Love Fools Series #1: A Deal...

By iris_amari

14.4K 1.4K 1.3K

SOON TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING HOUSE Mark Justin Villegas is a known heartthrob and womanizer in... More

Prologue
Chapter 1: Introduction
Chapter 2: Marc Justin Villegas
Chapter 3: Justin's Damoves
Chapter 4: Lunch Date
Chapter 5: Getting to know
Chapter 6: Ligawan
Chapter 7: It's a YES
Chapter 8: First Real Kiss
Chapter 9: Your Guardian Angel
Chapter 10: First Monthsary
Chapter 11: Meet the parents
Chapter 12: Happy Birthday to Me!
Chapter 13: Moments...
Chapter 14: Cold Treatment
Chapter 15: Doubts
Chapter 16: Truth Hurts
Chapter 17: Home Sweet Home
Chapter 18: Reunion
Chapter 19: Confession
Chapter 20: Like Father, Like Son
Chapter 21: Confrontation
Chapter 22: A Father's Love
Chapter 23: Visits and Talks
Chapter 24: A Good Man's Advice
Chapter 25: Realizations
Chapter 26: The Taste of Love
Chapter 27: A Family Date
Chapter 28: The Other Side
Chapter 30: Reasons
Chapter 31: Graduation Suprise!
Chapter 32: Officially Engaged
Chapter 33: The Preps
Chapter 34: Mission Failed!
Chapter 35: My Happy Ending
Epilogue
Author's Note

Chapter 29: Lunch Party

263 25 15
By iris_amari

Sydney's POV

Hinawakan ni Justin ang kamay ko at iginiya ako paakyat sa kwarto niya. Alas diyes y media pa lamang ng umaga at naroon naman si Marco kasama ang mga magulang ni Justin kaya nagpahinga muna kami.

Pumasok kami sa kwarto ni Justin. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto niya. The walls are painted in sky blue. He has a king sized bed, a bedside table and a lampshade. On the bedside table, I was surprised to see a picture of us. I was so thin, and so was he. It was taken during our high school days. Nakaakbay siya sa akin at pareho kaming nakangiti sa picture. We look so happy, so carefree.

I put my sling bag on the table and sat on his bed. The mattress was so soft and was like inviting me to sleep. He sat beside me, held my hand and kissed it.

"I told you everything will be alright. And I would never let anyone hurt my son's feelings."

"Thank you, Justin. Kahit na matagal kaming nawala, kahit hindi mo kaagad nakilala si Marco, minahal mo pa rin siya. Tinanggap mo siya ng walang pag-aalinlangan sa buhay mo. Thank you kasi nandito ka na ngayon sa buhay namin."

"And I will always be here, forever. Pakasal na tayo?"

"What? Hindi pa nga tayo graduate eh."

He just laughed at me and kissed my forehead.

Bumaba na rin kami sa sala at naabutan namin ang mga magulang niya kasama si Marco. Nagkukuwentuhan sila habang nakatingin sa photo album nila Justin. Masaya naming pinagmasdan sila. Nakakatuwa na kompleto na ngayon ang pagkatao ng anak ko. Hindi na siya kulang. Wala na yung puwang sa buhay niya kasi buo na siya ngayon. At bilang magulang, natutuwa ako na nararanasan na ng anak ko ang magkaroon ng kompletong pamilya. Yung may matatawag na daddy, may makikilalang pamilya ng daddy niya. Ang sarap lang sa pakiramdam. All along, akala ko okay lang na kaming dalawa lang. Na hindi niya kailangan makilala ang daddy niya kasi bubuuin namin siya ng pamilya ko, pero mali ako. Maling-mali ako para isipin na matutumbasan ko ang kaligayan nang pagkakaroon ng buong pamilya.

