#2 Pagkatuto sa Pag-iling

135 9 0
                                    


Hindi kailanman naging kasalanang burahin ang nagpupumilit na markang naka-ukit sa aking balat,
ang kasalanan ay ang pakunwaring pagtapal dito upang maibsan ang hapding kaniyang dala.
Ang bangungot na kaniyang bisita,
ang mga luha na anak ng alaala,
at ang mga retratong nananatili na lamang sa aking memorya.

Hindi kasalanan ang paminsanang pagdalaw dito bago ang oras ng pagpikit ng dalawa kong mga mata,
ang kasalanan ay ang pagsunod nito hanggang sa panaginip at mag-iwan ng tuldok sa aking dibdib sa sandaling ako ay magising.
Ang pagsilip sa maalikabok niyang bintana at pag-agaw ng pansin.
Alam kong malaya tayong mang-angkin,
ngunit kailangan nating alamin kung ano ang posible sa hindi.

Ang posible ay ang mga bagay na may malinaw na intensyon at hindi tayo bibigyan ng sugat o anumang marka,
ang hindi, ay siya.

#YakapNgTalata

Yakap ng TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon