Art In His Breath (Japan Seri...

whiskelle द्वारा

41.1K 2.2K 2.1K

Second Installment - Kyoto Ang panalangin ko ay... sana'y mahalin mo ako kagaya ng pagmamahal mo sa sining. M... अधिक

Art In His Breath
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue 1
Epilogue 2

Chapter 7

619 50 42
whiskelle द्वारा

Chapter 7

"'Di ka ata aalis ngayon?" 

Mas diniinan ko pa ang hawak sa tasa. Habang tumatagal ay nawawala ang panlalamig ng aking kamay. Ang init dulot ng tsaa ay nanunuot sa aking balat. Nilingon ko si Mama na nasa sala, nakaupo at nagbibilang ng pera.

"Hindi po muna. Bukas naman po ulit."

"Sakto! Samahan mo ang kapatid mo na bumili ng sangkap para sa tteokbokki! Sa Market na kayo bumili para makamura tayo. Damihan na rin para hindi pabalik-balik. Tamad pa naman 'tong Juanie na 'to."

"Luh? Ba't ako?! Ako na naman nakita mo!" angal ng kapatid na nakahiga sa upuang katapat ni Mama, ang mga mata ay nasa cellphone na hawak. 

"Bakit?! Hindi ka ba tamad?!"

"Aba! May Junio at Riem pa!"

Ang katabi kong si Junio ay tumayo. Nilisan nito ang hapag at mabilis na dumiretso sa katabing sala. Hinablot nito ang cellphone na hawak ng kapatid na babae.

"Dinamay mo pa 'ko!" anito at bumalik sa katabi kong upuan. "Gusto mo subukan maglaro, Riem?"

"Junio naman!" iritadong sigaw ng inagawan.

Umiling ako sa katabi.

"Okay. Ako na lang," ika nito.

Mabilis na tumayo si Juanie dahil sa narinig.

"Anong ikaw! Na sa 'yo na nga 'yan kagabi! May schedule tayo, ah! Sa 'kin 'yan sa umaga! Sa 'yo sa gabi! Mukha na bang gabi, huh?!"

"Oo, ang dilim dito sa bahay, e," pilosopong banat ng lalaki.

"Ma! Si Junio nga!"

"Ma, si Junio nga," he mimicked Juanie.

Nang hindi na mapigilan ni Mama ay tumayo ito. Kinotongan niya ang babaeng nakatayo, gigil na gigil. 

"Umagang kay ingay," ani ina at hinablot ang cellphone sa kamay ni Junio.

"Hoy, Junio! Kalalaki mong tao! Kung mang-inis ka parang tuli ka na, ah!"

He glared angrily at our mother. Kami naman ni Juanie ay natawa. Hinarap niya kami.

"At kayong dalawa..." She alternately looked at us. "Hangga't maaga, pumunta na kayong palengke."

Nagpapadyak ng paa si Juanie sa sinabi ng ina. Ako naman ay pumasok sa kuwarto at kumuha ng panlamig. Isinuot ko iyon habang naglalakad pabalik ng sala. 

"Ito." Mama handed me the money. "Ibili mo na 'to lahat ng rice at fish cake. Huwag ka ng bumili ng gochujang at napakarami pa rito sa bahay."

"Opo."

"'Wag mong baunin ang katangahan sa palengke, ha," bilin nito sa akin.

"Riem, narinig mo 'yun, ah," si Juanie na galing sa kuwarto, nakasuot na ng jacket na violet.

"Mas grabe ang katangahan mo, Juanie, magtigil ka riyan."

Inismiran ng babae ang ina.

"Uutusan mo na lang kami, tatawagin mo pa kaming tanga. Aalis na nga kami! Tara na, Riem!" hiyaw nito at saka lumabas ng bahay.

"Alis na po kami, Ma," paalam ko sa ina na nakakurus ang mga braso, malalim ang tingin sa akin. Nang mapansin ang titig ko ay ipinadapo ang mga mata sa sahig.

