Boy meets Girl

By AliKendrix

639 160 337

"I wish I never met them..." Have you ever imagined going to a prestigious school that would turn out to be o... More

Chapter 1: Fresh Start
Chapter 2: Calyx
Chapter 3: Remember
Chapter 4: Squad
Chapter 5: Gut Feeling
Chapter 6: Anticipation
Chapter 8: Mall
Chapter 7: Other Side of the Coin
Chapter 9: Food District
Chapter 10: Groundbreaking
Chapter 11: Truth
Chapter 12: A Bestfriend's Effort
Chapter 13: Gifts
Chapter 14: Family
Chapter 15: The Special Day
Chapter 16: Is it Love?
Chapter 17: Unknown Sender
Chapter 18: Tracing the Unknown
Chapter 19: Someone's Coming
Chapter 20: Finding the answer
Chapter 21: SYD
Chapter 22: Flashback
Chapter 23: Home
CHAPTER 24: Sisters Keeper
Chapter 25: Brothers Love

Prologue

52 7 28
By AliKendrix

ONE YEAR AGO

"Allison!" tawag sa akin ni Emil.

Lumingon ako at nakitang paparating sil nila Calyx at Kuya Brent, officer namin sa ROTC. Mas at home kasi siya na tawagin namin siyang kuya kapag nasal abas kami ng office.

"Oh, Emil. Kala ko ba busy ka? Sabi mo hindi ka makakasabay ng lunch?" tanong ko.

Lagi ka namang busy eh.

Tumawa siya. "Pwede ba yun? Kaya nga ako nag-laan ng oras para makasama kayo eh."

Talaga lang ba?

Nagkatinginan kami ni Calyx at nagkibit-balikat siya. Madalang na kasing sumasama si Emil sa amin kapag kumakain ng lunch. Magmula nung lagi siyang iniimbitahan nila Mia para kumain o mag-lakwatso, hindi na siya nakakasama sa amin kahit ilang beses pa namin siyang tawagin.

Ang lagi niyang rason, BUSY SIYA. Kaya nakakapagtaka ngayon, na siya pa ang mag-aaya ng lunch kasama kami.

"Oh, kain na tayo." Sabi ni kuya Brent, breaking the awkward silence na pumapalibot sa amin.

Nagsimula na akong kumain ng taimtim. Hindi ko mawari, pero merong kung ano sa isip ko na pumipigal sa akin na magsalita.

Tumingin ako ky Calyx at saktong nakatitig din siya sa akin.

'Usap tayo mamaya.' Sabi ni Calyx sa akin habang kumakain kaya napatango ako.

Matapos ang napaka-awkward na lunch, hinintay ko si Calyx sa may bench since nauna akong umalis sa cafeteria kanina.

"Oh, Lyx. Bakit?"

Nagkibit-balikat siya. "Ewan ko Ali. Nakakapagtaka."

Tumango ako kay Calyx. "Hayaan mo na bes. Kung ano man 'yon, sana handa tayong lahat."

Napatahimik ako. "Next week daw pala, may outing tayong lahat sabi ni Emil."

"Lahat? Alam nila sir Brent?"

"Yun na nga eh, walang alam si sir kaya nagulat din ako."

Napatingin ako ng kaduda-duda kay Calyx. "Okay."

- - - - - - - - - - - - - - -

Pagdating ng weekend, hindi ko pa rin alam kung pupunta ba ako or hindi.

"Ali, what is your decision? Will you go or not?" Tanong sa akin ni kuya.

"Hindi ko nga alam kuya eh. Feeling ko, may mangyayaring masama, pupunta man ako or hindi." Malamya kong sagot kay kuya.

Nilapitan niya ako at pinisil ang pisngi ko. Andito kami sa mall kasi may bibilhin si kuya. Hinila lang naman niya ako para may kasama siya kaya eto, mapipilitan siyang ilibre ako ng pagkain.

"You what Allison, do what your heart tells you to do. Kung hindi gusto ng puso mong pumunta, 'wag mong pilitin. Kahit naman alam o hindi ng mga tao, huhusgahan ka eh."

"Sabagay." Sagot ko. "Kuya, tara bili ng pizza." Masayang aya ko pagkatapos niyang magbayad ng pinamili niya.

