Scary Stories 5

Door Sheree_Mi_Amour

41.4K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... Meer

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Balkonahe (Lilac Story)

84 6 0
Door Sheree_Mi_Amour


Magandang araw po! Faith at your service from Pampanga. This confession is about my first cousin and childhood friend, Lilac.

Si Lilac ay isang pipi. Maganda siya, kagaya ng kanyang ina. Siya'y mayroong mga magagandang mata na parang laging nakangiti, maputi at makinis na balat, at bagsak na buhok (square ang style, hanggang sa baba niya). Mabait naman siya, mahirap nga lang pakisamahan lalo na kung hindi ka marunong mag-sign language.

Madalas akong lumipat sa balkonahe nila para makipaglaro kay Lilac. Kapag nag-aaral ako, palagi akong nagtatabi ng pera sa baon ko upang bilhan siya lagi ng isang lollipop. Kaya tuwing nakikita niya akong parating, tuwang-tuwa siya dahil alam niyang mayroon akong ibibigay sa kanya. Mahilig din kaming maglaro ng habulan, taguan, piko, siyato, patintero kasama ang iba ko pang kababata. Madalas ay tinuturuan ko siyang magsulat ng pangalan niya at numbers.

Hindi na sya katulad ng dati at naging bugnutin mula ng mamatay ang nanay nya. Madalas ko syang naririnig na umiiyak sa gabi (kasi nga dingding lang pagitan namin).

Makalipas ang 2 taon, sampung taon na ako non at si Lilac naman ay 9. May nakilala si Tito Ben na Bisayang bakasyonista samin, nagligawan at nagsama sila. Siya si Soledad, 8 taon lang ang tanda sakin. Tanggap naman ni Soledad ang kalagayan ng Tito ko at minahal nya sila na parang tunay na anak. Pero sadyang ayaw sa kanya nina Kuya Ronnie at Kuya Robin. Lalong di nila kinausap ang ama nila. Pero ginawa naman ang lahat ni Soledad para magustuhan sya ng mga ito. Buong tiyaga nyang inalagaan si Lilac kahit na madalas pag pinapakain nya ito ay tinatapon nya at nananakit. Pero pag lumilipat naman ako sa kanila ay masaya sya.

Buwan ng tag-ulan noon araw ng sabado, nangunguha kami ng bayabas sa bakuran ng isa ko pang kababata at pinagtatabi ko si Lilac. Napasilip ako sa balkonahe nila, nakalabas ang ulo nya at kinakawayan ako. Nung wala ng hinog na bayabas ay bumaba na ako, umuwi, naligo at nagbihis. Masaya akong palipat mula sa balkonahe namin papunta sa kanila. Nakita ko na parang may kausap sya base sa kanyang kilos pero wala namang tao. Nakita ko syang pailing-iling. Alam ko na normal ang isip nya kaya di ko inisip na nasisiraan ito ng bait. Saka ko tinanong kung sino ang kausap nya (sign language). Sabi nya ang nanay nya, kinilabutan ako at in-explain ko sa kanya na wala na ang Nanay nya at di na ito babalik. Napasimangot sya pero nung binigay ko ang bayabas nya, sumaya na sya. At handa na rin syang magsulat kami. Lagi akong matiyaga na turuan sya.

Pagsapit ng Linggo ay nagsimba kami ng pamilya ko sa umaga, after lunch nagkabisita kami. Ang kumpareng doktor ng Tatay ko, ninong ko. Naririnig ko nun tinatawag ako ni Lilac pero di ako nakapunta.

Dumating ang araw ng Lunes, naghahanda kami ng mga kapatid ko sa pagpasok. Nakarinig kami ng kumosyon sa kanila hanggang sa narinig namin ang boses ni Tita Soledad na umiiyak. Araw-araw namamasada ng jeep ang Tito ko kaya wala na sya non sa bahay nila (di na sya nagbalik pa sa Saudi mula ng mag-suiside ang una nyang asawa). Mabilis na lumipat sa kanila ang mga magulang ko. Sumunod ako at nakita ko ang Tatay kong buhat-buhat si Lilac habang inutusan si Kuya Ronnie na tawagin ang Tatay nya sa terminal. Mabilis na dumating ang Tito ko at agarang sumakay naman ang Tatay ko kasunod si Tita Soledad na nakita kong may dalang tuwalya na nakatakip sa damit nyang may dumi. Umuwi samin ang Nanay ko para sya ang maghatid sakin sa school. Tinanong ng isa kong ate kung ano ng nangyari. Sabi ng Nanay ko masakit daw ang tiyan ni Lilac at suka ng suka. Tuloy-tuloy ang Nanay ko sa batalan at parang narinig kong dumuduwal. Nagtinginan kami ng mga kapatid ko.

Nung nasa school na ako at nagkaklase, naiisip ko pa rin si Lilac. Pinagdasal ko nalang na nawa'y bumuti na ang lagay nya. Bandang 10am ay bigla akong nakaramdam ng panlalamig at mabilis ang tibok ng puso ko. Di ako mapakali at naiiyak ako na di ko alam kung bakit. Hanggang sa umabot ang uwian at nakita ko ang Nanay ko sa may gate ng school. Nagmamadali akong lumapit at tinanong ko kung ok na si Lilac. Tumango lang ang Nanay ko. Sa daan ay nakita kong may mga tao sa tapat nila at ang Nanay ko'y mabilis akong inakay samin. Sabi ng Nanay ko nagpapahinga daw si Lilac, ako naman ay kumain na kasi may pang-hapong klase pa ako. Nung labasan sa hapon ay di ako nasundo ng Nanay ko kaya sumama nalang ako sa mga kaklase ko. Mula school  kasi ay diretsong daan yun pauwi, malayo pa kami ay napansin ko na may mga lalaki at sasakyan sa tapat nila na may dinidiskargang gamit, may naglalagay ng tolda sa daan at naalala ko yung mga gamit na dala nila ay nakikita ko pag may patay. Kaya mabilis akong tumakbo papasok sa bakuran nila. Alam nyo yung para kang lumalangoy sa mga tao? At nililinis mo ang dinaraan mo? Ganun ang ginawa ko. Pagpasok ko may nakita akong ataul na puti sa may sala nila. Kumakabog ang dibdib ko. Iginala ko ang aking mga mata at nakita ko ang buong mag-anak pwera lang si Lilac. Nanginig ang buong katawan ko at nanlambot ang aking mga binti habang palapit nang palapit ako sa kabaong. Parang lalabas na ang aking puso sa sobrang bilis ng pintig nito at naramdaman ko ang mga luhang tumutulo mula sa aking mga mata. Diyos ko... tama nga ang hinala ko. Nakita ko si Lilac na nasa loob ng ataul habang nakangiti sa akin, suot ang puting bestida. Napakaganda niya pa rin, para lang siyang natutulog. Hanggang sa lumakas na ang aking pag-iyak, at yumakap ako sa kabaong at pilit kong binubuksan ito dahil gusto kong ibigay sa kanya ang pasalubong kong lollipop. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko ay kung anu-ano na ang sinasabi ko. Wala akong pakialam sa mga taong nakatingin sa akin.

Sabi ko sa kanya, "Gumising ka Lilac! Diba maglalaro pa tayo? Tuturuan pa kitang magsulat diba? Mayroon akong dalang pasalubong para sayo. Eto oh, bibilhan kita araw-araw kahit di na ako mag-recess..."

Hanggang sa maramdaman ko nalang na hinihila ako ng nanay ko palayo sa kabaong, katulong ang isa kong kuya. At nagpapabigat akong umupo sa lupa at naglulupasay habang sinisigaw ang pangalang ng pinsan ko. Hanggang sa kinarga na ako ng Kuya ko, parang nagkarga ng baboy na kakatayin at maiuwi ako. Sa gitna ng aking pag-iyak ay pinaliwanag sakin ng Nanay ko ang mga pangyayari. Napatingin ako sa 3 kong Ate at umiiyak din sila. Sinabi rin ng Nanay ko na hindi na ako pwedeng magbalik doon, lalo akong naiyak non. Yun na pala ang huli kong makikita ang pinsan ko. Kahit daw ang mga kalaro ko ay bawal lumapit. Binawalan sila ng Nanay nila. Matatanda lang ang pwede.

Kinagabihan, umuwi ang nanay ko mula sa lamay, nagkwento sya samin. Nung sinugod daw si Lilac sa ospital ay suka sya ng suka ng mga bulateng iba't iba ang laki, may putik din syang sinuka hanggang sumuka daw ng dugo. Kwento rin nya bago daw sya umuwi ay may nangyari. Bigla daw syang tinawag ni Tita Soledad mula sa kusina at mukhang takot. Kasi may mga kutong naglalabasan sa ulo ni Lilac. Lumapit daw ang Nanay ko at binulungan ito. "Nak tago mo ang mga kuto mo, makikita ng mga tao." Ilang saglit lang daw ay nagbalikan ang mga ito at di na lumabas. Tatlong araw lang ang burol nya, sa araw ng libing, 10am, ako naman non ay papasok sa school angkas ng bisikleta ng Tatay ko, sa likod ako nakaangkas. Napatingin ako sa tapat nila at sa balkonahe,bnakita ko si Lilac na suot ang puting bestida, nakangiti at kumakaway sakin. Sinabi ko yun sa Tatay ko at sabi masaya na daw si Lilac. Ngayon ay may kanya-kanya ng pamilya ang mga kapatid ni Lilac at nagkaanak ng tatlo si Tito Ben at Tita Soledad. Napatawad na rin si Tito Ben ng dalawa kong pinsan.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

2.4M 88.2K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
15.8K 755 27
Walang ibang hangad si Dra. Chenimeth Bayron kung hindi ang makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga kapos-palad. Dahil dito, napagpasiyahan niyang su...
6.8K 433 25
ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive Kuwento ni Segundo Matias, Jr. Guhit ni Jamie Bauza
6K 214 7
Ang madugo at nakakakilabot na kwento ni Caloy sa kanyang paglipat sa kanyang bagong tirahan.