Heartbeat Road (Completed)

By MaybeTheWriter

41.8K 2K 334

Van Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit hi... More

Disclaimer
.
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6 (I)
(II)
CHAPTER 7
CHAPTER 8 (I)
II
CHAPTER 9 (I)
(II)
CHAPTER 10
CHAPTER 11 (I)
(II)
CHAPTER 12
CHAPTER 13 (I)
(II)
CHAPTER 14 (I)
(II)
CHAPTER 15 (I)
(II)
CHAPTER 16
CHAPTER 17 (I)
(II)
CHAPTER 18 (I)
(II)
CHAPTER 19 (I)
(II)
CHAPTER 21 (I)
II
CHAPTER 22 (I)
II
CHAPTER 23
CHAPTER 24 (I)
II
CHAPTER 25
CHAPTER 26 (I)
Warning
II
CHAPTER 27 (I)
II
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39 (I)
II
CHAPTER 40
II
III
Epilogue
Writer's Note

CHAPTER 20

563 27 3
By MaybeTheWriter


QUINE's

NAGISING ako hindi sa tunog ng alarm ko kung hindi dahil sa liwanag na nanggagaling sa malaking bintana sa may sala.

Nag-stretching ako ng konti bago tuluyang bumangon.
Naka-amoy ako bigla ng niluluto...sa may kusina iyon. Mula sa higaan ko ay kita ko si Van na nag-luluto na sa may kusina.

Bago bumaba ay tinignan ko muna ang oras sa may alarm clock ko, 7:45 ang sabi.

"Good morning!" dinig kong malakas na bati ni Van saken habang pababa ako sa hagdan. Ngumiti ako ng pilit saka tinanguan din siya.

Dumiretso ako sa may banyo para mag-hilamos muna ng mukha. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kusina.

Umupo ako sa isa sa mga stool at parang batang dumungaw sa niluluto ni Van. Para iyong fried rice na may halong itlog. May nakikita din akong bacon strips. Ang bango nun.

" B-bakit ang aga mo atang gumising?" tanong ko dito para naman hindi kami masyadong sakupin ng katahimikan.

"Wala naman, morning person talaga ako." may halong yabang na sagot naman niya sabay kindat saken. Tsk.
Eh di siya na ang morning bird.

" Alis tayo pagkatapos nating kumain." hindi iyon tanong, para bang ini-inform niya lang ako na aalis kami mamaya.

"Pero monday ngayon, may pasok tayo."

"Alam ko," aniya sabay ngiti saken.

" Pero kahit naman hindi tayo pumasok ngayon makaka-graduate parin tayo." naisip ko agad yung mga araw na hindi ako pumasok, 4 days na ata yun.

"Para maka-survive, kailangan mong mag-memorize at ipasa ang bawat test, tapos magpakita paminsan-minsan... At the end of the day, experiences in life is still the best teacher." dagdag pa niya. Saka isinalin na ang niluluto sa isang plato at sumunod na gumawa ng toast.

" Niro- romanticize mo lang ang pag-absent natin... masama ang umabsent lalo na kung wala ka namang sakit no."

"Sige, kung ayaw mong sumama ayos lang...sayang, maganda pa naman yung lugar na pupuntahan ko." May tono pa ng pang-iinggit nitong sabi saken.

Ramdam ko ang pangangati ng mga paa ko. Kainis, ginagamit niya ang hilig kong gawin dati laban saken.

At dahil sa curiosity ko...

" S-Saan ba yan?", tanong ko sa kaniya, kunyari ay hindi ako interesado sa pupuntahan nito.

Mas lumawak ang ngiti sa mukha niya. Maya-maya pa ay umupo ito sa stool sa may tapat ko at ipinatong yung dalawang siko sa may island saka ipinatong sa kamay yung baba niya.

"Bakit mo gustong malaman?" may halong panunukso nitong tanong. Imbes na agad siyang sagutin, ang malilikot kong mata ay bumaba sa mapupula nitong labi... Napalunok ako at agad na nag-iwas bago pa niya ako mapansin.

Naalala ko na naman yung kiss... Kainis.

Tumikhim ako bago nag-salita.

" K-kase...w-wala, gusto ko lang malaman."

"Talaga? ... Eh bat namumula ka?" Agad kong kinapa ang pisngi ko nang sabihin niya iyon.

" Mainit k-kase, b-bakit ba?" Parang gusto ko tuloy tumakbo sa banyo para makita ang sarili kong mukha. Kainis.

"Ah...okay." aniya, saka tinuloy yung kanina nitong ginagawa.

Nang matapos siya sa paghahanda ng breakfast namin ay umupo ito sa stool sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at agad kong inalayo yung upuan ko sa kaniya.

" Bakit ka lumalayo?" Agad nitong tanong nang mapansin ang ginawa ko ,saka walang kahirap-hirap na hinila ang upuan ko palapit sa kaniya, yung tipong nagkakadikit na yung balikat namin sa lapit.

"K-kase gusto ko nang malaking space.. Slight c-claustrophobic kase ako."

Ano? Meron bang slight claustrophobia? Ano ba tong pinagsasasabi mo Quine?

" Oh? Eh wala naman tayo sa close space ah?" napabuntong-hininga na lang ako, alam ko kase na kapag nag-salita pa ako ulit walanng sense na naman ang sasabihin ko.

Ano bang nangyayari saken? Parang ang na- awkward ako bigla? Hindi makapag-isip ng maayos ang utak ko.

"May mga lugar akong mahilig puntahan kapag gusto kong magisip-isip. Napuntahan na natin yung isa." Pagbasag nito sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nilunok ko muna yung nginunguya ko bago ako nag-salita.

" Yung amusement park?" tumango ito.

"Mas buhay yung lugar na pupuntahan ko mamaya." ko talaga ang ginamit niya. Tsk.

"P-pwede naman akong u-umabsent ulit eh." kunyari ay tinatamad kong sagot dito.

Dinig ko pa ang bahagya nitong pag-tawa, at nang lingunin ko nga siya...kasing liwanag din ng umaga ang mukha niya. Bago pa man niya ako mahuling nakatitig sa kaniya ay nag-iwas na ako ng tingin.

Hindi ko alam kung bakit maski ako...masaya din ngayon. Siguro dahil masarap ang breakfast ko? Dahil may nag-luto ng breakfast ko? O baka dahil...gusto ko ang taong nag-luto ng breakfast ko?

Matapos naming kumain ay nag-tulungan kami ni Van sa pag-huhugas ng mga plato.

Kinailangan niya munang umuwi sa apartment niya para mag-palit ng damit at mag-shower din, kaya naman habang inaantay siya ay nag-shower na din ako at nag-ayos ng konti.

Halos isang oras din akong nag-antay sa kaniya nang marinig ko ang tunog ng doorbell. Binuksan ko iyon at hindi nga ako nagkakamali dahil si Van iyon.

Naka-suot siya ng dark green shirt at black na pants. Habang yung buhok niya naman ay basa pa at talagang magulo-gulo pa.

" Tara?" kita ko ang excitement sa buong mukha nito, hindi ko tuloy maiwasang hindi rin ngumiti.

Kotse ni Van ang ginamit namin papunta dun sa lugar na tinutukoy niya.

" So, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya habang nakapikit ang mga mata at nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin sa labas.

Maaga pa kaya hindi pa ganoon ka-polusyon sa kalsada.

"Sa malayo." hindi ko masyadong narinig yung sinabi niya kaya nilingon ko siya.

" Ha?" saglit niya akong tinignan saka agad ding ibinalik ang mga mata sa kalsada.

"Basta. " aniya. Hindi na ako ulit nagtanong pa at patuloy na lang na pinagmasdan ang mga establishimentong nadadaanan namin.

Hindi ko alam kung saan patungo ang daang tinatahak namin. May nadaanan na kaming kalsada sa gitna ng naglalakihang mga puno. Nang makalagpas na kami sa kalsada na yun dumaan naman kami sa mahabang tulay na papasok sa isang tunnel. Halos dalawang oras na din ata kami sa daan at hindi parin sinasabi ni Van kung saan kami pupunta.

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami lumiko, hanggang sa  unti-unti ko nang natanaw ang  dalampasigan at bughaw na karagatan.

Hindi ko mapigilan ang pagkamangha sa nakikita ko ngayon. Matagal-tagal na din mula nang makapunta ako sa dagat.

Pinark ni Van yung kotse niya malapit sa mga bato-bato sa may dalampasigan, malayo iyon sa alon ng dagat kaya safe.
Dali-dali akong lumabas at patakbong nag-tungo malapit sa may tubig. Kalmado ang dagat.

Hindi ko pa mapapansing nakanganga ako kung hindi ko naramdaman ang panunuyo ng lalamunan ko.

