Not Just an Ordinary Love : 1...

By FifthStreet1883

53.1K 4.3K 833

Ang pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayo... More

Not Just An Ordinary Love
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25 -SPG-
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28 -SPG-
Kabanata 29 -SPG-
Kabanata 30 -SPG-
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38 : Kat's Confessing to LJ
Kabanata 39 : Dennis Indecent Proposal to Kat
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42 Eric and Marie
Kabanata 43
Kabanata 44 -SPG-
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48 -SPG-
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52 -SPG-
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55 Rico vs Rod's Madness
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59 : Rod's Love
Kabanata 60
Kabanata 61 : Lance vs 3
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67 : CluBee War
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70 :Dennis War to Marie
Kabanata 71
Kabanata 72 : Marie and the 3 boys
Kabanata 73 -SPG-
Kabanata 74 : Bar Plan
Kabanata 75 : Meeting of angels and devils
Kabanata 76 : The Devil's Kingdom
Kabanata 77 : Kian vs 2
Kabanata 78: Wish Upon The Star
Kabanata 79
Kabanata 80
Kabanata 81
Kabanata 82: Destiny
Kabanata 83: Angel of Darkness
Kabanata 84: Darkside
Kabanata 85: How did you know
Kabanata 86: Believer
Kabanata 87: Falling
Kabanata 88: Demons
Kabanata 89: Closer You and I
Kabanata 90: You're the Reason
Kabanata 91: Girls Like You
Kabanata 92: Listen to your Heart
Kabanata 93: It's You
Kabanata 94: Jealous
Kabanata 95: In the Name of Love
Kabanata 96: Fight like a Girl
Kabanata 97: Just Let Me In
Kabanata 98:SPG: Love Me Like You Do
Kabanata 99: SPG: Electricity
Kabanata 100: Symphony
Kabanata 101: The Feeling
Kabanata 102: Only Fools Fall In Love
Kabanata 103: Pray
Kabanata 104: Savage Love
Kabanata 105: Please don't Say You Love Me
Kabanata 106: Just Friends
Kabanata 108: I Hate Love
Kabanata 109: I Fell In Love with The Devil
Kabanata 110: Undo
Kabanata 111: Bad Liar
Kabanata 112: Look What You Made Me
Kabanata 113: Shape of You
Kabanata 114: I Like You So Much, You'll Know It
Kabanata 115: Rewrite the Stars
Kabanata 116: Sweet But Psycho
Kabanata 117: No Maybes
Kabanata 118: Flashlight
Kabanata 119: I Won't Give Up
Kabanata 120: They Don't Know About Us
Kabanata 121: Unexpectedly
Kabanata 122: Say I Love You
Kabanata 123: Secret Love Song
Kabanata 124 : Love Story
Kabanata 125: Marry You
Kabanata 126: I'll be There for You
Kabanata 127: Perfect
Kabanata 128: I Can
Kabanata 129: Run Devil Run
Kabanata 130: You
Kabanata 131: You Changed My Life
Kabanata 132: 10000 Hours
Kabanata 133: Devil's Don't Fly
Kabanata 134: The Devil Has Come
Kabanata 135: When I Saw You in Heaven
Epilogue: Dying Inside to Hold You

Kabanata 107: I Fell in Love with My Bestfriend

263 20 6
By FifthStreet1883

(Just play the theme song for this chapter)

"Minsan nag seselos na ako sayo." birong sabi Marie kay Lance naglalakad sila ng mga oras na iyon papuntang building A. Dalawang linggo na rin mula nang nabalitaan nilang may relasyon sila Lance at Ella. At sa dalawang linggong iyon lagi magkasama ang dalawa.

"Bakit naman?" natatawang tanong ni Lance nakaakbay ito kay Ella. Habang si Marie ay nakahawak sa braso ni Ella.

"Kasi inaagawan mo ako ng bestfriend." parang batang sabi ni Marie.

"Grabe ka naman. Puwede ka naman sumama sa amin." natatawang sabi ni Ella. Mula kasi ng nag-usap sila ni Lance sa canteen isang buwan na ang nakalipas laging nasa Art Room tumatambay si Ella. Nag-eenjoy din kasi siya magpinta kasama ng binata.

"Huwag na istorbo lang ako. Nandiyan pa naman si Patty, saka lagi ako nililibre ni LJ." nakangiting sabi ni Marie.

"Nakakahiya naman kay LJ. Ililibre na lang kita mamaya. Para makabawi ako sayo." nakangiting sabi ni Ella kay Marie.

"Nakakahiya kay Lance." birong sabi ni Marie.

"Grabe ka. Okay lang sa akin. Ibibili kita ng mani." natatawang sabi ni Lance kay Marie.

"Sabi mo iyan ha." sabi ni Marie at huminto ito sa paglalakad.

Nagtaka sila Ella at Lance sa ginawang paghinto ni Marie.

'Bakit?" takang tanong ni Ella.

"Sandali lang kukuhanan ko lang kayo ng picture ni Lance. Ang cute niyo kasing tingnan. Biruin niyo bestfriend lang kayo dati tapos naging kayo na." kinikilig na sabi ni Marie at kinuha ito ang cellphone at kinuhanan nga ng picture ang dalawa na stolen shot.

"Ano ba iyan Marie, hindi ka man lang nagbilang." inis na sabi ni Ella nakatingin pa lang siya kay Lance para sana tanungin ito kung okay lang at saktong nakatingin rin sa kanya ang binata nang mag click ang camera ni Marie.

"Stolen shot friend. Mas maganda kaya." kinikilig na sabi ni Marie ipinakita nito sa dalawa ang larawan.

"Nakakahiya. Burahin mo." namumulang sabi ni Ella ng makita ang picture.

"Okay lang iyon babe. Maganda nga." natatawang sabi ni Lance.

"Ipopost ko ito sa facebook at sa twitter ko." kinikilig na sabi ni Marie.

"Grabe ka talaga. Huwag iyan iba na lang. Burahin mo." inis na sabi ni Ella at akmang kukunin nito ang cellphone ni Marie pero nagtago ito sa likod ni Lance.

"Okay lang iyan bhes. Ang cute kaya. Bagay nga kayo ni Lance." natatawang sabi ni Marie.

"Nakakairita." napipikong sabi ni Ella ayaw niya ang naturang larawan masyado nakakailang dahil magkalapit ang mukha nila ni Lance doon.

"Ayan naka post na, na-tag ko na kayong dalawa." natatawang sabi ni Marie kay Ella.

"Burahin mo." inis na sabi ni Ella.

"Okay lang iyon babe." natatawang sabi ni Lance at niyakap nito si Ella ng akmang hahablutin nito si Marie.

"Dapat hindi ka pumayag." sabi ni Ella kay Lance. Pero tinawanan lang siya ng dalawa.

"Hi Ella. Hi Marie." bati ni Tiffany hindi nila namalayan tatlo na nakalapit na pala ito kasama si Ramon na nakaakbay kay Tiffany.

Pasimpleng bumitaw si Ella kay Lance pero hinigpitan ng lalaki ang pagkakayakap sa kanya.

"Papasok ka pa lang? Hindi ba alas-syete ang pasok mo?" tanong ni Marie, alas otso na ng mga oras na iyon at dahil wala naman teacher sila Ella ng first subject kaya pumasok sila ng late gayundin si Lance na may meeting naman ang first subject teacher nito.

"Mamaya pa rin ang pasok ko. Maaga pa nga masyado, kaso hindi ko nasabihan si Ramon. Nasundo niya ako ng maaga sa bahay, kaya ito maaga kami." nakangiting sabi ni Tiffany.

"Kami din kasi. Baka excited din ang mga teachers at admin sa one-week trip sa El Paradiso. Two weeks na lang kasi makakapunta na tayo doon." excited na sabi ni Marie kay Tiffany.

"Kaya nga e. Hi Lance, nakita ko iyong painting niyo ni Ella sa second exbihit. Congrats balita ko iyon ang pinaka malaking value. I mean one million pesos lang naman ang value ng painting niyong dalawa." masayang sabi ni Tiffany.

"Salamat. Bonding kasi namin ni Ella iyon. Ayaw nga niya isama, pinilit ko lang siya." nakangiting sabi ni Lance pero napansin nito ang masamang tingin ni Ramon sa kanya.

