THE DAY SHE WENT AWAY (Comple...

By jhaeann_16

3.3K 87 21

Nagbalik si Maristel sa isang lugar na wala na siyang plano pang balikan para sa isang business na i-la-launc... More

Introduction
Characters
PREVIEW
PROLOGUE (The Spanish House)
CHAPTER ONE (Jade Maristel Montoya)
CHAPTER TWO (Rafael Victor Montoya III)
CHAPTER THREE (The Past)
CHAPTER FIVE (The Mysterious Man)
CHAPTER SIX (The Rebel)
CHAPTER SEVEN (My Hero...)
CHAPTER EIGHT (The Break-Up)
CHAPTER NINE (One Sweet Night)
CHAPTER TEN (Young Love)
CHAPTER ELEVEN (Her Unexpected Doom)
CHAPTER TWELVE (She's Back)
CHAPTER THIRTEEN (Reunited)
CHAPTER FOURTEEN (Answers To The Mysteries)
CHAPTER FIFTEEN (They'll Meet Again)
CHAPTER SIXTEEN (Tears From The Innocent)
CHAPTER SEVENTEEN (Love Find Ways)
CHAPTER EIGHTEEN (The True Identity)
EPILOGUE (The Wedding Day)
AUTHOR'S ACKNOWLEDGEMENT

CHAPTER FOUR (Her Beloved Bad Boy)

98 4 1
By jhaeann_16

"Go home...my sweetheart. And stay away from trouble."

 

- Christian -

---

MARISTEL blinked back her tears. Itinuon niya ang paningin sa kalsada at kunwa'y nag-aabang ng masasakyang tricycle. Halos hindi siya humihinga dahil alam niyang lumalapit ito. Mayamaya pa'y nasa tabi na niya si Christian. May maikling sandali itong nakatayo roon bago nagsalita.

"Salamat sa pag-aalala mo, Mari," he said gently. "Not that I don't appreciate it. I do. But not just Danica, you will also implicating your cousin as well if you told them about the pouch." Huminga ito ng malalim at tumingin sa paligid nila bago ibinalik ang mga mata sa kanya.

"At kung totoo man ang narinig mo, hindi lang iyong attempted carnapping ang iaakusa ngayon ni Tandang Alfredo sa akin. Hindi ko nakuha ang pouch at nakita kong dinampot niya iyon kanina habang nagpapatawag siya ng pulis."

"Alam mo ba ang tungkol sa laman ng pouch, Christian?"

He looked at her in the eye. "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong wala akong alam kung ano ang laman ng pouch na iyon nang sabihin nila sa akin na buksan ko ang kotse?"

"Naniniwala ako sa iyo," mabilis at tiyak niyang sabi. "You are my friend, Christian. Alam kong hindi mo magagawa iyon. Pero kung nakita at nasilip ni Kapitan Alfredo ang pouch ay iisipin niyang sa iyo iyon kaya binubuksan mo ang kotse niya. At sa sandaling makarating sa admin ng SBU iyon, ma-e-expelled ka!"

His smile was without humor. "Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng sasakyan niya nang mahuli niya ako kaya natitiyak kong alam ni Kapitan Alfredo kung kanino ang pouch at kung bakit ko binubuksan ang kotse niya. Worse comes to worst, they won't find a trace of drug in my body."

"Pero gusto niyang sa akin iyon ibintang kaysa kay Danica kung magkakabistuhan. The carnapping accusation was only a ploy, Mari. Dahil sa reputasyon ko, hindi malayong isipin ni Tandang Alfredo na ako ang nang-impluwensya sa anak niya. He could accuse me of pushing." His face darkened. Then, "Huwag kang mag-alala, hindi niya ako maipakukulong. Kinakabahan kasi siyang madawit ang anak niya."

"Sasabihin mo ba kay Hepe at sa papa mo ang katotohanan?"

Umiling ito. "No. Natitiyak kong naitago na ni Tandang Alfredo ang pouch."

"At ni ayaw mo man lang ipagtanggol ang sarili mo." She let out a weary sigh and stomped her foot childishly. "Bakit mo ginagawa ito, Christian?"

