Heartbeat Road (Completed)

By MaybeTheWriter

41.8K 2K 334

Van Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit hi... More

Disclaimer
.
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6 (I)
(II)
CHAPTER 7
CHAPTER 8 (I)
II
CHAPTER 9 (I)
(II)
CHAPTER 10
CHAPTER 11 (I)
(II)
CHAPTER 12
CHAPTER 13 (I)
(II)
CHAPTER 14 (I)
(II)
CHAPTER 15 (I)
(II)
CHAPTER 16
CHAPTER 17 (I)
(II)
CHAPTER 18 (I)
(II)
CHAPTER 19 (I)
(II)
CHAPTER 20
CHAPTER 21 (I)
CHAPTER 22 (I)
II
CHAPTER 23
CHAPTER 24 (I)
II
CHAPTER 25
CHAPTER 26 (I)
Warning
II
CHAPTER 27 (I)
II
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39 (I)
II
CHAPTER 40
II
III
Epilogue
Writer's Note

II

556 28 12
By MaybeTheWriter

FRIDAY.

Pinaghahandaan na ng buong university ang gaganaping University festival. Bawat section, organization, courses, and offices ay kailangang maghanda ng kani-kanilang mga booth.

Hindi lang kaming mga studyante ng school ang pwedeng pumunta sa araw na yun, dadayo din ang mga kalapit pa naming university.

Mauuna ang university namin na magdidiwang ng festival, susunod naman yung mga kalapit pang campuses, bale 4 lahat, at syempre pwede din kaming dumayo sa iba mga kalapit naming campuses sa festival day nila. Buong linggong ganon ang magiging takbo ng mga araw.

Alam kong excited ang lahat sa mga mangyayari. May isang linggo pa kami bago mag-umpisa ang festival week, kaya naman lahat ay abala sa paggawa ng kani-kanilang Booth. Sa bawat booth ay may nakatalaga daw dapat na muse and escort, sa kasamaang palad, pinili nila kami ni Van. Ewan ko ba kung nantitrip sila o talagang wala lang silang ibang magawa.

Nakakapagod din ang gagawin namin, kami kase ang nakatoka sa pagdi- distribute ng mga leaflets ng aming booth. Kahit pa sinabi nilang may itsura kami ni Van kaya bagay kami maging muse at escort, hindi parin ako naniniwala.

Mula kase nang kumalat yung rumor about samen ni Van, hindi na naging maayos ang takbo ng mga bagay-bagay.

Pero ayos lang, masyado akong tamad para pansinin at pagka-abalahan pa ang trip nila.

"Kailangan ko pang tulungan sina Liel sa pag-aayos ng booth natin, tumakas na kase yung ibang lalake nating classmates." paliwanag saken ni Van habang bumaba kami ng hagdan.

" Sige lang, antayin kita." actually, kailangan ko talaga siyang antayin dahil wala akong dalang kotse ngayon... For short, wala akong choice.

"Wala ka namang choice eh." umirap ako sa kaniya.
Kakasabi ko nga lang nun sa utak ko eh.

Huminto ito sa paglalakad saka pinisil ang magkabilang pisngi ko.

" Wag ka nang mag-tampo. Bukas, labas tayo?" mahina kong pinalo ang kamay niya para tanggalin iyon sa mukha ko.

"Hindi naman ako nagtatampo, masyado akong tamad para magtampo pa." pero sa totoo lang, gusto ko na talagang umuwi at magpahinga na. Alam kong alam yun ni Van, nababasa ko sa mukha niya ang salitang 'sorry' dun.

" What if tumulong ka na lang samen?" Suhestiyon pa nito.

Nagpatuloy na kami sa pagbaba ng hagdan, pupunta kami ngayon sa pathway, yung daanan papasok ng university. Hindi ako masyadong nakakadaan dun, iba kase ang pasukan ng mga kotse sa mismong entrance ng school, eh lagi naman kaming naka-kotse ni Van pagpapasok.

What if try kong pumasok dun one time? Isip-isip ko.

"Ilang booth ba ang gagawin nila para kailanganin nila ang kamay ko?" The more na marami ang gumagawa, mas matagal matatapos ang isang bagay. Yun ang isa sa paniniwala ng lolo ko...na naging paniniwala ko na din.

Mas mabilis matatapos ang isang bagay kung may determinasyon at deadline ka, at kahit mag-isa ka? Hidi iyon magiging hadlang.

" Malay mo kailangan pala nila ng tulong mo talaga. Artistic ka naman, why not tumulong ka sa pagdedesign." suhestiyon pa ni Van.

"Kapag hiningi na lang nila ang tulong ko. Eh di tutulong ako." Buntong-hininga ko.

Nang marating na namin ang pathway kung saan nakatayo ang mga booth sa magkabilang gilid, ay nakakita kami ng mga estudyanteng abala pa din sa pag-aayos kahit na may isang linggo pa kami.
Nang marating namin ang booth namin ay may nakatayo na doong tent at inuumpisahan na nilang lagyan ng design. Halos pitong metro din ang haba nun,

" Uy Van! Buti na lang at dumating ka. Kainis yung iba nating kaklase, talo pa kidlat sa bilis kung tumakas. Para namang tayo lang ang pupurihin kapag naging best booth ng saten." si Liel, class president namin.

Naalala kong may nabanggit ngang booth competition. Labanan ng pagandahan at lakas ng kikitain. No wonder kung bakit ngayon pa lang nagdedesign na sila.

"Ano? Saan niyo pa ba kailangan ng tulong?" bago pa ako ma-op ay ako na ang kusang umalis.

Naglakad-lakad ako, mabagal lang habang tinitignan ang iba pang booth.

Nang mabalik ako sa booth namin ay halos 8 na din ng gabi. 9 naman nagsasara 'tong school, at feeling ko isasagad nila hanggang 9 ang pag-aayos ngayon.

" Quine!" patakbong lumapit saken si Liel. Nakita ko si Van na may pinupokpok habang nakapatong sa hagdanan.

"Pwede ka bang kumuha ng pako dun sa supply office? Tapos mag-sama ka na din ng kahit dalawang martilyo para mapabilis na din kami...okay lang?" makakahindi ba ako kahit gusto ko? Sa pagkakangiti niya palang saken alam kong hindi ako pwedeng humindi.
Ngumiti ako.

" Sige, okay lang."

"Pwede pakibilisan na din? May isang oras na lang kase tayo eh." Tumango ako at agad ding naglakad. Hayss.

Hindi ako pamilyar dun sa sinasabi niyang supply office, mabuti na lang at mag nakita akong janitress at agad ding nagpatulong.

Nang mahuka ko na yung mga kailangan ko at sumaglit muna ako sa cr.

" Ang gwapo nung lalake kanina noh? Grabe sana ako na lang yung pinupukpok niya." tinuptop ko ang bibig ko para pigilan ang sariling tumawa.
Baliw na ata siya. Gusto niyang maging martilyo na pinampupukpok?

"Dinig ko taken na daw yun eh."

"Talaga?...sayang naman. Ayos lang! Crush ko parin siya." kinikilig pang sabi nung martilyong babae.

" Naku, ang alam ko masungit ang jowa nun, feeling hindi mang-aagaw." nang sabihin niya yung huling salita ay agad na akong kinutuban. Nanatili pa ako sa loob ng cubicle.

"Talaga? Inagaw niya lang yung guy? Grabe...ang mga mang-aagaw talaga ngayon ang lalakas na ng loob ano? So yung nauna ba sa kaniya...maganda?"

"Ang dinig ko maganda at mayaman daw, ah! Siya yung anak nung modelong si Veneti Suri." Suri?

Tama...siya nga yun.

" Oh? Hala! Idol ko yun eh...para siyang si Tyra Banks ng asia! Ano bang pangalan nung anak niya at baka pwede nating maging frieny?"

"Analyn ata? O Eveline ba yun?...teka, ah! Avery, oo tama yun yung name nung girl."

Tsk. Pipili na nga lang ng kaibigan, yung parang si Barbie pa.  Isip-isip ko pa.

Tumayo na ako at nag-flash. Pagkalabas ko ay agad na lumingon yung dalawa sa direksyon ko. Hindi sila nagulat kaya alam ko na agad na hindi nila ako kilala.

Bakit ba ang hilig pag-usapan ng iba yung taong ni buong pangalan ay hindi naman nila alam? Alam kong mukha akong masungit at talagang maldita din ako kung minsan. Pero kung sana kikilalanin lang nila ako, malalaman nilang hindi ako gaya ng iniisip nila.

Pagkabalik ko sa booth namin ay agad akong sinalubong ni Van, iniaabot ko naman muna kay Liel yung pinapakuha niya. Pero hindi ko inaasahan ang sinabi nito.

" Ay sayang, gusto na din kase nilang umuwi eh kaya hindi na din namin magagamit 'to. Pero, thank you parin."

Binalewala ko na lang ang sinabing yun ni Liel saka matamis na ngumiti sa kaniya. Inisip ko na lang na nakatulong naman ako kaya ayos lang.

"Ano yun? San ka galing?" nag-aalalang tanong saken ni Van.

" Sa supply office lang."

"Buti nakarating ka dun, may kasama ka ba?" umiling ako.

" Basic lang naman ang mag-lakad at magtanong. Tara, alis na tayo."
Hindi ko na siya inantay pa at dali-dali nang isinukbit ang bag ko.

Sa likuran ko ay nadinig ko pa silang nagpaalamanan sa isa't-isa. Nagpatuloy ako sa mabagal kong paglalakad para antayin si Van. Biglang sumagi sa isip ko yung dalawang babae kanina sa cr at yung ginawa ni Liel.

Walang kaalam-alam yung dalawang yun kanina, kaya kahit nasa harap na nila yung pinag-uusapan nila wala parin silang kamalay-malay.

Pero si Liel...baka nga nag-kataon lang na gusto na din nilang umuwi...sana nga.

"Ayos ka lang ba?" Si Van. Nanatiling nasa labas ng bintana ng kotse niya ang mga mata ko.

Kung sasabihin ko bang hindi may mangyayari? Magmumukha lang akong batang nagsusumbong sa magulang niya. Isa pa, mababaw lang naman yung nangyare saken...sanay na ako sa ganon.

Pero bakit? Bakit kahit sabihin ko sa sarili ko na sanay na ako... Naiinis at nasasaktan parin ako?

" May iniisip lang ako." palusot ko kay Van.

"Gusto mo kumain muna tayo?"

"Past 8 na, toxic sa katawan ang kumain sa ganitong oras." saka, nalipasan na din naman ako ng gutom kaya pakiramdam ko ay hindi na ako nagugutom pa.

" Kahit na. Magluluto na lang ako sa bahay mo, ano?"

"Wag na. Kakain na lang ako ng apple pag-uwi, staka nal— I mean, hindi talaga ako gutom." naisip ko na baka kapag sinabi ko kay Van na nalipasan na din naman ako ng gutom, may iba siyang isipin. Baka isipin niyang siya ang dahilan kung bakit nalipasan ako.

" Sure ka? " tumango akong nakangiti sa kaniya.

" Oo, sure ako."
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa apartment ko.

"Ingat pauwi." I forced myself to sound energetic. Mukha namang naniwala siya dun, I don't see any worries on his face now.

Pagkauwi ko sa apartment ko ay agad akong umupo sa sofa. Naalala ko bigla yung sinabi ko kay Van na maga-apple na lang ako pag-uwi...pero, wala talaga akong balak gawin yun.

Since ako lang naman mag-isa ngayon. Tumayo ako at agad na hinubad lahat ng suot ko, pumasok ako sa banyo dala-dala ang mga damit ko.

Ipinatong ko iyon sa ibabaw ng washing machine saka pumasok sa pinto ng mismong bathroom ko. Inantay kong mapuno ang tub bago ko ito lagyan ng bubbles.

Nang mapuno na iyon ay saka ko nilublob ang sarili ko.
Ang sarap. I tell myself.
Ngayon ko na lang ulit nagawa 'tong magbabad sa bathtub. Lahat ng pagod at stress ko ay parang napunta lahat sa tubig. Pero panandalian lang yun, gumana na naman kase ang pago-overthink ko.

Kung tatratuhin ko ang mga taong naninira saken gaya ng pagtrato nila saken ngayon, hindi nila yun magugustuhan. Ni hindi nga nila kilala ang buong pangalan ko tapos pinaguusapan ako? Patawa sila.

May part saken na gustong gumanti sa taong nagpakalat na inagaw ko lang si Van. Tsk, pano ko naman siya inagaw?

Pero...may part din saken na tinatamad, kung papatulan ko ang mga taong yun, palalakihin ko lang ang gulo. Magbabatuhan lang kami ng kung ano sa isat-isa, ayoko ng ganon.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Ipinikit ko ang mga mata ko saka ihiniga ang ulo sa may tubig.

Siguro, ipagpapatuloy ko na lang ang hindi pagpansin sa kanila. Pero sana...baka naman pwedeng bilis-bilisan ni karma ang pagpunta sa kanila habang nakakapag-pigil pa ako.

Matapos kong magbabad sa tub at makapag-bihis ng damit pantulog ay umakyat na ako sa kwarto ko.

Naisip kong tawagan si Van para alamin kung naka-uwi ba siya ng maayos. Naisip ko din na baka nag-aalala siya at hindi ako naka-kain ng dinner.

Ilang beses nag-ring pero palaging out of coverage. Inisip ko na lang na baka tulog na siya, for sure napagod siya.

Nakailang paikot-ikot ako sa kama. Hindi ako makatulog. Napapaisip ako kung minsan ba nainis na si Van sa ugali ko. Hindi kase talaga ako sanay mag-share ng nararamdaman ko sa ibang tao, liban sa magulang at sa lolo ko.

Minsan din, nakakaranas ako ng ups and down sa moods ko, bigla-bigla yun.
Pero, kung talagang gusto niya ako...hindi hadlang 'tong moods ko para magive-up siya diba?

Maaga akong nagising. Medyo nadismaya ako dahil wala si Van sa kusina, umasa kase akong maaga siyang pupunta dito sa bahay at magigising na lang ako sa amoy ng niluluto niya. 

Bumangon ako at inayos ang higaan ko. Pagkababa ay naghilamos muna ako saka nagtungo sa kusina. Wala akong maisip na pwede kong lutuin kaya naman nag-decide na lang akong mag-apple at avocado toast.

Ang alam ko, sinabi ni Van na lumabas kami ngayon. Pero bakit wala pa siya? 11 na din kase. Ayoko namang tumawag sa kaniya at itanong kung tuloy ba na aalis kami ngayon...pano kung nakalimutan pala niya?

Habang naghihintay—kung darating man si Van— chineck ko muna ang emails ko. Bigla kong nakita yung revised email ng project proposal nung papa ni Van, a week ago palang ang nakalipas mula nang masend yun ni Dale sa email ko. Kaya naman binuksan ko yun at tinignan.

Halos more than 2 thousand square meters ang laki nung oil rig na balak nilang itayo, hindi iyon birong project dahil sa dagat nila yun mismo gagawin.

Habang nire-review yung ilang details nung proposal ay nag-ring yung doorbell sa may pinto. Agad akong tumayo para tignan kung sino yun.

Medyo nagulat ako  nang makita si Van doon. 1:00 na din kase kaya inakala kong hindi na siya pupunta.

"Pwede pumasok?" he look sorry. I nod and open the door wide. Nakasuot siya ng grey na hoodie at black na pants.

" May ginagawa ka?" tanong nito saken, nakatingin siya dun sa may study table ko. Nakabukas kase yung laptop ko at nakakalat yung printed copy nung project proposal.

"Hmm, chinecheck ko lang yung proposal nung p-papa mo." medyo nag-alangan akong sabihin kay Van yun.

Kase...pang-ilang revise na ata nila yun pero hindi parin ako pumapayag— I mean, kami ni Dale.

" Oh... K-kamusta?" naglakad ako balik sa study table ko saka inayos yung mga papel.

"Uhm... Nirereview ko pa lang," in-off ko yung laptop saka muling humarap sa kaniya.

Tumango-tango si Van. Bigla ko tuloy naisip kung nababanggit ba ng papa niya 'to sa kaniya...o kung alam ba ng papa niya ang tungkol samen.

Gusto ko sanang itanong yun pero, next time na lang siguro.

"Okay yan, makakapag-hintay naman siguro sila, diba?"

Hindi ako agad sumagot. Target year nila ay bago mag-2022, kapag hindi parin kami satisfied, baka hindi na nila iyon mapatayo.

Unless may ibang gustong magpahiram sa kanila ng pera.

" D-depende." ang tanging naisagot ko. Nakita kong parang natulala si Van. Tinawag ko siya sa pangalan niya ng ilang beses pero hindi siya sumagot kaya lumapit ako at tinapik siya sa balikat.

"Ha? A-ano yun?"

"Sabi ko bakit ka pala andito?"

"Ah..." ngumiti ito at pinaghawak ang mga kamay niya.

" Diba, sabi ko labas tayo ngayon?" Aniya.

Gusto ko sanang tanungin kung bakit ngayon lang siya dumating, usually kase maaga kaming umaalis kapag may pupuntahan kami.

"At saan naman?"

"Secret na yun. Magpalit ka na, antayin kita."

Ginawa ko ang sinabi niya. Nagtungo ako sa closet ko at naghanap ng pwedeng maisuot dun. Palagi kase siyang secret ng secret eh, tuloy hindi ko alam kung ano ang dapat kong isuot.

Naniguro na lang ako kaya yello shirt at black pants ang sinuot ko.

Nagpabango ako ng konti at lumabas na. Nakita ko si Van na nakaupo sa swivel chair ko at hawak-hawak yung printed proposal.

"Hindi ba binabanggit ng papa mo sayo yan?" tanong ko dito, kita kong napatalon pa ito sa gulat.

" Uhmm, Hindi naman kami masyadong nagkikita eh."
Sabagay. Staka, halata namang hindi rin sila close na dalawa.

Kotse ko ang ginamit namin, pinilit ko si Van na yun naman ang gamitin namin dahil ilang weeks ko na din yung hindi nagagamit.
May mga bag siyang inilipat doon na galing sa kotse niya. Hindi ko alam kung para saan yun.

Sa tuwing may sasabihin si Van na pupuntahan namin, hindi ko mapigilang hindi ma-excite. Kung pwede nga lang na i-90 niya ang speed limit para mas mabilis kaming makarating eh.

Nakapatong sa may hita ko ang mga kamay naming magkahawak, habang hinahayaan ko lang na liparin ng hangin ang buhok ko. Ilang oras na din kami sa daan. At napapansin ko nang...

" Bakit mukhang nasa probinsya na tayo?" takang tanong ko kay Van. Ngumiti ito at saglit na nilingon ako.

"There's no place in the city better than nature." tsk, pansin ko ngang mahilig siya sa mga lugar na malalayo sa siyudad. I couldn't not agree with him though.

Maya-maya pa ay nasa magubat na kaming lugar, walang masyadong bahay maliban sa maliit na kubi. Tumigil kami doon. Pagkababa ko ay agad kong nilibot ang mata ko sa buong lugar.

Puro matataas na puno lang ang halos nakikita ko sa paligid ko.

" Bakit tayo nandito?" please lang, hindi sana secret ang isagot niya.

"Basta." b-basta? Hayss, gusto ko ng matinong sagot pero puro siya secret at basta!

" Safe ba dito? P-pano kung may mga mul—"

"As far as I know, wala pa namang naliligaw dito. Pero ang sabi nila, may mga gumagala daw ditong kaluluwa tuwing gabi."

tsk, nanakot lang siya.

" Maniwala?"

"Oo nga. Dati daw dumpsite 'to." dumpsite?

" A-anong dumpsite?" hindi niya ako agad sinagot. Kinuha niya yung mga bag na inilipat niya sa kotse ko kanina. Isang malaking backpack at dalawang pang tote bag. Lahat mukhang mabigat.

"Tulungan na kita." Kukunin ko na sana yung isang bag pero iniwas niya iyon agad.

" Magaan lang naman. Kaya ko na 'to."

"Sige, bahala ka. Ano bang laman niyan? Parang buong bahay mo dala mo eh." saglit itong tumawa.

" Malalaman mo mamaya." Aniya.  Hayss, jusko! May matino ba siyang isasagot saken?

"Bakit ba hindi mo na lang ako diretsong sagutin? Nakakainis na kaya." tanong ko dito habang nagpapapadyak na parang bata. Hindi ko mapigilan ang inis ko sa kaniya. Aish! Bakit kase hindi niya pa sabihin saken?

Sa halip na sagutin ako ay nakangisi lang ito na parang baliw. Nang-aasar ba talaga siya?

"Ano? Bat nakatingin ka lang?" nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya.

Lumapit ito saken at inilapag yung dalawang tote bag na dala niya. Saka niya ako hinawakan sa magkabilang pisngi at iniangat ang mukha ko, at maya-maya pa ay...hinahalikan niya ako.

Matapos niya akong halikan sa labi ay sa ilong saka sa noo ko naman niya inilapat ang mga labi niya.

" Tamad at mainipin kang tao, alam mo ba yun?" nakangiti nitong usal saken.

"I'll take those as compliments na lang." alam ko naman yun eh...at least hindi ko tinatago ang tunay na ako sa kaniya. Yun ang pinaka-ayaw ko...ang baguhin ang sarili ko para lang magustuhan ng isang tao.

Bago umalis ay binilin namin dun sa nagbabantay ng lugar yung kotse namin.

Nag-umpisa na kaming maglakad. Malapit-lapit na ding dumilim dahil hapon na din kaming nag-umpisang bumiyahe ni Van.

" Malayo pa ba?" pang sampung beses ko na ata tong tanong sa kaniya. Halos mag-iisang oras na din kaming naglalakad, ay hindi... Umaakyat pala.

Kung kanina, patag ang tinatahak naming daan, ngayon para na kaming umaakyat ng bundok.

"Malapit na." kalmado paring tugon saken ni Van. Parehas na kaming may hawak na flahlight ngayon dahil madilim na din. At mas nakakatakot na. Hindi ko mapigilang hindi maglakad nang nakatalikod.

Nakahawak ako sa bag na dala-dala ni Van para masiguro kong hindi ako mawawala...mahirap na.
Kahit na madilim ang daan, kapag tumingala ka naman ay makikita mo parin ang langit.

Kitang-kita ang mga bituin ngayong gabi, yun nga lang, walang buwan para magbigay samen ng liwanag.
Hindi ko napansing tumigil si Van, dahilan para mabunggo ko siya.

" Bakit?" agad kong tanong dito. Humarap siya saken. Agad akong napaatras sa takot nang makitang nakatutok sa mukha nito yung flashlight!

"What the— Van!" kainis! Yung puso ko. Malakas at nakaka-asar ang tawa niya.

" Hahhahaha, sorry." sabi pa nito saka na itinutok sa baba yung flashlight.

" Tsk. Bakit ka tumigil?!"

"Feeling ko kase...naliligaw na tayo." Agad na nanlaki ang mata ko.

" A-ano?!" imbes na sagutin ako ay humalagapak ulit ito ng tawa.

Nanatili lang akong seryosong nakatayo sa harap niya, hanggang sa tumigil ito siya pagtawa. Ang hilig niya talagang pagtripan ako. Tsk.

"Sorry... sorry." sabi pa nitong habang pinupunasan ang mga mata na naluha na sa kakatawa niya. Hindi ako nagsalita at nanatili lang na nakatingin sa kaniya ng diretso.

" Biro lang, ang seryoso mo masyado." inirapan ko siya saka sinipa sa binti!

"Aray!"

"Bwiset ka, alam mo yun?"

"Sorry na nga eh!" hinamas-himas nito yung binti niyang sinipa ko.

Tumigil lang talaga kami saglit para asarin ako ni Van. Nakakainis lang dahil kahit alam na niyang pikon ako, mahilig parin siyang mang-asar na para bang yun ang nagpapasaya sa kaniya. Kainis.

Nagtuloy na ulit kami sa parang walang hanggang paglalakad. Isa sa mga bagay na ayaw na ayaw kong gawin.

" Malayo pa ba?" reklamo ko na naman.

"Malapit na." parang kanina pa yung malapit na ah?

" Gano ba kalapit yang 'malapit na' mo?"

"Basta malapit na."

"Kanina pa kaya tayo naglalakad." Nananakit na din ang mga paa at binti ko.

" Isipin mo na lang na rehearsal 'to."

Ano daw?

"Rehearsal? S-Saan?" inantay ko ang sagot niya pero wala na itong sinabi pa.

At matapos nga ang ilang oras na paglalakad... sa wakas! Nakarating na din kami sa tuktok! Tama nga ako, bundok nga ang inakyat namin.

Ramdam na ramdam ko na ang pawis ko sa damit ko dahil sa lamig ng hangin, sana pala nagdala ako ng extra shirt. Hindi naman kase sinabi ni Van na aakyat pala kami ng bundok eh.

Sayang nga lang at hindi na namin tanaw ang nasa ibaba, pero...dito sa itaas, parang abot kamay na namin ang langit ngayon.

" Worth it ba?" dinig kong tanong ni Van sa may gilid ko. Tumango ako bilang sagot habang nasa itaas ang tingin.

It's more than worth it, Van.

Mga gamit pang-camping pala ang mga dala ni Van. Bukod sa tent at ilan pang mga gamit ay may baon din siyang mga pagkain!

Siguro kaya siya hapon na nakapunta sa bahay ay dahil naghanda pa siya para dito.

Naku-konsensya tuloy ako sa hindi pagtulong sa kaniya sa pagbubuhat ng mga bag.

Tinulungan ko siya sa pagsiset-up ng tent namin. Pati na din ng pag-aayos ng mga ilaw sa palibot ng tent. Pagkatapos nun ay inantay ko siyang matapos ayusin yung mga pagkaing dinila niya habang naka-upo ako sa may blanket na nakalatag sa harap lang ng tent.

"Maganda din ba ang view mula dito kapag umaga?" tanong ko kay Van, nag-aayos parin ito ng mga gamit.

" Hmm, oo. Kung mahilig ka sa puno at dagat, oo. Pero kung may takot ka sa heights, hindi siguro." Aniya.
Nang banggitin niya ang salitang takot...may bigla na lang akong naalala.

"Alam mo bang hindi ka talaga takot sa height kundi takot ka lang talagang mahulog? Kaya dapat hindi fear of heights ang tawag dun...fear of falling dapat."

At ang sabi pa, hindi ka daw takot magmahal...takot ka lang na baka hindi ka mahalin pabalik. Si Tim ang siyang nag-sabi nun saken.

" Oh?... Oo nga no?" napangisi ako... Ganito ako kapag may nasasabing isang bagay na hindi alam ng iba pang tao. Feeling ko ang genius ko, hehehe.

"Sa tingin mo, ano ang mas marami, stars or grains of sand?" natigil ito sa ginagawa niya at biglang napatingala sa langit.
Dahil wala akong ginagawa...hindi ko mapigilang hindi dumaldal.

" Hmm, ano?"

"Di ko alam, kaya ko nga tinatanong sayo eh." natatawa kong sabi dito. Pinalo niya naman yung ilong ko gamit yung kutsara na hawak-hawak niya.

"Pasaway ka! Akala ko pa naman alam mo." Sabi pa nito saka agad ding nag-tuloy sa ginagawa.

"Alam ko. Tinatamad lang akong alalahanin."

Ang sabi ng lolo ko mas marami daw ang mga buhangin sa dagat, lalo na kung pagsama-samahin ang lahat ng mga buhangin sa mundo. Pero naisip ko noon, malaki at parang walang hanggan ang universe...samantalang sobrang dami naman ng mga buhangin sa dagat. Imposibleng mabilang ang dalawa. Kaya hindi rin tamang mag-bigay agad ng conclusion ang tao, lalo na kung wala pang accurate na data.

Nang matapos nang maghanda si Van ay nagsimula na kaming kumain, nakapatong  yung mga pagkain sa blanket na inuupuan din naman. Para kaming nasa picnic, ang kaso lang...gabi.
Nang matikman ko yung luto niya ay dun lang ako biglang nagutom. Grabe...nakakabilib parin talaga ang lasa ng mga niluluto niya. Never pa akong nadismaya.

" Alam mo? What if magtayo ka ng restaurant someday? Mas masarap pa ang luto mo kesa sa mga pagkain sa mga first class restaurant." puri ko sa kaniya.

"Naisip ko na din yan. Pero siguro kapag tumanda na ako baka maisipan kong gawin yan. Mga 40? Or 50?" 40 o 50? Bigla tuloy akong napaisip kung nasan na kaya kami sa mga panahong yun?

" Bakit natahimik ka ata?" agad akong napalingon sa kaniya. I plastered a smile on my face.

"May naisip lang ako bigla." hayss, nakakainis talaga tong utak ko, panira ng moment.

Nagdecided kami ni Van— actually siya lang— na matulog kami dito sa taas ng bundok, sa ilalim ng mga bituin na parang abot kamay na namin.

Ang hilig niya talagang mag-desisyon mag-isa. Ayos lang din naman...enjoy naman ako palagi.

Matapos kumain ay tahimik kaming umupo sa blanket na nilatag ni Van kanina. Nakapatong ang ulo ko sa balikat niya, habang ang ulo niya ay nakapatong naman sa ulo ko.

" May tanong ko," basag ko sa katahimikan sa pagitan namin.

"Hmm?"

"K-kayo ba ng papa mo...maayos ba ang relationship niyo?" bigla ko lang naisip yung tanong na yun. Hindi niya direktang sinasabi saken kung okay ba o hindi ang relasyon nila ng papa niya pero...may kutob na akong hindi. Gusto ko lang na kompirmahin niya yun.

" Ayos lang naman,"

"G-Gano kaayos?... Staka b-bakit nga pala hindi ka nakatira sa bahay niya?...hindi ka ba nalulungkot na mag-isa ka lang sa apartment mo?"

" Saken kase maayos na 'tong ganito...ganitong malayo at nabubuhay na parang wala na akong magulang."
Agad kong pinalo ang braso niya.

"Grabe ka naman." Ngumiti lang ito na para bang hindi man lang nasaktan sa palo ko.

" Ang sabi nila, kapag may mapagmahal kang magulang...maswerte ka na,mayaman ka pa. Sa tingin mo...gaano ako kahirap?"

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Gaano siya kahirap?

"Ang taong gaya mo na lumaki sa mapagmahal na pamilya...ay talagang maswerte." natigilan ako sa sinabi niyang ngayon.

" I-describe mo naman saken ang papa mo." request pa nito saken.

Bago ako makasagot ay hinatak niya ako ulit palapit pa sa kaniya at inilagay sa may bandang likod ko yung isa niyang binti saka ihinarap ang katawan saken. Ipinatong nito ang ulo sa may balikat ko, kaya naman isinandal ko ang akin sa kaniya.

"Ang papa ko?...Magaling siyang businessman at asawa. Mabait siya at kahit pa ako yung mali, saken parin siya kumakampi." bahagya akong nangiti nang maalala ang mga pagsisinungaling namin ni papa kay mama. Siya ang takbuhan ko kapag may mga kalokohan akong nagawa.

" Natatandaan kong palagi niyang sinasabi na panget ako tapos sasabihin ko naman na mana lang ako sa kaniya... Never din niya akong pinush na makipag-date o magkaroon na ng boyfriend. Sa halip ay pinupush niya akong wag matakot na gawin ang bagay na gusto kong gawin... It's better to try then fail rather than fail because you didn't try, sabi nga niya." Kwento ko kay Van. Nakakatuwan na nakakalungkot ang pakiramdam ko sa loob ko.

"Sa tingin mo kung makikilala niya ako, ano ang una niyang sasabihin saken?" saglit muna akong napaisip. Nang hindi agad ako sumagot ay iniangat ni Van ang ulo niya saka tumingin saken.

" Tingin ko sasabihin niya agad na dapat ay ingatan mo ako dahil hawak na niya ang buhay mo." Sagot ko sa kaniya sabay ngisi.

Wala akong matandaang payo saken ni papa tungkol sa relationships, dahil hindi naman ako nagpakita ng interest doon.

Basta, ang sinasabi niya lang ay hindi ako dapat magmadali dahil kusang darating saken ang taong para saken.

"Nakakatakot naman pala ang papa mo."

"Oh? Hindi ah! Hindi ka dapat matakot sa kaniya kung malinis naman ang intensyon mo. Mas matakot ka kung nakilala mo ang mama ko."

"B-bakit? Masungit ba ang mama mo?" ngumiti agad ako.

" Hindi, kapag nakilala ka kase niya wedding plan na agad ang nasa isip niya... Kahit na hindi niya sabihing maghanap na ako ng boyfriend, alam kong hinihintay niyang magkaroon ako."

At ngayong may nagtatangka na...sila naman yung wala na. Ang daya nilang dalawa.
Masyado ko nang namimiss ang mga magulang ko, kaya naman naisip kong si Van naman ang tanungin ko.

"I-describe mo naman ang papa mo." pagbabalik ko ng kaninang tanong niya kaniya.

" Si papa?" malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan niya.

"Wala siya sa kalingkingan ng papa mo." Kaagad akong nagtaka  sa sinabi niyang yun.

" B-bakit naman?" ngumiti ito, kitang-kita kong pilit ang mga yun.

"Basta." bakit basta na naman?

Nakukwento ko sa kaniya lahat ng tungkol sa pamilya ko pero pagdating sa kaniya, masyado siyang malihim. Ang alam ko lang ay hindi sila close ng papa niya.

" Eh yung mama mo? Kamusta siya?" pag-iiba ko na lang ng usapan.

"Mahilig magluto, mabait din siya...talagang huwarang ina."

"Teka, nagkikita pa ba kayo ngayon?" umiling siya na may malungkot na ngiti sa labi.

" Hindi man kami nagkikita, kinakamusta niya naman ako through messages or calls." nakahinga ako ng maluwag dun.

Siniko ko siya bigla.

"Hindi ka naman pala mahirap eh. Mas mahirap ako sayo." Sabi ko pa dito. Gusto kong kahit papano ay gumaan naman ang loob niya. Masyadong malungkot ang Van na kasama ko ngayon...nalulungkot din tuloy ako.

" Bakit?" takang tanong niya.

"Kase, ikaw may nakakausap pang magulang ako ... hangin na lang." Sabi ko pa sa kaniya.

Muli na naman niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko habang may nakapintang malawak na ngiti sa labi...may pakiramdam ako kung saan na naman mapupunta 'to.

" Tingin ko parehas lang tayong mahirap." aniya, saka inilapit ang mukha niya saken, pero agad din akong lumayo.

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang makita ang  gulat na may halong pagtataka sa mukha niya.

"Masyado kang nawiwili ano?" asar ko dito.

"Bakit?...Ayaw mo ba?" kinagat din nito ang ibabang labi niya habang nakangisi.

" May mas masarap pa sa kiss ko," umarte akong kunwaring nagulat.

Alam kong diversion lang itong ginagawa niya, kaya naman...sasakyan ko na lang siya. Pero syempre...may hangganan parin.

"Talaga ba? Ano naman?" Matagal kaming nagtitigan sa mata, hanggang sa unti-unting nawala ang ngisi niya sa mukha at mapalitan iyon ng nang-aakit niyang mga tingin.

" You're such a tease." mababa at halos pabulong ang boses nitong sabi saken. Parang halos lahat ata ng hangin sa katawan ko ay biglang nawala.

Nang subukan na naman niyang lumapit ay agad na akong tumayo pero mabilis niyang nahawakan ang damit ko at agad din akong hinila palapit sa kaniya, hindi ko mapigilang hindi matawa sa ginagawa namin...nababaliw na din talaga ata ako.

Agad kong tinakpan ng kamay ko ang mukha ko, pero matalino si Van. Agad niyang hinanap ang kiliti ko, dahilan para mapayuko ako sa mga damo habang parang uod na animo'y inasinan sa kakapiglas mula sa hawak niya.

Maya-maya pa ay hawak-hawak na niya ang dalawang kamay ko mula sa likod.
Agad din niya akong inikot paharap, hanggang sa nasa itaas ko na siya habang ang mga binti niya ay nasa pagitan na ng mga binti ko.

Tanging tawanan lang namin ang naririnig ko, dito sa itaas ng bundok, malayo sa mga tao. Para kaming nasa ibang mundo ngayon.

Parehas kaming habol ang hininga pero nakangisi paring nakatitig sa isat-isa.

"Alam mo bang nung araw na mabangga mo ako... akala ko multo ka?" sinubukan kong agawin ang kamay ko sa kaniya pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya, hanggang sa itaas niya ang mga yun sa may bandang ulo ko.

" Ang sama ng ugali mo." Bahagya itong tumawa at agad na hinalikan ang noo ko.

"Pero nauna kong isipin na baka...baka anghel ka na siyang kukuha na saken." Aniya.

Bigla ko namang natandaan yung araw na sinabi niya kung bakit hindi ko pa siya natuluyan noon.

" Tapos napagtanto ko ngayon na..." bitin pa nito.

"Na bampira ka pala." agad itong yumuko sa may leeg ko at tumawa ng malakas.

" Bwiset ka Van! konting araw lang naman, magkakakulay na din ang balat ko no!"

"Hahahahaha...biro lang!"

"Umalis ka nga diyan" tukoy ko sa pagkakapatong niya saken. Umiling ito habang nakanguso pa pa na parang bata.

" Ayoko nga." sabi nito sabay ngisi ng nakakaloko saken.

"Alam mo bang tayong dalawa lang dito?"  nang-aakit pa nitong tanong saken.

"At ano naman ngayon? Tigil-tigilan mo ako Van ah! Pakawalan mo na ako!"

Sinubukan kong kumawala sa hawak niya pero mas hinihigpitan niya lang ang pagkakahawak saken.

"Sa tingin mo...ano pa kaya ang magandang gawin natin ngayon?" biglang nag-iba ang itsura ng mga mata niya...kinakabahan tuloy ako bigla.

"May naiisip ka ba?" dagdag pa nito. Biglang akong napalunok nang wala sa oras nang halikan niya ako sa may noo...tapos sa may ilong ko. .

Kahit pala anong basa mo ng romantic novels...iba parin talaga kapag sayo na mismo nangyayari...nawawala bigla ang boses ko, at ang puso ko...parang may karera na naman ng mga kabayo sa loob nun.

" Kase ako...may naiisip ako." bulong pa nito sa may bandang tenga ko, saka nito inilapat ang mga labi sa may gilid ng tenga ko, sa pisngi ko...hanggang sa matagpuan nito ang mga labi ko.

Ramdam ko ang paggalaw ng mga labi niya, ngunit ang mga mata ko ay nanatiling nakatingin sa madilim na kalangitan, para akong naistatwa na naman.

Hanggang sa... tuluyan ko na lang hayaan ang sarili na magpadala na lang sa alon.
Tinanggal niya ang pagkakahawak sa dalawang kamay ko.

I could feel his other hand roaming down on my shirt.

While kissing him, my mind's asking me a lot of question... Are we gonna do this? Now? Here? Am I ready?

Not until I felt his hand, travelling down on the waistband of my pants...to its buttons.
My eyes immediately sprang open.

No, not now.

Hindi sinasadyang napalakas ang tulak ko kay Van. Siguro dahil na din sa adrenaline rush na naramdaman ko?

Agad-agad din akong napaupo. Parehas kaming gulat sa nangyare. Siya sa pagkakatulak ko, at ako naman ay sa kadahilanang... muntik ko na siyang maitulak sa mismong bangin.

Nang marealize ni Van na muntik na siyang malaglag sa bangin ay agad-agad itong umupo malapit sa tabi ko.

"Seriously?... For the second time, muntik mo na akong mapatay?"  Gulat nitong sabi saken. Mariin akong napapikit.

" Ikaw kase eh!" bulyaw ko dito. Kung hindi ba naman kase makapagtimpi yung kamay niya sa iisang lugar kapag naghahalikan kami, eh di sana hindi ko siya naitulak!

"Bakit ako? Ikaw kaya 'tong tumulak saken." napanganga ako at kunwaring tumawa.

" Ako? Eh kung hindi mo ba naman ako hinawa—" kinagat ko ang ibabang labi ko, bigla akong nahiya sa ginawa ko.

Pero tama rin lang din naman yun eh...kung hindi pa ako handa sa bagay na yun, bakit ko pipilitin ang sarili ko?

"Ah...s-sorry, nabigla ka ata." Usal pa nito.

Ha! Ako nabigla?

" Buti alam mo! Dapat ka lang talagang mag-sorry!... Alam mo bang kinabahan ako nang— nang g-gawin mo yun?" kahit na nasa waistband ko palang yung kamay niya, parang malapit na din yun dun...ilang inch na lang.

Siguro nga nag-panic lang ako ng sobra kaya ko siya naitulak ng malakas. Kase naman eh!

"You can always say no naman." sabi pa nito sabay tusok ng daliri niya sa pisngi ko.

"Say 'no' daw pero sinunggaban na agad ako?" mahina kong bulong sa sarili ko, pero dahil sa masyadong tahimik ang lugar ay sigurado akong narinig niya yun.

At hindi nga ako nagkamali. Tumawa ito kaagad. Enjoy talaga siya eh no? Lalo na kapag naasar ako? Kainis.

" Kung ayaw mo naman nun, may iba pa akong naiisip na pwede nating gawin."
Aish! Hindi talaga siya titigil sa naiisip niyang yan.

"Bukas nga dumaan tayo sa simbahan." inis kong sabi dito. Nagkunwari itong nagulat sa sinabi ko.

" Oy! Ang bilis mo naman, hindi pa nga ako nagpo-propose sayo eh." agad na umangat ang gilid ng nguso ko.

"Tsk, hindi yun! Pababasbasan natin yang utak mo nang luminis man lang!" sa dami ng alam niya, hindi na ako magtataka kung marami nang babae ang dumaan sa kaniya.

" Grabe ka naman. Alam mo bang maraming babae ang nagpapaunahan sa mga lalakeng gaya namin? Experience is a must na ang bagong trend ngayon."

Ano? Wow...sumasakit ang batok ko sa mga sinasabi niya.

"Tsk, sana may virginity-shame din sa inyong nga lalake ano? Kayo 'tong kung sino-sino ang tinutusok tapos pag nakabuntis ang sasabihin hindi pa handa? Tapos ang sisi sa babae lang? Aish...naku, tigilan mo ako Van."

Ngumisi si Van saka ginulo-gulo ang buhok ko.

"Don't worry, hindi na ako yung Van na kung sino-sino ang tinutusok...ikaw na lang.", what the—
Hinampas ko ng malakas ang balikat niya!

" Ang bastos mo!"

"Anong bastos dun? May sinabi ba akong bastos?... Hala! Ikaw yung may ibang iniisip diyan eh." Hindi makapaniwala akong naapaturo din sa sarili ko.

At ako pa talaga?

Sinamaan ko ito ng tingin para tumigil na siya sa sinasabi niya. Ngumiti ito saken at mas lumapit pa.

" Hindi na. Kiss na lang ulit tayo." aniya sabay nguso saken. Agad kong itinulak ang mukha nito palayo saken.

"Ayoko nga! Kung saan-saan pa naman naglalakbay yang kamay mo."

"Hindi mo ba alam na required yun? Hayss, kailangan kitang maturuan ng tamang—" tinulak ko ulit ang mukha niya saka dali-daling tumayo at naglakad papasok sa tent namin.

" Hoy! Virgin kong girlfriend! Bumalik ka dito!" Bwiset ka Van!

Anong girlfriend? Eh hindi pa naman niya ako tinatanong. Actually wala pa talaga kaming closure...landian lang ang ginagawa namin.

Pagkapasok ko sa tent ay agad kong inayos ang magiging higaan namin. Pagkatapos nun ay humiga na ako.

Maya-maya pa ay pumasok na din si Van sa tent at humiga agad sa tabi ko. Humiga ito sa gilid niya. Unknowingly,  ginaya ko dinang posisyon niya.

Matagal kaming nagtitigan sa isat-isa. Maya-maya pa ay hinawakan ng isa nitong kamay ang pisngi ko, he gently stroke it using his thumb.

"You are the best that's ever happened in my whole damn existence...god knows how thankful I am for that."  he said in a low voice, then smile. His words melt my heart. I immediately gave him my sweetest smile.

" I'm not good in expressing my feelings...I wish you're good in reading eyes." sabi ko dito. He immediately grinned then plant a soft kiss on my nose.

"I'm good in reading body language." he said with a wink.

" Can I hug you?" Tanong pa nito saken. Bahagya pa akong nagulat sa tanong niyang yun. Akala ko ay nagbibiro lang siya pero kita ko sa mukha niya na seryoso siya sa tanong na yun.

"Hinahalikan mo nga ako ng walang paalam tapos magtatanong ka pa kung pwede mo akong yakapin?" Sabi ko dito. Pagkatapos nun ay agad-agad niyang inilapit ang sarili saken.

Nasa may leeg ko ang mukha niya habang nasa pagitan naman ng mga binti niya ang binti ko. I rest my chin on top of his head while my other hand is gently rubbing his back, and the other one is brushing his soft curly hair.

This is what my mother used to do to me whenever I feel like hugging her. She smells like new laundry, like home. Her arms are my greatest comfort, and ever since she was gone... I had to learn how to comfort my self.

Ilang minuto ko palang yakap-yakap si Van pero agad na itong nakatulog. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa may leeg ko. Nag-aalangan akong gumalaw at baka magising ko siya. Mabuti na lang at agad din akong nakaramdam  ng antok, hanggang sa unti-unting bumigat ang mga mata ko at nakatulog na din.

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...
209K 5.1K 40
"Are you mad? How could you possibly believe that I would accept you as my mate?" I heard him shout at me. I just stood there frozen, trying to compr...
128K 2K 20
Street has a sister that no one knew about, same dad but different moms. She is a good girl that was caught in the middle of the wrong type of people...
16.8M 649K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...