Lumabas kami ni Justin sa garden para tumulong sa pag-aayos at pag welcome sa mga bisita. Unti-unti na ngang nagsidatingan ang mga bisita, mga relatives nila. Isa-isang ipinakilala sa akin ni Justin ang mga Tito, Tita at mga pinsan niya. Mayroon ding mga bata na kasing edad ni Marco, mga pamangkin ni Justin sa mga nakakatandang pinsan niya. Medyo nakakahiya lang sa part na kami ata ang pinakabatang may anak sa angkan nila. Mabuti na lang at mababait naman sila. Hindi sila yung tipo nang mga tao na mabilis manghusga. Naging mainit din ang pagtanggap nila sa amin. Lalo na nung dinala nila Mama Chesca si Marco sa labas para ipakilala sa lahat. Nakakatuwa na siya ang nagiging center of attraction nilang lahat. Tuwang-tuwa ang mga Tito at Tita niya, pati na rin ang mga pinsan niya na makilala ang anak namin.

Nung una ay medyo naiilang pa si Marco sa atensyong binibigay sa kanya, pero kalaunan ay nag-enjoy na rin siya. Masaya siyang nakikipaghabulan sa mga bata, maririnig rin ang masaya nilang tawanan at ang ingay ng kanilang mga sigawan. Nakikipagkwentuhan naman sa amin ang mga pinsan ni Justin. Marami silang ikinwentong mga kalokohan ni Justin noong kabataan na hindi naman talaga nakakasorpresa kasi kahit noong high school kami ay maloko pa rin siya. Naku, kung alam lang nila kung gaano ka chickboy itong pinsan nila noon. Mabuti na lang at nagbago na siya ngayon.

Nagkwento rin ako sa kanila tungkol sa sarili ko. Tungkol sa mga karanasan ko lalong-lalo na noong nagbuntis akong mag-isa, kung gaano ka hirap ang dinanas ko noon. Kung paanong naging inspirasyon ko ang anak ko para bumangong muli. Hindi naman na kaila sa kanila ang nangyari sa amin ni Justin kasi saksi rin naman daw sila kung paanong nahirapan si Justin noong wala ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko habang sinasabi nila sa akin kung paanong sising-sisi si Justin sa nagawa niya, muntikan na raw masira ang pag-aaral niya dahil puro inom daw siya noon para makalimot. Madalas daw siyang pagalitan noon dahil parang napapariwara na siya. Sumasakit ang dibdib ko sa mga narinig ko. Pareho kaming naghirap sa loob ng ilang taon. Ilang taon akong nagtanim ng galit sa kanya to the point na akala ko hindi ko na siya mapapatawad, pero hindi ko alam na sa mga panahong yon pala ay sinisira niya rin ang sarili niya. Maswerte ako, may pamilya akong gumabay sa akin, may anak akong tumulong sa akin para marealize ko ang mga nangyayari sa buhay ko. Pero siya, nag-iisa at walang kaalam-alam na meron na siyang anak.

Andaming taon na nawala sa amin. Sino nga ba ang dapat sisihin? Siya na sa simula pa lang ay pinaglaruan ako ngunit sa huli ay minahal ako? O ako na niloko niya at naging bingi, nabulag ng galit dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko? Siguro nga walang dapat sisihin, pareho kaming nagkamali.

Thankful ako na ngayon ay nabigyan kami ulit ng panibagong pagkakataon. Pagkakataon para itama ang pagkakamali namin, para buohin ang pamilya namin. Narealize ko lang, ang swerte ko, ang swerte naming dalawa. Hindi lahat nabibigyan ng second chance. Hindi lahat ng nagmamahalan nagkakatuluyan. Hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal pabalik. Kaya maswerte kami, kasi mahal namin ang isa't isa. Maswerte kami at nabigyan kami ng pagkakataon na maipakita ang nararamdaman namin.

Nilingon ko siya, nandoon siya sa mga pinsan niyang lalaki at nakikipag-inom. And as if he felt my presence, he looked back at me and mouthed "I love you". I mouthed "I love you" back to him. Itinuon ko na rin ang attention ko sa mga pinsan niya habang patuloy na nakikinig sa mga kwentuhan nila. Masaya silang kasama sa totoo lang, hindi ko na feel na out of place ako or what. They made me feel as though I am already part of the family.

