Chapter 3

96.8K 5.2K 9K
                                    

Please use the hashtag #SapphireAcademy if you're going to tweet about this story so that I could see it. Thank you!

Chapter 3

Assignment

"You can count on me like 1, 2, 3..." kumanta pa siya at agad akong napapikit sa pumipiyok-piyok niyang boses.

Pinigilan ko ang tawa ko.

"Really tho... Thank you," I said. I may still be irritated at him, but what he did for me earlier makes me want to cry! But of course I won't, my mascara is mahal, eh...

Nagsimula na akong maglakad palayo.

Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin. "'San ka?" he asked. "Mamaya pa 'yong sunod na klase. Kain tayo?"

Nanuyot ang lalamunan ko sa narinig. Kain... Pagkain... Baka maalala na naman niya iyong pagkaing inagaw ko! Argh!

Bago pa ako makapagsalita ay tumunog na iyong phone ko. Sinagot ko naman agad iyon nang makita kung sino ang tumatawag tapos ay sinenyasan ko ng 'wait lang' si Jax.

"What's up my lil crazy conyo sister?" I heard Kuya Kairon's voice in the other line.

Oh my gosh! I miss my Kuya!

"Whatever!" I told him. "Miss me?"

He laughed. "Always! You? Do you miss your handsome Kuya?"

Natawa naman ako roon. "I miss you so much! How's school?"

"They call me Commander here... Being the President is actually kinda cool. I just don't like the Vice President," he said. "How about you?"

"I'm good... We have a ranking thing here," I told my Kuya. "I'm number one–" naputol ako nang makita ko ang paniningkit ng mga mata ni Jax. Argh! Gosh! Oo nga pala, 2 na lang ako! "Number two, I mean... in the overall."

"That's good, Cali! And hey, I called to tell you that don't forget to take care of yourself. 'Wag magpuyat and drink milk! I need to go now, I love you!" Kuya said.

Napangiti ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "Yes, I will! Take care too! I love you more!"

Pagbaba ng phone ay tahimik lang si Jax. "G-Gusto mo pa bang kumain?" I asked him.

Saglit pa siyang natahimik at tila iniisip ang susunod na sasabihin. "Y-Yeah..." aniya. "Kaso hindi ba magagalit ang boyfriend mo niyan?"

Natawa naman ako. Boyfriend?!

"What boyfriend?" I asked, confused.

"'Yong kausap mo?" aniya at kitang-kita ko iyong pag-igting ng panga niya.

Agad akong umiling. "That's my Kuya! I don't have a boyfriend!" I told him. "I'm single."

"Ako rin, single..." ani Jax.

"I'm not asking!" sabi ko. Bakit ba napunta na sa ganito ang usapan namin? Tinatanong ko lang naman siya kung gusto niya pang kumain!

"Kahit na! Gusto ko lang sabihin!" giit niya na parang may sama ng loob.

I suddenly got curious. Why is he single looking like that? He should have like 20 girlfriends already...

"Why are you single?" I asked him.

Parang nagliwanag iyong mga mata niya. "Now, you're interested!" pambubuyo niya.

"As if! Pero bakit nga?" pilit ko pa.

"Eh, ikaw? Ba't ka single?" balik niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ako ang naunang nagtanong!"

Sapphire Academy: School of NoblesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon