Worthless (Published Under MP...

By jonaxx

95.9M 2.3M 1.4M

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga b... More

Worthless
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes

Kabanata 55

1.4M 32K 27.4K
By jonaxx

Kabanata 55

Noah's Story



Tahimik ako habang nasa hapag. Parehong maingay si Rozen at Coreen habang kumakain kami. At ibang klase din kung mag usap si Mr. Elizalde, Noah, at Rozen tungkol sa business. Paminsan minsan ay sinasali pa nila si Wade na mukhang may interes din sa business.

"Meg! Do you drink?" Ngiti ni Reina nang napansin na tinitingnan ko silang nag uusap pagkatapos kumain.

Tumango ako at tiningnan ang isang bote ng beer na dala niya. Pero bago ko pa iyon mainuman ay bumaling na si Noah sa akin at sumimangot. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga. "No alcohol."

Ngumiwi ako sa kanya. "It's just beer. Nagiging OA ka. Alam kong may pagkakamali ako nong uminom ako at nalasing pero-"

"No buts." Aniya at hinalikan ang gilid ng aking tainga bago bumaling ulit sa kanyang daddy at nagpatuloy sa pinag uusapan.

"Ang OA mo, Noah!" Sabi ni Reina at kinuha ang bote ng beer pagkatapos ay nagmartsa pabalik sa kitchen.

"Sorry, baby." Sabi ni Noah sa kapatid.

Nakita ko ang mga mata ni Wade na sumusunod sa kung saan pumunta si Reina. Habang si Coreen naman sa harap ko ay patuloy na kumakain ng paunti-onti. Nagtawanan ang mga lalaki dahil sa pinag uusapan nang biglang naging seryoso.

"Itutuloy mo na hindi ka mag rerenew ng contract, Wade?" Tanong ni Rozen kay Wade.

"Pinag iisipan ko pang mabuti. Nairenew ko na ang three-year contract ko sa Moon. But then I'm thinking pag bubuo na kami ng pamilya ni Reina ay gusto kong lagi akong nariyan. I hate tours. I mean, I like it when Reina's with me, pero kung magpapamilya na kami ay hindi naman yata pwedeng sumama siya palagi sa akin."

Tumango si Mr. Elizalde sa sinabi ni Wade kaya nag usap ulit sila ng tungkol sa business.

"Hmmm. Ayan na naman ba ang pinag uusapan ninyo?" Sabi ni Reina nang nakabalik sa hapag. "Stop it, Wade. Your fans need you. And that's your passion. Ever since, hindi ba? Hindi naman ibig sabihin na pag tinuloy mo pa iyan ay hindi ka na magiging mabuting ama." Lumapit siya kay Wade at agad pinulupot ni Wade ang kanyang braso sa baywang ni Reina at hinalikan ang kamay.

"Mag gi-give way na ang Going South sa Zeus!" Tawa ni Rozen.

"Iba ang genre nina Noah, Rozen. Kaya paniguradong hindi sila maikukumpara." Ani Coreen at sinubo ang isa pang barbecue.

"Wade, pwede mo namang sabihin kay mommy na mag la-lie low muna kayo. And besides, kawawa naman ang mga kasama mo sa Going South." Sabi ko.

"Gusto na rin naman ni Adam na mag concentrate sa kanyang pamilya. We have been number one for years. We have enough funds for a lifetime." Ani Wade at huminga siya ng malalim, yakap parin si Reina.

"Surely this is not just about the funds? Kasi kaya kong iwan ang Zeus at mag concentrate sa pag iinvest at mag travel na lang kasama si Megan kung gusto ko. I love music at isa pa, ganon rin ang mga kasama ko sa Zeus. If we can do this together, then why not, hindi ba?" Ngiti ni Noah habang inaakbayan ako.

Tumango ako sa sinabi niya. "He's right, Wade. It's about your passion." Sabi ko.

Iyon ang naging laman ng aming pag uusap buong gabi. Kaya inisip ko ring tulungan si Wade tungkol doon lalo na sa pakikipag usap kay mommy. Kaya lang ay sa linggong ito ay kung hindi trabaho ang pinagkakaabalahan ko ay iyong birthday kong nalalapit naman.

Si Noah pa ang nagmamaneho sa akin nang kunin ko ang dress ko pagdating ng Biyernes. Gusto niyang araw-araw akong sunduin kahit na imposible iyon dahil sa hectic ang schedule niya. Kaya sa Biyernes ay sinadya kong magpagabi, inaayos ang trabaho at naghihintay na rin kay Noah.

"May susuotin na ba kayo?" Tanong ni Ma'am Alice kay Ma'am Alexis habang abala ako sa pag iedit.

Inimbitahan ko ang ka team ko sa aking birthday. Maging si Ysmael ay imbitado. Ganon kasi ang bilin ni daddy. Aniya'y minsan na silang nagkakilala dahil na rin sa nature ng business nila. Kaya binigay ko na lang kay Fiona ang imbitasyong para sa kanya. Hindi na kasi kami nagkita nitong mga sumunod na araw dahil abala din siya sa mga meeting. Inisip ko ngang iniiwasan niya rin ako. I need to somehow say sorry but how can I do that? Dahil tingin ko ay patong patong na ang galit niya sa akin.

Pinaglalaruan ni Noah ang kanyang daliri sa sofa nang lumabas ako sa fitting room. Lumipat ang mga daliri niya sa kanyang labi at tiningnan akong mabuti. Walang ekspresyon sa mukha.

"Ang ganda!" Anang assistant nong designer na wala na roon dahil ginabi na kami sa pag kuha.

Tinagilid ko ang ulo ko dahil bigat lang sa mga mata ni Noah ang nakita ko. Hindi ko alam kung nagandahan ba siya o hindi.

"What do you think, Noah?" Tanong ko.

Bigla siyang tumayo sa pagkakaupo niya.

"Ho! Nagandahan si sir kaya speechless!" Sabi nong assistant at pumalakpak pa.

Uminit ang pisngi ko lalo na nang napansin ang bigat ulit sa kanyang mga mata. Tinalikuran ko ang papalapit na si Noah at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin na nasa loob ng fitting room.

"Can I ask for a glass of water, please?" Baling ni Noah sa assistant na agad nataranta. Damn he's always so intense!

"Sure po! Sure!" Aniya at mabilis na umalis ang assistant na tanging naroon sa may fitting room bukod sa amin.

"Ano, Noah? Maganda ba?" Tanong ko.

Hinaplos niya ang baywang ko at pinulupot niya ang kanyang braso sa aking tiyan habang ang kanyang labi ay lumalapat na sa aking leeg. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Ang itim na long dress na suot ko ay kumikinang ng husto sa lights ng fitting room. Ang mga sequins at kristal na ginamit ay hinaplos ni Noah mula dibdib ko pababa, dahan-dahan.

"Very beautiful." Bulong ni Noah. "But then I like you most when you're wearing me."

Huminga siya ng malalim sa aking leeg na kitang kita dahil sa mababang neckline nito. Kinagat ko ang labi ko at may kung anong kuryente ang namuo sa aking batok.

"Noah, seriously." Sabi ko.

Hinaplos niyang muli pataas ang damit ko. Ang medyo nakikitang cleavage ay tinaas niya para matabunan ng konti. "'Yong akin ay akin lang dapat. Hindi pinapakita." Aniya.

"Heto na po ang tubig!" Natarantang sinabi nong assistant.

Maging ako ay nataranta kaya bahagya kong naitulak si Noah palayo sa akin nang harapin siya. Kitang kita ang pagkakailang sa mukha nong babae at nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa baso. Hindi natinag si Noah. Naroon lang siya sa aking likod at nanatiling nakapulupot ang kanyang kamay sa aking baywang.

"Ilagay mo lang sa mesa." Aniya sa malamig na tono.

"Okay po!" Sabi nong babae.

"Sandali lang, Miss." Sabi ko nang napansing nagdadalawang isip siyang umalis o hindi.

"Po?" Aniya at bumaling sa akin.

"Okay na 'to. Tatanggalin ko na." Ngiti ko sa kanya.