Ang mga bata naman ay patuloy na naglalaro. Minsan nagkakaiyakan tapos magtatawanan at maghahabulan ulit. Napakasayang tingnan ang mga bata, kahit noon lang nila nakilala si Marco ay parang close na close na agad siya sa kanila. Sobrang nag-eenjoy siya lalo na't ngayon lang siya nagkaroon ng mga kalaro na kasing edad niya.

Tinawag ko si Marco para punasan ang kanyang pawis at palitan ang damit niya. Mabuti na lang at may dala akong extrang damit, grabe, basang-basa ang likod niya sa kakalaro. Pagkatapos kong bihisan ay mabilis siyang bumalik sa mga kalaro niya kaya napailing na lang ako.

Tumayo ako at naglakad-lakad sa hardin. Pinagmamasdan ko ang mga bulaklak sa hardin nila. Nakakagaan sa pakiramdam ang mga makukulay na bulaklak nila. Napasinghap ako nang biglang may nagtakip ng mga mata ko.

"Justin, tanggalin mo na ang kamay mo."

Tinawanan niya lang ako at iniharap sa kanya. Kinuha niya ang ilang strand ng buhok ko at inipit sa tenga ko. Marahan niya akong hinagkan sa noo at niyakap ng mahigpit. Ginantihan ko rin siya ng mahigpit na yakap. Maya-maya pa ay natawa kami nang may maliit na kamay na pumulupot sa mga binti namin. Kinarga niya si Marco habang nakayakap sa akin.

"I love you, Mommy. I love you, anak. Tandaan niyo yan."

Bumalik na si Justin sa mga pinsan niya habang ako naman ay iniakyat si Marco sa kwarto ni Justin kasi inaantok na. Inihiga ko siya sa kama at tinabihan. Hinagod ko ang kanyang likod at kapagkuwan ay nakatulog na rin siya. Binantayan ko si Marco habang nililibang ang sarili ko sa pagbabasa ng librong nakita ko sa kwarto ni Justin. Hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako sa tabi ni Marco.

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko, at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Justin. Namumungay ang mga mata at mamula-mula ang mga pisngi niya. Naka-awang ang mga labi habang medyo magulo ang kanyang buhok. Ginawaran niya ako nang mariing halik sa mga labi. Awtomatikong napapikit ang mga mata ko habang ang mga kamay ko ay nakayakap sa leeg niya.

"You look so beautiful when you're asleep babe. Sorry, I woke you up."

"It's okay. What time is it?"

"It's past six already. Gisingin mo na rin si Marco, hatid ko na kayo at medyo gabi na rin."

Pumasok siya sa banyo para magpalit ng damit. Ginising ko na rin si Marco at inihanda ang mga gamit namin para makauwi na kami.

Habang nasa biyahe kami ay nakaramdamdam ako ng kakaiba. Panay ang hawak ko kay Justin kahit na magkasama naman kami. Hindi ko maintindihan pero parang nagiging clingy ako sa kanya. Ganyan talaga siguro kapag in love ang isang tao. Yung tipong, oras-oras, gusto mo siyang makasama. Kahit na sandaling oras lang na magkahiwalay kayo ay miss na miss mo na agad siya. Ganyang-ganyan ang pakiramdam ko ngayon. Feeling ko miss na miss ko si Justin kahit na magkasama kami ngayon.

Nang makarating kami sa bahay at tinulungan ako ni Justin sa mga gamit namin ni Marco. Bakas sa mukha niya ang saya at pagod. Iniakyat niya ang bag ni Marco sa kwarto. Pinaliguan niya si Marco at binihisan. Siya na rin ang nag-asikaso pati sa pagpapakain sa anak namin at pagtoothbrush. Sinamahan niya rin si Marco sa kwarto at binasahan ng bedtime story nito. Nung nakatulog na ang anak namin ay hinalikan niya ito sa noo. Sumunod ay ako naman ang niyakap niya at hinalikan sa noo, sa tungki ng ilong at isang mahabang halik sa mga labi.

