TILL FATE DO US PART (Fate Se...

By dreyaiiise

20.1K 2.8K 556

She was having difficulty locating her father in order to make her mother happy. She encountered many difficu... More

TILL FATE DO US PART
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABABATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 54

140 20 0
By dreyaiiise

-Thank you-

Unang araw nang pag-eensayo namin sa production number para sa umpisa nang Mr and Ms. MU

"Okay, ganito yan" tinuro sa amin nang choreographer ang bawat detalye nang galaw.

Una muna ay rarampa nang kaunti ang isang babae na nakasuot ng dilaw na t-shirt, kasabay ang kapareha niya, number 1 kasi sila.

Sumunod ang isang babae na si Armiya, narinig kong sinabi kanina nung host. Kapareha niya ay si Joaquin. So engineering sila kaya kulay purple ba yun.

Nang sina Eunice na ang sumunod, bigla naman niya akong inirapan. Kulay asul ang suot nila na nagsisimbulong arkitektura ang kurso nila.

Hanggang sa mapunta na sa amin ni Gab. Napansin kong nanahimik siya.

"Anyare sayo, Gabby?"

Ngumiti lang siya saka na nagtuon ng pansin sa ginagawa.

Maglalakad na muna ako papuntang gilid sa kabila si Gab at magsasalubong kami para sabay pumunta sa gitna. Hanggang sa pupuwesto na kami sa inatas sa amin.

Itim naman ang kulay nang aming Kurso, na nagsisimbulong sikolohiya.

These past few days, naging abala na kaming mga kandidato sa timpalak na ito.

"Ouch" narinig kong sigaw ni Armiya nang may sumabog na party poppers.

Nakita kong sina Iza iyon kaya tumakbo ako papunta sa kanila.

"HAPPY BIRTHDAY!!!" sigaw nilang apat. Nandito si Caleb kaya nakobati na rin si Gab.

May dala silang mga pagkain na sapat sa mga tao dito. Mga isang daan pa ata ang mapapakain mo dito.

"Hala, salamat" akala ko ba naman nakalimutan nila. Alas dos na kaya.

"Sorry natagalan, mabagal magluto tong mga 'to" turo niya sa mga tao na kasama nila.

Mukhang gumastos talaga sila ah. "Don't worry, si Gab and Caleb lahat gumastos" bulong sa akin ni Alja.

Inabot nila ang regalo nila sa akin. Ang gaganda! Puro alahas ang mga ito na isusuot ko raw sa araw ng timpalak.

"Kami na rin bahala sa black gown mo!" Iza said, cheerfully.

"KAIN na muna tayo" yaya ko. Nagugutom na rin ako kaso hindi lang makapag-break dito.

"Okay, happy birthday" bati din sa akin nang mga tao dito, maging ang mga kandidato at kandidata.

Siyempre pati mga prof na kasama namin.

Umalis sina Eunice at ang isang babae na kasama rin namin. Hindi si Armiya pero ibang babae na maganda din naman.

Nilapitan ko si Gab at Caleb para magpasalamat. "Hoy, ikaw ah! Kaya pala nananahimik ka. Salamat" niyakap niya ako, kaya naman niyakap ko siya pabalik.

Para nang magkakapatid ang turingan namin kaya wala nang malisya ito. Sadyang ang mga nasa paligid lang ako ang nagbibigay malisya.

"Ang sabi ni Tita, umuwi raw tayo kaagad baka daw umulan" singit sa amin ni Iza.

Kumain na muna kami bago ituloy ang huling ensayo.

Nanatili nalang sila dito para sabay-sabay na kami umuwi.

Madalas na nasisigawan si Kentver ng nagtuturo dahil wala siya sa sarili niya.

"Kentver! Doon ka nga sa kaliwa pagkatapos ni Fauz dito sa gitna" magkasunod kasi kami.

Kasunod siya ni Gab kaya magkalapit kami nang lugar. Ikot ikot kasi ang pwesto.

"Ayos ah?" biro pa nito sa akin. Dahil inaayos ko black dress ko.

Ewan ko kung nang-aasar ba siya.."So?" pagtataray ko. Hindi naman kami ganoon ka-close, lalo na't pinsan niya ang ex ko.

"Happy Birthday daw" sabay kindat sa akin.

Nakasuot siya nang pula na nagsisimbulong isa siyang business ang kinuha niya.

Alas singko na kami natapos, napansin kong nagmamadali si Alja. Ako kasi ang maghahatid sa kanya dahil nakakahiya naman raw kay Gab.

Napansin kong sa bahay namin sila papunta. Baka may supresa sila?

"Bakit doon sina Caleb dumadaan?"

"Malamang kapit-bahay niyo si Iza" binatukan pa ako.

Oo nga naman, masyado lang akong assumera!

Napansin ko na wala na sila sa dinadaanan namin kaya liliko na ako para ihatid si Alja.

"Teka! Nakalimutan ko pala yung mga papel ko sa bahay ninyo" nangangati niyang sabi.

Inirapan ko siya saka ako bumalik sa daan na papunta sa amin.

"Kailangan na ba ngayon yun?"

"Oo eh"

"Osya, ipahatid nalang kita pauwi kay Kuya Cards"

"Sige, salamat"

Bumaba na kami, nauna pa siya sa akin dahil inayos ko pa ang parking ko.

Madilim pa sa loob ng bahay, baka nga wala pa si Mama at Papa, pero asan yung mga maids?

"HAPPY BIRTHDAY!" nagulat akong tumingin sa kanilang lahat. Naging emosyonal ako dahil ang saya talagang masurpresa.

"Sabi ko na eh!" naluluha kong sambit.

Niyakap ako ni Mama at Papa dahil sa tuwa. "Happy Birthday! Kailan mo gusto ang handaan? Nagiging abala ka kasi eh" Papa asked.

"Pagkatapos nalang po ng pageant. Para chill nalang" sumang-ayon naman sila doon.

Busog na ako pero kakain ako ulit dahil masarap ang pagkain.

Umakyat na muna ako para magpalit ng damit. Nakita kong nandoon rin sina Iza. Kung titignan, si Vaughn lang ang wala.

Hindi naman sa tinututulan ko siyang lumapit kina Iza at Alja. Pero siguro hindi na naman ayos iyon dahil sila mismo ay galit sa kanya.

Naisipan kong buksan ang laptop ko, napakarami na ngang bumabati sa akin. Kahit sa Instagram na mga followers kong hindi ko kilala.

Nakita kasi nila ang poster ko sa sikat na resort dito kaya ganun.

"I wish you never stop enjoying all the happy, little moments in your life. I'm happy that you were born on this day...hbd"

Is that his greetings to me? Or I'm just assuming things.

Bago niyang post yan dito sa IG. Wala akong natatandaan na kinuhanan niya ako dito pero beach ang pinapakita.

I checked some comments.

-No way! Comeback naba?
-Hala ako nalang kasi, Vaughn
-BIRTHDAY NI LOUREENE FAUSTINA NGAYON!!!!!!!!
-Balik kana @loriphilips please..
-Kala ko ba si Eunice na pakakasalan mo?
-Move on!!! Mas bagay kayo ni Eunice
-@loriphilips lang!
-Miss kona kayo lalo na ung mga posts ninyo.
-Forever with you guys!

Iilan lang yan sa mga nabasa ko, naglike ako sa iba lalo na sa mga mention nila sa akin. Alam ko naman na hindi nila alam ang totoong nangyari. Marahil ang iba naisip na ako ang may kasalanan okaya naman hiniwalayan lang ako ni Vaughn.

Maya-maya lang, sumabog na naman ang notifications ko. Hindi lang dito, pati sa Twitter.

Nakita ko ang tags nila sa akin na happy birthday daw sabi ni Vaughn. Dinaig ko pa ata ang artista?

"Come back daw oh" nakita rin pala ni Kuya ang mga comments.

Bumaba na muna ako dahil kukuha kami nang maraming litrato para sa memories.

I posted them on IG. And then....ayun na nga po, sumabog muli ang notifications ko.

Puro greetings lang naman kaya ang iba ay nilike ko. Nagulat nga ako na sa tuwing napapansin ko ang comments nila ay magttweet pa. I'm so grateful!

I posted some tweets.

Fauz@loriphilips
-I am grateful to have y'all! Just smile and sit back. THANK YOU SO MUCH!

Hahayaan ko nalang siya. Wala naman kami, pero wala namang masama kung batiin niya ako.

Nakatulog na ako nang malagay kona iyon. Inaantok na ako eh, napagod kasi sa ginawa namin ngayon.
.
.
.
.
Rampa naman namin ang pinag-aaralan. Marunong na ako dahil nakasanayan ko na ito.

"Anong talent mo?" tanong sa akin ng isang babae.

"Ahm, kakanta hehe" sagot ko sa kanya sa mahinhin na paraan.

"Wow! Ako din!"

Tinawanan ko na lang siya, hindi ko naman kasi binalak na makipagkaibigan sa kanila. Basta gusto ko nalang maging memorable itong pagpasok ko sa paaralan na pinaghirapan nang Papa ko.

"Okay! From the start. Tapos sa opening number na tayo" pasigaw na sambit nang nagtuturo.

March 4 is the day of the pageant. And March 15 is the day, that I'm going back to the place where I belong....in US.

Wala pang nakakaalam dito, wala na rin akong balak na ipaalam dahil nga ayokong makasira ng relasyon.

