May karapatan kang sumilong kung nababasa ka sa sarili mong ulan,
ngunit wala kang karapatang manatiling basa habang-buhay.
Sapagkat ikaw ang yayapos sa sarili mong kakulangan
ikaw ang siyang butil sa sarili mong palay.Nararapat kang makatanggap ng sapat na sinag,
tamang alaga at pagmamahal.
Huwag kang magpadala sa mga bahagharing mapagpanggap,
dahil ang galak ay laging hindi nagtatagal.#YakapNgTalata
BINABASA MO ANG
Yakap ng Talata
PoetrySa bawat gabing bukas ang mga mata, sa mga paghikbing walang nakakakita, sa bawat unang nalunod at nabasa, at sa mga pag-ibig na hindi itinadhana. Yakap ng Talata, Mga tugmaan tuwing bibisita ang kadiliman. Date Started: August 4, 2020 Date Finish...