#16 Sumpa

45 5 0
                                    

Hindi ko na magawa pang kuwentuhan ang langit,
ang ibuhos ang aking galit sa kaniyang mga ulap.
Hindi ko na sila magawa pang kausapin,
ayoko na silang abalahin pa sa aking paghihirap.

Dahil mayroon akong isang sumpa,
at alam kong hindi na ito gagaling.
Na sa bawat kinakusap ko upang ibuhos ang aking luha,
walang nagagawang manatili sa'kin.

#YakapNgTalata

Yakap ng TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon