RYNCHELLE'S POV
"Nakita mo ba si Rose?" Tanong ko ng makasalubong si Xyra na kakalabas ng kwarto at mugtong-mugto pa ang mata. Ano naman kaya ang nangyare dito at umiiyak ito? Napailing nalang ako
"M-malay ko, pagdating ko dito walang tao miske isa" pumipiyok at namamalat niyang saad sanhi ng matagal niya na sigurong pag-iyak
Kumunot ang noo ko sa sagot niya. "Walang tao? Pero Imposible iyon, laging may naiiwang tao rito tuwing umaalis tayo. It's either sila manang or ang maids--teka nasan nga pala si Manang?" Muli siyang nagkibit balikat at nilagpasan ako. Abat--. Wala talagang kwenta kausap 'tong conyo na ito.
"RYN! XYRA! RYN! RYN! XYRA MARIE LEIGH! RYNCHELLE LANE HEARTLY!!!!" Nagkatinginan kami ni Xyra at agad nagtatakbo papuntang kwarto ni Ash ng sumigaw ito ng paulit-ulit
"Anong nangyare? Bat ka sumisigaw?" Agad kong sambit ng makapasok sa loob ng kwarto nito. Lumingon siya sa amin at lumapit tsaka tinapat sa mukha namin ang cellphone niya. Kunot noo ko muna siyang tiningnan bago ibalik ang tingin sa cellphone.
Napamaang ako sa nakasulat. Paano? Kailan pa ito! At bakit?!
From: Toxic Flower
I'm inviting all of the Gangster all over the world to come in the underground tomorrow. Because it's time to replace the Queen to a new and powerful one!
Get Ready! It may surprise you once you knew who will be the new Queen.
Nagkatinginan muli kaming tatlo, ilang segundo ang lumipas bago ko nagawang magsalita
"May kinalaman ba dito ang pagkawala ni Queen at Rose?" Kinakabahan kong sambit
HELLIANNA'S POV
Nagising nalang ako ng nakatali sa isang upuan, punong-puno ako ng kadena. Napangisi ako, Masyado naman ata silang takot na makawala ako, tsk.
Nag-angat ako ng paningin ng may nagbuhos saakin. Mahina akong natawa ng maamoy na alcohol ang ibinuhos niya
Ngumise siya sakin "Nagising ka ba sa sakit?" Napabungisngis ako sa tanong nya. Dahilan para kumunot ang noo niya "Tumigil ka! Walang nakakatawa sa sinabi ko!" Sigaw nya, triggered eh?
"Baka nakakalimutan mo, manhid na 'ko sa kahit anong sakit"
"Ah ganun pala!" Lumapit siya sa akin at sinuntok ako sa mukha tsaka niya ako sinipa pagkatapos. Ngumise siya "Hindi paren ba masakit?" Sobrang taas na ng tingin niya sa sarili ngayon tsk tsk tsk
Ngumiti lang ako sa kanya at dinura ang dugo na nasa bibig ko "Wala Kang pinagbago. Mahina ka paren" Umuusok na ang ilong niya sa galit. Pinagsusuntok at sipa niya ko ng paulit-ulit. Pumikit lang ako at tinanggap lahat ng suntok at sipa na binibigay niya sa akin. Totoong manhid na ako pati na ang katawan ko kung kaya't hindi na ako makaramdam ng sakit.
Nang mapagod siya ay hinihingal siyang napaupo sa sahig "Tapos na? Sayang hindi manlang ako nasaktan" Saad ko sa tonong nanghihinayang dahilan para tingnan niya ako ng matalim
"Wala ka ring pinagbago! Mayabang ka paren! Sarili lang ang iniintindi at walang puso!" Sigaw niya pabalik. Natawa ako ng mapait "Ano dika makapagsalita? Tinamaan ka ano?" Ngumise siya
if you only knew Megan, if you only knew what i did before just to save you and your family.
Tiningnan ko lang siya. Nag-iwas siya ng tingin at tumayo. "May ipapakita nga pala ako sayo. Isang supresang paniguradong magugustuhan mo" Naglakad siya papalayo sa akin at pumunta sa harap ng computer.
Ngayon ko lang napansin ang paligid kung nasaan kami ngayon. Sa mismong hide out nila niya ako dinala. Napailing ako hanggang ngayon engot ka paren bulong ko sa hangin na paniguradong hindi niya narinig sapagkat tuloy tuloy paren siya sa pagdutdot sa computer. Lumingon siya sa akin at ngumise, tsaka siya dahan-dahang lumayo sa harap ng computer. Nanlaki ang mata ko sa dalawang babae na nasa screen ngayon. Lumingon ako kay Megan ng bigla siyang tumawa
"Enjoying the view eh?" Patawa-tawa niyang tanong
"Demonyo ka Megan! Alam mo kung gaano kahalaga sakin 'yang dalawang iyan! Mahalaga sila sakin dahil kapatid ko sila. Bakit kailangan mo silang idamay? Hindi ka pa ba nakukuntento na nakuha mo na ako? Ganyan ka na ba kademonyo ngayon?"