"Ang lalim ata nang iniisip mo?" tanong sa akin ni Iza. Araw-araw kasi hinihintay nila ako, kung hindi nila ako hihintayin, susunduin naman.

Hindi ko nga namalayan na tapos na pala ang practice namin. Bakit ba kasi pumasok nanaman sa isipan ko ang pag-alis ko, baka masabi ko pa sa kanila.

"Teh! Kung kinakabahan ka dahil isang Linggo nalang pageant na, sure ako na ikaw ang panalo" sambit ni Alja.

Masyado nilang pinapataas ang kumpyansa ko. Kaya sisiguraduhin ko na mananalo ako dahil, para na rin ito sa kanila.

"Kapag nanalo ako, papayag ba kayo sa mga hihilingin ko?" seryoso kong tanong, kaya naman napatigil sila sa paglalakad.

"Anong hiling naman?" naguguluhan nilang tanong.

"Kahit ano! Siyempre nanalo ako dapat bigay niyo gusto ko" sambit ko pa.

"Huwag naman sana malala ah?" parang ayaw pa ni Iza na sumang-ayon.

"Oo ba! Basta manalo ka" si Alja naman.

"Sige na nga! Dapat manalo ka ah?"

Tumango ako bago kami pumasok sa kanya-kanyang sasakyan.

Kumaway muna kami saka pinindot ang busina bago umalis.

"Ito lang ang tanging paraan ko para payagan ninyo ako" tumulo ang isang patak ng luha ko.

Pinaandar ko na ang kotse ko. Mahal ko sila kaya mahirap para sa akin na umalis. Pero kailangan ko, para na rin sa ikabubuti ko.

Nasasabi kong ayos na ako, nothing's really wrong, I just don't feel alright...

Alam kong ayos na ako, hindi na ako ganoon kaapektado sa tuwing lumalapit siya.

Pero alam ko sa sarili ko na walang nagbago. Walang nagbago sa pagmamahal ko dahil umaasa ako na malay ko bang kami pala sa dulo?

Pero ayoko nang panghawakan iyon dahil wala namang patutunguhan. Magkakaroon siya nang sariling pamilya at kailangan kong tanggapin ang katotohanan na iyon.

March 02

"Anak! Dito na ipapakita ko sa iyo ang isusuot mo kapag kumanta kana" mabilis akong bumaba at iniwanan ang ginagawa ko nang dumating na ang dress ko.

It's a black and red wrap up dress. nagwawagi ang itim na kulay dahil sa ibang kurso na ang kulay pula.

Ayon kay Dean, dapat kung ano ang kulay ng kurso ninyo ay iyon lang ang susundin. Ikaw nalang bahala ang magdala, mabuti nga lang itim ang sa akin. Madaling bumagay sa isang simpleng tulad ko.

"Mamaya na rin darating ang isusuot mo sa Ms. MU!" halatang tuwang-tuwa si Mama.

Inisip ko tuloy kung kailan ko sasabihin. Naayos ko na ang lahat, mayroon na akong ticket papunta doon at tatlong taon iyon.

"Ma, nasaan si Papa at Kuya?" naisip ko na mas maganda kung isahan nalang.

"Nasa taas ang Papa mo dahil inaayos ang mga papel. Ang kuya mo naman kauuwi lang"

Maaga nang umuuwi si Kuya dahil mayroon na siyang maayos na kasama sa kumpanya, kundi ang mga kaibigan nito.

"Ma, may saaabihin po sana ako" kinakabahan kong sabi.

"Ano iyon?" nakangiti nitong tanong. Nangamba tuloy ako, baka kasi hindi magustuhan ni Mama ito.

"Pero sana, kasama si Kuya at Papa"

"Okay. Herron, Anak. Darling" pagtawag niya sa mga ito na sandali namang nakababa papunta sa amin.

Umupo kami sa malaking couch, nagtataka na sila kung bakit sila tinawag.

"May sasabihin raw sa atin ang prinsesa" ako ang tinutukoy ni Mama.

Pinakita naman nila sa akin na nakikinig sila kaya sinimulan ko nang sabihin ang pakay ko.

"Sa lahat po kasi nang nagyayari ngayon. Alam kong okay ako. Pero gusto kong makawala sa mga iniisip ko pero hindi ko magawa iyon kapag nandito ako" tinignan ko sila isa-isa. Si Kuya mukhang alam na niya ang ibig kong sabihin.

"Kung ayos lang po sa inyo..."

"Ano?"

"Sa March 15 po ang flight ko papuntang US" yumuko ako saglit para hindi ko makita ang magiging reaksyon nila.

Naramdaman kong tahimik lang sila kaya iniangat ko na ang ulo ko.

"Just because we don't see tears from your eyes, doesn't mean your heart don't cry. We all know that you need to find yourself somewhere else. Maybe this is not the place where you can surpass all of the sadness" nagulat ako sa sagot ni Papa.