"Nice move." sarkastikong singit na sabi ni Ramon. Siniko ito ni Tiffany.

"Una na nga kami. Maya kita-kita tayo sa uwian, birthday ko." nakangiting sabi ni Tiffany.

"Talaga so saan ang kainan?" sabi ni Marie.

"Sa karaoke bar malapit lang dito sa Academy. Invited kayong tatlo pakisabihan na rin si Patty." sabi ni Tiffany at hinila nito si Ramon palayo.

....................

"Pare napatawag ka?" tanong ni Ramon ng paghatid niya kay Tiffany sa classroom nito biglang nag-ring ang cellphone niya.

"Kailangan ko ng baril. Ihanda mo pag-uwi ko." seryosong sabi ni Rod sa linya.

"Oo pare may nakahanda na. Kailan ka uuwi?" nakangising sabi ni Ramon.

"Two weeks na lang. Nagpapalamig muna ako. Ang hayop na Kian nagising na pero pumunta ng Italy para magpagamot." natatawang sabi ni Rod.

"Mukhang madidiskaril ang career ng dahil sayo, mukhang hindi na makakanta." natatawang sabi ni ramon.

"Huwag lang siya uli magpapakita. Tutuluyan ko na siya." maangas na sabi ni Rod.

"Bakit pala two weeks ka pa bago umuwi?" nagtatakang sabi ni Ramon.

"Para surprise." sabi ni Rod napahinto sandali ito bago magsalita muli ito.

"Namimiss ko na sila Ella, shit. Hindi ko matanggap na ganoon lang niya ako kadali ipinagpalit." galit na sabi ni Rod. Nakita niya ang post ni Marie sa social media account nito kanina lang na picture nila Ella at Lance.

"Ano balak mo sa dalawa?" tanong ni Ramon.

"Basta ihanda mo iyong baril may tatakutin lang ako. Sige na pare, hindi ako puwede matagal makipag-usap. Nakabantay si Rico sa mga tawag ko. Tatawagan na lang kita uli." nagmamadaling sabi ni Rod at pinutol nito ang linya.

.........................

"Bhes, huwag mong sabihin hindi ka sasama sa birthday ni Tiffany mamaya." sabi ni Marie nasa classroom na sila at nagsusulat ng notes.

"Siguro hindi." kibit balikat na sabi ni Ella.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Patty.

"Alam niyo naman invited din iyong mga kaibigan ni Rod. Naiilang ako at hindi ko rin ma-eenjoy." sabi ni Ella at ipinagpatuloy nito ang pagsusulat.

"Magtatampo si Tiffany. Saka sino ba pinunta mo doon? Siya naman, hindi naman ang mga kaibigan ng ex mo." sabi ni Marie.

"Kahit na. Kailangan lumayo muna ko sa kanila para tuluyan ko na makalimutan si Rod." malungkot na sabi ni Ella.

"Kayo na ni Lance. Hindi ba unfair naman kay Lance kung hanggang ngayon iniisip mo pa rin iyong sasabihin ng ibang tao sa inyo dalawa ng ex mo." sabi ni Patty.

Tiningnan ni Ella ang dalawang kaibigan, hindi niya masabi sa mga ito na hindi naman talaga sila ni Lance. Pero ang panget naman para kay Lance kung ipagsasabi niya sa iba ang pagkukunwari nila.

"Bhes, sumama ka na. Para totally malimutan mo si Rod. Sanayin mo ang sarili mo lagi makita o makasalamuha ang mga kaibigan niya para masasanay ka rin na kahit nakikita mo iyong mga kaibigan niya, parang wala na lang sayo." sabi ni Marie.

Naisip ni Ella siguro nga tama ang mga kaibigan niya. Baka kung sakali nga masanay siya makita ang mga nag-papaalala sa kanya kay Rod, malilimutan niya ito at baka dumating ang araw na puwede na niyang mahalin si Lance.

"Okay para kay Tiffany." nakangiting sabi ni Ella.

"Yessss." sabay na sabi nila Marie at Patty

...................

"Sure ka, okay lang sayo sumama tayo?" tanong ni Ella kay Lance nasa Art Room sila ng mga oras na iyon.

"Oo naman. Si tiffany naman ang pupuntahan natin doon hindi naman sila." natatawang sabi ni Lance.

"Bakit naman ma-out of place tayo doon." nag-aalalang sabi ni Ella.

"Babe, kaibigan mo si Tiffany at saka naroroon si Patty at Marie." sabi ni Lance.

Tumingin siya kay Lance, ang totoo ang binata ang inaalala niya. Pero mukhang nabasa nito ang naiisip niya.

"Babe, okay lang ako basta kasama kita. Kahit saan mo ako ipunta, game ako." sabi ni Lance at nilapitan nito si Ella. Tiningnan nito ang pinipinta ng dalaga habang tumatagal nagiging mahusay ito gumuhit.

"Panget ba?" nag-aalalang tanong ni Ella ng makitang nakatitig si Lance sa pinipinta niya.

"Maganda kaya." nakangiting sagot ni Lance, napapansin niya ang mga ipinipinta ni Ella ay may kinalaman sa buhay nito kay Rod.

Tulad ng nabiling painting ng dalaga na may pamagat na El Cielo Secretos, at katatapos nitong pinta na tinawag nitong Rain flower kung saan may babaeng nakatingala at pinagmamasdan ang mga nahuhulog na bulaklak at itong pinipinta ngayon ng dalaga na pinangalanan nitong Far Away kung saan may babaeng nakaturo sa mga bituin habang nakahiga sa damuhan.

"Bola. Mag-aaral pa ako para hindi naman nakakahiya sa teacher ko." nakangiting sabi ni Ella at niyakap nito si Lance.

Habang yakap niya si Lance at nakatingin sa sariling ipininta si Ella, nakaramdam siya ng lungkot. Hindi niya masabi sa binata na hindi niya pa rin makalimutan si Rod.

..................

"Aiisssstttt, bakit mo na naman ako sinusundan?" asar na sabi ni Marie mula ng lumabas siya ng classroom nakabuntot na si Dennis sa kanya. Hindi tuloy siya makapunta kay Ella at Lance. Nahuli kasi siya ng pagsusulat kaya pinauna na lang niya sila Patty at Ella.

"Sabay tayo pumunta sa birthday party ni Tiffany." seryosong sabi ni Dennis. Hinintay niya talaga si Marie naaasar na nga siya kasi ang tagal nitong lumabas. Isang oras na nag-uwian na ang lahat ng kaklase nito pero si Marie nasa classroom pa rin.

Umakyat siya kanina sa pagtataka at naabutan niyang mag-isa na lang sa classroom ang dalaga at nagbabasa sa cellphone nito na malamang porn na naman. Dali-dali pa nitong itinago ang cellphone ng makita siya.

"Ayoko, sasabay ako kay Ella o kaya kay Patty pero hindi sayo." naiiritang sabi ni Marie, iiwasan niya muna ito at baka isahan na naman siya ni Dennis.

"Sa tagal mo sa taas kakabasa ng porno malamang nauna ng umalis sila Patty at LJ. Nakita ko sila kanina dalawa." sabi ni Dennis.

"Kay Ella at Lance ako sasabay." sabi ni Marie at binilisan niyang maglakad. Ang totoo pinapagod niya ito at kanina pa sila naglalakad pero sumusunod lang ito.

Naaasar na si Dennis mula ng bumaba sila ni Marie, mag-iisang oras na yata sila naglalakad, nakapunta na sila ng canteen, ValPark, Gym, field at sa CluBee kung nasaan sila Ella pero hindi naman ito umakyat. Pinapagod siya ng kutong lupang ito.

"Pumunta na tayo kanina sa CluBee kung sasabay ka sa kanila dapat kanina pa. Iyong totoo nambubuweset ka ba?" asar na sabi ni Dennis, napapagod siya sa ginagawa nitong paglalakad pero wala siyang nababakas na pagod sa dalaga. Bilib siya sa energy nito.

"Bakit sinabi ko bang sundan mo ako?" napipikang sabi ni Marie huminto ito at hinarap si Dennis. Nagawa pa nitong sukatin ang layo niya sa dalaga sa pamamagitan ng pag hands forward nito na parang nasa pila lang.

"Umalis na tayo, kasi matatapos na ang party ni Tiffany habang tayo naglalakad lang dito. Napapagod na ako." galit na sabi ni Dennis.

"Umalis ka na kasi. Mauna ka na. Susunod na lang ako." nakangising sabi ni Marie at tumalikod ito at naglalakad na naman.

"Sandali ka lang." sabi ni Dennis at umalis ito palayo kay Marie.

Lumingon si Marie ng marinig ang huling sinabi ni Dennis.

"Aalis din pala. Asar." sabi ni Marie at naglakad na siya papuntang gate two.

Nasa kalagitnaan siya ng daan papuntang gate ng one ng may humintong sasakyan sa harap niya. Hindi niya kilala ang sasakyan na iyon at mukhang bagong bili lamang ang sasakyan kumikinang pa ang kulay nun pag naiilawan.

Napipikon na si Dennis kinuha nito ang sasakyan sa parking lot alam niya na maabutan niya si Marie sa pag-lalakad papuntang gate one. Dali-dali siyang sumakay at pinaandar ang kotse. Nasa kalgitnaan siya ng labasan papuntang gate one ng mapansin si Marie na naglalakad.

"Mabilis ka talaga kumilos." natatawang sabi ni Dennis kung ibang babae iyon malamang hindi pa ito aabot sa kalagitnaan, isabay pa na nalibot ng dalaga ang loob ng Academy. Mukhang wala itong kapaguran.

Inunahan ni Dennis si Marie at iniharang ang sasakyan niya dito.

"Aiiiissssst, ang ganda ng kotse hindi naman marunong mag drive." inis na sabi ni Marie akmang lilihis ito sa kotse ng bumaba ang driver nun at dali-dali siyang binuhat papasok ng kotse nito.

"Aalis na tayo," seryososng sabi ni Dennis matapos isalya paloob ng kotse niya si Marie.

"Sayo ito?" nakangising sabi ni Marie iniikot nito ang mata sa loob ng sasakyan isa itong Ferrari La Ferrari Aperta na nagkakahalaga ng 2.4 Million dollars.

"Yes." simpleng sagot ni Dennis.

"Nasaan na iyong sasakyan mong tinatakan ko?" tanong ni Marie. Naalala niya ang sasakyan ni Dennis na binasag niya ang mga salamin at pinag guhitan niya ng penis.

"Tinapon ko na. Iniwan ko doon." walang emosyong sabi ni Dennis.

"Kung sirain ko kaya uli ito." nakangising sabi ni Marie pero wala siyang nakuhang reaksyon sa binata. Tiningnan niya si Dennis mukha nga itong napagod sa pagsunod sa kanya kanina.

"Huwag mo sabi ako tingnan."seryosong sabi ni Dennis.

Umiwas naman ng tingin si Marie pero kinalikot nito ang sasakyan ni Dennis.

"Wala ka bang chocolate na may mani diyan, or mani. Nagugutom na kasi ako." sabi ni Marie at kinalkal ang mga sulok- sulok pati ang bag ni Dennis na nasa backseat nagawa nitong kalkalin.

"Wala." tipid na sabi ni Dennis. Binabagalan niya ang pag-andar ng sasakyan dahil hindi mapakali si Marie sa loob ng sasakyan niya para itong bata na mahirap sawayin sa paggalaw.

"Nagugutom na ako. Kahit tubig painom ako." mahinang sabi ni Marie ngayon niya nararamdaman ang pagod sa paglalakad kanina, nauuhaw na siya.

"Wala." tipid na sabi ni Dennis.

Dumukwang si Marie sa backseat parang wala itong pakialam kung nakikitaan na ang likuran bahagi nito dahil naka school uniform ito na kung saan maikli ang palda at maikling cycling lang ang panloob.

"Ayusin mo iyong sarili mo." nagtitimping sabi ni Dennis kay Marie. Iniiwasan niyang tumingin sa puwetan ni Marie na nakadukwang na parang bata sa backseat kitang kita na ang suot nitong cycling pero parang wala lang ito sa dalaga.

