Sapphire Academy: School of N...

By justcallmecai

5.4M 274K 566K

(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hid... More

Sapphire Academy
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60 (Part 1)
Chapter 60 (Part 2)
Epilogue

Chapter 8

79.1K 4.6K 5.7K
By justcallmecai

Please use the hashtag #SapphireAcademy if you're going to tweet/post about this story. You may also tag me @cailameneses on twitter and instagram.

Chapter 8

Crush

Hindi ko alam pero para akong bata na gustong umiyak ngayon. This is so badtrip!

"I already told you! I don't mean it! Bakit ba ayaw mong maniwala? Gano'n ako kasama sa paningin mo? Spoiled brat? Privileged?"

Hindi siya sumagot kaya mas lalo lamang ako na-frustrate.

"I'm really sorry!" I said, trying so hard not to cry. "Nasabi ko lang naman 'yun kasi ang sabi ni Xuri, bagay daw kayo ni Claire! Nainis ako kasi ayoko kay Claire! Nainis ako kasi crush kita!"

When I realized what I've said, agad akong napatakip sa aking bibig.

"Crush mo ako?" He smiled playfully.

I was taken aback.

Marahas akong umiling. "N-No! I did not say that!"

"Weh? Narinig ko, eh..." pangugulit niya pa.

"Parang tanga! No nga!" sabi ko pa at tinaasan siya ng kilay.

Nakakainis! Bakit ko ba nasabi iyon? Wala talagang preno 'yung mouth ko! Argh!

Hindi ako pwedeng umamin dahil baka hindi niya naman ako i-crush back! Nakakahiya lang! Itatanggi ko to the highest level! Hindi ko kailanman ipapahiya ang angkan naming mga Gonzalez!

"'Di mo ako crush?" tanong pa niya at nakuha pang humakbang papalapit sa akin.

My breathing hitched.

"O-Of course not! "Asa ka!" sabi ko at mabilis siyang tinalikuran.

Maglalakad na sana ako pero tinawag niya ang pangalan ko kaya naman muli akong lumingon sa kanya. "What?" I asked him.

"Just for the record, hindi ka masama sa paningin ko, Cal..." Jax said and my heart skipped a beat.

Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko kaya dali-dali ko siyang tinalikuran. "Hindi pa rin kita crush!" sabi ko at tumakbo na palayo.

Habag umiinom ng tubig sa Cafeteria ay para akong hihimatayin. Did I really say that? Oh my gosh! It's super nakakahiya! Hindi ko na siya kayang harapin!

Hindi na ako bumalik pa sa gym. I'll just excuse myself. Sasabihin ko na lang na biglang sumama ang pakiramdam ko... It's not a lie naman kasi sumama naman talaga dahil doon sa biglaan kong pag-amin! I feel so vile!

I'll make bawi na lang tomorrow, I can't afford to lose points!

Habang nag-aadvance reading ako sa mga lessons ay para bang lumilitaw na lang ang mukha ni Jax sa mga libro ko. Oh my God! Ano ba baman 'to?

Remember your motto, Cali?

Readings before feelings!

Bigla namang tumunog iyong phone ko at instagram notification iyon. Sa kasamaang palad, Jax sent me a direct message. I took a deep breath before I opened it.

jaxelicious: Hi!

jaxelicious: Sent a photo

Tinignan ko naman iyong picture na sinend niya at screenshot iyon ng shared post ko sa Facebook 1 year ago!

Cali Gonzalez shared a post:

Isang hi naman diyan crush

Oh my God? Paano siya umabot sa post ko 1 year ago? Is he stalking me?! And that's not even me who shared that post! It was Kuya Kai being so pampam and hacked my account!

jaxelicious: wish granted :>

Nanlaki ang mga mata ko roon at halos mabitawan ko na ang cellphone ko.

caligonzalez: Hindi kita crush!