"What do you think I am doing, sweetheart?" His tone suddenly gentled.

Malimit nang gamitin ni Christian ang endearment na iyon sa kanya sa kabila ng alam niyang walang malalim na kahulugan iyon dito. Pero hindi pa rin niya maiwasang masiyahan sa tuwing naririnig niya iyon sa mga labi nito para sa kanya.

"Bakit may pakiramdam ako na sinasadya mo ang lahat ng mga kalokohang ito? Bakit tuwang-tuwa ka na ipakita sa lahat ang pagiging delingkwente mo?"

"And you believe I am not?" he asked, more amused than anything else.

"Yes!"

Sandaling tinitigan siya nito; his face void of any emotion. Pagkatapos ay nag-angat ng mukha at kinawayan ang isang tricycle. Nang huminto iyon sa tapat nila'y hinawakan siya nito sa braso at ipinasok sa loob.

"Go home, my sweetheart," wika nito. "And stay away from trouble."

---

"BOOM! HULI KA!"

Biglang nasira ang stroke ng huling letrang naisulat ni Maristel sa diary niya at umekis iyon sa papel. Mabilis niyang itiniklop ang diary at napabangon mula sa pagkakadapa sa kama.

She glared at her best friend. "Ano ka ba naman, Marjorie! Muntik na akong himatayin sa gulat sayo ah! Bakit ka ba nanggugulat?!"

Marjorie rolled her eyes ceilingward. "Ang OA naman nito. Hindi naman ako nanggugulat, ah.” she said defensively. "Sobra lang ang concentration mo dyan sa diary mo kaya hindi mo ako narinig. By the way, totoo nga bang nahuli sa akto si Christian na kakarnapin daw ang isangdaang taon nang kinakalawang na kotse ni Kapitan Alfredo kanina? Ang tiyaga naman ni Christian, puwede nang ibenta sa bote't diyaryo ang kotse ng matandang yun, ah,"

"Sinabi mo pa!" ang paingos niyang sang-ayon. "At tsaka hindi totoo iyon. Sa akin ka maniwala."

"Hindi kaya biased ka lang? Lagi mo na lang ipinagtatanggol ang lalaking iyon sa mga kalokohan niya."

"He is my friend, Marjorie. Kaya ko ipinagtatanggol si Christian ay dahil alam kong inosente siya sa ibinibintang sa kanya. At kung ikaw ang malalagay sa ganoong sitwasyon ay ipagtatanggol din kita."

Marjorie looked contrite. "Ano na naman ba ang ginawa ni Christian? Bakit niya pinagnasaan ang bulok na kotse ni Kapitan Alfredo?"

"Ikaw na nga itong nagsabi na pwede nang ibenta sa bote't diyaryo ang kalawanging kotse ni Kapitan Alfredo. Aanhin naman ni Christian ang kakarag-karag na kotse ni Kapitan Alfredo gayong mas maganda at mas mahal ang kotse niya? A vintage for that matter. At duda ako kung maipagbibili niya ang kotse ni Kapitan na sindihan na lang ng posporo ay masusunog na."

"Hmm. Kunsabagay." Napangiti ito.

Naupo si Marjorie sa gilid ng kama niya. Sinulyapan ang diary na kipkip niya sa dibdib. On her friend's lips was the sliest smile she had ever seen.

"Ano naman ang ibig sabihin niyang ngiti mo na yan?" she asked a little defensively.

"Nasilip ko yata ang isinulat mo dyan sa diary mo..." Inginuso nito ang diary niya na humigpit pang lalo ang pagkakakipkip niya.

"So? Kahit naman ikaw ay may diary rin, diba?" Tumayo siya at inilagay ang diary sa loob ng aparador at sinusian.

Lumabi si Marjorie. Nilaro ang ruffles ng kubrekama niya. "Totoo naman iyon. At ang laman ng diary ko ay mga crushes ko na kilala mong lahat dahil kahit na nakasulat sa diary ko ay hindi ko mapigilang sabihin sayo. Pero ikaw ay lagi mo na lang itinatago yang diary mo. At nagkataong nasulyapan ko ang isinulat mo na 'my beloved bad boy." 