"Umalis ka at nabubuwisit ako sa mukha mo."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Hindi niya sinundan ang pagtawa ko. Sa halip ay pinagbuksan pa ako ng pinto.

"Alis na..."

"Opo..."

"Riem, tara na!" 

Tinanguan ko ang kapatid na naghihintay sa akin. Kinawayan ko ang ina bago siya iniwan doon.

"Babye, Ma!"

Tumabi ako kay Juanie at sinabayan siya sa paglalakad. Sa buong paglalakad namin sa kahabaan ng Bamboo Forest ay puro palatak ng katabi ang naririnig ko. Sinulyapan ko ang iritadong kapatid na halos kapantay ko lang sa tangkad.

Iginala ko ang tingin sa mukha at katawan niya.

She is, like what I said, as tall as me even though she is years older. Her straight hair is pitch black like my mother's. Maganda siya. Ang labi ay manipis, ang ilong ay medyo matangos at ang mata ay itim, ibang-iba sa mata kong kulay maputlang tsokolate. Bumaba ang tingin ko sa balat niyang kasing puti ng niyebe na siyang minsan ko ng kinainggitan. Ganoon rin ang kulay ng kay Junio. Na sa tingin ko ay nakuha nila kay Mama. Ang kulay naman ng balat ko ay galing sa amang moreno.

"Hindi kita isusumbong kay Mama kung tatakasan mo ako ngayon," sabi ko.

Lumabas ang tawa sa kaniyang ilong.

"Bakit ang bait-bait mo?"

Ibinaling ko sa harapan ang tingin. We're almost near at the exit of the grove.

"Hindi naman ako mabait, Juanie."

"Kung sabagay. Masama lang siguro ako."

Natawa ako sa sinabi niya. 

"Hindi ka naman masama..."

"Kakunin-shita (Confirmed). Mabait ka," sambit nito.

"Paano mo naman nasabi?"

"Gan'yan ang mga mababait, e! Kahit na halata namang masama 'yung isang tao, sasabihin nila mabait pa rin 'yon. Para sa kanila, walang taong masama," sabi ng kapatid na tumatango-tango pa na animo'y siguradong-sigurado sa sinasabi.

"Mayro'n ba?" 

"Tignan mo nga! Naku! Ang mga masasamang tao ay nakakalat! Talamak ang mga kagaguhan ng tao sa mundo!" aniya. "Naku, naku! Mabuti't hindi ako si Riem. Ayoko ng ganiyan kabait. Mga kagaya mo ang madalas nasasaktan at naloloko."

I didn't reply.

"May napapalapit ba sa'yo ngayon? Kaibigan? Jowa?"

Kinunutan ko ng noo ang huli niyang binanggit.

"Joha?" hindi ko siguradong pag-uulit.

"Jowa, baka! (stupid!) Nobya o nobyo ang ibig sabihin noon! Kanojo, kareshi! (Girlfriend, boyfriend!) Gano'n!"

"Oh..." I bobbed my head repeatedly. "Wala akong j-jowa."

"Kaibigan na napapalapit sa 'yo?" 

Diamond entered my mind so quick.

"M-Mayroon..."

"Naku..." she drawled. "'Wag masyadong mahuhulog ang loob mo riyan, ah! Lalo na kung lalaki 'yan! Naku, naku, Riem, sinasabi ko sa 'yo..."

"Mabait siya." 

"Walang taong mabait, Riem," mabilis niyang sabi.

Tinignan ko siya at bahagyang pinagtaasan ng kilay.

"Uh, s'yempre... Natatangi ka. Bait mo, e," ika niya at saka binilisan ang paglalakad. "Dalian natin at ayokong makihalo sa maraming tao."

Ganoon nga ang ginawa namin. Kaya naman dalawampung minuto lang na paglalakad ay nakarating kami sa Market. Pumasok kami sa looban kung saan nakapuwesto ang mga nagbebenta ng cakes.