Nanginginig pa iyong mga kamay ko habang tinitipa iyon. I will deny it until I graduate here in this school!

jaxelicious: HAHAHAHA oo na sabi mo e

I rolled my eyes. Encyclopedia ba siya? Ang kapal, eh!

caligonzalez: That shared post was a year ago. STALKER!

jaxelicious: quits lang, stalker ka rin naman madam :P

Bago pa ako makapag-reply ay may nag-notify naman sa facebook ko.

Jax Pereira liked your status

Agad nanlaki ang mga mata ko at tinignan kung anong status iyon. What the hell?

Cali Gonzalez:
Love is like a rosary, full of mystery ^_^  #Qoutes #CaliG

Oh my God! Iyon ata ang unang-una kong post sa Facebook!

jaxelicious: Qouter naman pala

Agad akong nag-type ng reply.

caligonzalez: So epal!!!

Akala niya ba hindi ko siya babawian? Humanda siya!

I immediately went to Jaxith's profile and clicked the oldest year there is. Lintik lang ang walang ganti!

Jax Pereira:
bk8 k nmn 6nyn... chan66ala badTripk >;[

I immediately liked the post and sent him a message.

caligonzalez: badtrip naman pala :(

jaxelicious: POTA

Sumakit ang tiyan ko kakatawa sa reply niya, pero mas namilipit ako nang makita pa iyong mga old posts niya.

Puro picture iyon ng FarmVille niya at pinagyayabang ang iba't-ibang uri ng tanim niya roon. My gosh!

caligonzalez: FarmVille pa!

jaxelicious: Pet Society pa!

Oh my God! May posts din ako ng Pet Society? Well, it was my favorite game before!

We spent the night teasing each other about our old Facebook posts.

I got conscious all of a sudden, kaya naman bago nahiga ay mabilis kong chineck ang uploaded photos ko. Baka kasi next time iyon naman ang pestehin niya!

Well, I don't post a lot of pictures for security purposes. I only have a couple of selfies, pretty naman kaya okay lang kung i-stalk niya 'yun.

Nakahiga na ako pero nakita kong may ig story si Jax. Pinindot ko iyon na sana ay hindi na lang...

It was a picture of him with that very same girl. Parang nasa isang vacation trip sila rito at mukhang ang saya-saya nilang dalawa. Binasa ko naman iyong text doon sa picture. 'Inaalala lang kita. Naguluhan kasi ako bigla.'

I don't understand, but it suddenly hit me. Hindi lang 'to friendship... At least not to him.

Gumuhit ang pait sa lalamunan ko. I really need to uncrushed him right away! Mahirap magka-crush sa taong lubog pa sa iba...

Dami pa naman diyan... Malay mo next week may iba na akong crush! Hingin ko rin kaya 'yong listshan ni Gelo?

Dahil hindi ako makatulog, I googled 'How to move on from your crush?'. Ilang sites ang pinagtitignan ko. I'll jot down at least five!

1. Do something to make yourself feel special.

A big yes! I'll go shopping on weekends! Kailangan ko ng new bags, shoes, clothes, and accessories! I'll buy my favorite milktea rin...

2. Spill your feelings to a friend.

I should definitely do this. I'll talk about crush stuff with Gelo, Xuri, and Cat first thing tomorrow!

3. Go big on distraction.

Yes, that's right! Magsusunog na lang ako ng kilay lagi para hindi siya maisip! Study all day, everyday!

4. Stop looking on their social media accounts.

Nanlaki ang mga mata ko roon. Alright, fine! I'll try my best! Siya pa naman ang bungad lagi mapa-facebook man or instagram!

Should I unfollow him? But no, that would be so obvious!

5. Try to limit contact with your crush, if you can.

Oh, yes! I definitely will! Iiwasan ko na talaga ang taong 'yun one way or another!

I woke up early in the morning just so I could avoid Jaxith. I even skipped breakfast and went straight to the Greenhouse right away!

"Batla ka, nandiyan ka lang pala!" boses iyon ni Gelo at may dala-dala pa siyang isang buong egg pie.

