CHRISTMAS GIFT ( MADAM MACIE...

By CHANEL1819

36.4K 4.1K 2K

Madam Macie, mayabang masungit at palaban. Hindi niya kilala ang salitang SALAMAT at PATAWAD, hindi niya rin... More

( PROLOGUE )
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28

CHAPTER 17

618 118 39
By CHANEL1819

Pauwi na ako ng bahay pero hindi muna ako uuwi dahil may mahalagang bagay na dapat kong ma laman, mabilis kong pinaadar ang sasakyan.

Ilang minuto ang lumipas may napansin akong kakaiba sa loob ng aking sasakyan dahil sa pagtingin ko parang may tao sa back seat, inihinto ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada at masamang timingin sa taong nandirito.

"Anong ginagawa mo dito? at paano ka nakapasok sa loob?"

Tumawa siya pero hindi inalis ang masamang tingin sa kaniya.

"Macie este Madam Macie, huminahon ka saan ka ba pupunta? nauuntog ako kase ang bilis mo magmaneho"

"Wala akong pakealam sayo, lumabas ka"

"Per--"

"Labas!"

Tarantang lumabas si Rocky ngumiti muna siya ng nakakaasar bago isinarado ang pinto ng sasakyan.

Kumaway kaway pa siya, mabilis kong pinaandar ang sasakyan at inis na bumaba nang makarating ako sa hospital.

Lumakad ako hindi ko pinansin ang mga taong tumitingin sa akin at bumati, pumasok ako sa office ni Doc. Henry at nakita ko siyang may kausap tumingin sila sa akin.

"Mauuna na po ako Doc."

"Mag iingat ka, iha"

Umalis na ang babae at inis akong umupo sa tapat niya.

"Ano na? negative ba?"

"I'll just get the result"

Lumabas siya, habang naghihintay nag ring ang phone ko nakita ko ang pangalan ni Yuan, binabaan ko siya ng tawag at nakita ko sa screen sunod sunod na message.

"Punyeta!"

Inis kong binato ang cellphone ko agad akong tumayo dahil dumating na si Doc.

"This is the result and sorry because your guess is wrong"

"Anong ibig mong sabihin?" kinuha kona ang envelope na brown at nanginginig kong binuksan.

"Tignan mo para ma laman mo, naka ilang ulit ako pero iisa lamang ang lumalabas"

"Hindi 'yan totoo!" umupo ako dahil namanhid ang aking mga paa sa aking nakita, panaginip lang 'to.

"Are you sure ito ang result? ulitin mo hanggang sa negative ang lumabas!"

"Sorry Madam Macie pero kahit ilang ulit iisa at iisa lamang ang lalabas na resulta"

Napasigaw ako sa inis dahil mali ako, mali ang kutob ko.

"Naka drugs ka 'no?" tanong ko kay Doc. Tumawa ako at may luhang dumadaloy mula sa aking mata.

"Doc. Sabihin mo mali 'to! hindi nararapat na mag kamali si Madam Macie!"

"Tanggapin mo na lamang"

"Tanggapin? hindi! ayokong mabahiran ng dumi ang pamilya ko! Doc. Gawin mo ang lahat ulit ulitin mo hanggang sa mag negative!"

Lumakad na ako palabas saka isinarado ang pinto ng malakas.

Habang naglalakad hindi ko maiwasan mainis dahil sa resulta ng DNA test, gagawa ako ng paraan para walang mana na makuha ang babaeng bayaran! at ayokong bahagi siya ng pamilyang Mendoza. Sumakay na ako sa loob ng sasakyan at 'don ko inilabas ang mga luha na gustong kumawala, hinahampas ko ang manubela.

Mabilis akong nakarating sa Bahay at nagtaka ako dahil maraming pulis.

"Inday, anong meron? bakit ang daming pulis?"

"Ka-kase Madam Macie, natagpuan si Manang Delya tapos may hinala sila na si Joanna ang pumatay kay Manang, grabe siya nong una si Mr. Gocon ngayon si Manang , hayy"

Pumasok na ako sa loob nakita kong hawak ng dalawang pulis si Joanna habang nagpupumiglas at tumingin ako kay Dad, nakapikit at nagtitimpi, lumapit sa akin si Allyson habang umiiyak.

"Ate, makukulong po ba si Mommy? ate...."

Yumakap siya sa akin, kinarga ko siya.