"Nauuhaw na ako at nagugutom." sabi ni Marie habang nakatuwad ito sa backseat ng makita ang bottled water na may bawas sa bag ni Dennis kinuha niya iyon.

Bumalik si Marie sa harapan at umayos ng upo katabi ni Dennis sa driver's seat.

"Madamot ka. May tubig ka pala, hindi ka nagsasalita" sabi ni Marie ipinakita nito kay Dennis ang nakuhang bottled water nito sa bag, binuksan iyon at inubos.

Napatingin si Dennis kay Marie nag-iinit na naman siya sa ginagawa nito ng ang pinag- inuman niya kaninang bottled water ay naubos ni Marie kasabay pa na may tumulong kaunting tubig sa labi nito.

"Fuck, ayusin mo ang sarili mo. Baka hindi ako makapagpigil sayo at dito na natin gagawin." galit na sabi ni dennis.

"Ang alin?" inosenteng tanong ni Marie, kanina niya pa napapansin si Dennis na parang ayaw siyang tingnan.

"Asar." galit na sabi nito at nagpreno.

Nagulat si Marie sa ginawa nitong pagpreno bigla ni Dennis inilapit ang mukha sa kanya. Kaya tinakpan niya ng bag ang mukha niya at sumiksik sa bintana ng kotse nito.

"Huwag kang tutuwad basta- basta. At puwede ba itago mo iyang katawan mo. Nakakaasar ka na talaga." sabi ni Dennis kinuha nito ang jacket sa likod ng sasakyan at hinagis iyon kay Marie.

"Anong gagawin ko dito?" takang tanong ni Marie.

"Damn it, isuot mo." pagalit na sigaw ni Dennis.

"Bakit ka ba galit!?"g ulat na sigaw ni Marie.

"Kasi pinag-iinit mo ako kanina pa, nang hindi mo namamalayan." galit na sigaw ni Dennis dito, nakita niyang namula ang mukha ni Marie sa sinabi niya at isinuot nito agad ang jacket niya sabay umayos ito ng upo. Inilagay pa nito ang bag sa mga hita nito.

"Ganyan, magbehave ka." nakangising sabi ni Dennis nang hindi na magsalita si Marie.

Pero makalipas lang ng limang minuto nagsalita muli ito.

"Dennis." mahinang sabi ni Marie.

"Bakit?" sagot ni Dennis.

"Nagugutom na ako bili mo ako diyan." mahinang sabi ni Marie at itinuro nito ang natanaw na convenient store.

Tiningnan ni Dennis si Marie mukha ngang gutom ito dahil tahimik na ito at mukha na ring dehydrated dahil din siguro sa paglalakad nito.

Akala ni Marie hindi pa rin pakikinggan ni Dennis ang sinabi niya, pero bumuwelo ito at nagpark sa convenient store na itinuro niya kanina.

"Kakain na ako." mahinang sabi ni Marie kay Dennis.

"Oo," tipid na sagot niya sa dalaga.

Dali-dali nitong binuksan ang pintuan at tumakbo sa convenient store. Pag baba ni Dennis may bitbit ng pagkain si Marie binayaran niya ito at muling silang sumakay ng kotse.

"Mag drive ka na. Susubuan na lang kita." nakangiting sabi ni Marie, na ikinangiti ni Dennis pero muli na naman nagsalita si Marie.

"Susubuan lang kita. Hindi ka naman siguro mai-inlove sa simpleng subuan lang." nakangiting sabi ni Marie na ikinatitig sa kanya ni Dennis.

"Hindi." mahinang sagot ni Dennis bago ito muling nag-drive.

AUTHOR'S NOTE

Thank you

Hoping huwag kayo magsawa sumubaybay

Mahaba po siya high school life po kasi siya

And marami pong character umiikot

VOTE and COMMENT

Orihinal na nobela ni FifthStreet1883

August 4,2020 2.59 pm

Continue Reading

You'll Also Like

275K 15.1K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
3.6K 103 17
Tired of always getting bullied, Adelaida Cruz also known as Adie decided to make decisions that changed her life forever. Unlike sa ibang kababaihan...