"Kore wa ikura desu ka? (How much is this?)" si Juanie, inaangat ang isang balot ng rice cake.

Inalis ko ang tingin roon at nilingon ang katapat na tindahan. Kumalam ang sikmura ko nang makita ang chicken fingers na piniprito. Gusto kong bumili ngunit wala akong pera. Pinigilan ko ang sarili at ibinalik ang tingin sa kapatid. Abala ito ngayon sa pagbibilang ng sukli. 

"Hoy, Riem, bumili ka ng chili flakes sa iba. Napakamahal dito," pagpaparinig ni Juanie sa tindera sa harapan. 

Hiyang-hiya akong napatingin sa nagbebenta na ngayon ay litong nakatingin sa amin. 

Si Juanie talaga! Mabuti at hindi nakakaintindi ng tagalog ang babae!

"Maghanap ka ng mura. Dalian mo na at ito ang pera." She handed me the money and pushed my shoulder repeatedly.

Umalis ako sa kinatatayuan at sinubukan ang katapat na stall. My stomach vibrated when I smelled the fragrance of chicken tenders. Pilit kong iniwas ang tingin roon sapagkat alam kong matatakam lang lalo ang sarili. Lumiko ako sa katabi nitong tindahan. Mabuti at mas mura ang chili flakes na ibinebenta roon. 

Habang naghihintay ng sukli ay napatingin ako sa lalaking nasa kabilang gilid ng pinagbibilhan ko. Iniikot nito ang isang cup noodles sa kaniyang kamay. When he lifted his gaze, I saw his beautiful blue-green eyes. Napaawang ang labi ko roon ngunit mas nangibabaw ang pagkunot ng noo ko nang marealize na may kahawig ito. 

Lumipad ang tingin ko sa kaliwang banda nang ismiran niya iyon. 

"Nagsasayang..." rinig kong sabi ng lalaki sa gilid.

Nagitla ako dahil sa pagtatagalog nito ngunit hindi ko ito muling binalingan. Pinanuod ko ang paghahagisan ng mga kabataang Hapon ng manok. Napalunok ako habang tinitignan ang isang piraso na nahulog sa sahig. 

I looked away. 

Now I learned that life is not unfair at all. I can't have the things I desire but at least, I know the importance of everything. On the other hand, others can have whatever they want but they cannot see the value it holds. 

Does it make sense? I don't know. 

"Mayaman, e..." bulong ko sa sarili.

Inabot ko ang sukli at aktong aalis na nang magtanong ang lalaki sa gilid. Muli kong nasulyapan ang kakaibang kulay ng mata nito. Mukha siyang dayuhan na hindi nararapat tumapak sa lugar gaya nito. 

"Pilipino ka?"

Napalunok ako.

"Oo. Pero taga-rito ako."

"Riem!" 

Iniwas ko ang tingin sa lalaki at sinilip ang kapatid na papalapit sa akin.

"Riem! Ang tagal mo-" she stopped. My eyebrows met when I saw how her lips trembled while looking at the man beside. 

"Juanie?" kinaway ko ang kamay sa harapan nito. "Juanie?"

Imbes na pansinin ako ay mas lalo lang itong natulala sa lalaki. Binitawan nito ang cup noodles na hawak at saka umalis.

"F-Finn..." my sister uttered .

"Huh?" Marahan kong tinapik ang balikat ng kapatid. "Juanie, ayos ka lang? Sino 'yon? Kakilala mo?"

She shook her head. 

"R-Riem, umalis na tayo," natataranta niyang sabi. Hinablot niya ang braso ko at hinila palabas ng palengke.

Kinunutan ko ng noo ang kapatid. Buong oras ng aming pag-uwi ay tulala siya. Hindi ko naman na tinanong dahil mukhang hindi rin naman niya ako sasagutin. Para siyang wala sa katinuan. 

"Junio, sabihin mo kay Juanie na pagkatapos manghalian ay magbukas ng tindahan. Riem, palitan mo kapag nag-alas-tres."

