangan ko pang tingilain siya.

I sighed in defeat. Siguro'y ang tawag na natanggap niya kanina ay pinapauwi na siya.

"Okay, uwi na tayo..."

Sa pag-uwi namin ay walang nagsasalita sa amin. Kung wala ang mga sasakyang nagdaraan, paniguradong bingi na ako dahil sa katahimikan.

Nang makapasok sa looban ng Bamboo Grove, patago kong nilingon ang katabi. He was typing on his phone. Huminga ako nang malalim at itiningala ang langit nang balingan niya ako.

"Sorry. That was rude," he apologized.

"Hindi, ayos lang..." ani ko. "Sino ang katext mo? Iyong kaibigan mong babae?"

"No."

"Oh..." I nodded, still looking at the sky. "Mama mo, kung ganoon? Pinapauwi ka na?"

"Hindi rin."

Hindi ko na sinundan pa iyon. Hinagod ko ng tingin ang kalangitan na sa bawat pagdaan ng minuto ay dumidilim. Nanatiling tikom ang bibig ko hanggang sa malagpasan namin ang riles ng tren. Malapit na kami sa bahay nang magsalita siya.

"It was my cousin," he shared.

Muli akong tumango na parang tanga. Namataan ko ang pagsunod ni Diamond ng tingin sa sinusulyapan ko. I felt embarrassed with what I was doing so I stopped. Binaba ko na lang ang tingin sa palad kong ngayon ay kinukurot.

"Ano ang sabi?"

He cleared his throat. "He said he caught me hanging out with a girl."

I glanced at him fast. My heart throbbed.

"A-Anong sabi mo? Sana'y sinabi mong magkaibigan lang tayo! Baka kung a-anong isipin no'n..." Napalunok ako.

"Of course, I did. I told him that we're just friends."

"Ah." Dumiin ang kurot ko sa aking palad. "Mabuti."

When our house entered my sight, I faced Diamond and talked quickly.

"Salamat nga pala ngayong araw. Bukas ay sa bungad ng Bamboo Grove na lang tayo magkita. Mauuna na ako sa'yo."

Umalis ako sa kinatatayuan at napatda nang maalala ang ibiniling souvenir para sa kaibigan! I turned around and faced him. Good thing he hasn't moved even an inch, he is still there. My eyes caught the shock in his eyes.

Lumapit ako at kinuyom ang kamao na siyang may hawak ng keychain.

"Dapat ay ibibili kita ng omamori. Alam mo ba 'yun? Iyong pampasuwerte at proteksyon. Kaso..." I chortled a little. "Wala akong pera."

His reply was silence. I resumed.

"Maselan ka ba?" tanong ko na nagpakunot ng noo ng kaharap.

Natawa ako sa sariling tanong. Inilabas ko ang keychain na Doraemon at saka marahang idinampi ang labi roon.

"Walang pambili ng omamori. Mahal masyado, e. Ang halik, libre lang," natatawa kong sambit.

Seryosong mukha ang nakaplaster sa kaniya. Napakahirap namang patawanin nitong kaibigan ko!

"I-Ibinili ko 'to para sa'yo..." Ininat ko ang braso at iniharap sa kaniya ang keychain. 

Nag-init ang mukha ko nang marealize na masyado ngang pambata iyong keychain. Lalong-lalo naman ang ginawa kong paghalik doon.

Nakakahiya, Riem!

Walang pasubali kong binawi ang braso bago pa niya tanggapin iyon. Ramdam na ramdam ko na ang pamumula ng mukha. Nagtaka si Diamond sa ginawa kong pagbawi.

"What's wrong?"

Mariin kong kinagat ang labi nang manginig iyon.

"A-Ah... H-Huwag na lang pala... I-Ibibigay ko na lang ito sa iba. Kapag m-may kabuluhan na ang regalo ko sa'yo, doon ko na lang p-pala ibibigay."

His brows furrowed.

"No. Give it to me," he commanded as he stretched his hand.

I stepped backwards and hid the keychain more.

"K-Kay Y-Yuki ko na lang ito ibibigay. P-Promise, ibibili kita sa s-susunod ng mas maayos."

"What? No." He glowered. "You bought it for me, right? Then, give it."

He extended his hand more.

"Ibibili na nga lang kita sa susunod! 'Wag ka ng makulit," medyo inis kong sabi, ang noo ay nalulukot. Ang paghinga ko ay bumibilis dahil sa iritasyon.

"But you bought it for me?"

"Sabing kay Yuki na nga ito!"

"You just said that it's for me." He tilted his head and licked his lips.

"Ang kulit! Kapag nga nagkapera ako ay ibibili kita ng mas mahal! Kay Yuki ko na nga lang ito ibibigay–"

"But the kiss is mine!" 

My heart stopped beating for a moment. And then when it continued, it thumped so hard. Pakiramdam ko ay lalabas ito sa loob anumang oras.

Ginawa ni Diamond na pagkakataon iyon para agawin sa akin ang keychain na itinatago. Nagtagumpay siya. Pagkakuha ay kaniyang itinabi iyon sa bulsa niya.

"That Yuki won't receive the kiss. Sa akin lang iyon."

Hindi ako kumibo.

"I will leave now. You should go inside. Bukas ng alas-siete ay magkita tayo sa tawiran doon sa may riles."