Kumunot ang noo niya. Nakadama ng inis. "Bakit mo sinilip? Alam mo bang unethical iyan!?"

"Huwag ka ngang defensive dyan. Akala ko ba'y walang lihiman? Alam ko namang crush mo si Christian Montealto ah. Mga bata pa lang tayo, noh!"

Napasinghap siya ng malakas. "Hindi ah! Magkaibigan lang kami ni Christian!"

Again, Marjorie rolled her eyes. "Denial queen kang talaga. Para kang showbiz! Si Christian ay kaibigan ang turing sayo. Eh ikaw sa kanya?"

Nang hindi siya makahagilap ng sagot ay nagpatuloy ito. "At ano naman kung malaman kong crush mo si Christian? Marami namang may crush sa lalaking iyon sa school sa kabila ng kanyang bad boy image. Nabasa ko yata sa isang magazine na napakadali para sa mga babae na mahulog ang loob sa mga katulad niyang bad boy type. It's psychological, you know." wika nito na tila eksperto sa sinasabi.

"Really? Paki-explain mo nga kung bakit?"

"It is because woman felt that they can tame the beast in the man."

"Hoy! Kailan ka pa naging shrink?!" Niyakap niya ang unan at humiga pahalang sa kama at tumitig sa kisame. Hindi nga lang niya napunang halos natutuklap na ang kisameng plywood mula sa pagkakapako nito. Ang nakikita niya roon ay ang mukha ni Christian.

"Kapag nalaman ng iba iyang sinasabi mo'y hinding-hindi na kita kakausapin kahit kailan." she warned her friend.

"My mouth is sealed." Kunwa'y sinarhan nito ang imaginary zipper sa bibig. "Pero mas natitiyak ko na ikaw mismo ang magkakanulo sa sarili mo dahil napaka-obvious mo. Tumitindi sa paglipas ng mga araw. Paano kung mahalata ni Jelene ang paghanga mo kay Christian?"

Napangiwi siya ng lihim. "Ganoon na ba talaga ako ka-obvious?"

Umingos si Marjorie. "Kasinliwanag ng sikat ng araw sa katanghalian. Kahit pa nga hindi ko basahin iyang diary mo, alam na alam kong crush mo si Christian. Ano na nga iyong sinasabi nila? You are wearing your heart in your sleeves."

She worried her lip. "I'll be very discreet from now on."

"Dapat lang! Alam mo naman yang pinsan mo, hindi ko maintindihan ang ugali. Kunsabagay ay hindi naman talaga kayo magkadugo. Lolang malayo mo na si Lola Ignacia mo, di ba?" Hindi siya nito hinintay na sumagot at muling dinugtungan ang sinabi.

"Hindi ko nga maintindihan kung ano ang nagustuhan ni Christian dyan sa Jelene na yan. Kunsabagay, hindi mo naman masisisi si Christian dahil maganda naman si Jelene. She would give some bold actress a run for their money." Marjorie flared her nose. "Anyway, Christian is your older crush. Bukas-makalawa'y iba na naman ang crush mo."

"Oh, I am sure," she said airily. Pero sa kaibuturan ng puso niya'y hindi niya gustong mabaling sa iba ang lihim niyang damdamin kay Christian Montealto.

"Iyong stepbrother niya kaya ang pagka-crush-an mo?"

"What?! Kay Louie? Yuck!" nanghihilakbot niyang sabi. "Ang tanda na n'on sa atin ah!"

"Pero guwapo naman. Parang artista. Tisoy at brown pa ang buhok na alam na nating natural."

"At hambog, mayabang, arogante. What else?"

"At bastos."

"So, there. Paano ako magkaka-crush sa ganoong uri ng lalaki? Ikaw ba'y crush mo?"

Sumimangot si Marjorie. "No way. Pero hindi ba't si Christian man ay may masamang reputasyon sa lungsod na ito? Hindi ba at may bulung-bulungan nang hindi mananalo si Governor Leonard sa susunod na eleksyon dahil sa mga kalokohan ni Christian."