"Kanina ka pa namin hinahanap! Dito na lang tayo mag-breakfast!" si Xuri naman.

Si Cat naman ay tumabi sa akin at inabutan ako ng bottled coffee. I love my friends!

Habang kumakain ay ang dami nilang chika, pero para akong wala sa wisyo. Hindi pa rin mawala sa isip ko iyong sa kahapon. Basta, iiwasan ko na si Jax.

Bigla namang pumasok sa isip ko iyong tip Number 3. Tama! Spill your feelings to a friend!

"Guys, curious lang..." sabi ko sa kanila pagkatapos ko humigop ng coffee. "Nagtapat na ba kayo sa crush n'yo ever?"

"No!" sabay na sigaw ni Xuri at Cat.

"Yes!" si Gelo naman. "Kaso blinock ako bigla pagtapos!"

Napailing na lang kami at nagtawanan. Wala talagang magandang dulot 'tong crush crush na 'to, eh! Hays!

"Why are you asking? Don't tell me magtatapat ka sa crush mo?" Naningkit ang mga mata ni Xuri sa akin. Babaeng 'to talaga!

"N-No!" agad kong tanggi.

I was supposed to spill my feelings to them but I suddenly got so embarrassed! Hindi ako sanay sa mga ganitong usapan! I never had a crush like this before!

"Sino ba? Si Jax?" tanong ni Gelo at halos mabilaukan ako roon.

"Si Grant? Si Chance?" si Xuri naman.

"Si Theo?" mahina ang boses ni Cat nang sabihin iyon.

Sumakit ang ulo ko sa kanila. "No nga! Wala!"

Nakita kong papasok na sina Grant at Jax dito sa Greenhouse kaya dali-daling akong tumayo.

"CR lang ako, ah..." sabi ko sa kanila at tumakbo na.

There's a comfort room and a mini kitchen here in the Greenhouse just at the back of the wall where the glass board was stuck. Hindi pa namin nagagamit iyong mini kitchen dahil hindi pa siya fully furnished at kulang pa sa gamit.

I'll just stay here inside the comfort room. Lalabas na lang ako pag narinig ko na iyong voice ni Prof. Somero. I just can't stay near with Jax!

Sa lahat ng minor subjects with Prof. Somero, I ignored Jax. So far so good, Cali...

Agad akong nag-panic no'ng lunch break nang makakita ng space tabi ko. Jax usually sits beside me and I just don't want to be near him right now!

Papalapit na si Jax nang bigla kong hinatak si Theo para magpalit kami ng upuan.

"Problema mo?" si Theodore habang naglilipat ng pinggan. "Masama kaya maglipat pag kumakain na! Magpapalit-palit din daw ng asawa!"

"Utang na loob, Theo!" sabi ko at naupo na sa puwesto niya. Saan niya ba nakukuha ang mga pamahiin niya?

I saw how Jax looked at me and just quietly sat beside Theo.

Our food today is Adobo rice with a banana and chocolate chip cookie on the side.

"Ano ba ang panghalo sa Adobo?" Jaxith asked out of the blue.

Tahimik lang akong kumakain.

"Chicken or pork," Gelo started. "Tapos toyo, suka..."

"Onion, garlic, pepper..." si Xuri naman.

"Bay leaves," dagdag pa ni Cat.

Panay lang ang kain ko at hindi nakikisali.

"Ah, ganoon ba... Akala ko kasi sandok," Jax said.

Agad akong nabulunan at muntik nang maibuga 'yong nasa bibig ko.

"Half ampota ka nga!" sabi pa ni Gelo habang malakas ang pagtawa.

Tawa rin ng tawa si Theo pero nang mapansin na ubo na ako ng ubo sa tabi niya ay inabot niya iyong tubig niya sa akin. Kukunin ko na sana iyon pero napansin kong bukas na at mukhang nainuman niya na.

"I'll just buy one," I told him while clearing my throat.