Walang nagawa si kuya nang hilain ko siya diretso sa Shakeys. Sobrang dami kasi ng tao sa pizza hut kaya dito nalang ako dumiretso.

Nang makakuha kami ng pagkain, tumawag sa akin si Calyx.

"Hello Allison, asan ka?"

"Mall."

"Ginagawa mo jan?"

"Kasama ko si kuya. Lyx, hindi na yata ako pupunta." Sagot ko kaya napatingin si kuya sa akin.

Narinig ko naman na andaming nagtatawanan sa background.

"Pinagtatawanan mo ba ako? Bakit andaming tao sa paligid mo? Saan ka ba?"

Tumawa si Calyx. Anak ng! At talagang pinagtatawanan ako eh.

"Hoy Allison! Bilisan mong pumunta dito. Kanina pa umiiyak si Calyx! HAHAHAHAHA."

"Ali, miss ka na daw ni Calyx. Halika na. Dalian mo, baka magtampo na naman 'to sa'min."

"Tumahimik nga kayong dalawa!" pagsasaway ni Calyx sa kanila. Bahagya naman akong matawa sa mga pang-aasar nila kay Calyx.

"Wait, Jester, Lexter?" tanong ko. Sinenyasan naman ako ni kuya na mag-oorder na siya nang makahanap na kami ng upuan. Reserve kasi mga upuan since Saturday ngayon.

"Ali, andito rin sila Alex, Jacob, Kaitlyn at si sir Brent."

Naguluhan ako. "Teka, nasaan ba kayo? Nanjan kayo sa reunion?"

"Andito kami kila Lexter. Hindi na kami sumama do'n sa reunion. Nakakapagtaka kay. Kaya na nila yun." Sagot ni Calyx sa akin. Bigla namang kinuha ni Lex ang telepono ni Calyx dahilan para maging maingay.

"Allison, bilisan mo na dito. Hahaha. Kanina pa walang imik si Calyx kaya pinayagan na naming tawagan ka." sabi ni Lexter.

"Gago ka talaga Lex!" sabat ni Calyx.

"Sige na Ali, tinatawag na ako nila Jester sa pool." Sabi niya at binaba niya ang telepono.

Nang makaorder si kuya, bumalik na siya sa upuan namin. "Oh, anong sabi ni Calyx?"

"Na kila Lexter daw sila." Natatawa kong sabi. "Ewan ko kung anong pumasok sa kokote nila at sabay sabay silang nagboycott hindi pumunta sa outing. Gumawa ba naman ng sariling outing." Sabi ko.

"Hatid na kita later?" tanong ni kuya. Tumango naman ako.

Natawa naman si kuya dahil sa reaction ko. Alam kasi ni kuya na sila ang mga close friends ko and lagi din naman kaming nasa bahay kapag trip nilang sadyain ako sa bahay. Pagkatapos naming kumain ni kuya, hinatid niya ako kila Lexter.

"Kuya, hindi ba dapat sa bahay muna para kumuha ako ng gamit?" tanong ko kay kuya.

"I'll get you later. Dalhan na rin kita damit mo." Tumingin si kuya sa akin mula taas hanggang baba.

"Your outfit is perfect for swimming anyways." Asar at natatawa niyang sabi sa akin.

Naka sleeveless shirt at maong shorts kasi ako. Pero hindi ako yung tipo na ginagamit pang swimming ang shorts. Oh well, wala naman na akong magawa since andito na ako.

Pagkapasok ko sa loob sinalubong ako ni Lexter.

"Ali, tara doon sa pool. Hahaha. Kanina pa exited si Calyx na makita ka. Hahahaha." Pang-aasar niya kaya binatukan ko siya.

"Allisooooon!" bati ni Calyx.

"Kadiri ka Calyx. Tantanan mo'ko!" sagot ko sa kanya. Basang basa ba naman at gusto akong yakapin. Magshashower muna ako 'no, bago ako magsuswimming.

Sumimangot naman siya kaya tinawanan siya. "Teka, anong meron, ba't kayo andito lahat?"

"Wala lang. Eh, ayaw naming pumunta sa outing nila eh. Kaya gumawa nalang kami ng sarili naming outing." Sagot ni Jester.

Tumango tango ako at umupo sa may silong malapit sa pool. Kanina pa inaasar si Calyx nang makarating ako. Nasa pool kasi silang lahat pwera kay sir Brent at Kaitlyn. Panigurado, namalengke o nag-aayos ng pagkain 'yung dalawang yun.

Makalipas ang ilang minuto, dumiretso ako sa shower room malapit sa pool area. Iniwan ko na yung gamit ko sa may silong pati na rin ang sapatos ko. Buti nalang, andito ang kapatid ni Lexter na si Kayla, pinahiraman niya ako ng tsinelas.

Pagkalabas ko sa shower room, inaabangan na naman ako ni Calyx.

"Oh, ano na naman ginagawa mo dito?"

Walang sinabi si Calyx pero ngumiti siya ng pagkaloko-loko. Alam ko na yan, may binabalak na naman gawin 'tong mga 'to sa akin.

"Ano?" irritable kong tanong kay Calyx. Lilingon na sana ako nang hilain ako ni Calyx malapit sa pool. Maya maya pa, inabangan kami nila Alex at Jester at hinawakan nila ang kamay at paa ko.

"Calyyyyyyyyyyx!" sigaw ko sa kanya nang itapong nila ako sa pool. Inalalayan naman ako agad nil Lexter at Alex na nasa pool. Tinatawanan pa ako ng loko.

Well, ganyan naman talaga silang mang-asar eh. Pero syempre, alalay lang, babae pa rin kami eh. Mas harsh sila kapag lalaki bakrkada namin. Wala na akong magawa kundi matawa nalang sa kalokohan ng mga 'to.

"Oh, kamusta na mga ka kosa?" bati ni sir Brent.

"Sir!" bati ko sa kanya.

"Oh, andito naman na pala si Ali. Calyx, samahan mo na akong magluto. Sama mo na rin si Allison. Alam kong siya lang naman gusto mong kasama magluto eh." Asar niya kay Calyx.

Tuwang tuwa naman 'tong lokong 'to kahit lagi siyang inaasar. Dumiretso na kami ni Calyx sa kusina matapos kong magpunas. Nang makapunta kami, dumating si Kaitlyn para ibigay yung tilapia para linisan namin bago ituno.

"Bes, 'eto na yung tilapia para sa tuno." Bigay ni Kaitlyn sa amin.

Kukunin ko na sana nang inunahan ako ni Calyx.

"Ako na. Baka 'di mo pa mabuhat." Asar niya sa akin.

Wala naman na akong magawa kaya napasimangot nalang ako. Natatawa namang umalis si Kaitlyn padiretso sa pool area. Magkalapit lang kasi ang kitchen at pool area nila Lexter

kaya kitang kita ang mga kilos namin. sila Jester at Lexter ang magtutuno ng tilapia habang si Sir Brent naman ang magluluto ng barbecue at hotdog.

Oh diba, napakayaman ng angkan nila Lexter. HAHAHA. Charot! Kaming magbabarkada kasi yung tipong may kaya sa buhay pero hindi pinalaki sa luho. Kung may kailangan kami, kailangan naming paghirapan bago makuha.

"Hoy Calyx! Bilis bilisan mo nga maglinis jan. Parang tilapia lang, bagal bagal mo." Asar ni Jester sa kanya kaya siya napangisi.

"Parang kay Ali, ang bagal niya manligaw." Mahinang sabi ni Lexter. Nagsimula na naman 'tong dalawa na mag-asar eh.

Kapag magkakasama 'tong tatlong 'to, sila ang laging nang-aasar kay Calyx at todo push ang mga yan na magiging kami daw.

"Ano?!" sabay naming sigaw.

"Ano ba naman yan!" sabi ni Lex. "Pati ba naman pagsigaw nagkakasabay pa kayo."

Natahimik kaming dalawa pareho. "Yieeeeeeeee!" pang-aasar naman nilang dalawa.

"Ok na ba lahat?" tanong ni Sir Brent nang lumapit sa amin. Tumango kaming lahat.

"Luto lang ha. Bawal langgamin." Bulong ni Kaitlyn sa akin bago tuluyang umalis hawak hawak ang hotdog at marshmallows.

