master | annyeongz [ON HOLD]

Av jintokki

23.4K 1.9K 2.2K

Isang cutie na aso naging isang maattitude na tao!? Hala ano yun? Magic? Teka sandali- medyo cute siya. stat... Mer

master
•01•
•02•
•03•
•04•
•06•
•07•
•08•
•09•
•10•
•11•
•12•
•13•
•14•
•15•
•15.5•
•16•
•16.5•
•17•
•18•
•19•
•20•
•21•
•22•
•23•
•24•
•25•
•26•
•27•
•28•
•29•
•30•
•31•
•32•
•33•
•34•
•35•
•36•
•37•
a/n
•38•
•39•
help
•40•
•41•
•42•
•43•
•43.5•
not an update
•44•
•45•
•46•
•46.5•
•47•
•48•
•49• (1/2)
hey

•05•

513 46 31
Av jintokki

The clinking sound of the spoon and fork against the plates can only be heard since no one dared to speak. Si Wonyoung panay nakaw ng tingin sa kaharap niyang si Eugene na tila mauubusan ng pagkain. Pagkain na of course, specially cooked by our dear protagonist.

Mukhang sarap na sarap ang taong aso sa luto niya.

Still, Wonyoung can't believe what she just found out today. Ikaw kaya magising na may taong asong katabi? Nagsitayuan tuloy ang mga balahibo niya. Yikes, mukhang matatagalan pa bago siya masanay sa buntot ng kasama niya.

"Asjkgfsfg sgdfjksgdhf gsdjfs!" (Ang sarap naman nito master!) Sabi ni Eugene na puno pa rin ng pagkain ang bunganga.

"Dahan-dahan lang, baka mabulunan ka. Oh eto tubig." Wonyoung offered her a glass of water. Agad naman itong tinanggap ni Eugene. Laking gulat ni Wonyoung na naubos agad ang laman sa isang lagok lang. Ininom na tila uhaw na uhaw.

Eugene's eyes flickered.

"Master, ang sarap ng niluto mong pagkain." Puri niya. Wonyoung felt something hot on her cheeks. For sure namumula na siya dahil sa hiya. First time niya kasi makarinig ng compliment tungkol sa cooking skills niya. Kahit si Yena na mismong best friend niya hindi niya pa nilulutuan. Si Eugene pa lang.

"Talaga? Sige sabihan mo lang ako pag gusto mo pa ha? Kain ka lang." Wonyoung can't help but smile. Ansaya saya niya na agad dahil sa compliment. Hayaan niyo na muna raw siya.

"Kung ganon, pwede pahingi ng isa pa?"

"Sure!"

"Anong sure, master?" Eugene slightly tilted her head. Eyes full of curiousity. Wonyoung can't help but scream mentally. What she witnessed was just too cute to handle.

Maybe this isn't that bad at all.

"Ang ibig kong sabihin, oo pwede kang kumain ng isa pa. Kahit ilang beses pa!" Sabi ng ating bida habang nakangiti.

.

"Master isa pa."

"Oh eto."

.

"Master pahingi pa isa."

"Here."

.

"Master isa pa."

"A-ayan na..."

.

"Master—"

"Oo na."

.

"Master isa pa tsaka pahingi rin ng tubig."

"Hindi ka pa busog!?"

"Gutom pa rin ako master eh."

"ANO!?"

.

"Master pahinging isa pa."

"..."

.

"Master—"

"Yung totoo sino ba yung dapat pinagsisilbihan dito? Buong araw ka nang kumakain ah?"

"—Pahinging tubig..."


"Mayghad marga!"


"Sino si marga? Ang pangalan ko ay Eu—"


"Oo na tahimik na kukuha na ako ng pagkain tahimik na!" Wonyoung frustratedly marched away from Eugene. At first natutuwa siya kasi nakakakain ng mabuti ang kasama niya. But she's been eating for almost a whole day now. Once, twice, thrice, hanggang sa hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang binigyan ng pagkain si Eugene. At iniisip niya kapag nagpatuloy pa to, pakiramdam niya wala na siyang makakain sa susunod na linggo, o baka sa susunod na buwan.


Tsaka isa pa, pagod na rin siya. Kanina pa kaya siya pabalik balik sa kusina!


Buti nalang at day-off niya today.

Dala ang last serving ng pagkain sa kaldero at isang pitsel ng tubig (ayaw niya na talaga bumalik sa kusina and she's hella tired already) inilapag niya ito sa harapan ng tila gutom pa rin na si Eugene. Which is really weird kasi ang chubby niya.

"Seryoso ilang taon ka bang hindi kumakain?" Wonyoung asked the other who's busy on her food. Thankfully tumigil muna siya sa pag-nguya at nilunok ang nasa bibig niya bago magsalita.

"Hindi naman sa hindi ako kumakain, nakakakain naman ako. Pero kaunting kaunti lang. Pantawid gutom kumbaga." Bigla namang nakaramdam ng awa si Wonyoung matapos marinig ang sinabi ni Eugene. "Tatlong taon akong nasa anyong aso kaya mahirap." She added.


Saglit na nagkaroon ng katahimikan.


Suddenly Wonyoung heard a knock.


"Oh no." She mumbled. She quickly faced the other only to find out that both the pitcher and the caldron are now empty. Eugene immediately let out a really loud burp.


She just blinked, and now it's empty!?



Gosh, she must be really that hungry.


"Maraming salamat sa pagkain, master—"


"Sweetie? Gising ka ba?" She heard her tita from the outside. Nervousness quickly engulfed her in a matter of seconds.

Napatayo si Eugene at napadako ang tingin sa pintuan. Thinking that there is a possible threat to her master. She growled as she is alarmed.


"Eugene, magtago ka muna sa kwarto please?"


"Ayoko! Kailangan kitang protektahan!"


"Aish ang tigas naman ng ulo mo! Please pumasok ka nalang sa kwarto mo—"

"Sweetie? Papasok na ako ha?" They heard the sound of the keys ringing. Signaling that the door will open any second.

"Eugene master mo ako diba? Makinig ka sakin please?" Tinutulak niya na ang kasama niya papasok sa kwarto pero nagmamatigas ito.

"Eugene, isa."

"Argh." Reklamo niya pero sumunod naman ito. The moment Wonyoung closed the door was the same time that her main door was finally opened.  


"Wonyoung sweetie pie halika dito miss ka ni tita!" bati agad sa kaniya ng tita niya. She showered Wonyoung with hugs and kisses.


"Tita Tiff naman eh you're treating me like I'm still a baby!" Reklamo ni Wonyoung. Pero deep inside she actually likes it when her tita is giving her hugs and kisses.

"It's because you're still a baby! At kahit tumanda ka pa, baby pa rin kita. Never magbabago yun okay? Halika dali may bagong bili si Tita Tiffany mo galing ukay-ukay tingin ka baka may magustuhan ka rito." The both of them was about to head towards the sala, a sound of a door creaking can be heard. Magkahalong kaba at inis ang nararamdaman ni Wonyoung as of the moment. Antigas tigas ng ulo ng asong yun!

Pipigilan niya sana ang tita niya pero naunahan na siya nito. Nakatingin ngayon ang Tita Tiffany niya sa direksyon ng kwarto niya. Ay, pwede na siguro siyang kunin ni GodJihyo. Tiyak mahihimatay ang tita niya dahil sa makikita niya.


Oh my GodJihyo—


"Ay, may kasama ka pala sweetie? Bakit hindi mo sinabi agad nang may naihanda akong pagkain para sa inyo?"


Pause.


"H-huh?" Wonyoung absentmindedly asked. She expected her tita to scream, shout, or even run. Akala niya magugulat ang tita niya sa makikita niya. She finds it strange why her tita isn't surprised. Walang bakas ng takot o pagkagulat ang makikita sa mukha niya.


Weird.


She slowly turned her head towards Eugene. And there she saw Eugene looking like an actual human. As in without dog ears and tail! Though her eyes are still damn blue. But hello?


Oh my god.


Tahimik na lumapit si Eugene sa kanila. Specifically sa tabi ng master niya. Saka lang napansin ni Wonyoung na anjan pa rin ang collar sa leeg niya. Napatingin naman siya sa tita niyang parang wala lang dun sa collar.


Or maybe, hindi niya pansin?



Kasi hindi niya talaga nakikita?


"Aba'y ang ganda naman ng mga mata mo iha. Asul na asul. Galing ka bang ibang bansa?" Her tita asked Eugene.


"B-bansa?" Base sa tunog ng tanong niya, hindi niya yata alam kung ano ang bansa. And it caught Wonyoung off-guard.


Crap.


