The GCQ mission: Billionaire'...

By aizzienn

235K 7.2K 1.5K

NANG DAHIL SA COVID # 2: GCQ Dahil sa banta ng Corona virus, nawalay kay Mariella ang limang buwan niyang san... More

The GCQ mission: Billionaires Baby
Ola!
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue

Author's Note (Special Chapter)

8.9K 324 92
By aizzienn


Halaaa, tapos na sya finally! Thank you so much guys for being with me in this bittersweet journey.
I owe you everything from the very start, kasi for those who didn't know revised version na po ito. Nawalan ako ng gana ng tapusin to kasi imbis na magfocus sa ibang stories eh dito ako na-stuck (isama na'ng na-bc ako sa modules) I've always wanted to write para sa inyo. So ngayong tapos na I'll try my best na mag-focus ulit sa pagsusulat.

So yeah, this is it guys. Ano na? Okay ba? Please don't criticise my overloading cliche-ness, haha! Sana nag-enjoy kayo kahit delayed and last ud's! This has been an awesome journey for me. Sana napasaya ko kayo!

Also, I hope you look out for Ginger's story entitled HER LOCKDOWN POSSESSION. Posted na ang prologue so please be sure to check her out!

Love, Loves. <3

•••

"Sige, lolo, habol! Kaya pa ng tuhod?"

Para akong malalagutan ng hininga kakatawa habang nakatingin kay tatay na hinahabol ang makulit na si Jumong. Mabilis tumakbo ang bibo kong anak kaya halos hindi makahabol sa kaniya si tatay na ina-arthritis.

"Marimar! Magdala ka pa ng adobo rito!"

"Sige po!" Pagtango ko sa utos ni nanay na nag-eentertain ng mga bisita sa labas.

Ilang buwan na ang lumipas matapos ang nangyari sa kasal ni boss at Vallerie. Ang mga sunod na pangyayari ay hindi naging ayon sa kagustuhan namin, at hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga iyon. Masakit pa rin.. masakit pa rin na linisan din kami ulit ni Alexander para sa sarili naming kabutihan. Ayaw nyang mag-hirap kami kaya sumuko sya. Bumalik sya kay Madame Natiffere at Vallerie..

Pero syempre, joke lang yun. Haha!

Ang totoo, umalis kami sa syudad at dito muna namalagi sa probinsya. At ngayong araw, first birthday ni Jumong namin! Munting salo-salo lang naman. Kahit second wave na ng COVID, hindi naman ganoon ka-delikado dito kasi hindi apektado ang probinsya namin. Dito nga kami kinasal ni boss nung nakaraang buwan! Hihi! Oo kasal na kami! Simple lang naman din ang kasalan.

"Marimar, asan na?!"

"Takte! Ito na, kainis! Kayo adobohin ko, eh!" Nagmadali akong naglakad pabalik sa labas ng bahay. Doon sa may hagdan ay sinalubong ako ni Karen na nakaismid.

"Amin na nga yan, malditang preggy!"

Inirapan ko sya at inabot sa kaniya ang ulam. Narinig nyo yun diba? Oo, juntis ako. Five months na at babae na ang sunod! Ang bilis diba? Gano'n talaga siguro pag nasa kundisyon lagi. Hehe!

Lumapit ako sa riles ng beranda at doon kumapit, habang ang isang kamay ay nakahawak sa tyan ko. Pinanuod ko lang ang mga bisita na nagsasaya sa baba nang maramdaman ko bigla ang mga brasong pumalibot sa akin. Bumaba ang kamay nya sa tyan ko hinimas-himas iyon.

"Morning misis, morning princess." Hinalikan nya ako sa leeg at agad na ikinairap ko. Morning? Alas onse na ng tanghali!

"Kamusta naman ang ulo mo, mister?"

"Okay lang naman, misis."

Hinarap ko sya at pinagkatitigan ang kaniyang mukha. Bukod sa magulo nyang buhok at bagong gising na mukha, wala namang ibang nagbago sa kaniya bukod sa mas madalas na syang tumawa at ngumiti. Hindi tulad ng dati. Walang-wala na ang Alexander dati na pasan ang mundo lagi.

"Uminom ka muna ng gamot at mainit na kape. Ayokong yakap-yakapin mo na naman ako sa kung saan tapos magrereklamo sa sakit ng ulo, unicorn ka." Speaking of unicorns, napuno ata ng unicorns itong bahay namin dahil sa unicorn ata ako naglilihi. Pati damit ng pamilya ko kailangan unicorn din and kulay o disenyo. Wala namang sumalungat, gano'n kasi kapag buntis! Ikaw ang dapat na nasusunod lagi kaya try nyo na.

Umungot si mister bilang sagot. Masakit nga siguro ang ulo. Madalas kasi silang napapainom dahil ngayong maayos na ang pakiramdam ni tatay nahilig ulit sa kulafu at tuba. Eh, hindi sanay si Alex sa ganung inumin kaya knock out agad. Nawala kasi ata deperensiya ni tatay sa puso nung makita na ang apo nya.

"Bilis na mister!"

"Eehh.. ipagtimpla mo 'ko." Napairap ako sa kawalan nang mas higpitan nya ang pagkaka-akap sa akin. Isa 'to sa mga katangian nya na hindi ko inaasahan, napaka-clingy nya talaga! Pero okay lang, enjoy ko naman. Kaya nga may kasunod na agad si Jumong eh.

"Matuto kang magtimpla para sa sarili mo!"

Bahagya ko syang tinulak papasok ng bahay at pinalo ang pwet nya. Hindi kasi yan gagalaw kung hindi ko gagamitan ng dahas. Charing.

"Okay, I love you two."

"Alabyu three!"

Tuluyan na syang nakapasok at ako naman ay pangisi-ngising pinanuod muli ang mga bisita. Masaya at kontento kaming nagsasama ni mister. Walang pressure. So far, marami na 'kong english. Haha! I mean so far, walang pa kaming malaking problemang hinarap. Tinuruan ko sya kung paano maging positibo sa lahat ng bagay.

"Ate, sure ka ngayon sila dadating?" Napatingin ako sa kapatid ko na kabadong tumabi sa akin.

"Oo, maya-maya. Tsaka ba't ganyan ka nerbyosin? Kasali ka? Kasali? Wag kang lalabas mamaya ah, mga bisita ko yun kaya don't me."

"Tss, ang maldita mo talaga sa paraan na hindi ko kayang intindihin. Wala ng susunod dyan, ah? Family planning! Delikado kasi lahat sa paligid in a 300 meter radius sa ugaling juntis mo eh."

Magsasalita pa sana ako pero nakarinig ako ng kakaibang ingay mula sa itaas. Bumaba ako agad palabas saka tumayo roon at tumingala. Agad naman akong napangisi sa nakita.

"Mister! Nandito na sila!"

Nagmadaling bumaba ng bahay si mister at lumapit sa akin sa akin, karga na nya ngayon si Jumong saka sabay kaming tumingala sa langit.

"Is that uncle Kim Bum, papa?" Dinig kong tanong ng panganay ko. Mabilis matuto si Jumong magsalita ng walang kahirap-hirap kahit isang taon pa sya.

"Yup. Together with your mama's squad."

Pinanuod naming lumapad ang helicopter doon sa patag sa may burol kaya nagpunta kami roon agad para salubungin sila.

"Hey there, sir! Wazzup?!"

Agad na nag-bro hug si mister at Kim Bum nang makalapit kami. Ginulo nya pa muna ang buhok ng anak ko bago bumaling sa akin.

"Nice to see you again, Mrs. Aleksev. Paganda ka ng paganda bawat bisita ko dito, ah?"

"Marami na rin akong english kaya wag kang magkakamaling englishan ako ng kung ano-ano." Tumawa naman ang singkit at hinila na agad ni mister palayo. Selos ata. Sus!

Nagtataka ba kayo kung asan si Rhioz? Ang totoo, walang nakakaalam. Ang sabi ni mister nag-resign daw. Nawala na lang talaga sya bigla na parang bula. Pero ang duda ko, baka sya mismo ang nag-sisante dun kasi naalala ko, kinagabihan bago ang kasal namin, hindi sya nakatiis at tinawagan ako, nasa tradisyon kasi na bawal magkita bago ang kasal. Tapos ayun, nabanggit ko na naipagtimpla ko na ng kape si Rhioz halos sabay nung una kong gawa para kaniya kahit hindi totoo.

Utos kasi yun ng kapatid ko e! Tingnan daw namin kung mag-selos tapos ayun, mukhang nangyari nga. Nag-alboroto pa nga e! Sabi ko 'itch a prank' pero hindi na nakinig! Nagselos ng sobra.

At si Ginger? Hindi ko na rin alam kung asan. Dalawa lang posibilidad, sumama na sya sa kano nyang ka-chat o kaya nagtanan na sila Rhioz sa mismong araw ng kasal ko! Oo, sabay silang nawala sa mismong araw ng kasal ko! Duda ko talaga nagsama na yung dalawa pero sabi naman ni mister e hindi daw. Sabi pa nya na sya na raw ang bahalang magpahanap sa pinsan ko. Halos araw-araw nga akong nagtatanong tungkol sa updates, nagpapatoy raw ang search and rescue.

"Marimar!" Nagising ang aking diwa at napatingin ako sa loob ng helicopter. Nakita ko roon ang squad ko na kumakaway sa akin. Sina Ma, Ri, Mar at Ay! Namiss ko sila kaya naglakad ako palapit!

"Sayang hindi sila nakasama ni Almar—

Nawala ang ngisi ko at natigil ako sa paghakbang nang makita ko ang ginang na inaalalayan nilang bumaba. Parang nanigas ako sa kinatatayuan. Naramdaman ko ang braso ni mister sa aking bewang kaya bahagya akong kumalma agad.

Huli ko syang nakita doon sa simbahan 'di ko na sya nakita ulit. Balita ko kasi bumalik sya sa Russia dahil sa kahihiyan, kaya naman ay hindi ko maiwasang matakot at kabahan ngayong nandito sya sa harapan ko. Bakit sya nandito?

"Ma, what are doing here?" Bahagyang lumapit si mister sa nanay nya para bumeso pero nanatili ang kamay nya sa aking beywang. Napatingin sa akin si madame kaya napayuko ako agad. Hindi ko alam kung ano'ng dapat sabihin o gawin.

"Are you going to be okay by yourself? I'll assist my mother to the house. This is her first visit, misis." Panghihingi ng permisong bulong ni mister sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya.

"Ina mo yan, hindi mo na kailangan pang humingi ng permiso."

Inalalayan nya ang kaniyang ina tungo sa bahay namin na kahit papano ay na-renovate naman na. Habang naglalakad pabalik ay nakasunod lamang ako sa kanila at nakayuko.

"Wanna know about the company's status?" Ani mister sa ina nya. Pero hindi ko inasahan ang kaniyang naging sagot..

"No. We'll talk business later, hijo.."

Ang totoo kasi, hindi binawi ni madame kay mister ang mga kompanyang hawak nya. Nung bumalik sya sa Russia, wala syang ibang sinabi sa anak nya kundi, take good care of the company. Kaya ibig sabihin hindi nya binabawi, diba? Tsaka okay na silang mag-ina matagal na.. kami ni madame hindi pa medyo. Natatakot kasi ako sa kaniya.

"I'll talk with your wife, first."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig saka ako nagtaas ng tingin sa kanila na nasa unahan. Nagpalipat-lipat ang aking tingin sa mag-ina pero kay madame ako tumuon.. mag-uusap kami?

"Is that okay?" Tanong ni madame kaya sandali kaming nagkatinginan ni mister. Hinihintay nya ang sagot ko.. mukha namang hindi na nangangagat si madame kaya napatango ako ng dahan-dahan.

"Y-yeah, sure." Lumapit sya sa akin si mister at binigyan ako ng halik sa noo. "Don lang ako."

Umalis na ang asawa ko kaya naiwan ako kasama ang ina nya. Tumigil kami sa ilalim ng mangga. Sandali kaming nabalot ng katahimikan. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin, wala naman akong alam tungkol sa negosyo.

"So, you're pregnant with your second child?"

"P-po? Ay, opo. Yes ma'am, babae po." Jusmeyo marimar naman!

"Hmm, how's Alex as a husband?"

Napangiti ako sa tanong na iyon saka tinanaw ko si mister sa hindi kalayuan na nakikipaglaro kay Jumong kasama si Kim Bum, at nandoon din pala ang kapatid ko na nakikisali.

"Malambing po, mapagmahal, matyaga sa mood swings ko. Napakabuting ama. Walang na 'kong hihingiin pa." Proud kong sabi.

"Hmm, I can see it. He's happy and so much better now." May simpling ngiti nyang ani.

Naalala ko tuloy si Vallerie. Artista sya kaya hindi maiwasang maging updated sa buhay nya. Ngayon may rumored boyfriend na sya at mukhang masaya naman. Akala ko nga si Matthew nung una, pero sabi nya may sarili na raw syang mundo ngayon at walang panahon sa ginyan.

Tinanaw ng ginang ang aming bahay sa hindi kalayuan. Kalauna'y nagsimula syang maglakad at tinahak ang daan tungo roon kaya agad akong napasunod sa kaniya. Natawag na rin naman ang atensiyon ng iba, halos lahat ng mamamatan dito ay alam ang tungkol sa nangyari sa pamilya ni mister. Walang may gusto kay madame dito, pero hindi naman kami gano'n kasama para hindi sya tanggapin kaya imbis na panghuhusga o galit, pagtanggap at maayos na pakikitungo ang nakita ko sa mukha ng mga tao.

"M-ma'am, yung mga nangyari po noon, h-humihingi po sana ako ng tawad at—

"Why?" Huminto sya at hinarap ako kaya ako natigil. "Why are you apologising?"

"P..po?"

"I should be the one apologising. To my son and especially to you. When I went back to Russia, I realised many things Mariella. My son is big now, too big and old to make decisions for himself. Marami akong pagkukulang, I'm happy you're by his side to patch it all up." Tipid syang ngumiti. Wala akong ibang nakikita sa mga mata nya kundi saya at pagsisisi habang nakatingin sa akin.

" Ako ang may hindi magandang nagawa. Every time Alex defends you, I should've seen it, I should've listened. It took me some time to realize what's important and what passes by na mas pagsisisihan ko kung hindi ko magagawa.." Huminga sya ng malalim. "Are you willing to forgive me, Mariella?"

Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang una kong dapat sabihin sa pagkakataong iyon. Hindi ako makapaniwala. Ramdam ko ang maiinit na likido sa gilid ng aking mga mata dahil sa kasiyahan. Napangiti na lamang ako.

"Wala po akong rason na hindi ka patawarin."

Yunakap ko sya  at narinig ko ang marahan nyang pagtawa saka yinakap ako pabalik. Nang maghiwalay kami ay napatingin ako sa kaniyang likuran, nandoon si nanay na naga-ayos ng lamesa. Nakatingin lamang sya sa amin.

"Is that your mother?" Napatingin ako muli kay madame na nakitingin na din pala kaya nanay. Tumang naman ako agad.

"Introduce me to her." Nauna na syang maglakad kaya sumunod muli ako. Nang makalapit kami ay pasalit-salit ang tingin ni nanay sa amin. Akmang pupunasan ni nanay ang kamay nya sa gilid ng kaniyang damit ngunit agad na iyong nadukot ni madame Natiffere saka nakipagkamay.

Malaki na nga ang pinagbago ni madame. Alam kong totoo ito, kasi kung ayaw nya hindi mo sya mapipilit, iyon ang sinabi ni mister sa akin.. sa ngayon wala akong nakikitang ano mang bahid na napipilitan sa mukha ni madame.

"It's so nice to finally meet you, mare." Tulad ko hindi rin nakapagsalita si nanay. Pero kalauna'y napangiti na rin sya at nagsimula na silang magkwentuhan bilang mag-mare. Ilang ulit ko pa nga'ng nahuli si nanay na tumitingin sa akin, humihingi ata ng tulong kaya inimbitahan ko si madame na kami naman ang mag-usap.

"Mariella? I have one question." Napatingin ako kay Madame. Ginigiya ko sya tungo sa beranda ng bahay, medyo mainit na kasi sa labas. "Is my grandson's really named... Jumong?"

Gusto kong matawa at hindi ko talaga napiligilan ang sarili ko. Sinong baliw ba ang magpapangalan ng Jumong sa anak nya? Hehe!

"Hindi po, nickname nya lamang iyan. Ang totoo nyang pangalan ay, Jay Cleo." Sagot ko habang may malapad na ngiti. Natigil si madame.