"Gagawa tayo ng paraan para makalabas si Mommy mo, okay ba 'yun?"

"O-opo"

"Huwag kana umiyak, pumunta na tayo sa kwarto mo"

Lumakad na ako habang karga ko siya huminto ako dahil tinawag ako ni Dad.

"Macie, we will talk later"

"Okay"

Umakyat na kami isinarado ko ang pinto nang makarating kami sa kwarto niya.

"Matulog ka na lang Allyson at sa pag gising mo andito na ang Mommy mo"

Yumakap muna siya sa akin bago humiga at pinikit ang mga mata, inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto.

Puno ng toys at pictures sa wall, lumakad ako sa balcony, ang lamig ng hangin at ang langit ay nagbabadyang umulan.

Lumabas na ako ng kwarto at sinalubong ako ni Dad, seryoso at may halong pagtataka.

"Ano ang pag-uusapan natin? kung tungkol ito kay Joanna pagod ako"

"Let's talk in the room"

"Okay"

Lumakad na kami patungo sa aking kwarto at umupo ako sa Golden chair ko, nakatayo lamang si Dad habang inuusisa ang aking mukha.

"Bakit? ano ba ang pag-uusapan natin?"

"Do you have anything to do with what is happening?"

"Wala, at anong pakealam ko sa paligid? at sa mga taong nandirito lalo na ang babaeng 'yan?"

"You know Macie I don't like what you did the other day, what's wrong with you?"

"Anong Mali? wala akong mali pero ikaw, meron"

Akmang sasampalin niya ako agad ko naman siyang tinignan.

"Sasaktan mo ako? sasaktan mo ang anak mo? diyan ka naman magaling, ang manakit! you know Dad, matagal ko ng binaon sa limot ang lahat pero sa tuwing naalala ko lahat ng naranasan ko bumabalik at bumabalik ang sakit!,"

May luhang lumabas sa aking mata pumikit siya para pigilan ang kaniyang inis at galit, natulala ako sa kawalan.

"Lagi kayong nag aaway ni Mom pero ni minsan hindi niyo ako inisip, hindi niyo inaalam ang mga nanyayare sa akin, nag sasaya kayo sa ibang bansa habang ang anak niyo kinukulong, sinasaktan at naramdaman ko lahat ng sakit ako na yata ang batang walang kwenta sa mundo, mahina walang magawa dahil hindi ko kaya dahil isa lamang akong paslit na pwedeng paluin."

"Natutulog sa kalsada, at nakakulong sa kulungan ng aso S-sa banyo, sa bodega at pinagsamantalahan ng mga estudyante, gusto kong magalit sa inyo! Gustong gusto pero anong magagawa ko? anong kakayahan ko para makapunta kung na saan kayo? sinabi sa akin ni Lola mahal niyo ako pero sa nakikita ko hindi, kase kung mahal niyo ako mararamdaman ko 'yon, tapos tatanungin niyo ako kung okay lang ako? Oo, okay ako, okay na okay pero 'yung sakit tinatago ko para hindi ako pagtawanan, husgahan ng maraming tao"

"Ganiyan naman eh, kung mahina ka tatapakan ka ng lahat, huhusgahan, papahiyain at sasabihin kang walang kwenta pero kayo Dad, may kwenta ba kayo? ang importante lang naman sayo 'yang business, babaeang 'yan! ano bang nakita mo diyan? katawan? mukha? talino? talino na ginagamit niya sayo para makuhaan ka ng pera? tanggap ko sana kung mahal ka niyang babae mo pero hindi talaga, ayoko sa babaeng 'yan!"

"D-dad, hindi mo naman kailangan mang babae at palitan kami ni Mom,"

"Sorry..... Sorry, Macie"

Niyakap niya ako, hindi ko maiwasan umiyak dahil sa emosyon na nararamdaman ko, sinamantala kona ang oras dahil bukas aalis siya ulit para sa big partner niya.

Nagpaalam na siya, humiga na ako sa kama at pinunasan ang mga luha nagpalit na ako ng damit dahil basa na ito.

"Mom?"

"Macie, Macie! tulungan mo ako, anak!"

Lumakad ako sa gawi niya nagulat ako dahil may mga lalaking dumating at may hawak na kutsilyo.

"Macie, Mahal na mahal ka ng Mommy"

"Mom!!"