"Actually tita, yung father niya came from Europe. S-sa Finland po hehe. Yung mother taga bansa natin pero magkasama parents niya doon ngayon. And uhmm dito po siya lumaki hehe." Buti nalang at mautak si Wonyoung. She answered on Eugene's behalf.

"Ay talaga? That's good na you're trying to be independent!" Tita Tiffany said happily. Eugene just nodded in agreement. Eventhough she didn't understand a thing.

"So what's your name?" She finally asked. Meanwhile Wonyoung is dying inside, hindi to hold you (inunahan ko na kayo) but because of nervousness. Lalo pa siyang kinakabahan for Eugene na hindi makaintindi ng english. Lagot na talaga.

Nagkatitigan lang sina Eugene at nung tita niya. Sobrang awkward sa part ni Wonyoung. Kaya siniko niya si Eugene sa tagiliran.

"Ano raw pangalan mo." She whispered.

"A-ah! Ang pangalan ko po ay Eugene." kabadong sagot niya.

"Ahhh Yujin ba? Kay gandang pangalan naman!" Her tita exclaimed.

"Eugene po." Eugene corrected.


"Ahhh Yujin..."


"Eugene." She repeated. But slower this time, emphasizing every syllable.


"Yujin nga." Pagmamatigas ng tita.


"Eugene." She said with an irritated tone.



"Yujin—"


"Opo. Yujin po name niya Tita Tiff hehe." Wonyoung butted in between. Eugene was throwing deadly stares at her tita. Pinanlakihan lang ng mata ni Wonyoung ang kasama niya.

"Ang kyut kyut mo naman Yujin! Wag ka mahiyang lumapit sakin kapag kailangan niyo ng pagkain ha?" After hearing the word 'pagkain', her mood suddenly changed. From glaring to smiling real quick. Heck, even her eyes are twinkling. Narealize tuloy ni Wonyoung na matakaw talaga itong kasama niya.


"Talaga po?"


"Oo naman! Oh siya, maiwan ko na muna kayo ha? May aayusin pa ako sa itaas. Iwan ko nalang rito ang mga pinamili ko ikaw na bahala rito sweetie ha?" Wonyoung just hummed and her tita left after.

And then again, she just blinked at bumalik agad yung buntot at tainga ni Eugene. Like it just popped out of nowhere.

"Alam mo ikaw antakaw mo talaga kahit kailan."

"Walang makakatanggi sa libreng grasya, master. Sana pala siya nalang kinontrata ko— aray!" Napahawak si Eugene sa tiyan niyang nasiko ni Wonyoung.

"Ikaw talaga! Magkatunog naman ang Yujin at Eugene ah bat mo pa pinatulan si tita!"

"Magkaiba kaya yun!"



"Magkatunog lang kaya!"



"Hindi kaya!"



"Ewan ko sayo!"


"Pero naisip ko, magandang pangalan rin ang Yujin. Iyon nalang ang gagamitin ko sa mundong ito." Eugene said while her hand is holding her chin and looking above.

"Magkapareho lang naman kasi— sige bahala ka. Kung jan ka masaya edi go." Pagod na rin siyang makipagtalo sa asong to kaya hinayaan niya nalang. She accepted it already that this person is really weird.

"Matanong ko lang, pano ka napunta rito sa mundo namin?" She finally asked a million dollar question. Hoping that Eugene would answer it.

"Tumakas ako sa mundo namin. Ayun lang." She abruptly answered. Wonyoung wanted to ask why, but she feels that it's not the right time. Kaya pinagliban niya nalang muna.

"Isinumpa ka ba sa mundo niyo? I mean, kaya ka naging tunay na aso." Tanong ulit ni Wonyoung.

"Hindi ako isinumpa. Masyado akong makapangyarihan para lagyan ng sumpa master. Simpleng ginawa ko ang sarili ko bilang isang totoong aso." Sagot naman nito.


Wow sana all.


"Kung ganon, bakit ka pala hindi ka makabalik sa totoo mong anyo?" Hindi halata pero nahihirapan na talaga ang ating bida na umiwas gumamit ng english words. But at least she still tried for Eugene.

"Nakalimutan ko kung pano."


"Ahhh— HA!?" Hindi na nagsalita pa si Eugene at natulog nalang muna.


What should she do with this info!? Wonyoung just ruffled her hair out of frustration.





Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
57K 2.7K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
99.6K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
2M 45.8K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...