Worthless (Published Under MP...

By jonaxx

95.9M 2.3M 1.4M

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga b... More

Worthless
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes

Kabanata 58

1.5M 34.5K 24.2K
By jonaxx

Warning: SPG

----

Kabanata 58

Speed Boat

Nakatulog ako sa kalagitnaan ng pag iisip. Hapon na at papalubog na ang araw nang gumising ako. Umupo ako ng maayos at nagsisi na natulog ako gayong nasa isang paraiso ako.

Napatingin ako sa mesa na may pagkain. Sino kaya ang naglagay non doon? Tumayo ako at naglakad patungo sa mesang may pagkain. May note doon na nakalagay. Binuklat ko ito at libu-libong alaala ang bumuhos sa aking utak. Naaalala ko lahat ng mga pasahan namin ng papel ni Noah noon sa highschool.

Binasa ko ang note na nasa gilid ng plato.

Take care. Happy birthday. I love you.

-N. Elizalde

Napatingin ako sa pagkaing naroon. Ginugutom ako ngunit mas gusto kong lumabas para tingnan ang paligid.

Tinali ko ang buhok ko at binuksan ang pintuan ng casita para makalabas. Papalubog na ang araw. Hindi na gaanong mainit at malayo na ang dagat sa sea shore.

Luminga ako at tiningnan ang parehong casita sa di kalayuan. Ang una kong nadatnan ay sarado at mukhang walang nangungupa. Pinasadahan ko ng tingin ang lawak ng buhangin at dalawang magkasintahan lang ang nakita kong nasa isang lounger. Wala masyadong tao sa resort na ito.

"Do you need anything, ma'am?" Tanong ng isang empleyado rito na iba sa naghatid sa amin kanina.

Pare pareho silang may kulay patay na dahon na suot kaya alam kong empleyado siya ng resort. Umiling ako sa tanong niya at ngumiti.

"Kung gusto niyo pong kumain mamayang gabi, may apat po kaming restaurant sa iba ibang cuisine. You may refer to your brochure for more questions." Aniya ng nakangiti.

Luminga ulit ako at tiningnan ang mga casita sa malayo. "May... kasama ako kanina. Umuwi ba siya?" Tanong ko.

Gulat ang mukha ng lalaki sa tanong ko. "Baka po naglalakbay sa buong resort? I'm sure babalik rin iyon sa casita ninyo. Lahat ng guests ay may mapa kaya imposibleng mawala sa resort."

Umiling ako. "Hindi kasi kami pareho ng casita. Hindi ako sigurado kung may casita 'yon." Sabi ko.

"Oh, I am so sorry madame pero hindi ko po alam. May umalis na plane kanina patungong Manila carrying seven people. Kung tingin ninyo po ay hindi siya nagtagal ay baka nga po umalis." Anang lalaki at ngumisi ulit.

Tumango ako at tumikhim. That's what I want right. Mabuti rin naman ito. Makakapag isip ako.

Pagkatapos kong saksihan ang paglubog ng araw ay nagpasya akong bumalik sa aking casita. Kinain ko iyong pagkaing naroon at pagkatapos ay tiningnan ang mga damit na binili ni Noah para sa akin. Ang laman ng bag na iniwan niya ay puro mga damit ko lamang. Bago ito lahat at tamang sukat lang sa akin. Isa lang ang swim wear na naroon at hindi ko mapigilang magpasalamat sa kanya sa aking utak. He's always true to his words. Pag sinabi niyang mag iisa ako ay ganon nga ang gagawin niya.

Namasyal ako sa gabing iyon sa kanilang mga restaurant. Hindi ako umorder ng kahit ano sa restaurant dahil paubos na ang cash ko. Kung hindi ako nilapitan ng waiter para bigyan ng fruit shake ay siguro umupo lang ako doon at tiningnan ang mga nag ha-honey moon.

Nang lumalim ang gabi ay nag lakad ulit ako sa seashore kung nasaan may mga bonfire. Sa kaliwa ko ay mga koreanong mag irog na nagyayakapan at sa kabila naman ay dalawang pares ng pinoy na magkasintahan o mag asawa din.