Tumayo ako para yakapin siya ng mahigpit. "Thank you, Papa" I'm crying...omg

"Anak, alam na namin..Nakita na nang kuya mo kaya ikaw nalang ang hinihintay naming magsabi" sambit ni Mama.

Kaya pala these days laging lumalapit sa akin si Kuya, alam ko naman na ayaw niya akong mawala eh.

"So, payag kayo?"

"Yes"

Niyakap ko silang tatlo, buong akala ko kasi hindi nila magugustuhan ang plano ko.

My family never failed me yet. We're always supporting each other and loving everyone.

"Ma, kinakabahan ako sa magiging reaksyon nina Iza at Alja"

Mahirap talagang isipin na iiwan ko sila nang hindi pinapaalam. Batid kong sobrang magagalit si Iza, dahil nga may pangako kami sa isa't-isa noong bata pa.

"Ako na ang bahala, pero kung kaya mo... magpaalam ka dahil karapatan nilang malaman"

Naputol ang usapan namin nang tumunog ang doorbell.. "Mrs. Davis?" he asked.

Pinapasok na pala siya nang gwardya namin.

"Salamat" nakangiting pagtanggap ni Mama sa isang malaking kahon.

Siguro ito na ang sinasabing damit ko.

"Anak! Sukatin mo na ito.."

Hindi ako pinayagan nina Mama na magpuyat kahit na marami akong dapat gawin dahil isang araw nalang nga ang pageant!

Maaga ngang pupunta ang mga mag-aayos sa akin dahil ayaw ni Mama na may nahuhuli lalo na daw ilang araw nalang ang natitira na makakasama nila ako.

Iniisip ko palang na mahiwalayan sa kanila, nahihirapan na akong umalis. Kung pwede lang sana na umayos ako nang isang araw eh, kaso hindi. Wala namang bagay na maayos sa isang araw, lalo na ang nararamdaman ko.

Nandito lang ako sa kwarto ko, hindi pa ako inaantok kaya naisipan kong kantahin nalang ang kakantahin ko sa talent portion.

"Anak, can I talk to you?" napatigil ako sa pagkanta nang marinig si Papa.

Hindi ko siguro napansin na nakapasok na siya dahil masyado kong dinadama ang kanta.

"Sure, Pa"

"Buo na ba ang desisyon mo? Aalis ka talaga?" nalulungkot nitong tanong.

Ilang buwan ko palang siya nakakasama pero hindi niya nakaligtaan sa isang segundo na iparamdam ang pagmamahal niya sa akin.

"Yes, Pa. Hindi ko naman kakalimutan na kausapin kayo eh. Saka babalik din naman ako kapag alam kong sa sarili ko na buo na ako" I said. Binitawan ko ang gitara.

"You made the right choice! You don't need other people to fix you, you just need yourself"

"Yeah, kaya huwag ka nang malungkot"

"Basta tandaan mo na, huwag kang papakain sa lungkot ah? Basta iisipin mo lang na nandiyan ang Diyos para sa'yo"

Yung mga linyahan talaga ni Papa ang kailangan ko. He understands me more than I understood myself.

Pinagmasdan kong lumabas siya. Sinabihan niya rin ako na matulog na.

Ngunit natanaw ko ang isa ko pang susuotin para casual. Ang casual wear namin, simpleng bistida lang. Pero ganoon pa rin ang kulay.

Kinanta ko ulit ang iilang parte, lalo na ang chorus. Sa tuwing kinakanta ko kasi ito gumagaan ang pakiramdam ko.

Tinatanong nga nila Mama kung bakit ito ang kakantahin ko, kung gusto ko ba raw bumalik ulit sa simula.

Wala akong alam isagot, basta ang alam ko lang ay para sa kanya ang kantang ito. Hindi naman sa gusto kong bumalik sa dati, gusto ko lang na ipahiwatig na mahal ko pa rin siya.

*******************************************

A/N: Hi mga mayonnaise! Pahalagahan ninyo ang mga magulang ninyo kahit na minsan hindi nila tayo naiintindihan. Mahalin niyo sila ng walang alinlangan. Dahil kapag dumating ang panahon, sila ang hahanapin ninyo.

Godbless and Enjoy 💗

Continue Reading

You'll Also Like

67.5K 1.8K 42
Hechanova Series 2/4 Truth to be told, We all once like someone who doesn't like us back. We chase them, until we give up. Why are we so obsessed? Ma...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
9.9K 486 45
Wandering without a map is indeed scary. Walking on a path without knowing where it will lead you is nothing but bravery. Some are lost under the moo...
27.8K 782 39
(Lost Souls Series #1) First-year nursing student and only child Veraine Maureen Belmonte almost has it all. As she step out of her luxurious life, s...