Heartbeat Road (Completed)

By MaybeTheWriter

41.8K 2K 334

Van Vincent is a man who wants to get away from his life and his father. One night a car accidentally hit hi... More

Disclaimer
.
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6 (I)
(II)
CHAPTER 7
CHAPTER 8 (I)
II
CHAPTER 9 (I)
(II)
CHAPTER 10
CHAPTER 11 (I)
(II)
CHAPTER 12
CHAPTER 13 (I)
(II)
CHAPTER 14 (I)
(II)
CHAPTER 15 (I)
CHAPTER 16
CHAPTER 17 (I)
(II)
CHAPTER 18 (I)
(II)
CHAPTER 19 (I)
(II)
CHAPTER 20
CHAPTER 21 (I)
II
CHAPTER 22 (I)
II
CHAPTER 23
CHAPTER 24 (I)
II
CHAPTER 25
CHAPTER 26 (I)
Warning
II
CHAPTER 27 (I)
II
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39 (I)
II
CHAPTER 40
II
III
Epilogue
Writer's Note

(II)

600 28 7
By MaybeTheWriter

VAN's

Shit. Shit. Shit!

Ano bang ginawa mo Van?!

Napapasabunot na lang ako sa sarili ko ng wala sa oras habang paulit-ulit na inaalala yung nga sinabi ko kay Quine. Bwiset

Hindi ako nag-iisip. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nasabi ko ang mga yun sa kaniya.

Kitang-kita ko, sobrang sariwa pa sa ala-ala ko ang lungkot ng mukha niya. Kung hindi lang siguro umuulan paniguradong makikita ko din ang mga luha niya.

Nabigla lang talaga ako. Hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya saken...nagalit ako, oo. Pero dahil hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi niya.

Binigyan ko lang naman siya ng pagkain tapos bigla na lang siyang nagalit? Ano bang masama dun? Sinunod ko lang naman ang sinabi ni Timothy. I remembered him saying that she love edible flowers, and so I made one! Ano bang nakakaiyak sa ganon?

"Bwiset!" pinaghahagis ko lahat ng mahawakan ng kamay ko. Panibagong kalat na naman 'to na lilinisin ko din naman mamaya.

Hindi kaya may sentimental value sa kaniya yun o baka may masama siyang ala-ala dun? O baka...ayaw niya talaga ng ganon? Malay ko ba kung ano sa buhay niya yung rosas na pagkain na yun. Kainis!

Ayokong itapon yung binigay kong pagkain kay Quine. Gusto ko mang kainin iyon ay wala ako sa mood, kaya naman inilagay ko na lang iyon pansamantala sa ref.

Matapos kong maligo at magpalit ng malinis na damit ay walang kain-kain akong humiga sa kama ko. Ilang oras din akong tumitig sa salamin. Iniisip kung paano ako magso-sorry kay Quine.

Nadala lang ako ng emosyon ko. Alam ko namang nasasaktan parin siya hanggang ngayon dahil sa pagkawala ng parents niya pero... Siya na mismo nag-sabi, hindi hihito ang mundo dahil lang malungkot ka.

Hindi ako makatulog. Ang bigat ng pakiramdam ko. Sa tuwing pipikit ako mukha niya ang nakikita ko. Kapag nakadilat naman ako naaalala ko yung usapan namin.
Kailangan kong bumawi. Gusto kong bumawi.

I end up searching for things to do in case you want to say sorry to someone. Puro pang girl/boyfriend ang nakikita ko. Giving of flowers, chocolates, take her to a beautiful place, make a poem, sing her a song, blah blah blah. Inabot na lang ako ng madaling-araw at wala parin akong maisip na gawin.

Sa huli. Isa lang ang naisip kong gawin. ang magpunta sa kaniya at humingi ng sorry.

Tapos kung ayaw niya talaga saken. Then, maluwag kong tatanggapin iyon at hindi na ulit siya kukulitin.

5 palang ay naghanda na ako. After two hours, ay natapos na din ako sa paghahanda.

7 palang kaya maluwag pa ang kalsada at sobrang kaunti palang ng mga kotse. Dahilan para 10 minutes lang ay makarating na ako sa apartment ni Quine.

Akyat dito. Baba don. Paulit-ulit ko iyong ginawa. Hindi na ako magtataka kung may makakita saken at isiping magnanakaw ako.

Matapos pa ang ilang minutong pabalik-balik sa hagdan ay napagdesisyunan ko nang mag-doorbell. Pero bago iyon ay humugot muna ako ng malalim na hininga. At kaunting dasal na din.