"W-wait, what? It's too far from his own name! I suggest you call him Jay or Cleo, not Jumong." Natawa sya at napansin ko ron ang okwardityness. Pero joke lang syempre, awkward yun. Hehe!

"Pinaulit namin name nya into Kaizer Jay Cleo, pero sabi naman ni mister, Azi na daw ang itawag namin sa kaniya. Pero nasanay po kasi ako sa Jumong na hindi nakakabulol kaya medyo nahirapan ako na mag-adjust."

"Ohh, okay. I should see him soon." Natawa si madame. "But anyway, we brought more food! Nasa helicopter. Kazik? Dalhin nyo lahat ng pagkain dito!"

Habang pinapaunod ang lahat, napuno ako ng saya ang dibdib ko. Hindi ko na nga halos matanggal ang ngiti ko sa labi. Matapos ang ilang buwan na pagdadasal sa kaayusan ng pamilya namin, nangyari na din sa wakas. Batid ko na mister ang dahilan nito, hindi kasi sya sumuko na ipaglaban ako sa ina nya. Kaya heto na kami ngayon.

Maluha-kuha an mata na napatingin ako sa asawa ko. Lumapit sya akin habang si Jumong ay itinataas nya sa ere at umaakto naman ang anak ko bilang si super man. Pagkarating nya sa tabi ko agad nyang ibinaba si Jumong sa bisig nya at gamit ang isang kamay ay inakbayan nya ako.

"Finally, huh?" Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya at tumango lamang.

"You know how much I love you, right?"

Tumingala ako sa kaniya. "Hindi. Ipakita ko sa 'kin kung pa'no." Hinamon ko pa talaga!

Bumaling sya sa akin. Unti-unting hinawi ang ilang hibla ng aking buhok ako at dahan-dahan akong hinalikan. Ito yung halik na puno ng pagmamahal, yung makakahinga ka kaya pwedeng patagalan at hindi ka mabibitin, hihi.

Narinig ko ang kantiyawan ng lahat. Pero si Jumong, ew daw!

"I love you so much, times billions." Aniya ng maghiwalay ang aming mga labi. Sus! Ako kaya nag-embento ng times billions na yan! Lagi kong sinasabi yan sa kaniya dati, pero kalaunan ay napagdesisyunan kong mag-tipid. Pero sa salita lang syempre.

"Uhm." Pagtango ko lamang.

"Eh? Umayos ka misis."

"Oo na! Tsk, I love you! Times five."

"What?! Wait, that's unfair misis!"

At dumada pa ang asawa ko ng kung ano-ano tungkol sa ka-unfairan ko daw. Ganiyan kami lagi, eh. Gaya nga ng sinabi ko, cheese corn kaming dalawa. Cheesy na, corny pa. Pero isa to sa dahilan kung bakit ganito kami kasaya at kalakas sa isa't isa. Diabetes daw kami tutungo nito, pero pake ko ba? Ang emportante ay ang mahalaga.

Hindi ko inakalang aabot kami sa ganito mula sa pagiging yaya at boss. Unbelievable diba? Well, ganon talaga, walang imposible sa pag-ibig. Fate o destiny man kung tawagin ang dahilan ng paglalapit muli ng aming mga landas, salamat pa rin doon. Kasi nahanap ko na ang taong mamahalin ko hanggang sa kabila ng kabilang buhay.

Dito na magtatapos ang bahagi ng buhay ko na ishinare ko sa inyo. Marami pang darating, pero hindi ko na iyon kailangan pang ichika sa inyo. Amin-amin na yun, hehe. At sa ngayon, 2nd wave na ng COVID na dahilan ng pagtatagpo ng landas namin ni boss at sa lahat ng ito. Hindi ako sure kung dapat ko bang pasalamantan ang virus na ito o hindi.

Pero sa ngayon ang ipinagpapasalamat ko ng tunay ay safe na safe kami ng pamilya ko, at kung nasaan ka man, sana safe ka rin. Hanggang dito na lamang mga ka-inches!

Nagmamahal,
Mariella M. A.

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
48M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
191K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
5.4K 433 19
Kapag bago ka, malaking katuwaan na ang magkaron ng kaibigan. Nung una maayos. Nung una masaya. Isang plano ang sisira sa lahat. Isang planong magh...