" Ang ganda dito!" namamangha kong sabi kay Van paglapit ko ulit sa kaniya.

Hindi ko na matandaan kung saang dagat ako huling bumisita noon. Kung sa Greece ba o sa Israel.

"Gusto mo maligo?" nakangisi kong nilingon ang direksyon ni Van. Kaso agad din iyong nawala nang maalala ko na wala pala akong dalang extra na damit.

" May dala akong damit na pwede mong gamitin." sabi pa nito na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.

Agad itong nagtungo sa likod ng kotse niya, maya-maya pa ay muli siyang lumapit saken saka iniabot ang pamilyar na T-shirt.

"Akin 'to ah?" tukoy ko dun sa damit na binigay niya saken. Binuklat ko iyon at tama nga ako, isa iyon sa mga oversized shirt ko na kung hindi ako nagkakamali ay pinahiram ko sa kaniya.

" Sa loob ka na mag-bihis, magbabantay ako dito sa labas. "

Hindi heavily tinted ang salamin ng kotse ni Van kaya nag-alangan akong magbihis doon.

"Hindk ako sisilip, promise." he look sincere, kaya naman...

" Kapag nakita kitang sumilip, hindi ko magdadalawang isip na dukutin at itapon sa dagat yang mga mata mo." banta ko sa kaniya bago ako pumasok sa backseat ng kotse.

Hinubad ko ang white shirt ko at agad na isinuot yung oversized shirt, saka ko hinubad yung pants ko at sapatos. Bago lumabas ay itinupi ko muna yung mga damit ko saka iniwan sa upuan.

Kumatok ako sa may salamin, naka sandal kase si Van sa mismong pintuan kaya hindi ako makalabas.

Abot hanggang tuhod ko yung haba nung shirt, ayos na din. 

Nang mag-angat ako ng tingin kay Van ay kagat-kagat nito ang ibabang labi at bahagya pang nakangiti habang nakatingin saken.

Ayoko mang sabihin pero...ang hot niya sa mga oras na yun.
Nang ma-realize ko kung ano ang sinabi ko, sa isip ko ay agad kong binabatukan ang sarili. Baliw na ako.

"B-bakit ka ngumingiti diyan?"

" Wala naman...ang cute mo kase."  pakiramdam ko tuloy ay mas uminit ang paligid ko.

"S-Syempre, mana ako sa p-parents ko eh.' Sabi ko dito saka dali-dali nang nag-tungo na sa may dagat.

The moment na maramdaman ko yung tubig sa paahan ko ay agad-agad ding kumalma ang katawan ko. Naglakad ako ng naglakad hanggang sa wala nang matapakang buhangin ang mga paa ko.

Nang lingunin ko ang direksiyon ni Van ay nakita ko itong hinuhubad na and pants and shirt niya hanggang sa boxer  na lang ang natirang suot nito. Bago pa niya maramdaman ang mga titig ko ay tumalikod ako saka nagpalutang-lutang.

The water feels good. Hindi iyon ganoon kalamig at hindi rin naman ganoon kainit.

Maya-maya pa ay nasa tabi ko na din si Van lumalangoy, napaka-lawak ng mga ngiti nito.

"Mas maganda ang ilalim, ano? Sisid tayo?" agad akong tumango sa kaniya ng wala man lang alin-langan.

Nagulat ako sa bigla nitong pagkuha sa kamay ko sa ilalim ng tubig, pilit kong hindi ipinakita ang gulat ko sa ginawa niyang yun.

" On three?"

"Sige," nag-bilang ito mula isa hanggang tatlo, inipon ko lahat ng hininga ko saka kami sumisid pailalim.

Sa ilalim ay nakakita ako ng ibat-ibang klase ng isda, yung iba pulupulutong pa. May mga coral reefs din. Ilang minuto pa kaming nag-tagal sa ilalim, hanggang sa  naramdaman ko ang pag-higpit ng hawak ni Van sa kamay ko.
Nang lingunin ko siya ay tinuturo niya ang itaas, senyas iyon na umahon na kami.

Pagka-ahon ay agad kaming lumanghap ng hangin.

" Ang hina mo naman." asar ko kay Van nang mabawi ko na ang hininga ko. Nakaka-tatlong minuto palang siguro kami sa ilalim. Sayang, siguro kung may oxygen tank lang kami mas masayang sumisid.

"Tsk, anong ako? Nag-aalala lang ako na baka mawalan ka ng hininga ano!" sus, kunwari pa siya. Bahagya siyang nakanguso kaya alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo... Isa sa mga bagay na napapansin ko sa kaniya sa tuwing malayo sa katotohanan ang sinasabi niya.

"Sige, sabi mo eh." sabi ko na lang dito.

Nag-stay pa kami sa dagat hanggang sa magkulubot na ang mga balat sa daliri namin bago kami umuhon at umupo sa may dalampasigan. Kulay abo ang buhangin, hindi iyon kasing pino gaya ng mga dalampasigang napuntahan ko na.

"Alam mo ba nung bata ako takot ako sa dagat? lalo na yung sobrang lalim at halos kulay itim na yung tubig?" pumikit ako saka tumingala sa langit, sinubukan kong dumilat pero masyadong maliwanag ang araw kaya naman naniningkit ang mga mata ko nang humarap ako kay Van.

"They call it thalassophobia...Nakuha ko yun matapos malaglag sa balon dun sa naiwang farm ng  lola ko. Sobrang dilim at lalim ng balon na yun at sobrang laki din." Gaya nun nung balon sa horror movie na 'the ring'. Kung dati natatakot ako kapag naalala yun, ngayon wala na.

"At pano mo naman nalabanan yun?" speaking of that. Hindi ko mapigilan ng paglawak ng mga ngiti.

A lot of happy memories starts flooding my head.

" Nung 10 ako nag-punta kami sa Iceland, meron kase doong black beach kung tawagin... At alam mo ba kung ano ang ginawa ng lolo ko para mapalangoy ako doon? Syempre hindi mo alam... Ang ginawa niya lang naman ay samahan ako." my great old man, ramdam ko ang bahagyang pag-kirot ng dibdib ko.... Namiss ko bigla si lolo.

"Sobrang higpit ng pagkakakapit niya sa kamay ko nun, at kahit gaano pa kalakas ang alon hindi niya ako binitiwan... Nangako din siya saken na sa kahit saang malalim na dagat pa o malalim na balon pa man ako mapunta, alalahin ko lang siya at ang pangako niyang hindi ako bibitiwan...kung sakali man daw na matakot ako."

Palagi akong ganito kapag kinukwento ko ang lolo ko, proud na proud talaga ako sa matandang yun. Kung nasaan man siya ngayon, alam kong proud din siya sa sarili niya dahil napalaki niya ang apo niya ng maayos.

There are a lot of memories that keeps on coming back to me, as clear as this ocean... Unfortunately, the people behind those memories are forever gone... but will never be forgotten.

Kung makikilala lang sana ni Van si lolo, marami siyang aral sa buhay na makukuha mula sa kaniya.

" Ikaw? Saan ka naman natatakot?" Baling ko kay Van.

"Tsk, wala ata akong kinatatakutan no!" Mayabang nitong sagot saken, bigla akong natawa sa sagot niyang yun.

" Alam mo bang yan din ang sabi ng lolo ko dati?"

Ang sabi ng lolo ko dati, ang tanging kinatatakutan niya lang naman daw ay ang mawala ang lola sa kaniya, at nung nangyari nga yun, wala na siyang kinatakutan pa. Maagang nawala si lola, bago pa man ako ipanganak.

" Ang bait siguro ng lolo mo no? Pati pa ba parents mo mabait din?" maya-maya pa ay tanong ni Van saken.

Saglit akong napaisip.

"My family treat other people according to what they deserve...kung mabait ka, mabait din sila." tumango-tango naman si Van at saglit na nanahimik.

" Sa tingin mo, kung nakilala nila ako...magugustuhan kaya nila ako?" agad na nag-salubong ang kilay ko sa tanong niyang iyon. 

"S-siguro?...mukha ka naman kaseng disente. Pero kung malalaman nilang umaabsent ako dahil sayo? For sure hindi sila matutuwa." Biro ko sa kaniya. Tumawa ito habang umiiling-iling pa.

Pero...sa tingin ko naman magugustuhan ka talaga nila  Van. Sabi ko pa sa kaniya sa isip ko.

"Eh ikaw ba?"

"Anong ako?" kunot-noo kong tanong dito.

" Ikaw? Is there any chance na magustuhan mo ako?" Parang tumigil ang mundo ko sa tanong niyang yun.

Kung pwede lang na ibalik ko ang tanong niyang yun sa kaniya... Kase ako nagustuhan ko na siya, eh siya kaya? May chance bang gusto niya din ako?

Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"S-siguro?" Kinakabahang sagot ko sa kaniya.

"Bakit siguro?" muli kong ihinarap sa dagat ang tingin ko.

" P-People are uncertain... Ngayon ayaw mo pero baka bukas gusto mo na ang isang tao, or the other way 'round... Ngayon gusto mo ang isang tao at bukas hindi na."

"Bakit naman ang bilis? Pwede ba yun? Ngayon ayaw mo tapos bukas gusto mo?" Literal ang naging pag-intindi niya sa sinabi ko.

" Hindi naman agad-agad mawawala... What I mean is mabilis. Kase mababaw ang tanong mo... Ang salitang 'gusto' ay kasing babaw ng tubig sa baso, mabilis maubos." at umaasa akong ang nararamdaman ko para sa kaniya ay kasing babaw rin lang ng tubig sa baso...mabilis na mawawala.

Ang pagtingin kase na hindi kayang suklian, mas magandang mawala agad.

"Ah...kaya pala."

"Oo, ganon."

"Pero, pwede din na maging love ang pagka-gusto diba?" Tanong pa nito.

Bakit ba ito ang pinag-uusapan namin? Medyo naiilang na ako.

" S-siguro...ewan, hindi ko pa naman nararanasan eh."

Agad akong napaisip sa sinabing yun ni Van.
Love? Ano bang pakiramdam na ma-inlove? Sa mga librong nababasa ko, masaya daw...para kang nasa ulap sa bawat segundong nakikita mo ang taong mahal mo. 

"Bakit mo naman natanong?" Tanong ko naman dito. He half smiled at me before looking up at the sky and close his eyes after.

" Wala naman, napaisip lang ako... out of nowhere?"

Ano kaya kung itanong ko na din sa kaniya yung kahapon? Para naman matahimik na din ang isip ko. Kung patatagalin ko lang ang pag-iisip ng mga posibleng sagot...ako lang ang mahihirapan.

Lumunok muna ako at humugot ng lakas ng loob bago ulit nag-salita.

"S-siya nga pala..." Umpisa ko. Nang magbaba siya saken ng tingin ay kaagad akong lumingon sa may dagat. Kung magtatagpo ang mga mata namin...mas lalo lang akong maiilang at kakabahan.

" Y-Yung kahapon?...Bakit mo g-ginawa yun?"

" Hindi ko din alam." Gulat ko itong nilingon, dahilan para agad na magtama ang nga tingin namin.

Pwede ba namang hindi niya alam? Eh hindi naman siya ganon kalasing? Pinagti-tripan niya ba ako?

"At bakit hindi mo alam? ...natatandaan ko pa na sinabi mong hindi mo ako type noon, tapos bigla mo na lang akong...h-hahalikan?" Dire-diretso kong sabi sa kaniya.

"Alam mo kase...may dalawang klase ng babae para saming mga lalake." dalawang klase ng babae para sa kanila? At ano naman kaya yun?

Ihinarap pa nito ang buong katawan saken na saka nag-indian seat, kaya naman umayos din ako ng upo pero nakaharap parin ang katawan sa may dagat.

" Ang 'type' naming babae ay yung mga pwede naming i-display sa ibang mga tao. Mga dream girls namin, yung tipong sexy... m-malaki ang dibdib, o kaya naman ay maganda, maasikaso, mabait at gusto din ng mga kaibigan namin at pati na din ng pamilya namin." Inintindi kong mabuti ang mga sinabi niya.

"At ano naman yung isa?" tanong ko dito. Hindi niya agad ako sinagot at matagal na napako ang mga titig niya saken. Dahilan para bigla na namang bumilis ang kalmado ko nang puso.

" H-hoy...ano yung ikalawa?" ilang beses nitong kinurap ang mata niya, animoy ginigising ang sarili sa saglit na pagkabalisa.

"Ah... Yung ikalawa namang babae ay yung..." tumingala ulit siya sa langit, naniningkit ang kaniyang mga mata.

"Yung ikalawa naman ay...yung babae na lahat ng flaws ay tanggap namin. Na kahit baliw at moody pa ito ay wala kaming pake. Na kahit.. f-flat chested siya ay okay lang samen," bahagya pa siyang natawa matapos niyang sabihin yung salitang flat chested.

H-hindi naman ako ang tinutukoy niya diba?...ha! Bakit naman magiging ako yun? M-Meron naman ako kahit papano ah?

" Sila yung tipo ng babae na wala kaming pake kahit na ano pa yung iniisip ng iba sa kanila, hindi naman kase namin sila ginusto para i-display...ginusto namin sila dahil..." natigil ito sa pagsasalita at muli na naman akong tinitigan.
Napapansin ko nang madalas niya nang gawin yun. At sa tuwing diretso niya akong tinitignan...parang maski kaluluwa ko nakikita niya.

"D-dahil ano?" Ngumiti muna ito bago ulit nag-salita.

"Dahil sa hindi malamang dahilan." Aniya.

Hindi malamang dahilan? Pwede ba yun?

Hindi ko na kinakaya ang mga titig niya kaya ako na ang kusang nag-iwas ng tingin.

" Ah... Ganon pala." itinuon ko ulit ang mata ko sa dagat, kalmado parin ito. Sa di kalayuan ay may naririnig akong huni ng mga ibon.

Nakakapagtaka lang at walang tao sa ganito kagandang lugar maliban samen.

Napaisip ako saglit. Sinabi niyang hindi niya ako type noon, tapos sinasabi niya saken ngayon ang dalawang klase ng babae...

Sinasabi niya bang hindi niya ako type dahil...

Hindi...imposible. Wag ka ngang mag-imagine Quine...sa ginagawa mo pinapaasa mo lang ang sarili mo.

" May tanong naman ako sayo," bakit bigla akong kinabahan nang sabihin niya yun? Magtatanong lang naman siya ah?

"S-sige... Ano yun?" sagot ko sa kaniya habang nasa harap parin ang tingin. Yung puso ko...hindi na ito kumalma. Kainis.

Ramdam ko parin ang mga tingin niya saken, mas lalo lang akong pinapakaba nun. Bakit ba ako ganito? Si Van lang naman 'to ah?

Bakit...bakit ganito ako kabahan?

" Anong gagawin mo kapag...nagka-gusto ka sa isang tao?" Aaminin kong, hindi yun ang inaasahan kong tanong niya saken.

"At bakit mo naman natanong yan?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya. Agad kong napansin ang ibon na dumapo malapit sa paahan ko, doon ko itinuon ang atensyon ko. Kulay brown yun at may stripes na black and white sa likod.

" Gusto ko lang malaman," gusto ko sanang itanong kung bakit niya gustong malaman...pero hindi na lang.

"Depende." ang tanging naisagot ko. Ayokong sabihin na, iiwas ako, lalo na kung wala naman siyang feelings para saken. Gaya ng ginawa ko noon.

Pero kahit na umiwas ako...lumapit ka parin at ginustong maging kaibigan ako. Tapos bigla mong sinabi na...gusto mong maging higit pa sa kaibigan ko...at ngayon? Mas ginugulo mo pa ang takbo ng utak ko.

"Panong depende?"

"Basta depende." agad kong sagot. Dinig ko ang pagbuntong-hininga nito.

" Kung ganon...anon na lang ang gagawin mo kapag..." bitin pa nito, dahilan para lingunin ko ang direksiyon niya.

"Kapag ano?"

"Kapag...nagkagusto sayo ang isang tao?"

Sinasabi niya bang gusto niya ako?... Hindi, wag ka ngang mag-imagine diyan Quine.
Muli akong tumingin sa dagat.

"I treat people the way they deserve to be treated...k-kung may tao mang magkagusto saken, then why not try to like him, too?"
Pero hindi sa lahat ng pagkakataon umuubra yun, at dapat mong gawin...lalo na kung may gusto ka nang isa, tapos may nagkakagusto pa sayong iba.

Nang hindi ko na marinig na mag-salita si Van ay saka ko ito muling nilingon. Nakangiti ito habang nakatingin saken. May kung ano sa mga mata niya...nangungusap ang mga yun.

" At bakit ka naman nakangiti diyan?" taka kong tanong dito.

"Sabi mo yan ah?" Ha? Anong sabi?

" Anong sabi mo yan?" ang ngiti nito ay unti-unting naging ngisi, mas lalo akong pinapakaba. Kung ano man ang tumatakbo sa isip niya ngayon, wala akong tiwala dun.

"Nakalimutan mo na agad?" ano bang pinagsasasabi nito?
Teka...don't tell me...

" Pinagtitripan mo ba ako?"

"Ganito na ba kagwapo ngayon ang mga manloloko?" he said, grinning.

Ha! Wow...ang taas din minsan ng confidence level niya eh.

"Wala namang pinipiling mukha  ang pagiging manloloko...t-tigilan mo ako Van at hindi ako natutuwa." asik ko dito at agad ding tumayo. Pero hindi pa man ako nakakalakad ay bigla nito akong hinigit, dahilan para muli akong mapaupo.

Napahawak ako sa may balikat nito, habang ang mga mukha namin ay halos 2 inches na lang ang layo sa isat-isa.

"A-ano bang gina—"
"I guess, kapag hinalikan kita...hahalikan mo ako pabalik."

Ano? Teka..a-anong halik?!
Magsasalita pa sana ulit ako pero huli na...dahil nakadampi na ang mga labi niya sa labi ko.

Ramdam ko ang lambot ng kaniyang labi sa labi ko. Ang isa niya kamay ay nasa may pisngi ko, habang ang isa pa  ay nag-umpisa nang maglakbay sa ilalim ng damit ko.

He kissed me softly and slowly.

This time, para na naman akong naging poste.
Hindi iyon kasing tagal ng nauna pero...same feeling pa din.
Matapos mag-hiwalay ng mga labi namin ay bigla na naman akong nakaramdam ng... Hiya? 

" M-mag...M-magbibihis n-na ako." Kusa iyong lumabas sa bibig ko.

Sunod ko na lang na nalaman ay nag-lalakad na ako palapit sa kotse ni Van.

Nang marating ko ang kotse niya ay agad akong pumasok sa pinto ng backseat.
Hingal na hingal ako kahit na naglakad lang naman ako.

Imbes na sa upuan ay sa lapag ako umupo. Napahawak pa ako sa dibdib ko, sa parte kung nasan yung puso ko...sobrang bilis, sobrang bilis ng tibok nun.

Gusto niya ako...gusto niya ba ako?!

"Mababaliw na ata ako...kalma, kumalma ka Quine." Nag-inhale-exhale ako ng ilang beses hanggang sa maramdaman ko ang unti-unti akong kumalma.

Halos mapatalon ako nang may marinig akong katok sa may bintana. Pagka-angat ko ng ulo ko ay kumakaway na saken si Van, nakangiti ito ng nakakaloko saken.

Tsk, bwiset ka Van. Alam mo bang parang sasabog na ang puso ko sa ginawa mo?!

Gusto ko sanang isigaw sa kaniya yun. Sa halip ay sinamaan ko na lang ito ng tingin saka sinenyasang tumalikod.

Nang tumalikod na siya ay saka ako nag-umpisang mag-bihis. Sa kabilang pinto ako lumabas pagkatapos.

"S-saan ko ilalagay 'to?" inis kong tanong sa kaniya habang hawak-hawak yung basang damit ko.

" Amin na," iniabot niya yung kamay niya saken, agad ko namang ibinigay yung basang damit sa kaniya.

Nagtungo ito sa may trunk ng kotse. Habang ako naman ay nagpunta muna dun sa hood ng kotse niya saka naupo doon.

Napa-isip ako habang nakatingin sa dagat. Siguro, kung buhay pa ang parents ko, may pagsasabihan ako ng nararamdaman ko ngayon.

Nakakalito ang lahat. Bawat salita parang may ibang kahulugan. Bawat galaw, parang may iba pang sinasabi. Bawat mata, animo'y nangungusap.  Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. 

Maya-maya pa ay umupo na din si Van sa tabi ko. Tahimik lang kami.

Naguguluhan parin ako...hindi niya direktang sinabi saken na gusto niya ako pero...pero hinalikan niya ako.

Hindi.Ayoko ng ganito. Ayokong sobra akong nag-iisip, nakakapagod. Kaya naman, inipon ko lahat ng lakas ng loob ko at tinanong siya.

Alam kong walang kahahantungan ang pag-iisip ko, mas okay kung sa kaniya mismo manggaling, para habang maaga pa...alam ko na ang gagawin.

"G-gusto mo ba ako?" tanong ko kay Van habang nakatingin sa mga buhangin.

Nang hindi siya sumagot ay napalingon ako sa direksyon niya. Ayun na naman ang mga ngiti niya...konti na lang mapupunit na siguro ang labi niya sa lawak nun.

Mukhang...yun na ang sagot niya. Ramdam ko.