"Mama, a-ako na sa buong maghapon," I offered.

Nilingon ko ang kuwarto ng kapatid na babae. Simula noong makauwi kami ay nagkulong ito at hindi na lumabas pa. 

"Bahala ka sa buhay mo."

Ganoon nga ang nangyari. Pagkatapos manghalian ay nagbukas ako ng tindahan. Di nagtagal ay umalis ang ina. Hindi nito sinabi kung saan siya paparoon gaya ng lagi niyang ginagawa. Ang kapatid na lalaki ay umalis kasama ang barkada. 

"Arigato! (Thank you!)" untag ko sa customer bago ako nito talikuran. 

"Aalis ako." I glanced at my right side and saw my sister. 

"Saan ang punta mo?" tanong ko, ang kalahating atensyon ay nasa batang bumibili. "Kawaii (You're cute)." Sabay abot ng fish cake.

"Arigato! Kimatte ru ne! (Thanks! You're gorgeous!)"

Pagkaabot sa akin ng bayad ay umalis na ito. Ibinuhos ko na ngayon ang buong atensyon kay Juanie. Abala ito sa paglalagay ng pulang kolorete sa labi.

"Saan ka pupunta?" I repeated.

"May hahabulin lang ako."

"Saan, Juanie? At ano?"

She glared.

"'Wag kang matanong. Saglit lang ako at narito rin ako makalipas ang isang oras. O siya! Aalis na ako!" She handed me the lipstick. My forehead wrinkled while staring at it. "Itabi mo sa loob. Nagmamadali ako."

"H-Hai... (Y-Yes...)"

Umupo ako at pinaglaruan ang lipstick. Minsan lang ako makahawak ng ganoon sapagkat hindi naman ako gumagamit. Madalas kong nakikitang gumagamit noon ay si Mama. Si Juanie ay patago dahil lagi siyang kinakantiyawan ni Junio na nagpapaganda ito para sa lalaki sa tuwing nagsusuot ng kolorete.

Pinagtaasan ko ng kilay ang hawak. Kapag ba nagsuot ako nito ay awtomatikong nagpapapansin na ako sa lalaki? Hindi ba puwedeng para sa sarili ko?

Tinitigan ko ang sarili sa salaming nakadikit sa pader ng kuwarto ko. Pumasok sa repleksyon ang lipstick nang iangat ko iyon. Inikot ko ang dulo nito kaya't lumitaw ang maliit na pulang wax. 

Kagabi, pagkauwi galing ni Juanie mula sa pinuntahan niya ay isinauli ko itong ipinatabi niya sa akin. Ang sabi niya ay hindi na niya noon kailangan sapagkat bibili na lang daw siya ng bago. Sabi niya sa akin ay itapon ko na iyon. Nanghihinayang naman ako na basta-bastang itapon lang iyon dahil alam kong may halaga iyon kahit papaano. Kaya't upang hindi masayang ang ginastang pera para rito, gagamitin ko na lang.

I didn't want a bright red-colored lips so I just swiped my finger onto the lipstsick and then to my lower lip. Ipinagdampi ko ang mga labi sa isa't-isa nang sa gayon ay kumalat ang kulay. Ngumiti ako sa sarili nang magustuhan ang pagkarosas nito. Itinabi ko ang lipstick sa katabing drawer at saka lumabas ng kwarto bitbit ang kahon na puno ng paintings.

"Junio, aalis na ako," pagpapaalam ko sa kapatid na lalaki nang ito lang ang maabutan sa sala.

Mula sa kisame ay dumako ang tingin niya sa akin. Napabalikwas ito nang masulyapan ako. Nagtataka ko siyang tinitigan pabalik.

"Naze? (Why?)"

"Nakamake-up ka?"

I nodded slowly. "Kaunti. Sa labi."

"Bakit sa'yo ay bagay? Bakit kapag si Juanie, parang handa ng ipasok sa kabaong?" 

I frowned. 

"Hindi magandang biro 'yan."

"Totoo naman–" Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa likuran ko. "Juanie! Kagigising mo lang? Kape gusto mo?"

"'Wag mo akong utuin at narinig ko ang lahat!" 

Umatras ako nang mabilis na umabante si Juanie. Walang tigil nitong binatukan ang kapatid na todo sa pagtago ng ulo sa mga bisig.

"Aray ko! Totoo naman! Aray–"

Natatawa kong iniwan ang dalawa at dumiretso na palabas ng bahay. Maaga pa naman kaya't hindi na ako nagmadali sa paglalakad. Inilibot ko na lamang ang tingin sa paligid na nadaraanan. Kahit ata sa susunod kong buhay ay hinding-hindi ako magsasawa na panuorin ang ganda ng lugar na tinitirhan. 

Ang matarik na bundok sa kanan ko ay nagyeyelo. Halos kalahati nito ay kulay puti. Ang mga puno naman ay hindi nauubos. Ang mga niyebe ang nagsisilbing dahon ng mga ito. Mga salaming pader ng mga tindahan sa gilid-gilid ay lumalabo hatid ng malamig na simoy ng hangin. Ang mga tao namang nakakasabay at nakakasalubong ko ay panay ang pagbuga ng hininga sa mga palad, ginaw na ginaw.

Nawala lang sa paningin ko ang lahat ng iyon nang makapasok sa looban ng Yasaka Shrine. Ilan pa lamang sa mga kasamahan ko ang naroroon. Nag-aayos na ang iba ng puwesto. Ang iba naman ay nakaupo sa may gilid, nag-aagahan. 

"Riem!" maligayang bati ni Yuki na mukhang kadarating lang.

"Yuki!" 

Sinuklian ko ito ng ngiti.

"Namiss kita, Riem!"

Malakas akong natawa. "Saglit lang tayong hindi nagkita!" sambit ko, hindi naniniwala sa mga katagang binitawan niya.

He rapidly diverted the topic.

"Akala ko ay tuloy-tuloy na ang hindi mo pagpunta rito! Kinabahan ako!"

"Hindi, ah... Kahapon lang talaga. Hindi na ako papalya sa susunod na mga araw."

"Sugoi! (Great!) Sabi mo 'yan, ah!"

"Oo naman."

Naglakad ito patungo sa mga upuan na nasa gilid. Sinabayan ko ito.

"Nauna ako kaysa sa tiyahin ko. Siguro'y maya-maya ay narito na s'ya. Hintayin lang natin," sabi nito at umupo. 

Tumabi ako sa kaniya. 

"Uh, Riem..." tawag nito. Napatingin ako sa kaniya nang mahimigan ang kahihiyan sa tinig.

I raised my brow.

"P-Puwede bang sa... sa pasukan... tayo na lang ang magkasama sa mga project? O 'di kaya ay sa mga performance tasks?"

"Uh..." 

Nag-init ang puso ko sa tanong niya. Ang simpleng alok niyang iyon ay napakalaking bagay para sa akin! Ang mga nakakapartner ko sa paaralan ay puro napipilitan lang. Walang may gustong makisama sa akin kung hindi si Miro pa na lagi namang nakakasama ni Geraldine sa bandang huli.

"Wala naman s-sigurong masama roon, 'di ba? S-Sa tuwing g-groupings lang naman. Kadalasan ay dalawa, hindi ba? B-Baka gusto mong tayo na lang lagi?"

Sasagutin ko na sana siya ngunit biglang may lumapit sa aming ginang. I immediately lowered my head when I realized that it was Yuki's aunt.

"Ohayou gozaimasu! (Good morning!)" I greeted.

Nginitian ako nito at bumati pabalik. Agaran din itong nag-alis ng tingin. Sinulyapan nito ang pamangkin na ngayon ay seryoso ang mukha. Iginala ko ang tingin habang nag-uusap ang dalawa. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam saglit ang kaklase.

"Saglit lang, Riem. Kukuhanin lang namin ang mga lamesa."

"Sasama na ako–"

"Huwag na! Kami na lang! Dito ka na lang! Dito ang eksaktong puwesto mo, tama?" Inilibot nito ang tingin, kinukumpirma ang sinabi. Umalis rin ito kalaunan. 

Habang hinihintay ang pagbabalik ni Yuki, inasikaso ko ang mga paintings na ipagbibili ko ngayong araw. Kumuha ako sa loob ng kahon at nagbilang. Tatlumpo muna ang ilalabas ko sa una. Kapag may oras pa at malapit ng maubos, doon na lamang ako magdadagdag. 

Kulang pa ng tatlo ang hawak ko. Kumuha pa ako sa kahon na nakapatong sa kandungan ko. Saktong-sakto, nang makuha ang eksaktong bilang ng mga paintings ay siyang pagsulpot ng kaklase sa harapan ko.

"Yuki–"

I stopped.

Buong akala ko ay mukha ni Yuki ang makikita ko sa oras na iangat ang mata. Ngunit hindi. 

A tall man, wearing a maroon-colored hoodie, filled my sight. I swallowed hard as I eyed his cap. It was color maroon, as I quite expected. The color of his cap is always matched with his clothes. 

"Dayamanti," banggit nito sa pangalan ko, paos ang tinig na wari'y nadaanan ng maniyebeng hangin ang lalamunan. 

Napaawang ang labi ko nang ibaba ang tingin sa mga mata nito. Namungay ang akin habang nalulunod sa tsokolateng kulay noon.

I don't know but my heart started beating so wild.

And it felt stupid. 

It felt foolish because I missed him. Those two days were enough to miss him. 

Nakakatawang isipin na hindi ako naniwala sa sinabi ni Yuki kanina sa akin. Ngunit ako mismo ngayon ay nakararamdam ng ganoon.

"Diamond."

"I'm–"

"Riem! Narito na ako!" Napatda si Yuki nang makita ang lalaki sa harapan ko.

"Yuki." Nilapitan ko ang kaklase at kinuha sa kamay nito ang lamesang kahoy. "Salamat."

Binigyan niya ako ng malawak na ngiti.

"Walang anuman! Sige! Pupunta na ako sa puwesto ko!"

"Sige... Mag-aayos na rin ako..." I replied, a bit intimidated because I could feel Diamond's stares!

Akma akong tatalikod nang mapatigil ako dahil sa kaniyang tanong.

"R-Riem, uh, 'yung... pinag-uusapan natin kanina..." He avoided my eyes for a brief moment. "T-T-Tayo na ba?"

I pursed my lips as I pinched my palm. Napakaganda ng alok niya na kami na lang lagi ang magkapares sa mga gawain sa eskuwelahan. Hindi ko na dapat pang tanggihan iyon.

I bobbed my head repeatedly, albeit leisurely.

"Okay. Tayo na."

"Yes!" 

Natawa ako nang bahagya nang sinuntok pa niya ang hangin. He smiled at me widely. 

"Sige! Salamat, Riem! Salamat talaga! At saka oo nga pala! Napakaganda mo ngayong araw! Alis na ako!" tuwang-tuwa ako nitong tinalikuran.

Pinanuod ko ang patalon-talon niyang paglalakad patungo sa kaniyang puwesto. Napakagat ako ng labi nang mag-iwas ako roon ng tingin. Bago ako tuluyang makatalikod ay nasulyapan ko ang kunot-noong pagtitig ni Diamond sa sahig. 

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

5.1K 296 76
an epistolary ; caraehr and chino
105K 3.3K 49
COMPLETED • WATTY AWARDS 2019 WINNER All her life, Brianna Andi Manumbayao lived in luxury thanks to her politically involved clan. When it's all ab...
268K 16.7K 54
Ikaw ang tahanan. © 2021 isipatsalita.
468K 14K 34
Accounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all the struggles she'd been through. She's fi...