Tapik

460 15 0
                                    


Hi Spookify! Kwento ko lang yung experience namin ng mga kaibigan ko.

Kahapon, pasado 2:30am ng magkayayaan kaming magkakaibigan na kumain ng lugaw sa di kalayuan, isang tricycle mula sa bahay namin since nanood kami ng Ms. Gay Pagaent dito sa lugar namin.
Habang kumakain kami at nagtatawanan merong isang matandang babae ang nakaupo malapit sa amin, sobrang weird ng itsura nya, describe ko lang. Maliit na matanda, medyo may kaitiman, hanggang balikat ang buhok at medyo curly, madami din syang suot-suot na mga kwintas at porselas, uugod-ugod na din sya na tila ba may karamdaman. Isa sa napansin ko sa kanya ang pagtitig nya samin ng kakaiba (imagine-in nyo guys nakatalikod sya samin pero yung ulo nya nakapaling na tila ba pinagmamasdan yung kilos namin) na ipinagwalang bahala naman namin, meron din syang dalang sarili nyang baso na iniinuman.

Maya-maya lang bigla syang lumapit sa ate ko at nanghihingi ng limos, nagsimula na din siyang magkwento tungkol sa buhay nya na hindi naman namin masyadong in-entertain dahil busy kami sa pagkain at tawanan, kumuha din sya ng baso sa lamesa namin at naglagay ng tubig na hindi naman nya masyadong ininom at nilapag nya ulit ito sa lamesa. To make the story short, binigyan sya ng ate ko ng 50 pesos na syang ikinatuwa ng matanda dahilan kung bakit bigla niyang tinapik yung ate ko at nagpasalamat. Hindi alam ng ate ko kung bakit nya naisipan tapikin pabalik yung matanda habang sinasabi nyang wala pong anuman. Doon na nagbago ang awra ng matanda at nagtanong ng pagalit sa kapatid ko kung galit daw ba yung ate ko. Hindi na namin pinansin at nag-aya na lang kaming umuwi, balak sana naming maglakad pauwi para matagtag yung kinain namin. Habang naglalakad kami, napansin namin na sinusundan kami ng matanda, hinahayaan lang namin sya dahil napakalayo naman ng distansya namin sa kanya at madami kami. Maya-maya lang lumingon yung isang kaibigan ko at sinabing "Hala ang lapit na nung matanda, sinusundan nya tayo." Which is ipinagtaka namin ng sobra dahil ilang beses kaming tumakbo dahilan para mas lumayo ang distansya namin sa kanya at take note may katandaan na din sya at may karamdaman dahilan para hindi sya makapaglakad ng mabilis.

Nagpatuloy pa din kami sa paglalakad hanggang naisipan na lang naming huminto at paunahin yung matanda, ngunit sa pag-aakala namin na lalagpasan nya kami bigla syang huminto samin at sinabing "Galit ba kayo? Ibabalik ko na lang itong pera na binigay mo" at pilit inaabot sa ate ko yung pera na binigay sa kanya na hindi namin tinanggap at sinagot namin sya ng "Hindi po kami galit." Natatakot na din kami sa mga oras na yun kaya sinamantala na namin yung tricycle na dumaan, sumakay na kami at nagpa-panic na kami sa takot pero dahil nga siyam kami nahirapan agad makaalis ang tricycle. Nang bigla na naman niyang nilusot ang kamay nya sa pinto ng tricycle at sa puntong ito yung isang kasama ko na ang tinapik nya sa balikat. Sa takot namin lahat pinalabas ko ang kaibigan ko at inutusang tapikin pabalik yung matanda pero nagpupumiglas yung matanda at ayaw magpatapik, sa galit ko sumigaw na ako sa matanda ng "Hoy Ate!" dahilan para mapalingon sya sakin at doon na nakakuha ng pagkakataon yung kaibigan ko na tapikin yung matanda,  at biglang balik nya sa tricycle at saka umalis na din kami. Hindi kami agad naghiwa-hiwalay pagkauwi namin dahil sa takot. Nagpaabot kami ng liwanag bago kami natulog.

Sana ma-i-post itong creepy experience namin at mabigyan ng mga tip ang lahat pagdating sa mga ganitong scenario.

PS. Kung hindi kami huminto at nagpatuloy sa paglalakad susundan nya pa rin kami hanggang makarating kami sa lugar namin.
PPS. Full moon nung time na yun at mag-3am.

-Ayishon

Scary Stories 5Where stories live. Discover now