"Bakit?" tanong ko pa sa kaniya.

" Anong bakit?"

"Bakit mo ako nagustuhan?...Hindi ako masayang kasama, moody ako at mabilis kung magbago ang mood ko. Hindi rin ako masayang kausap, at higit sa lahat...maldita ako at mainitin ang ulo, kaya, p-pano at bakit?... Bakit ako?"

Agad din akong mariing napapikit.
Kung hindi ko nga masagot ang sarili ko kung bakit nagustuhan ko siya, siya pa kaya?

Hindi ko na inantay pang sagutin niya ako.

"Tara na nga, umalis na tayo." sabi ko na lang sa kaniya at agad ding nagtungo sa passenger seat.

Tahimik kami buong biyahe, ramdam ko ang paminsan-minsang paglingon saken ni Van. Itinuon ko na lang atensyon ko sa labas ng bintana... Pero ang isip ko?

Sobrang layo ng naaabot nun.
Diba dapat maging masaya ako?
Kase...kase may taong nagkagusto saken, despite of my attitude? Pero bakit hindi ganon ang nararamdaman ko?

Nakakabaliw.

Nang marating namin ang parking lot ng bahay ko ay hindi muna ako bumaba.

Ngayong na-solve ko na ang isang puzzle, may panibago na naman.

Dahil gusto naman ang isa't-isa...dapat ba maging kami? Pano kung...pano kung hindi ako maging girlfriend na inaasahan niya?

Out of nowhere ay bigla na lang umusbong ang takot sa dibdib ko. Mababaliw na ata ako sa nangyayareng 'to saken.

" D-Don't you think you deserve someone else?" mahina kong tanong sa kaniya. I heard him sigh.

"Bakit ganyan ka mag-isip? Do you think you don't deserve anyone?"

Siguro? May parte saken na nagsasabing deserve ko namang sumaya, pero may part din saken na nagsasabing makuntento na lang ako sa pagkakaibigang binubuo namin.

Ginusto ko siya without asking him to like me back, at okay na ako sa ganon.

I guess... I'm afraid to commit to him?

At isa pa...natatakot ako, natatakot ako na baka someday kapag mas malalim pa sa dagat ang nararamdaman ko para sa kaniya, saka naman siya biglang umalis.

"Ingat ka pauwi." sabi ko na lang dito saka tinanggal ang seatbelt ko. Bigla naman nitong hinawakan ang kamay ko nang akma ko na sang bubuksan yung pinto.

"Alam mo, kahit na gaano pa kakumplikado ang isang puzzle, may taong gugustuhin paring buuin iyon... Kahit na gaano man kataas ang isang bundok, may tao paring susubukang akyatin iyon... Kahit na gaano man kalalim ang dagat, may mga taong gumagawa ng paraan para malangoy lang iyon... Kaya kahit na gaano ka pa kakumplikadong tao...gusto parin kita."

Kitang-kita ko ang sinseridad sa mukha niya. Sa mga oras na 'to gusto ko siyang yakapin at mag-thank you, pero sa halip ay nag-peke na lang ako ng ngiti kahit pa sumasakit na ang lalamunan ko at nagbabadya na ang mga luha ko.

" Baliw ka na kung ganon...bahala ka sa buhay mo."

Patakbo akong umakyat ng hagdan. Nang makapasok na ako sa apartment ko ay agad akong naupo sa sahig at sumandal lang sa may pinto.

Ito na ba yun? Papasikat na ba muli ang araw sa buhay ko? Kase, kahit tumigil na ang ulan...bakit makulimlim parin?
Kinakabahan ako na natatakot din.

Ibig bang sabihin ni Van...gagawin niya ang lahat para lang makuha ako?

Aaminin ko...after years, hindi ko akalaing magiging masaya ulit ako. Kahit pa ang saya na yun ay may kasama ding takot.



Continue Reading

You'll Also Like

12.4K 549 24
The sequel to Life Changes, if you have not read the first story I recommend you do so you will understand this one. This story takes off a year afte...
1.4K 47 23
" Since we can't be together right know i will be contented by just dreaming of us loving each other like there is no tomorrow " M.E
20.2K 481 14
???: "Futility, a mere pestilence is what I thought of your race but not, not anymore Charlie."
209K 5.1K 40
"Are you mad? How could you possibly believe that I would accept you as my mate?" I heard him shout at me. I just stood there frozen, trying to compr...