"Cali, oh..." tawag ni Jax tapos ay inaabot sa akin iyong bottled water niya. "Hindi pa bukas 'to."

Napalunok ako bago tanggapin iyon. Kainis! Hindi nga papansinin, pero kinuha mo naman iyong tubig niya... Ang contradicting, Calixta, ah!

"T-Thanks..." sabi ko at uminom na.

Hinagod naman ni Theo iyong likod ko habang umiinom.

"Sabi ko na kagaguhan lang 'yong tanong mo, eh..." Theo told Jax. "Kailan ka ba nagka-interes sa pagluluto?"

Kahit nga si Grant na walang muang, napainom ng tubig, eh... Sino ba kasing hindi mabubulunan do'n?

Sa mga sumunod pang subjects, ang hirap na hindi pansinin si Jax dahil majors ang mga iyon at kami lang ang Star Sapphire Class sa course namin... Pero nagagawa ko naman. Every time na walang discussion, kunwari ay nagbabasa na lang ako ng libro para mag mukhang busy ako at hindi niya ako guluhin!

Sana, parang isang pitik lang din ang pag-uncrushed! Ang hirap din pala nito! Nakakapagod din ha!

"Iniiwasan mo ba ako?" Jax asked me.

Papunta na ako ngayon sa kasunod na major subject namin. Nasa likod ko lang pala itong si Jax at sinusundan ako! Gosh!

"Hindi, ah..." giit ko at patuloy lang ang paglalakad.

"Eh, ba't ka lumalayo?" he asked again.

"H-Huh? Kailan?" patay malisya kong tanong.

"No'ng break... Hindi ka naman do'n umuupo? Pwesto ni Theo 'yon," aniya.

Patuloy lang akong naglalakad at panay naman ang sunod niya sa akin.

"A-Ah... Eh, mainit kasi. Cold doon sa pwesto ni Theo," pagdadahilan ko pa. Kasi naman!

"Tapos kanina no'ng kinakausap kita, nagbabasa ka, eh, baliktad naman 'yong libro?" aniya at agad akong napahinto.

Oh my God naman! So bobo, Cali! Argh!

Saglit pa akong natigil dahil wala akong masabi. "I-I'm day dreaming!" giit ko at naglakad na ulit.

"Ha?"

"I said I'm–"

"Hamazing!" Jax said with hand gestures. Oh, Lord!

Hindi niya ba talaga ako titigilan? Paano mawawala ang attraction kung lagi siyang nakadikit? I'll pray for it na lang?

"Can you just leave me alone? 'Wag mo na akong sundan!" sabi ko.

Natawa naman siya bigla. "Jusmiyo marimar, baka parehas tayo ng klase?"

Shems! Oo nga pala!

Halos magdikit iyong kilay ko dahil sa inis. "You're so epal!"

"Sabi nga rin nila," agap niya.

He's hopeless. I'm hopeless!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad para hindi na mapahiya pa. Binilisan ko pa ang lakad ko.

"Cali!" tawag ni Jax doon sa likuran. "Anong sabi ni Mother Donut kay Baby Donut na nasa taas ng puno?"

What now? Is that a mind game or something?

"Anak, bavarian!" siya iyong sumagot at tawa pa siya ng tawa. Jesus Christ!

Malapit na kami sa classroom pero hindi ko na kaya!

Agad ko siyang hinarap at nagpamewang ako. "Ano ba? Nagpapansin ka ba sa 'kin ha? Crush mo ba ako?!"

Jax looked at me like he was amazed of something.

"Baka," aniya.

Continue Reading

You'll Also Like

blame. By closed.

Fanfiction

247K 6.5K 124
in which the cba muse was nonstop annoying the cba president, not realizing things suddenly went serious and downhill- including her own feelings. t...
1.4M 56.2K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
1.6M 77.2K 44
(Garnet Boys Series #2) Aurelia turns out to be the daughter of a big time criminal. And she lost everything because of it... Yaman, mga kaibigan, at...
687K 15.1K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...