"Kait!" sabi ko. Hahabulin ko na sana siya nang tumakbo niya papalayo.

"Ano yun?" sabi ni Calyx na kinagulat ko.

"Wala!" sabi ko at iniwasan siya.

"Bakit Ali, gusto mo ba ako?" asar sa akin ni Calyx. Bigla akong napatingin sa kanya.

"Sa itsurang 'yan? Never!" sabi ko.

"Talaga?" sabi niya sa akin at inakbayan ako.

"Tantanan mo ako Calyx kung ayaw mong ibaon ko to sa tagiliran mo." sabi ko sa kanya sabay taas ng hintuturo ko.

Umiling-iling siya para asarin ako.

"Ah ganon." Sabi ko at humarap sa kanya.

Nang akmang hahawakan ko ang tagiliran niya, inalis niya ang kamay niya at tumakbong papalayo sa akin.

"Halika nga dito, Lyx. Bakit ka lumlayo?" natatawa kong tugon sa kanya.

"'Wag naman yan Ali. Hahaha. Alam mo naman na kahinaan ko 'yan eh. E-Eto na, m-mag-aayos na ako ng iluluto."

"Hahahaha! Oh bakit ka natatakot?"

"Ali naman eh." Hindi ko na siya tinuloy na habulin nang may itanong na naman siya.

"Pero Ali, crush mo ako noon 'no?" tiningnan ko siya ng masama. Lalapitan ko na sana siya nang dumatin si Kaitlyn.

"Nakuuuu. Sabing luto lang eh." Sabi niya at kumuha ng lalagyan.

Nang maayos na lahat ng mga kailangan namin, nagsimula na kami ni Calyx magluto. Adobo, Chicken Fillet, Lechon Kawali at Chopseuy ang iluluto namin na ulam. Pagkatapos nilang magtuno, paniguradong darating ang mga 'yon dito para tulungan kami.

Kanya kanya pala silang dala ng putahe. Nahiya naman ako kaya nag-offer nalang ako na bumili ng cake para sa dessert. Nagpadeliver naman kami ng dalawang mousse cake galing sa cake shop nila Alex since wala daw yung malaking size. Matakaw pa naman sa cake 'tong mga 'to kapag galing kila Alex.

Natapos kaming kumain na puno nang asaran. Papunta na ulit sana ako sa pool nang may narinig akong sigawan galing sa loob ng bahay nila Lexter. Wala kasi sila mama niya at sila lang ni Kayla ang nandito.

Lumapit ako sa may door at nakita kong mat inaawat si Kayla na gustong pumunta dito sa pool.

"Kuya Lex!" sigaw niya.

Agad namang tumakbo sila Lexter at Jester sa loob. Pupuntahan ko na sana sila nang pigilan ako ni Calyx. Tumingin ako sa kanya pero seryoso ako mukha niya. Umahon na rin si sir Brent sa pool dahil hindi na napigilan nila Lexter.

"Ang kapal talaga ng mukha mo Allison!" sigaw ng isang boses babae. Pagdating niya sa kinaroroonan naming sumalubong sa mukha ko ang isang napakalakas na sampal.

Napangiwi ako sa sakit at tinignan kung sino ang nasa harapan ko. Pagtingin ko, galit na galit si Mia na nakatingin sa akin. Ano bang nagawa ko?

"Mia, anong ginagawa mo dito?!" sigaw ni Lexter nang makita ang nangyari. Akmang sasampalin na sana ulit ako ni Mia, hinawakan ni Lexter ang kamay niya.

"'Wag mong susubukan." Seryosong tugon ni Lexter.

"Wow! Siya pa ang pinapanigan niyo ha?" sabi ni Mia at hinila ang kamay niya sa pagkakahawak ni Lexter.

"Bakit ba Mia?! Ano bang ginawa ko sayo?!" Sagot ko sa kanya at hinila ang kamay ko na hawak ni Calyx.

"At nagmamaang maangan ka pa talagang babae ka?!" sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay na mas kinagalit niya. Nagulat ako nang nakita ko si Emil na nasa likuran niya. Pati rin sila Calyx hindi makapaniwala.