Nakadalawang doorbell ako at wala paring nagbubukas ng pinto. 

Siguro tulog pa siya. Isip-isip ko.

Pinindot ko ulit yung doorbell, hoping na baka mali ang nasa isip ko. This time may nadinig ako ingay galing sa pinto, dahilan para mapa-atras ako ng bahagya.

Sobrang bilis ng kabog sa dibdib ko. Parang mabibingi na ata ako.

Pigil ang hininga kong inantay na tuluyang bumukas ang pintuan.

Agad na kumunot ang noo niya nang makita ako. Mabilis kong pinasadahan ang itsura niya. Nakasuot na siya ng uniform pero... Mukha siyang bagong gising. Namumutla din ang mukha niya.

Para siyang may...sakit?

"Van?" mahina, may bahid ng pagtataka ang boses niya.

" A-ano—Quine?!" mabuti na lang at agad akong nakalapit at nasalo siya matapos nitong biglang mawalan ng malay.

Nang mahawakan ko siya ay agad kong naramdaman ang sobrang init niyang katawan.

Tama nga ako. Isip-isip ko.

"Quine?...Quine?"mahina kong tinapik-tapik ang pisngi niya para gisingin, pero wala na talaga siyang malay.

Binuhat ko siya sa braso ko saka ginamit ang aking paa para maisara ang pinto. Agad akong umakyat sa kwarto niya at dahan-dahan siyang ibinaba sa kaniyang kama.

Anong gagawin ko? Kagat-kagat ko ang daliri ko habang nakatingin sa walang malay na si Quine.

Jusko po. Kailangan niyang magpalit ng damit at sa tingin ko ay... kahapon pa niya suot yun.

Bumaba ako sa may kusina saglit para humanap ng malaki-laking bowl, saka iyon nilagyan ng malinis na tubig. Mabilis akong nagtungo sa banyo para kumuha ng malinis na tuwalya pagkatapos.

Nagtungo din ako saglit sa may closet niya para humanap ng damit na pwede niyang gawing pamalit. Sobrang laki ng loob nun at napakadami ding cabinet. May nakita pa akong cabinet na puno ng mamahaling brand ng pabango. Yung malaking parang lamesa naman sa gitna ay cabinet din, pero lalagyan ng ibat-ibang klase ng alahas at bag. Ilang cabinet pa ang binuksan ko bago ko nakita ang mga damit pantulog niya. At syempre, kinailangan ko ding kumuha ng underpants niya.

Wag sana niyang ikagalit lalo ang gagawin ko. Dasal ko sa isip ko.

Nakasabit sa braso ko ang mga damit niya habang hawak-hawak ko naman yung bowl at tuwalya paakyat sa kwarto niya.

Inilapag ko sa nightstand niya yung bowl saka ako umupo sa tabi niya. Nagdasal muna ako saglit, god knows that I needed to do this.

Tinanggal ko muna yung coat ko at isinampay iyon sa may railings. Ini-upo ko siya sa kama, saka ko sinimulang tanggalin ang coat na suot niya. Sinunod ko ang white long sleeves, saka yung bra nito. Sinunod ko ang pang-ibaba niya. Matapos siyang mabihisan ay saka ako inumpisahang punasan ang katawan niya. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya.

Kumuha ng yelo sa ref at inilagay iyon sa icepack saka ipinatong iyon sa ulo ni Quine. Ganon ang palaging ginagawa ng mama ko kapag nagkakasakit ako.

Habang hinihintay siyang magising ay naghanda ako ng lugaw, may oven naman siya kaya kahit lumamig ay pwede namang initin na lang.

Naghanap-hanap na din ako ng gamot sa bahay niya. Pero puro sleeping pills at pain killers lang ang nakita ko. Kaya naman kinailangan ko pang lumabas para bumili.

Tulog parin ito nang makabalik ako. Kaya umupo muna ako sa gilid ng kama niya. Medyo bumaba na din ang body temperature nito kaya kahit papano ay nakahinga na ako ng maluwag.

Hindi ako makapaniwalang natulog siyang basa ng ulan. Alam ba niyang hindi maganda yun? Tsk. Pasaway.

Papalubog na ang araw. Tulog parin si Qyime.
Maya-maya pa ay nakita ko nang bumukas ang mga mata nitong matatamlay.

"Kamusta?" Agad kong tanong sa kaniya. Nakatitig lang ito saken. Hindi galit, pero kitang-kita ko ang pagtataka sa mga yun.

" G-Gusto mo bang kumain? May niluto ako," nakangiti kong saad dito.  Sa halip na sagutin ako ay itinayo nito ang sarili niya, tinulungan ko naman siya agad.

"K-Kailangan mong kumain para makainom ka na din ng gamot mo." Kabado ko pang sabi pagkatapos.

"Hmm," lang ang nadinig kong sagot nito. Sapat na iyon para patakbo akong bumaba sa kusina. Matapos initin yung lugaw ay kaagad akong umakyat pabalik sa kwarto niya.

" Eto, tulungan na kitang kumain." sabi ko, akma ko na sanang hihipan yung lugaw nang abutin nito bigla yung kutsara.

"A-ako na, kaya ko na—", natigil ito sa pagsasalita nang mapansin ang manggas ng suot nitong pantulog. I watched her face as realization hit her.

" A-ano...k-kase...Pi—"

"Pinalitan mo ako ng damit?!" Nanlalaki sa gulat ang mga mata nito.

"K-kailangan kong g-gawin yun para gumaling ka. B-Bakit ka ba naman kase natulog nang hindi man lang nagpapalit? Yan tuloy..." unti-unting bumalik sa pagiging masungit ang mukha nito. Animo'y any moment ay sasabog na naman.

" Oh, sige sige... Magsungit ka." Inilapag ko yung lugaw sa may gilid ko , saka ko pinag-krus ang braso ko.

Hinahanda ang sarili sa kung ano mang sasabihin niya.

Unti-unting umangat ang gilid ng labi nito habang masama parin ang tingin saken.

"Amin na. Kakain na ako." nguso nito sa lugaw sa gilid ko.

HayssAkala ko mag-aaway na naman kami.

" Ako na ang magsusubo sayo. Masyado ka pang mahina." sabi ko saka dahan-dahang hinipan yung lugaw sa kutsara.

"Hindi naman ako bata. Amin na." hindi ko siya pinansin.

" Aahh~" nag-aalangan nitong ibinuka ang bibig niya.
Pinigilan ko ang sarili kong wag ngumiti nang ibuka na niya iyon.

"Good girl."  puri ko dito pero agad niya lang ako inirapan.

" Ayoko na. Busog na ako." sabi nito matapos ang pang-limang subo niya. Wala pa nga iyon sa kalahati tapos busog na agad siya?

"Hindi pwede. Ang konti palang ng nakakain mo tapos busog ka agad? Eto, aahh~" wala na itong nagawa pa.

Aaminin ko na nakahinga na talaga ako ng maluwag. Nagsusungit siya pero, gaya na iyon ng dati.

" Ayoko na."

"Tsk. Konti na lang oh," pinakita ko sa kaniya yung bowl. Halos tatlong subo na lang at ubos na ang laman nun.

" Ayoko na nga." Asik nito saken. Tsk, nagsusungit na naman siya.

"Eh di ako na lang uubos."
"Oh, bakit ginamit mo kutsara ko? Pano kung mahawaan ka?"

"Matibay 'to." sinubok na ng panahon at iba't-ibang tao. Matibay na ako. Hindi gaya niya.

Pagkatapos kong ubusin yung lugaw ay saka ko siya pinainom ng gamot.

" Umuwi ka na. Ayos naman na ako " sabi nito saken matapos kumutan ang sarili.

"Ayoko. Bukas na lang siguro. Babantayan kita hanggang makatulog ka." nakangiti kong sabi sa kaniya.

" Hindi mo kailangan gawin yun. U-Umuwi ka na " mahinahon ang boses nitong sabi saken pero naandun parin ang kasungitan.

" Ayoko. Dito na lang ako matutulog. Staka buong araw kitang binantayan, inaantok na din ako, baka madisgraya pa ako kung uuwi ako." nakanguso kong sagot sa kaniya, nagbabakasakaling maawa siya at pagbigyan ako.

Matagal itong tumititig saken, animo'y binabasa ang mukha ko.

"B-Bakit ba...napaka-kulit mo?...ano bang nakita mo saken at dumidikit ka parin saken ha?...Hindi ka ba naiinis sa ugali ko?... H-Hindi ka ba napapagod?" namuo agad ang luha sa mga mata niya.

Ngayon pa lang ako nakakilala ng tao na sa unang pagkikita palang namin, parang antagal na naming magkakakilala. Yung tipong komportable agad ako. At kahit pa anong tulak palayo ang gawin niya...may kung ano sa kaniyang humahatak saken pabalik.

Ngumiti ako, sabay pahid sa mga luha sa pisngi niya.

" People don't just meet by accident. It's fate, you can't stop it. Just like how you can't stop people from living and coming in to your life. That's fate...with its bullshits." She didn't utter a word. Instead she grabbed something, on the top of her headboard. It's a small black remote like thing.

"Tara, higa ka." she said then pat the space next to hers. Nagtataka man ay ginawa ko ang sinabi niya. Malambot at kaamoy niya ang kama niya.

" This is how I spent the most of my nights." sabi pa nito, maya-maya lang ay may pinindot ito sa hawak-hawak niyang bagay.

Unti-unti namang bumukas ang kisame sa itaas namin, hanggang sa ilang segundo pa at tanging salamin na lang ang siyang nagsisilbing harang dito. Halos kasing laki nun ang kwarto niya. Literal kami ngayong nakahiga sa ilalim ng mga bituin.

"942 days. Under this endless sea of stars, this is where I spent most of my nights since the day they left me here... I can't help but wonder where were they? If they're doing alright? were they watching me? I sometimes talk to them inside me head... It hurts when you wanted to talk to someone who's endlessly far from you. It's funny that I talk more to dead people than with the living." she fake a laugh while still staring at the night sky, I watched her as tears travel down her eyes.

Yes it is. sagot ko sa kaniya sa isip ko.

Silence covers us for a minute. Both of us, gazing at the 'so near yet so far' night sky.

" This is probably how we'll gonna spend most of the time together... Do you still want to be with me? I'm not a good company. I'm not good with words...But I can be a good listener." I turn my face to hers, she's looking at me.

"That's fine. I'm good at reading body language." I said, grinning from ear to ear. Iniiwas niya agad ang tingin niya saken pero hindi nito naitago ang mga pigil na ngiti sa labi.

" You know you're more beautiful when you smile. " I told her, almost a whisper. Wala siyang ibang sinabi, pero sapat na saking makita siyang nakangiti.

We kept on watching the stars. I absentmindedly dropped my hand next to hers. I didn't waste more time, I slowly run my fingers between her fingers.

" I thought you want friendship?" tanong nito pagkalingon saken.

"I didn't say that," I lied.

I know I did. But it would also be a lie if I tell her that I want her as a friend.

What if I want more? Will the risk be worthy enough to take?

" Well, I don't do flirtings." I remember her saying that nung nasa hospital pa ako.

"Well, you can do the frienship and I'll do the flirtings then." I grinned. Her pale cheeks slowly turn pink. god, she's beautiful.

But heck! I do want her to be my friend but more than that is better. I won't mind having both listener and a lover in one person.

"Alam mo, sumasaya ako kapag nakakatagpo ako ng malungkot din na tao," pag-amin ko sa kaniya.

Ewan, weird yun pakinggan para sa iba pero ganon akong klase ng tao. Kapag alam kong malungkot yung isang tao gaya ko, gumagaan ang pakiramdam ko.

"At bakit naman?" Kunot-noo pa nitong tanong saken.

"Kase... pakiramdam ko hindi na ako mag-isa. Sad people should be together to be happy sometimes, did you know that?" Nagtatakang umiling ito. I just made that up, pero hindi ko sinabi sa kaniya yun.

Sa ngayon, gusto kong maramdaman niyang hindi siya nag-iisa sa mundo. Hindi siya nag-iisang malungkot na gumigising sa umaga, na kumakain, na naliligo, na umuuwi...kase ganon din ako.

Minutes passed by. We are now lying on our side, facing each other. I could see her eyes getting heavier. I could feel mine also.

" How long do you think we have?" At first, hindi ko maintindihan ang tanong niya. Pero hindi nagtagal ay na-realize ko din kung ano yun.
I brushed few strands of hair on her face. I can't help myself.

"Whatever future awaits for us, just remember to live for today. As long as two people wants to be with each other, even fate can't separate them. That's what 'against all odds' mean." I told her. Just before she closed her eyes.

Takot siyang ma-attach at maiwan ulit. Lahat naman siguro. Mahirap kapag ang taong nakasanayan mo nang makita tuwing umaga ay bigla na lang mawawala. Nasanay ka na eh.

I know she's already asleep. I grabbed the chance to scoot closer to her. I gently run my fingers to her hair. It's a bit oily now, but still soft.

But what would you do Quine... If I'm the one who accidentally attached my heart to yours first?... Pipiliin mo parin bang lumayo?

I never wished for a day to last forever. Not until now. I never felt contented in my life. But watching sleep her while her scent and mine blends together, it's more than enough.

I now realize what her smell means to me now...comfort.

QUINE's

NAGISING akong may mabigat na nakadagan saken. Pagdilat ko ng mata ko ay mukha agad ni Van ang nakita ko. Nasa may bandang leeg na niya ang mukha ko. Habang nakadagan naman sa may tiyan ko ang mabigat nitong braso. Kahit na damit ko ang suot niya ay mas nananaig parin ang perfume na gamit niya. Mas gumagwapo tuloy siya sa paningin ko.

Hindi...tumigil ka Quine! Huwag kang papadala sa lalaking 'to.

Sinubukan kong alisin ang braso nitong nakadagan saken. Pero hindi ko alam kung sinasadya niya bang mas lalong pabigatin ito o talagang masyado lang akong payat para mabuhat ang braso niya?

In the end, napagod lang ako kakasubok alisin iyon

" Van! gising na!" inalog-alog ko ang braso nito.

"May pasok pa tayo. Yung b-braso mo...tanggalin mo—", kabaliktaran ng sinabi ko ang ginawa niya. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayap niya saken, dahilan para halos sumubsob na sa leeg niya ang mukha ko. At hindi lang iyon, idinagan niya pa ang isa nitong binti saken.

Ano bang ginagawa niya?

" H-Hoy Van!" sinubukan ko siyang itulak palayo

"Nasasakal na ako, ah!" May halong pagbabanta ko pang sabi dito.

" Matulog pa tayo. Masyado pang maaga eh." inaantok pa nitong sagot saken.

"Anong maaga? Baka may pasok tayo?" nakatingala kong sabi sa kaniya. Pero agad din akong yumuko matapos mapagtantong sobrang lapit pala ng mukha niya saken.

Sa ginagawa niyang 'to... mas naguguluhan na talaga ako.

Kahapon lang magka-away kami at nagpalitan pa ng masasakit na salita tapos ngayon...kung makayakap siya kala mo sobrang close kami.

Pero...aaminin kong natutuwa ako kahit papano.

Aish! Tumigil ka nga Quine! Kaibigan diba? Kaibigan lang ang kaya niyang ibiga sayo!

" Wag na lang tayo pumasok. Samahan mo na lang ako ngayon." nakapikit parin nitong sabi saken.

"At saan naman kita sasamahan? Sa pagtulog? Ayoko nga!" tumawa ito.

" Assuming ka. Hindi, I needed to buy some suit. Unless na lang...gusto mong matulog kasama ako?" ramdam ko ang agad pag-init ng mukha ko. Sana lang hindi ako nagmumukhang mansanas ngayon.

"S-Sige ba, basta hindi ka na magigising ulit." sabi ko dito sabay tulak ng malakas sa kaniya. Tumawa pa ito kahit pa muntik na siyang malaglag sa kama.

Halos lahat ata ng lakas ko ay ginamit ko dun. Nang makaalis na ako sa pagkakagapos niya ay dali-dali akong umupo sa may kama. Malayo sa kaniya.

"Bakit ba ang sungit mo tuwing umaga?" nakahiga ito sa gilid niya, nakaharap saken.

" Ang ganda-ganda ng araw tapos ang sungit mo, malas kaya yang ganyan. " malas? Patawa siya.

" Matagal naman na akong minamalas, ine-enjoy ko na lang." may halong biro kong sagot sa kaniya.

Pero ang totoo ay kahit anong ganda ng umaga, hindi naman ako sumasaya kapag nakikita iyon. Hindi ko rin napapansing nag-susungit ako, o mabilis mairita. Hindi naman ako ganito dati. Yun ang natatandaan ko.

"Parehas pala tayo. Siguro destined talagang muntik mo na akong mapatay no? ang galing. " hindi ko napigilang hindi ngumiti nang ipa-alala niya yung gabing nabangga ko siya.

"Anong ang galing? Na muntik na kitang mapatay?" Umiling siya na may ngiti sa mga labi.

" Hindi. Ang galing kase from strangers dati...ngayon nasa kama mo na ako." sabi pa nito saka ngumisi ng nakakaloko.

Binato ko agad sa kaniya ang unan na nasa tabi ko. Nakakainis lang dahil nasalo niya ito ng walang kahirap-hirap.

"Tsk, walang espesyal sa pagtulog nating magkasama. Assuming ka din eh no?" bago pa siya makapag-salita ulit ay tumayo na ako at dali-daling bumaba ng hagdan, saka nagtungo sa banyo.

Pagkapasok ko ay agad akong nagpadausdos pababa sa sahig, sabay hawak sa may diddib ko.

Napansin niya kayang naiilang ako? Kainis na yan! Bakit ba ganito na lang kabilis lagi ang tibok nito? Talo ko pa may irregular heartbeat ah?

Dahil sayo 'to Van eh! Kainis ka talaga!

Isang araw na din akong hindi naliligo ngayon, kaya nakakadiri at sobrang oily na ng buhok ko.

Tapos yakap-yakap pa niya ako? Tsk, aish!

Tinali ko ang buhok ko at naghilamos. Matapos kong tuyuin ng malinis na tuwalya ang mukha ko ay lumabas na akonng banyo. Gulat naman akong makitang nasa kusina na si Van, may parang hinahanap ito sa ref.

Mukhang naramdaman nitong nakatingin ako sa kaniya, " Anong gusto mong kainin?", tanong nito pagka-lingon sa direksyon ko.

Hindi ko talaga maiwasang hindi mapaisip sa nangyayare samen ngayon. May kung anong meron sa kaniya na humahatak saken papalapit...lagi.

Na kahit anong layo ko...parang mas lalo pa akong napapalapit sa kaniya.

Naglakad ako palapit sa island saka umupo sa isa sa mga stool.

"Kahit ano." sabi ko na lang.

" Ako? Ayaw mo?" Nakangiti nitong biro. Naninibago ako sa pinapakita niya ngayon... Pero bakit parang may kung ano sa loob ko na nagugustuhan ang ginagawa niyang 'to?

Nagkunwari akong hindi naapektuhan sa sinabi niya.

"Vegetarian ako." naging ngisi ang mga ngiti niya.

" Sige. Mag vegetable salad tayo, healthy leaving."

Ano?

"At bakit? May karne diyan diba?"

"Akala ko ba vegetarian ka? Ayaw mo saken diba? Eh di mag-salad tayo. " kita ko sa mukha nitong inaasar niya ako.

" Eh di sige, prituhin mo ngayon yang sarili mo. Ano?", hamon ko dito.

"Ayaw mo ba ng fresh?" a-aba't?
Ibintato ko sa direksyon niya yung stinelas na gamit-gamit ko.

" Ang dami mong alam! Ang aga Van ah!...Magluto ka na nga." mas lalo pa ata siyang natutuwang makitang naiinis ako eh. Tsk.

Ang aga-aga niyang mag-paasa. Akala ko ba friendship? Bakit ginagawa niya 'to?

Ilang minuto pa ang lumipas. Nagluto si Van ng pancakes, toast, bacon, and eggs.
Namamangha parin ako habang pinapanood ko siyang magluto.

Hayss, sana gaya din nila ako. Kaso wala talaga akong makitang future sa pagluluto. Bukod sa tamad akong matuto, tamad din akong maghiwa-hiwa. Taga kain lang talaga ang kaya kong gawin.

"By the way, para san nga ulit yung suit na bibilhin mo?" tanong ko sa kaniya bago sumubo ng pancake.

"In-invite ako ni papa sa birthday ng tatay ng asawa niya." sa pananalita niya palang alam ko nang ayaw niyang magpunta doon.

" Ah. Diba businessman na ang tatay mo?" Tumango siya.
"Kung ganon dapat high-end ang isusuot mo. For sure maraming businessman ang aattend dun... Siya nga pala, anong business meron ang pamilya niyo?" nag-isip ito saglit.

" Ang alam ko lang, marami silang pagmamay-ari dito sa pilipinas at pati na din sa abroad. Kung ano man yun, wala na akong pake." sagot naman nito saka pilit na ngumiti.

"Ah," ang tanging naisagot ko.

" Bakit mo nga pala natanong?"

"Wala naman, na-curious lang ako. Nagbabakasakali lang na baka nakilala ko na sila. " hindi pa naman ganoon kadami ang mga businessmen na nakikilaa ko.

Palagi din kase ako dating sumasama sa mga business trips nina mom and dad, lalo na kapag nabo-bored na ako sa bahay. Palagi din akong nasa mga party na for business purposes lang naman, kaya marami-rami na din akong nakilala. At kung tycoon family ang napangasawa ng papa ni Van, hindi malabong hindi ko pa sila nakikilala. At hindi rin malabong hindi nila kilala ang pamilya ko.

"Kung sakali mang hindi mo pa sila nakikilala, maswerte ka. Pero kung nakilala mo na sila, hindi sila gaya ng iniisip mo. " may bahid ng inis ang mga salita niya.

" A-Akala ko ba okay sila sayo? Bakit parang ayaw mo sa kanila?" kunyari ay natatawa ko pang tanong dito. Pero agad na napawi ang ngiti ko nang makitang sumeryoso ang mukha ni Van.

Kung ganon, tama ako...ayaw niya sa kanila. Hindi siya okay sa bagong pamilya ng papa niya...at tingin ko, pati sa papa niya.

"We're all bad in someone else's story. It's either we hate them for no reason, or because they are worthy enough to be hated...maayos naman silang pamilya, hindi nga lang saken."

Gustuhin ko mang mas maliwanagan pa ay pinili ko na lang na itikom at bibig ko at ipagpatuloy ang pagkain.

Matapos kumain ay nag-prisenta akong mag-hugas ng pinagkainan namin, pero hindi pumayag si Van at kagagaling ko lang daw sa sakit. Kaya naman pinili ko na lang na mag-shower na.

Alam kong hindi magugustuhan ni Dale kapag nalaman niyang nakaka-ilang absents na ako. Kung sakaling tumawag siya at tanungin ako, isa lang ang naisip kong sabihin. 'Tinatamad ako'. Kapag ganon ang sinabi ko, madali niya iyong maintindihan. Kilala naman kase talaga niya ako, lalo na ang katamaran ko.

Kailangang umuwi ni Van sa apartment niya para magpalit ng damit. I told him na umuwi muna siya at aantayin ko na lang siyang bumalik, pero mas pinili niyang patapusin ako sa pag-aayos.

I choose to wear a black fitted shirt tucked-inside my beige cargo pants, which I partnered with a combat-boots like shoes. I don't put make-ups on, just a bit of powder and balm. I sprayed a bit of perfume and, we're good to go.

"Ako na ang magda-drive." sabi ko sa kaniya nang makababa na kami sa parking lot. Naka-park sa tabi ng isa ko pang kotse yung vintage niya. Napaka-ganda nun at mukhang bagong-bago.

Habang nagda-drive ay ramdam ko ang mga mata ni Van saken. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ma-conscious. Ayokong lingunin siya at baka makalimutan ko pang nagda-drive ako.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang ang mga daliri nito sa itaas ng ulo ko, pababa. Sakto namang nag-red na ang traffic light. Pagka-hinto ko ay agad ko itong nilingon.

" A-Anong ginagawa mo?" taka kong tanong dito. Matapos kaseng kumuha ng ilang strands ng buhok ko ay inamoy-amoy niya iyon. Nawiwirduhan ako sa ginagawa niya.

"Nothing. I just love the smell of your hair."

Ah... O-Okay.

" And your perfume." gusto ko sanang sabihin na 'same, gusto ko din ang perfume mo', but I chose to just keep it to me.

Pero ang weird parin niya. Teka..is this a sign? Hindi kaya...
Well you can do the friendship and I'll do the flirtings... Muli ko na namang naalala yung sinabi niyang yun.

Posible kaya?

"Teka, ilang floor pa ba ang aakyatin natin?" habol ang hiningang tanong ko dito.

Hindi ako na -orient na sobrang taas pala ng floor kung nasa-saan ang apartment niya. At ang malala pa, sira ang elevator kaya kailangan naming mag-hagdan. Nakakainis din, dahil ako pagod na pagod na pero si Van, ni pawis wala akong makita sa mukha niya.

" Nakaka-dalawang palapag palang kaya tayo."

Dalawa? Dalawa palang yun? Eh parang bundok na ang inakyat ko ah?

Nagpatuloy pa kami sa pag-akyat. Habang ako naman, feeling ko nauubusan na ng oxygen. Ganon na ba ako ka unhealthy para mapagod agad?

"Isang floor lang." aniya. May nakita akong 6th floor sa pader sa tapat ng hagdan. Okay, so 7th floor pala siya.

Tumigil kami sa tapat ng grey na pintuan. I waited for Van to unlock his apartment. Nang mag-bukas na ito ay pina-una niya akong pinapasok sa loob.

" Sorry, medyo makalat talaga ako. Umupo ka kahit san mo gusto, bibilisan ko lang ang pagligo." may tono ng paniniguro sa boses nito.

Nang makapasok siya sa loob ng banyo ay saka ko naman inilibot ang mata ko sa kabuuan ng apartment niya. Maliit ito kumpara sa apartment ko.
Pero sakto lang para sa isang tao. Tanging kusina lang naman niya ang makalat. Agad ko namang napagtanto na wala siyang TV at upuan sa bahay niya. Well, ako nga may TV pero hindi naman masyadong ginagamit.