"Kilala na natin si Christian mula pa man noong mga bata pa tayo, Marjorie. Wala akong natatandaang may sinalbaheng babae o binastos si Christian."

Sa nakalipas na dalawang taon mula nang matuklasan nila ang Spanish House sa gulod ay marami nang pagkakataong nagtutungo sila roon.

At bagaman hindi sila magkasabay ay dumarating ito sa tuwing naroroon siya na parang bang nag-usap sila. Kalimitan kapag siya naman ang nauna ay kasunod itong dumarating. At wala siyang natatandaang pagkakataong nabastos siya ni Christian o sinasamantala nito ang pagkakaibigan nila.

They enjoyed each other's company. Ang pagtatalo at palitan nila ng opinyon. With Christian, she could laugh to her heart's content. Walang reserbasyon. Kahit naroroon pa ang hardinero, minsan ay nakikingiti ito sa kanila mula sa malayo. At pagkatapos ay bigla-bigla na lang itong nawawala.

At nang maging kasintahan ni Christian si Jelene ay siya ang unang nakaalam dahil sinabi nito. Little did Christian know he had broken her heart on that day.

Napabuntong-hininga siya. "Naging barumbado at takaw-gulo si Christian magmula lang nang mag-asawang muli ang papa niya sa mama ni Louie."

"Kunsabagay nga. Governor Leonard married a woman who isn't even fit to carry Christian's dead mother's slippers." Nahiga sa tabi niya si Marjorie. "Kalimutan na nga natin iyang boyfriend ng pinsan mo. Ang pag-usapan naman natin ay yung tungkol kay Mickson...yung transferee sa school..." Then Marjorie's eyes turned dreamy.

---

"DALHAN mo nga kami ng isang tasang kape, Sprite at ham and cheese sandwich, Maristel!" sigaw ni Jelene na pinili ang corner table malapit sa dulong counter at pagkatapos ay naupo sa silyang hinila ni Christian.

"Self-service ang canteen, Jelene," ani Christian na nakarating sa pandinig ni Maristel. Nang mag-akma itong lumakad sa counter ay pinigilan ito ni Jelene.

"Hayaan mo siya," awat nito, umangat ang kilay at sinulyapan si Maristel habang inihahanda sa tray ang order nila. "Dadalhin niya rito sa mesa natin ang order natin. Para ano pa at naging magkamag-anak kami kung hindi ako nakakahingi ng pabor?"

Pabuntong-hiningang bumalik sa upuan si Christian. Ilang sandali pa'y lumabas ng counter si Maristel at dala ang tray na may lamang kape, soft drink at sandwiches.

"Thanks, Maristel," nakangiting sabi ni Christian at inabot ang tray mula sa kanya.

Tipid na ngiti lang ang isinagot niya at tumalikod upang bumalik na uli sa likod ng counter.

"Paanong ang pinsan mo'y nagpa-part-time job sa canteen at ikaw ay hindi?" Umabot sa pandinig niya ang tanong ni Christian. "Hindi ba at pareho naman kayong pinapaaral ng grandaunt nyo?"

Umikot paitaas ang mga mata ni Jelene. "Paano'y sipsip kay Lola iyan," wika nito na ang animosity sa tinig ay hindi itinago. "Anyway, bakit ba iyang pinsan kong Miss Goody-Two-Shoes ang pinag-uusapan natin?"

Nakuha na ng isang estudyanteng lumapit sa counter ang atensyon niya na humihingi ng basong may yelo. Subalit nahinto siya sa paglalagay ng yelo sa baso nang marinig niya ang mahinang hagikgik ni Jelene. Nang lumingon siya'y nakita niyang nakadikit sa tainga ng pinsan niya ang mga labi ni Christian na hindi niya mawari kung may ibinubulong o humahalik.

Ang pagguhit ng sakit sa puso niya'y hindi inaasahan ni Maristel. It was as if a big hand had clutched her heart that she actually felt the pain. Dumulas sa kamay niya ang hawak na baso nang bigla niyang hawakan ang dibdib at bumagsak iyon sa sahig. The glass splintered into a multitude of razor-sharp fragments.