Tumikhim ako at tiningnan na lang ang nag iinit na bonfire habang nag iisip ng tungkol sa mga nangyari simula ng birthday ko.

Inisip ko kung ano na ang naiisip ni mommy at daddy ngayon. Nag aalala iyong dalawa sa akin and I'm suddenly feeling so damn guilty. Sana pala ay sinabi ko sa kanilang maayos ako at gusto ko lang munang mag isip. But then I recalled dad's call nong nasa Resorts World kami ni Noah. Alam ni daddy na kasama ko si Noah kaninang umaga. Alam niyang maayos ako.

Nang medyo lumalim ng bahagya ang gabi ay humikab ako at naluha ang mga mata ko. Tumayo ako sa hinigaang lounger at nagpasyang bumalik na sa casita. Sinarado ko ang mga bintana ng casita at ang pintuan bago ako na engganyo sa bath tub na punong puno ng rose petals.

Nakatulog ako habang nagbababad doon. Nang nagising ako ay alas diyes na kaya lumipat ako sa kama at mahimbing na tulog ang nakuha ko mula roon.

Sa ikalawang araw ko ay kabado na ako. Inisip kong isang araw lang ang binigay ni Noah sa akin sa islang ito pero nang puntahan ako ng isang babaeng empleyado para mag hatid ng breakfast...

"Miss, makikita ba ninyo kung ilang araw lang pwedeng mag stay ang guest? Kasi hindi ako iyong nag book nito." Paliwanag ko.

"Ah! Opo. Sige po, titingnan ko. Ano po ang pangalan nila?" Ngiti niya.

"Maria Georgianne Marfori." Sabi ko habang umuupo sa mesa kung nasaan ang pagkain.

May kinuha siyang walkie talkie at may sinabi sa nasa kabilang linya. Binanggit niya ang pangalan ko at inulit ang tanong ko.

"Walang Maria Georgianne Marfori na nagpareserve." Sabi ng kabilang linya.

"Ah! Try mong Noah Reigan Elizalde, miss." Sabi ko.

"Noah Reigan Elizalde?" Tanong niya sa kabilang linya.

Ilang sandali pa bago sumagot ang nasa kabilang linya. Uminom ako ng mainit na hot chocolate at bahagyang pumikit.

"Walang nilagay kung ilang araw. Maybe just as long as she wants to stay." Sabi ng sa kabilang linya.

"Hanggang kailan niyo raw gusto, ma'am." Sabi ng empleyado.

Tumango ako at ngumuso.

"Excuse me, ma'am. Enjoy your breakfast!" Ngiti niya at umatras na.

"Thank you." Ngiti ko pabalik at hinayaan siyang umalis sa aking casita.

Kumain na lang ako at nagpahinga ng saglit. Nagbihis ako at nag ayos ng gamit bago umalis sa casita para maglakad lakad ulit sa sea shore.

Bawat casita ay tinitingnan kong maigi kung may tao ba. Marami ang walang tao. Dalawa lang iyan: siguro ay naliligo sa dagat o di kaya ay wala talagang nag rerenta.

Bumalik ako sa aking casita at sumakay sa golf cart. Nilapitan pa ako ng isang empleyado para sana tulungan ako pero inilingan ko siya at nagpasalamat na lang ako. Madalas kaming mag golf o mag polo nina mommy at daddy kaya hindi na ito iba sa akin.

Sumakay ako non habang tinitingnan ang mapa at ang mga signs sa paligid. Sa bawat gilid ng dinadaanan ng golf cart ay may mga halaman. Mabuti naman ang mga pathway kaya hindi naging problema. Pinarada ko lang iyon sa gilid ng kanilang Club House.

"Good morning, Ma'am! Welcome to our Clubhouse!" Anang empleyadong bumati.

Napansin ko na walang tao sa lugar na iyon. Wala masyadong tao sa islang ito. I then wondered why? Mahal kaya ito? O talagang malayo sa sibilisasyon? Tiningnan ko ang mapa ng Pilipinas at nakita kong hindi naman ganon.

"May iba bang guests dito, miss?" Tanong ko habang pumapasok sa Clubhouse.

"Of course! Nasa ibang bahagi lang po sila ng resort at hindi po kami crowded dito."

Tumango ako. "Napansin ko nga."

"Do you want to eat, ma'am? Or perhaps watch movies or read books?"

Ngumiti ako at yumuko siya.

"Just call us if you need anything." Bago siya umalis.

Iginala ko ang paningin ko sa kayumangging kulay na dingding ng clubhouse. Ang mga puti roon ay ang kurtina, unan sa mga sofa, at iilang muwebles lang. Naisip kong doon na lang ako kakain mamayang tanghali dahil masyadong mainit sa labas kung babalik pa ako sa tabing dagat.

Nanood ako ng movie habang nakaupo sa sofa ng mag isa. Iniyakan ko pa ang istoryang iyon dahil iniwan ng lalaki ang babae para sa trabaho ngunit nang bumalik ang lalaki ay may iba na ang babae. Hindi ko alam kung bakit nanunusok sa aking dibdib ang nangyari sa pinanood ko. Siguro ay dahil iyon sa napagdaanan ko nitong mga nakaraang araw.

Habang kumakain din ako doon ay naisip ko ang tungkol kay Diva. Kung iisipin kong mayroon nga silang nakaraan, then fine. Kung ano iyon ay nakaraan na iyon kaya kakalimutan ko na iyon. It's just a stupid news from that stupid girl. Sinisiraan niya ba si Noah sa akin? Siguro. Did she still like Noah? Most likely. Obvious sa mga galaw niya noong nag to-tour sila.

In speaking of tour, how is the band? How is Stan? Ayos lang ba kay mommy ang nangyari? Are they finally on tour again right now?

Pagkatapos kong kumain ay nagpahangin ako sa isang kwartong tanaw ang buong resort at pati ang karatig isla.

Nang medyo bumaba ang araw ay umalis na ako ng Clubhouse para lumapit sa puting buhangin sa may dagat.

Hinayaan kong magtampisaw ang aking paa sa dagat habang umuupo sa isang local boat na naroon lang sa gilid ng seashore. Tanaw ko ang iilang magkasintahan sa malayo na nagtatawanan habang nasa Speedboat.

Sa gabi ay kumain ako sa kanilang Vietnamese Restaurant. Kakaibang putahe ang mga nakain ko doon. Hindi ko nagustuhan ang ilan ngunit kahit paano ay nabusog parin ako. Tuwang tuwa pa ako sa local band na kumakanta ng mga classic music na naroon.

Ilang sandali ang nakalipas ay inantok ako kaya bumalik na ako sa aking casita para maligo at makatulog.

Sa sumunod na araw ay sa isang Spanish Restaurant naman nila ako kumain. Sa mga naroong tatlong pares ng magkasintahan ay ako lang ang walang ka pares. Should I go back to Manila? But then nakapag isip na ba ako ng maayos tungkol sa nangyari? Do I have enough faith for Noah? Huminga ako ng malalim. He's probably in one of his gigs right now.

Nanood ako ng ilang mga pawikan na nangingitlog sa hapon. Naisip ko ring hindi pa ako nakakaligo sa malinaw na dagat nila kaya bukas iyon ang gagawin ko. Masyado akong natuwa sa mga pawikan kaya hindi ko na naisip na mag enjoy sa dagat mismo.

Maaga rin akong natulog sa araw na iyon dahil sa matinding pagod sa paglalakad at pag iikot sa buong isla.

Lumapat ang labi ni Noah sa akin at sa kasabikan ko ay hinalikan ko siya pabalik. Kinagat ko iyong labi niya sa panggigigil. Marami akong gustong itanong sa kanya ngunit abala ako sa mga halik niyang mapanukso. Ang kanyang kamay ay humahaplos sa aking likod, dahan-dahan, pababa. Ang kabilang kamay niya ay pinaglalaruan ang dibdib ko.

Ibang klaseng pinaghalong kuryente at init ang naramdaman kong naglakbay sa aking batok pababa. And I know he felt it! Ang kamay na naglalakbay sa likod ko ay naglakbay pababa.

"Shit, Noah." I whispered, trying to catch my breath.

When his hand reached the middle of my thighs, I couldn't help but thrust myself unto him.

"I want us to talk, Megan." He whispered. Pero ang kanyang kamay ay naglalaro na ng paikot ikot sa akin at kahit may saplot pa ako ay hindi ko namapigilan ang sarili kong inaabot ang kung ano.

Matindi ang paghabol ko sa aking hininga at basang basa ako sa pawis pagkagising ko na ganon ang panaginip. Pumikit ako habang hinahabol pa ang hininga. Tiningnan ko ang kumot na halos magkalasug lasug na sa aking tabi. Tumindig ang balahibo ko at ang nakabahagi kong binti ay pinaglapit ko.

Luminga ako sa kabuuan ng aking casita. I'm alone. Fuck! What was that dream all about?

Matagal akong nakahinga ng mabuti at natauhan sa panaginip kong iyon. Hinatid ng babaeng empleyado ang aking pagkain at hinayaan ko na lang siyang ilapag doon sa aking mesa.

"Uhm, paano ba rirenta ng speed boat?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang aking breakfast.

"Gusto niyo po? I'll book you one Speedboat." Ngiti niya.

Tumango ako. Gusto kong magtanong kung magkano ba iyon ngunit natatakot ako sa sagot. "Excuse me, ma'am." Ngisi niya bago umalis.

Ngumiti ako at napatingin sa pagkaing nakahain doon. Agad ko na iyong kinain pagkatapos kong mag bihis ng isang beach dress na kulay puti. Sa loob ng aking dress ay ang natatanging swim wear na binili ni Noah para sa akin. Kulay puting two piece.

Nagkaproblema pa ako sa pagsu-suot at kinabahan. Uuwi na lang siguro ako bukas. Paubos na ang mga damit ko at mamaya ay masyado nang mahal ang gagastusin ko dito.

Pagkalabas ko ng casita ay kita ko ulit sa dagat ang isang speedboat at ang isang mas malaking speedboat. Sa loob ng malaking speedboat ay may natatanaw akong may hawak ng manibela. Nanliit ang mata ko. I should have this checked. Mukhang dahil sa trabaho ay masisira na itong mata ko, a?

"Doon ka po sa malaking Speedboat, ma'am." Sabi ng lalaking empleyadong nakasama ko nong unang araw ko dito.

Kumunot ang noo ko at tumango bago naglakad patungo roon sa mas malaking speedboat. "Kaming dalawa lang ng captain?" Tanong ko.

Tumango siya at ngumisi. "Actually, si Mr. Elizalde po ang nasa loob."

Nakaapak na ako sa malamig na tubig ng dagat ay natigilan ako habang tinatanaw kung sino ang nasa loob. Nang nakita kong si Noah nga ang naroon ay halos mag dalawang isip ako. He's here? Hindi siya umalis? O bumalik siya? I haven't seen him in three days? Mag aapat na araw na, a? Ganito ba kalaki ang islang ito para hindi kami magkita.

Inalalayan ako ng lalaking taga roon paakyat ng hagdanan sa gilid ng speedboat. Nakita kong sa likod ay may sofa pang pwedeng tambayan ng isang barkada.

"Is this safe?" Tanong ko sa umalalay sa akin.

"Marunong po si Mr. Elizalde, ma'am." Sabi niya.

Nilingon ko ang nasa loob ng cabin na si Noah. Seryoso ang kanyang mukha habang nag iiwas ng tingin sa akin. Naramdaman ko ang bahagyang pag andar ng speedboat. Nakikiramdam sa alon at nililiko para makaandar na at makadiretso sa karagatan.

Nasa mga sofa ako at nagpasalamat na hindi gaanong mainit. May salaming pintuan patungo sa cabin at kitang kita ko ang sofa sa likod ni Noah at isang maliit na lamesita. May mga fishing rod din sa gilid ko. Hindi ako marunong mangisda kahit na nasubukan ko na rin ito noon.