Naningkit ang mga mata niya at Nakita kong may bumaksak na luha agad niya itong pinunasan at hinarap ako.
"Sino ba ang dahilan kung bakit ako naging ganto? Nung nanghingi ako ng tulong sayo! Hindi mo ko pinakinggan! Pinabayaan mo lang ako. Pinabayaan mo lang mamatay ang pamilya ko!" Natigilan ako at di nakapagsalita. Nag-iwas nalang ako ng tingin sa kanya. "Nung mga panahon na kailangang kailangan ko ng masasandalan. Nung mga panahon na kailangang kailangan ko ng kaibigan. Pinabayaan mo ko at iniwan, mas inuna mo yang kagustuhan mong ipaghiganti ang pamilya mo! Hell ano ba ko sayo noon? Diba magbestfriend tayo? Pero pinabayaan mo ko at iniwan! Wala kang kwenta kaya naging demonyo ako! Dahil wala akong ibang choice!"
"Pero isa ka pareng demonyong tanga" Kumunot ang noo niya at tila inaantay ang sasabihin ko. "Dahil sa lahat ng naghihiganti. Ikaw lang ang tangang sumanib sa grupo ng mga taong siya ring mismong pumatay sa pamilya mo. Para lang makaganti ka sakin!" Nag-iwas siya ng tingin. Mahabang katahimikan ang nangyari sa paligid namin noon. Tinalikuran niya ako at lumabas ng kwarto. Napayuko nalang ako.
Kung pede kong lang sabihin sayo ang lahat nung araw ding iyon ginawa ko na Megan. Dahil isa ka rin sa mga taong pinapahalagahan ko. Bulong ko habang nakatingin sa pinto kung saan siya lumabas
CASSANDRA'S POV
Napapikit ako ng mariin ng makaramdam ako ng sobrang sakit ulo. Kumunot ang noo ko mg makitang nakatali ako sa upuan. Muli akong pumikit at inalala ang mga nangyari bago ako mapunta sa sitwasyong ito.
"Ate Magan? Ano ito? Bakit?" Natatakot kong saad ng pinahuli niya ako sa dalawang nakakatakot na lalaking nakaitim na kasama niya. "Diba? Magkakampi tayo?"
Nagulat ako ng bigla siyang tumawa at pagkatapos ay tiningnan ako ng masama "Kahit kailan hindi na muli ako magtitiwala sa mga kadugo ng Hertz!" Naguguluhan ko siyang tiningnan
"P-pero hindi ako isang Hertz! Parehas tayong galit kay Ate Hell kaya bakit pati ako ginaganito mo?" Kinakabahan kong saad.
"Simple lang. Gagawin kitang pain kay Hell, para masiguradong kong susunod siya sa ipapagawa ko sa kanya" muli siyang ngumise ng nakakakilabot sa akin
"Pero hindi ko maintindihan! Hindi ako isang Hertz! Kaya bakit mo ko gagawing pain sa kanila?"
"Bobo! Isa kang Hertz! Lumaki ka kang sa piling ng mga peke mong magulang dahil sa Lion Burts Organization!" Ano? Naguguluhan ako. Ano itong sinasabi nila? Ako? Isang Hertz? Kailan pa?
Natigilan ako sa pag-iisip ng may narinig akong umungol. Ungol na nasasaktan, lumingon ako sa kaliwa ko at nanlaki ang mata ko ng may nakita akong babae!
Dahan-dahan niyang naidilat ang mga mata niya bago lumapat ang paningin niya sa akin. Kumunot ang noo niya.
"Who are you?" Ngunit agad din siyang natigilan ng mapatingin siya sa Kwintas ko "Cassandra...." Rinig kong bulong niya.
"Bakit alam mo ang pangalan ko?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya
"Do you have tattoo like angel wings with a crown above in your right shoulder?" Nanlaki muli ang aking mga mata
"P-paano mo nalaman yan? Sino ka? At bakit alam mo yan?!" Kinakabahan kong sigaw. Ano ba itong pinasok ko? Nagsimula lang naman magulo ang buhay ko ng makilala ko ang mga nerds na iyon! Akala ko sa wakas magkakaroon na ko ng mga kaibigan. Pero bakit ganto? Lahat ng tinatago ko ay unti-unting lumilitaw?
Matagal ko nang tinatago ang tattoo ko sa kanang balikat dahil pagmay aksidenteng nakakakita nito ay natatakot at lumalayo saakin. Ang sabi naman sa akin ni Mama ay meron na daw ako nito mula pa ng isinilang ako. Yung kwintas na padlock na sout ko ay mula pagkabata ay hindi ko na ito mahubad. Ang sabi sakin ng iba. May kapartner daw ang kwintas ko at iyon ay ang susi, na siya ring susi para mabuksan ang padlock na kwintas ko. Ngunit pagtinatanong ko si Mama tungkol dito ay ningingitian niya lang ako at hindi sinasagot. Kaya napagod ren ako katatanong at hindi na sumubok pa
"A-ate Cass" Naluluha nitong sabi habang nakatingin sakin
Ate Cass?! What the hell?!