Umalingawngaw ang sigaw ko sa madilim na silid at kitang kita ng dalawa kong mata kung paano giitan ng leeg ang nanay ko, namukhaan ko ang lalaking may hawak na kutsilyo at ngumiti siya sa akin.

"Rocky???"

lumapit siya sa akin habang naglalakad siya palapit paatras ako ng paatras hanggang sa wala na akong ma atrasan.

"Anong ginagawa mo? bakit mo pinatay ang Mommy ko? bakit!!"

"Madam Macie, i love you, pero utos lang ito, gusto mo bang ikaw ang isunod ko?"

"Punyeta! lumayo ka! sinabi nang lumayo ka!"

Ngumiti siya nang nakaasar at may bahid nang sarcastic habang hawak ang kutsilyo.

"Madam Macie! Macie, Madam!"

Minulat ko ang aking mata, umayos ako ng upo gulat na tumingin kay Inday, humawak ako sa tapat ng aking puso dahil ang bilis ng tibok at hinahabol ko ang aking hininga, kinuha ni Inday ang panyo sa kaniyang bulsa at pinunasan sa akin.

"Nilalagnat ka, teka.... humiga ka muna riyan babalik ako"

Tarantang lumabas si Inday sa loob ng kwarto hinipo ko ang aking leeg at noon saka humiga muli.

May nararamdaman akong kakaiba at may anino akong nakita, naging alerto ako saka bumangon at lumakad sa gilid, sumilip ako at nakita ko ang lalaking bumulong para bang may kausap nakatalikod ito dahan-dahan akong lumakad, walang tunog na yapak kaya agad ko siyang hinila at kinulong sa aking braso kaya siya nasasakal.

"Sino ka?" pabulong kong tanong pilit siyang nagpupumiglas lalo kong hinigpitan ang pagkakasakal sa kaniya.

"Uulitin ko, sino ka? at anong ginagawa mo dito?"

"Hindi ka magsasalita?" ilang segundo
akong naghintay sa kaniya pero wala akong sagot na narinig.

"Aaah"

Humawak ako sa aking tiyan na kaniyang siniko, aligaga siyang tumakbo kung saan pero tinisod ko siya gamit ang aking kaliwang paa at lumapit sa kaniya, pumatong ako at inilagay ang aking kamay sa kaniyang Dibdib at itinaas, hinubad ko ang kaniyang maskara.

"Felix?"

Gulat na tanong ko at itinaas sa ere ang aming kamay at utinuwid saka dinampi sa kaniyang leeg upang makatulong o mawalan siya ng malay, tumayo ako, isinarado ang bintana pero may nakita akong taong umakyat sa gate pa pasok sa loob ng pamamahay ko agad kong kinaladkad si Felix patungo sa banyo at kumuha ng lubid at itinali siya sa gilid ng bowl at mabilis isinarado ang bintana na pwede niyang daan palabas at inilagay ang panyo sa kaniyang Bibig, lumakad na ako palabas isinarado ang pinto.

Mabilis akong bumaba patungo sa sala kung saan dumaan ang lalaking nakita ko.

May hinahanap siya, gumapang ako patungo sa gawi niya habang hindi niya ako napapansin kumuha ako ng kutsilyo at itinapat sa kaniya pero nailagan niya at humawak siya sa aking kamay kaya nabitawan ko ang aking hawak, napasigaw ako sa sakit dahil pinilipit niya ang aking kamay napaluhod ako at sinamantala ang kaniyang ginawa, nakita ko ang tali sa gilid pilit kong inaabot iyon at inilagay sa kaniyang paa saka hila kaya natumba siya, rinig na rinig ang lagabog ng kaniyang ulo sa sahig at may nakita akong dugo, hinila ko siya sa paa at kinaladkad patungo sa kwarto nagmadali ako dahil naaninag kong parating si Inday habang kumakanta.


Continue Reading

You'll Also Like

Fate By Mani

General Fiction

357K 18.4K 96
fate : be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Often people try to navigate through life with their own plans and wonder why thi...
63.2K 3K 148
Mo Chen traveled to the Collapse World and obtained a character strategy simulator. In simulation after simulation, he conquered the conquerable char...
159K 6K 77
Not many people understood 12 year old Jessica, as a person and an individual. That doesn't include, however, her older sister, who Jessica adores w...
566K 15.4K 78
A butler was the job description. Do what he wants. Get what he desires. That's all I have to do, but suddenly, I am thrown into a completely differe...