Nakuha niya ang atensyon ng mga kasamahan sa canteen at gayundin ang estudyanteng bibigyan niya ng basong may yelo. Pero hindi niya inaasahan ang biglaang pagtayo ni Christian mula sa kinauupuan nito at dumukwang sa counter. Nang makitang tumalungko siya upang damputin ang mga piraso ng basag na baso ay patakbong umikot ito sa loob ng counter.

"No! Huwag mong hawakan ang mga bubog!"

Subalit huli na ang babala nito dahil sinimulan na niyang damputin ang mga piraso ng nabasag. At dahil nagulat siya sa biglaang paglapit ni Christian, a sharp sliver sliced into the tender fleshy mound at the base of her thumb. Blood welled from the wound, dripping to the floor. Humalo iyon sa tubig mula sa natutunaw nang yelo.

"Tingnan mo nga iyan at nasugatan ka!" ani Christian at agad itong tumalungko sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya at sinuri ang nasugatang daliri niya. Then he took a handkerchief from his pants pocket and pressed the yellow handkerchief against the wound.

"T-thank you. Pero walang anuman ito, Christian. Maliit lang ang tibo." He was too close for comfort. Pulgada lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya at nalalanghap niya mula rito ang cologne nito.

Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na ganoon siya kalapit nito. Katunayan ay hindi na niya mabilang magmula nang matuklasan nila ang Spanish House. Pero walang pagbabago sa nagiging reaksyon niya. Ikinaiilang pa rin niya iyon na kulang na lang ay pagpawisan na siya. At the same time, there was the aching longing in the deepest region of her heart.

And in that moment, the whole area seemed to be on fire.Nararamdaman niya ang pamumuo ng mumunting pawis sa noo niya. And to her horror, she was gaping at him through her eyeglasses, sa gitna ng ilang taong nakapaligid. Abruptly, she pulled her hand from his grip before she made a fool of herself.

"Ano ba namang katangahan iyan, Maristel?!" singhal ni Jelene mula sa labas ng counter. "Iyong kaunting sweldo mo'y babawasan pa ng pambayad mo dyan sa basong nabasag mo!"

"Hindi ko naman pababayaran ang baso, Jelene! Mura lang iyan!" wika ng concessionaire na bahagyang nainis dito.

"Hindi naman sinasadya ni Maristel ang pagbasag sa baso, Jelene." ani Christian sa girlfriend, a slight reprimand in his tone. With one hand cupping her elbow, he gently pulled Maristel to her feet.

"Halika na nga!" ani Jelene sa boyfriend. "Nawala na ang gana kong mag-meryenda! Ang arte masyado! Tibo lang iyan! Napakalayo sa bituka!"

"You press the hanky firmly against the cut. Mamaya lang ay mawawala na ang dugo. Dalhin mo kaya sa clinic iyang kamay mo nang malapatan ng first aid."

Tumango ito at muling niyuko ang daliri niya. "Keep the hanky." Lumabas na ito mula sa loob ng counter at sinundan ang girlfriend na palabas na ng canteen.

"Minsan ay hindi ko maintindihan kung paanong nagagawa ni Christian ang mga kalokohan niya," nagbubuntong-hiningang wika ng canteen concessionaire na sinundan ng tanaw ang palabas na binata, "gayong kung tutuusin ay mabait naman siya't maalalahanin."

"Hindi ko rin naiintindihan..." ang bulong niya sa sarili, pagkatapos ay niyuko ang panyo ni Christian na nakatali sa daliri niya.

"Isa pa iyang si Jelene," patuloy ng concessionaire. "Kung ituring ka niya'y tila alila ka sa kanila."

Hindi na niya pinansin ang sinabi nito. Sa halip ay yumuko siya upang hindi mapuna ng mga kasamahan niya ang isa pang ngiting nanungaw sa mga labi niya. Lalabhan niya ang panyo ni Christian...doon lang sa nabahiran ng dugo at pagkatapos ay itatago niya.

(Christian's picture at the side --->)

(Vote, Comment and Support)

Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
517K 19.2K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
614K 22.7K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.