"Why don't you let me?" Bulong ni Noah at hinalikan niya ang aking balikat.

Umirap ako. "Noah..." at bumaling sa kanya.

Ngumisi siya at tinanggal ang kamay na nakapulupot sa katawan ko. "Alright, alright!"

Umiling ako at hindi ko napigilan ang pag ngisi.

Pagkauwi namin ay busy na rin sa bahay dahil sa mangyayari kinabukasan. Kabado pa ako sa dami ng media na inimbitahan ni mommy. What is this? Birthday of the Year? Mom really likes flashy things. Siguro ay dahil na rin sa trabaho niya ay nasanay siyang ganito.

Naisip ko tuloy na mabuti na lang talaga na nasa U.S. ako habang papasikat pa lang ang Moon Records. Dahil kung narito ako ay paniguradong tuwing birthday ko ay ganito ka bongga. I'm satisfied with just a few family members, friends, food, that's all. Pero hindi yata iyon pwede kay Alejandra Marfori.

Umaga ng birthday ko ay abala na ang lahat sa mangyayari. Habang naliligo ako ay dinala ko ang cellphone ko sa bathroom. Tunog ito nang tunog dahil sa sari saring bati galing sa mga kaibigan ko. Tuwing tumutunog ay pinapatay ko ang shower at tinitingnan kung si Noah ba ang nag text.

Tuwing hindi ay bumabalik ako sa shower para maligo ulit. Inisip kong baka ay tulog pa siya kaya ganon ngunit nang nag tanghali at pumunta na ako sa hotel kung saan gaganapin ay hindi parin siya nag text. Naroon na ang make up artist at ilang photographers, naghahanda sa event at sa mga behind the scenes.

"Naku, Megan. Bitiwan mo muna iyang cellphone mo. We'll have to shoot." Ani Hugo, ang bading na kaibigan ni mommy pagkatapos akong makitang tingin nang tingin doon.

Ngumiti ako at pumikit nang lagyan ulit ng eyeshadow ang mata ko. "Hugo, tingin mo dadalo 'yong mga inimbitahan ni mommy at daddy na mga businessman?"

"Of course! Pag ang mga Marfori na ang mag papasabog ng party ay paniguradong dadaluhan ng lahat. Lalabas ito sa magazines, Megan. Hindi mo ba alam iyon?" Kumunot ang noo niya.

Nagkibit balikat na lang ako at hinayaan ang artist na gawin ang mukha ko para sa gabing iyon.

Mga bulaklak ay nagdagsaan sa suite ko. Iba-iba at malalaki. Ang bawat isa ay tiningnan ko at hinanap kung naroon ba kay Noah. Hindi nagpaparamdam ang isang iyon. Napaparanoid na ako! Pupunta kaya iyon? Dalawa lang iyan: may sorpresa o nagpapa miss lang!

"Sino? Sino?" Dinig ko ang boses ni Hugo habang tatlong camera ang nakatutok sa akin.

Sa salamin ay kitang kita ko kung paano siya tumango sa at nagkukunot ang noo sa bawat pagbabalita ng kanyang assistant sa kung ano. Hindi ko naman matanggal ang ngiti ko dahil sa nakatutok na camera.

"Okay, 'yong gown niya naman." Sabi nong photographer at doon naman sila dumagsa sa gown kong naka damit sa mannequin.

Bumaling ako kay Hugo at umiiling siya sa pakikipag usap sa kanyang assistant. Bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok ang naka kulay champagne dress na si Diva at ang isa pang bading na kaibigan din ni mommy.

"Diva!" Sabi ni Hugo at nilapitan agad si Diva na nakapasok na sa aking suite. "You look so pretty!"

"Thanks, Hugo." Nagkibit balikat si Diva.

"Sino may gawa ng gown mo?" Tanong ni Hugo.

"The usual, Hugo. Alam mo naman ako, kung sino ang first love, siya na talaga rin ang huli." Tumawa si Diva at makahulugang nginitian si Hugo.

"Hugo, what do you think? Sasabihin ba natin kay madame?" Tanong ng kararating na bading.

"We should. Dapat ay hindi na kasi dagdag sakit sa ulo ito pero kung involve ang kanyang pamangkin-"

"What is it, Hugo?" Hindi ko na naiwasan ang pagsasalita.

Napatingin silang apat sa akin. Sumulyap ako kay Diva na ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako pabalik pero agad ding ibinalik ang tingin kay Hugo.

"Dear..." Ngisi niya at naglakad pabalik sa akin. "Wala ito. Relax!"

"Sinong pamangkin? Everlyse o si Stan?" Tanong ko, hindi pumapasa ang kanyang pag ngisi.

Tumikhim siya at bumaling sa bading at sa babaeng bumubulong sa kanya kanina. "Nasa suite niya na ba si Everlyse Marfori?" Tanong niya.

Umiling ang dalawa. Bumaling ulit si Hugo sa akin.

"Atin atin lang muna ito, Megan. Ayaw kong ma stress ang mommy mo at birthday mo pa naman ngayon." Tikhim niya.

Hindi na ako makapaghintay sa sasabihin niya tungkol sa mga pinsan ko kaya tumahimik ako at nakinig.

"Nag aaway-away ang Zeus ngayon. 'Yong pinsan mong vocalist, si Stan, medyo mainit ang ulo kanina nang dumating sa venue. Nakuhanan iyong pagtatalo nila nong drummer ng Zeus kaya baka maging issue pa ito." Iling ni Hugo.

"What? Why? Ba't sila nag away?" Tanong ko, nalilito.

"Ganyan talaga, Hugo. Noah will need to sacrifice one. He needs to choose. He can't have both. Career or lovelife." Ani Diva na ngayon ay sumasandal na sa isang sofa ng suite ko.

May pumasok pa roong isa pang make up artist at may sinabi sa kanya. Bumaling ako kay Hugo.

"What's wrong with Noah?" Tanong ko.

"Hindi niya sinabi but somehow, nakarating ang balita na aalis siya sa grupo. And Stan is furious about it." Ani Hugo.

"Aalis si Noah?" Gulat kong sinabi.

Hindi ko alam kung alam ba ng mga tao rito na may koneksyon kami ni Noah. Bago pa lang kami at hindi pa namin naipapakita sa lahat na kami na nga dahil sa pagiging busy nitong mga nakaraang araw.

"Ganyan talaga, no? Like Wade Rivas. Kung hindi siya natali sa kanyang wife ay hindi siya mag iisip na umalis sa grupo. Kung hindi sana siya nagpakasal ay buong buo ang Going South in the next years." Iling nong babae na kilala ko bilang Ludy.

"Why? Magpapakasal na ba si Noah?" Tanong ko, nalilito.

Tumawa si Diva habang inaayos ng kanyang artist ang kanyang buhok. "Maybe? We don't know. I mean, it has to be life changing. Iyong dahilan ng pag alis niya. I've known Noah for a quite long time at ang masasabi ko ay passionate siya sa musika, mahal niya ang banda at lalong lalo na ang mga kaibigan niya kaya kung ano mang higit pang bagay roon ang nakapagpabago sa isip niya ay paniguradong importante iyon." Nagkibit balikat ako.

Hindi na maitsura ang mukha ko habang nakikinig kay Diva. Hindi ako makapagsalita. Kanino magpapakasal si Noah? Sa akin? But then why would he leave the group?

"Miss Diva, pwede bang magpapicture kayong dalawa ni Miss Marfori?" Tanong nong isang photographer.

"Sure!" Sabi ni Diva at bumaling sa akin. Tumayo siya samantalang tulala pa ako. Maraming naglalarong tanong sa aking utak.

"Megan." Tango ni Hugo sa akin.

Tumango ako at tumayo na rin para tumabi kay Diva at magpapicture.

"Fantastic!" Ngisi ni Hugo habang kinakalabit na naman siya noong bading sa kanyang gilid. Iritado siyang tumingin rito at may ipinakita pa ito sa kanyang iPod. "Holy shit!" Sigaw ni Hugo at nagtakip ng bibig, nanlalaki ang mga mata.