Nilibot-libot ko pa ang mata ko, may nakita akong maliit na shelf sa gilid ng nightstand ni Van. Hindi bababa sa 20 books ang nakita ko doon. May maliit—at cute— na ref siya.
Dumapo naman ang mata ko sa pictute frame na nakatumba sa my nightstand.

Kinuha ko iyon at tinignan. Apat at mukhang masayang-masaya ang mga taong nasa litrato. Naka-upo ang batang Van sa tabi ng isang babae—ate siguro niya iyon— samantalang nakatayo naman ang dalawa pang tao sa likod nila na sa tingin ko ay mga magulang niya.

Napatitig ako ng matagal sa lalaking nakatayo sa likod ni Van, para kaseng nakita ko na iyon. Maski si Van...para ngang nagkita na kami dati.

"Anong ginagawa mo?" Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Van.

" A-ah ano wal—" agad din akong napatalikod nang makitang nakatapis lang ito. What the—

"My goodness..." bulong ko sa sarili ko habang nakaharap sa may pader.
" B-bakit nakatuwalya k-ka lang? Mag damit ka nga!"  Kahit saglit lang ay napasadahan ko parin agad ang itsura niya.

"Bakit? anong masama sa nakatuwalya? Buti nga hindi ko naisip na mag-hubad eh. Besides, maganda naman ang view."

Ha! Kapal din niya talaga kung minsan eh. Tsk.

" Magbihis ka na kaya." sabi ko na lang dito. Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagtingin ulit sa litrato habang hinihintay siyang makapag-bihis.

Maya-maya lang ay nadinig ko ang pagbukas ng tingin ko ay pinto ng closet niya, I assume na nag-uumpisa na itong mag-bihis. Bahagya namang kumalma na ang dibdib ko.

"Ano ba yang tinitignan mo?" napatalon na naman ako sa gulat. Kainis! Trip ata nitong gulatin ako ngayon eh.

Sasagot na sana ako kaso bigla naman nitong hinawakan at iniangat ang kamay ko, malapit sa mukha nito. Ramdam ko pa ang lamig ng balat niya.

" Kung hindi ako nagkakamali, that was 11 years ago. Amin na." pagkakuha nito ng litrato ay saka ako tuluyang napaharap sa kaniya. Pinipigilan kong hindi dumapo sa katawan nito ang mata ko. Pano? Half-naked pa din siya dahil pantalon palang ang suot niya. Black ripped jeans iyon.

Inilapag ulit nito yung frame sa nightstand, gaya kung paano ko iyon nakuha kanina.

"B-bakit naman ayaw mong i-ayos ng tayo yang frame?" tanong ko sa kaniya, habang siya naman ay pinupunasan ang basa niyang buhok ng dark navy na tuwalya.

" Ayoko lang."agad naman nitong sagot saka nagtungo ulit dun sa closet niya at kumuha ng black shirt.

Pansin ko na kapag tungkol sa pamilya niya ang usapan...nagiging seryoso siya.

Habang hinihintay siyang matapos ay naupo na lang muna ako sa kama niya. Maya-maya pa ay lumapit ito sa may nightstand at binuksan yung itaas na drawer saka may kinuha doong square na bote at nag-spray sa bandang leeg at dibdib nito. Napaatras naman ako ng kaunti nang itapat niya yung pabango niya saken saka ako in-sprayahan. Ngumiti ito pagkatapos saka ibinalik sa drawer yung pabango.

Kung ganon, yun pala ang pabango niya. Sabi ko sa isip ko.

Parang may kung anong saya tuloy akong naramdaman ng makita yung tatak ng mismong bote. Finally, the long wondering is over.

Ako ulit ang nag-drive pagka-alis namin sa apartment ni Van. May alam kase akong lugar kung saan pwedeng makabili si Van ng ready-made high-end suit para dun sa pupuntahan niyang event.


Continue Reading

You'll Also Like

13.3K 474 90
Disclaimer ○⚠️ This story is a work of fiction. The names, characters, places and events are from the idea of the author. If it has any similarities...
4.7K 76 13
Aubrey gets bullied bye Mario Selman but what happens when she forgives him and he hurts her again
185K 4.2K 43
Sarada Uchiha a kind and sweet girl but what if she had a younger sister a sister who is way different to sarada , a girl who is just like her father...
209K 5.1K 40
"Are you mad? How could you possibly believe that I would accept you as my mate?" I heard him shout at me. I just stood there frozen, trying to compr...