Hinatid ko na rin siya sa labas kasi gabi na at bibiyahe pa siya papunta sa condo niya. Bago sumakay sa kotse ay binigyan pa ulit niya ako ng isang mariing halik sa labi at isang mahigpit na yakap. Nakakapanibago, napakasweet niya ngayong araw. Siguro katulad ko sobrang saya niya rin na maayos na ang sitwasyon namin ngayon. Kilala na ng pamilya niya ang anak namin at maayos naman ang pagtanggap nila sa kanya. Ngayon ay wala na kaming poproblemahin pa.

"I love you, babe. Pasok ka na."

"I love you, ingat ka. Call me when you're home."

"Noted, babe."

Bago tuluyang umalis ay bumusina pa siya ng isang beses sa akin. Pumasok na ako sa loob ng bahay. Naligo na rin ako at nagbihis nang pantulog. Habang nagpapatuyo ng buhok ay tumabi ako sa anak kong himbing na himbing na sa pagkakatulog. I'm really happy for him. I know he's been dreaming for this for a long time, ngayon kompleto na kami. Pinagmasdan ko ang mukha ng anak namin, nakuha niya talaga ang mukha ng ama niya. Kaya siguro kahit kailan hindi rin nawala sa isip at puso ko si Justin kasi palagi ko siyang nakikita sa anak namin.

Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba sa hindi ko malamang kadahilanan. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko. Bumaba ako sa kusina at uminom ng isang basong tubig para maibsan ang nararamdaman ko. Kumuha na rin ako ng tasa at nagtimpla ng gatas para makalma ako at makatulog ng mahimbing. Habang umiinom ako ng gatas ay nagsscroll scroll muna ako sa facebook.

May nakita akong post ni Justin. Kuha ito noong nagpunta kami sa theme park. Ang saya namin sa picture. Marami amg naglike at nagcomment doon. Karamihan ay mga classmates namin noong high school. Lahat sila ay gulat na malamang may anak na kami. Nakakaoverwhelm ang reaction at mga comment nila. Nakakataba ng puso. Marami ang natuwa na nagkabalikan kami. At lahat sila ay cute na cute sa anak namin.

Pangingiti pa ako habang nagfefacebook nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Justin sa screen kaya agad ko itong sinagot nang may ngiti saga labi ko.

"Hello, babe."

"Hello Ma'am? Kayo po ba si Ms. Krystalline Yson? Sa emergency room po ito ng Reyes Medical Hospital. Naaksidente po si Mr. Justin Villegas. Pwede niyo po siyang puntahan ngayon dito."

Hindi ko maintindihan kung ano ang mararamdaman ko ng mga oras na iyon. Ang alam ko lang, bigla kong nabitawan ang cellphone ko napahagulhol ako ng iyak. Bakit nangyayari to? Bakit kung kelan, wala na kaming aayusin, tsaka nangyari to? Nanghihina ako, nanlulumo. Bakit?















************************************************************************

A/N:

Short update muna. Sorry po late ang update medyo busy lang po sa work. Hope you guys are safe.

Please keep on reading my story. Thank you so much!

~Anj

Continue Reading

You'll Also Like

219K 7.2K 60
In the glittering world of architecture, Fire Zendur Montegara stands out as the epitome of an eligible bachelor-tall, handsome, sexy, and brilliant...
427K 8.7K 50
Dark, ruthlessly single-minded, rough, imposing, commanding, and the most sought-out bachelor of the country, Zacharius is the only man I have ever w...
601K 41.4K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
70.9K 2.4K 60
[HIS SERIES 2] "Hanggang sa susunod mong pag-ulan mahal kong ulap." Keith Sebastian Ramirez