"Puntahan natin si Madame." Sabi nong babae.

"What happened?" Tanong ko, kinakabahan.

Bumaling rin si Diva sa kanila at ang mga photographers ay abala naman ngayon sa invitation, sa sapatos ko, sa iba pang detalye sa aking birthday.

"Dear, magpaganda ka lang diyan. Puntahan muna namin si Madame. You don't need to know all of these." Iling niya at silang tatlo agad ang lumabas.

Nanatili ang titig ko sa pintuan habang si Diva ay nakahalukipkip at lumapit sa akin. Inayos niya ang kanyang buhok, nakatingin sa salaming attached sa tukador na ginagamit ko.

"Ano 'yon?" Tanong ko, nagtataka parin sa nangyari.

Nagkibit balikat siya. "Hindi ko alam. Maybe still about Zeus."

Nakatingin ulit ako sa pintuan, kinakabahan. Hindi matanggal sa akin ang galit ni Stan at ang desisyon ni Noah. Bakit niya iyon gagawin? Kinuha ko ang cellphone kong nasa harap ng tukador at mabilis na hinanap ang pangalan ni Noah.

"Alam mo bang ayaw ng manager ng Zeus ang magpakasal ang kahit sino sa kanila? Alam kasi nila na pag ganon ay baka mawasak ang banda." Ani Diva na siyang dahilan kung bakit natigil ako sa paghahanap sa numero ni Noah.

"I know. We've been in this business for years. Ganon talaga." Hindi ko maiwasan ang tabang sa aking tono.

"Kaya sayang si Wade kung aalis siya. Kung aalis siya. Hindi pa naman yata iyon sigurado. And for Noah, sayang at rising ang Zeus. Kung aalis siya ay paniguradong manghihinayang siya sa maaabot nina Stan. Iyon ay kung buo parin ba ang Zeus pag alis niya."

Gusto kong sabihin na ilang beses silang nawalan ng vocalist at hanggang ngayon ay buo parin naman sila. But then I don't want him to walk out of Zeus just because they can manage it without him! Gusto kong parte siya doon. Hinangaan ko siya noon dahil sa pagmamahal niya sa musika at sa paghahabol sa kanyang pangarap. Ngayon na nagtatagumpay na sila ay dapat niya iyong gawin!

"Kawawa naman sina Stan, Warren, at Joey." Sabi ni Diva at umiling pa siya bago tumingin sa akin.

Hindi na maitsura ang pag aalala ko. Isang kalabit na lang at tatawagan ko na si Noah.

"I know he's going to propose to you now." Seryoso niyang sinabi sa akin.

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Pero dahil sa mga sinabi ni Hugo kanina ay nasindak ako sa siniwalat ni Diva.

"Don't allow that to happen if you can help it. Sayang ang Zeus. And I know what's between you two..." Aniya. "Alam kong bago pa lang kayo. Magpapakasal agad kayo?"

"Thanks, but I think ako ang dapat magdesisyon niyan." Nanliit ang mata ko.

Ngumiti siya, nanunuya. "I know Noah's story. How he pursued Coreen and failed because of his brother. Hindi mo ba napansin na tsaka ka lang niya niligawan nong nagpakasal na si Rozen at Coreen? Hindi kaya ginagawa ka lang niyang panakip butas?" Tinagilid niya ang kanyang ulo.

"P-Paano mo nalaman ang lahat ng iyan?" Nanginginig ang boses ko nang tanungin ko siya nito.

Gusto kong magpakatatag pero ang mga salita niya ay nanunusok sa aking kalamnan. I know all the fucking facts! I don't need anyone to enumerate anything!

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 60 5
Isang malaking pagdiriwang ng mga Pilipinong Wattpadder ang hatid sa inyo ng AmbassadorsPH, WattpadRomancePH, WattpadFanFicPH, at WattpadFantasyPH! ...
1.2M 50K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
49.4M 1M 90
It seems like everything is falling into place para kina Kurt at Gail. They have a baby on the way, suportado sila ng barkada at pamilya nila, and th...
7.2M 183K 29
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...