Nais kitang maging pahinga sa kahinaan at kalakasan ng buhay ko.
Na ikaw ang tanging kalasag na tutugon sa aking mga delubyo.
Gusto kong lumigaya at malumbay habang yakap-yakap ka.
Gusto kong masaksihan ng Diyos ang sumpaan sa pagitan nating dalawa.
Na kahit mali sa paningin ng iba,
isusugal pa rin kita.
#YakapNgTalata