"Alam ko naman na ikaw ang nagkalat ng mga balitang yan tungkol sa akin eh!" sigaw ni Mia sa akin.

"Anong balita?" tanong ko sa kanya.

"Oh come on Allison, hindi ba't ikaw ang nagpost nung mga messages niyo ng mga 'friends' mo tungkol kay Mia? Hindi ba't ikaw ang nasend sa akin nung message na sabi mo sisiraan mo siya all her life?" sagot ni Emil.

"What?! Saang lupalop naman ng mundo mo yan narinig, nagawa at nabasa Emil?!" sagot ko sa kanya.

"Hindi ba't ikaw din ang nagpost ng mga edited pictures niya sa GC natin sa ROTC tungkol sa mga ginagawa niyang masama sa SCC?" tuloy ni Emil.

"Ni hindi ko nga naisipang gawin 'yan buong buhay ko! Baka hindi niya natatandaan, kibigan ko kayo, kabuddy ko kayo! Bakit ko naman gagawin 'yon?!"

"Precisely the point Ali! Kaibigan mo kami. Well, NOT anymore!" sabi ni Mia.

"Hindi ka pa nga nakuntento eh! At talagang dinamay mo pa ang pagiging officer ko sa SCC!" sabi ni Mia.

"Anong bang pinagsasabi mo?!"

"Shut up, Allison! Ngayon alam ko na ang totoo mong kulay, magbabayad ka!" sabi ni Mia at umalis. Tumingin kami kay Emil at mgumisi siya.

"Buti nga sayo!" mahina niyang sabi sabay tingin sa akin mula taas hanggang baba at sinundan si Mia.

And yet again, I thought I had a friend in them. Well, friends turned enemies.

- - - - - - - - - - - - - -

Pagkatapos ng weekend na 'yon, trinace namin nila Jacob ang sinasabi nilang messages at post. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit ako pinapakasalanan sa mga hindi ko ginawa.

Nandito ako sa SCC office ngayon nang biglang tinawagan ako ni Kaitlyn.

"Hello Ali! Buksan mo ang website ng school natin!" sabi niya sa akin.

Pagbukas ko, isang post na hindi ko inaalaka ang nakita ko. Isang post na nasasabing hindi ko deserve at qualified maging officer ng SCC at lahat ng mga pinaparatang nilang kasalanan sa akin. Dinagdan na rin nila ang mga paratang nila sa akin na nagkaroon daw ako ng karelasyon na ka-buddy ko, naisama pa ang picutre namin ni Calyx. Pagkatapos kong makita ito, dali dali akong pinuntahan ni Zack, president ng SCC na nasa kabilang room lang since iba ang room niya sa amin.

"Allison, ayos ka lang ba? Ano 'tong nakapost sa website natin?" tanong niya. Hindi ako nakasagot agad dahil sa galit ko.

Kilala ko si Zack. Hindi basta bastang maniniwala 'to sa mga ganyan. IT student siya at alam kong kaya niyang ihack 'yan kung talagang gusto niyang hanapin kung anoong totoo.

Sakto naman, nandito si Karl sa office, SCC page and website manager ng school at agad tinanggal ang post.

"Pasensya ka na Ali, hindi nadetect agad ang post na 'yun kaya baka nakita na ng buong school." Sabi niya at tumango lang ako.

Isa lang ang kilala kong may kayang gumawa niya para gumanti.

Mia Jade Angeles.

- - - - - - - - - - - - - -

Makalipas ang ilang linggo nang matanggal ang post na 'yun, nasundan pa ito ng mga mas matinding paratang. Pagpasok ko sa school, lahat ng tao sa paligid ko, magbubulung-bulungan. Dito na rin nagsimula ang trauma ko kaya lagi na akong nagiging maingat sa lahat.

Para hindi na madamay sila Calyx, napagdesisyunan namin na hangga't hindi pa naaayos ang lahat, hindi ko muna sila sasamahan in public sa school. Kilala ko si Mia at Emil, paniguradong lahat ng mga kaibigan ko, idadamay nila. Makuha lang ang gusto nila.


- - - - - - - - - - - - - - 

A/N: Dedicating to a friend who's also a writer. 

           "Do what your heart tells you to do." - Paul Levi Diaz.

            Keep Writing, girl!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...