Mabilis ang paandar ng speedboat. Napahawak ako sa railings sa likod ng sofa at ilang sandali pa bago ako nasanay. Sa sobrang linaw ng dagat ay kitang kita ko ang mga lumalangoy na isda. I think the water is also shallow. Sana lang ay ganito hanggang sa gitna ng karagatan para hindi masyadong nakakatakot lumangoy.

Malaki ang ngiti ko nang nakitang malayo na kami sa isla ay malinaw at mukhang mababaw parin ang dagat. May ilang speedboat din kaming nakita sa di kalayuan.

Nang napansin kong humina ang pag andar ay napawi ang ngiti ko at nilingon ko na ang cabin kung nasaan si Noah. Huminga ako ng malalim at naisip na lalangoy na lang ako dito pag titigil siya.

Nang tumigil nga ang makina at nakitang bumaling na siya sa akin ay nag iwas agad ako ng tingin. Tiningnan ko na lang ang karagatan at ang ganda nito. I'm going to swim here. But then, magtatanggal ba ako ng damit habang nakatingin siya?

Walang imik na kinuha niya ang fishing rod at nag hubad ng t shirt. Tumindig ang balahibo ko nang nakita ang pawisin niyang katawang natatamaan ng init ng araw. Naalala ko iyong panaginip ko kagabi.

Dammit, Megan! Hinubad ko ang aking dress at dahan dahang lumapit sa hagdan ng speedboat. Bumaling siya sa akin, nakatitig. Tumingin ako sa dagat at dahan dahang nagpadausdos para makalangoy. Sinubukan kong abutin ang kailaliman at tama ang hinala kong hindi nga ito malalim.

Isang beses pa akong sumisid at nakita ko ang iilang mga isdang naiistorbo ko sa kanilang mga gawain. Lumangoy ako para bahagyang makita si Noah habang nag fi-fishing. Itinapon niya ang dulo sa malayo at sa ginawa niya ay mas lalong kuminang ang kanyang likod. Naka board shorts ay bahagyang nagpapakita ang kanyang boxers.

I need to swim, alright?

Ilang sandali ang nakalipas ay humapdi ang balat ko kaya nagpasya akong bumalik na. Hinawakan ko ang hagdanan ng speedboat at dahil basa ang aking kamay at paa ay medyo nadudulas ako tuwing sinusubukan ko.

Isang kamay ang naglahad sa akin habang sinusubukan kong muli. Napatingin ako kay Noah na seryosong inilalahad ang kamay. Huminga ako ng malalim at tinanggap iyon. I have no damn choice.

Inangat niya ako at dahil sa ginawa niya ay bahagyang natapon ang katawan ko sa kanya.

"I-I'm sorry." Sabi ko nang naramdaman kong nabasa ko ang kanyang boardshorts.

Bahagyang lumapat ang aking dibdib sa kanyang dibdib at halos mapapikit ako ng mariin sa kuryenteng naramdaman ko. Huminga ako ng malalim at hindi ako makatingin sa kanya.

"Ayos ka lang?" Tanong niya hinahawakan ang balikat ko at hinahagilap ang paningin ko.

Kinagat ko ang labi ko at tumango. "Sorry, nabasa kita." Sabi ko.

Binaba niya ang kamay niya galing sa aking balikat at bahagyang nahaplos ang aking dibdib.

"Fuck..." Mahinahon kong mura nang naramdaman ko kung paano naglakbay ang panibago at mas matinding kuryente sa aking katawan.

"Meg?" Gulong tanong ni Noah.

Umiling agad ako at aalis na sana nang hinawakan niya ang braso ko. Ang isang kamay niya ay hinaplos ang aking baywang. Halos mapaigtad ako sa kanyang ginawa. Nahihilo ako at umiinit ang pisngi ko. Hindi ko siya matingnang mabuti kahit na anong angat ko ng tingin.

Kumunot ang kanyang noo sa pagtataka. "Are you alright?" Tanong niya.

"Yeah. Hmmm." Sabi ko at napahawak ako sa batok ko.

Isa pang beses na itinaas niya ang kanyang kamay at nahaplos nito ang dibdib ko ay hindi ko nakayanan. Uminit ang pisngi ko at pumikit ako ng mariin habang hinahawakan ang kanyang braso.

"Miss, are you fine?" Bulong niya, inilalapit sa akin ang kanyang mukha at ang bawat bulong ay kiliti sa aking tainga.

"Yes, Noah..." Mas mahinahon kong bulong pabalik.

Naglapat ang mga labi namin. Hindi ko mapigilan ang init sa aking katawan. Ang kanyang kamay ay naglaro na sa aking dibdib. Bawat halik niya ay sinusuklian ko ng mas malalim na halik.

"Miss, we have to talk." Bulong ni Noah habang hinahalikan ang aking leeg at dinidiin ko ang kanyang ulo doon na para bang hindi sapat ang halik lang.

Nang ang kanyang kamay ay bumaba sa aking hita ay idiniin ko na ang sarili ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko sa nipis niyang board shorts kung gaano siya nag init rin sa gitna ng pagsasalita niya.

"Noah..." Bulong ko habang ang isang strap ng aking bikini top ay kumalas na. Hinahalikan niya ang dibdib ko.

Tumingala ako sa kanyang ginawa. Ang isang kamay niya ay naglalaro na sa gitna ng aking hita.

Nagpalit kami ng posisyon. Ako na ang nakahilig sa dingding ng cabin habang ang isang kamay ay ipinapako niya roon para mahalikan niya ako ng maayos.

"Please..." Bulong ko.

"I want us to talk." Bulong niya habang kinakalas na ang aking bikini bottom at pinakawalan ang kanya.

Pumikit ako ng mariin at hinalikan pa siyang muli.

Naging mabilis ang pangyayari. Hinahabol naming dalawa ang aming hininga habang hinahalikan niya ang aking pisngi ng paulit ulit. Hindi ako makahinga ng maayos sa nangyari. Nang tinanggal niya ay mabilis kong inayos ang aking bikini top. Siya na mismo ang nag ribbon ng string bikini bottom ko.

"Meg..." Aniya, hinahanap ang mga mata ko.

I want to talk. I have so many questions. I want to fix this. But then I don't want to appear too needy or insecure. I am not usually like this. Prinsipyo ko na hindi ko aangkinin ang bagay na hindi kailanman magiging akin ngunit kinain ko ang mga prinsipyong iyon. Noah is not mine. He will never be. He's an individual and it is wrong to assume that I can cage this man in my hands.

"Bumalik na tayo sa Amanpulo, Noah." Sabi ko at kumawala sa nanghihina niyang braso. Hiyang hiya ako sa nangyari. Hindi pa kami nagkakabati ay nang udyok na akong gawin niya iyon sa akin. 

"Meg, let's talk." Sumunod siya sa akin.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang dagat na malinaw. Hindi ako makatingin sa kanya.

"Are you not done with your space yet?" Tanong niya sa akin. "Hindi pa ba tapos ang pag iisip mo? You need more time? I can give that to you, Meg. But then..." Hindi niya ipinagpatuloy.

Bumaling ako sa kanya at nakita kong pula ulit ang kanyang mga mata sa galit, iritasyon, at frustration. Tumango ako. "We'll talk. Bumalik na tayo sa Amanpulo, Noah." Sabi ko.

Pumukit siya ng mariin at tumango nang dumilat.

"Okay. If that's what you want."

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 93.7K 62
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.4K 60 5
Isang malaking pagdiriwang ng mga Pilipinong Wattpadder ang hatid sa inyo ng AmbassadorsPH, WattpadRomancePH, WattpadFanFicPH, at WattpadFantasyPH! ...
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
49.5K 1.4K 22
Are you broken hearted and yet you still wanted to get your exboyfriend or exgirlfriend back despite everything that happened between the two of you...