Iyon ang huling kataga na rumehistro sa utak ko. Hindi ko alam kung may sinabi pa ba siya pagkatapos noon. Nang makabalik sa sarili ay wala na siya sa harapan ko.

I'm acting undeniably weird these days. Ang dami kong nararamdaman na hindi kailanman naging pamilyar sa akin. Hindi nakakatakot 'yong pakiramdam. Hindi naman ako nasasaktan. Hindi naman ako hinahatiran ng problema. Ang nakakatakot lang ay si Diamond ang nagpaparamdam sa akin noon.

I am scared that this might be wrong, that this isn't normal.

The idea that I might be the only one who's feeling this scares me.

Gusto kong iwasan. Ngunit ang isipin pa lamang iyon ay nagbibigay na agad sa akin ng matinding takot. Na animo'y hindi ko naman kakayanin.

It was like, avoiding him is harder than bearing this unfamiliar and unusual feelings.

"Juanie, may nagustuhan ka na ba?" tanong ko sa kapatid na nakahiga sa katapat kong upuan.

Napabalikwas ito at saka iginala ang tingin sa loob ng bahay. Nang makumpirma ang seguridad ay inilapit niya ang ulo sa akin at nagtanong.

"Nakita mo ba ulit iyong lalaki?"

"Huh?" lito kong balik.

She rolled her eyes.

"Iyong lalaking may matang hindi mo mawari kung luntian ba o asul?! 'Yung nakita natin sa palengke! Nakita mo ba uli 'yon? May sinabi ba sa'yo?" nanggigigil niyang tanong na para bang sabik na sabik sa isasagot ko.

Umiling-iling ako.

"Hindi. 'Yong una kong kita sa kan'ya, iyon na rin ang huli."

Inismiran niya akong muli.

"E bakit mo ako tinatanong n'yan! Akala ko pa naman ay nagkita kayo!"

"Bakit? Nagustuhan mo iyon?"

Humalakhak ang kapatid.

"Hanggang ngayon! Gusto ko pa rin 'yon!"

"Ah..."

Sa sinabing iyon ng kapatid, ginawa ko iyong pagkakataon upang mangalap ng impormasyon.

"Pang-ilan na 'yon sa mga nagustuhan mo?"

Lumipad ang kamay niya sa baba at hinamas-himas iyon.

"Hindi ko matandaan, e. Pang-dalawampu na yata."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Natawa ako sa sagot ni Juanie.

"Grabe ka naman pala magkagusto."

"Gano'n talaga, Riem! Ang daming guwapo dito sa mundo para kauntian ang mga crush!"

Peke kong sinang-ayunan ang sinabi niya.

"Pero alam mo! Nung makilala ko iyong lalaking 'yon, nahinto na kalandian ko. Siya na lang. Ayoko na ng iba," kinikilig niyang anas.

"Paano mo na lang nalaman na may gusto ka na doon sa lalaki?" pang-iintriga ko pa.

"Uhm..." She looked up, thinking deeply.

Matiyaga kong hinintay ang isasagot niya. At sa bawat segundong lumilipas, nadaragdagan din ang tibok ng puso ko.

"Magsimula tayo sa una..." She paused. "Aksidente lang ang pagkikita namin. Nagsimula sa pagkakaibigan, gano'n."

My heartbeat doubled.

"Tapos nahuhulog na ang loob. At patagal nang patagal, nakaramdam na ako ng pagkailang. Sa tuwing lumalapit ba. 'Di ko alam ang dahilan pero bumibilis 'yung tibok ng puso ko kapag nagkakalapit kami."

After what she said... the strikes of my heart tripled.

But then my heart went in peace when she resumed.

"At saka siyempre, pinakahuli, inamin ko na sa sarili ko. Inamin ko na na gusto ko siya. Kasi noong una itinatanggi ko pa, e. Hindi pa ako sigurado no'n. Pero ngayon, sigurado na ako. Gusto ko na talaga s'ya."

Ang sinabi niyang iyon ay nagbigay ng ginhawa sa akin! Lumuwag ang paghinga ko. Lumitaw ang ngiti sa labi ko habang walang patid na itinatango ang ulo.

What a relief!

"Bakit mo ba naitanong, Riem? Mukhang kuryosong-kuryoso ka, ah!"

I instantly shook my head.

"A-Ah... P-Pinapatanong lang ng kaibigan ko."

"Oh?"

Bumalik si Juanie sa pagkakahiga at sinuklay ang sariling buhok. Inalis ko ang tingin doon at binaling sa palad na ngayon ay mapulang-mapula na. Hindi ko namalayan ang mga kurot na iginagawad ko roon habang magkausap kami ng kapatid.

Sa sinabi ni Juanie, mas lalo lang akong nalito. Hindi ko alam kung ano ang totoo kong nararamdaman. According to what she felt, I'm now two over three. I just hope those aren't stages. I wish I could stop with the second one.

I exhaled deeply.

Feelings suck...

Continue Reading

You'll Also Like

434K 6.2K 24
Dice and Madisson
268K 16.7K 54
Ikaw ang tahanan. Β© 2021 isipatsalita.
5.1K 296 76
an epistolary ; caraehr and chino
167K 4.2K 43
Camille believes that the purpose of her life is to be happy. She wants to find her happiness whatever it takes. Well, she found it... in Nico's arms...